You are on page 1of 14

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS

College of Tourism and Hospitality


Management Hospitality Management
Department

Saliksik-wika

BAGO: Pagmamapa ng Salita Ayon Sa Industriya ng


Turismo at Hospitalidad

Mga miyembro:

Campo. Jotham Russel. C

Cerezo, Christian. M

Del Rosario, Tomy Angelo M.

Lagera, Riz Gilbert D.

Manalang, Pierre M.

Ikatlong Grupo

3HCE1

Ipinasa kay:

Ginang Myra De Leon

Disyembre 6, 2022
UNIVERSITY OF SANTO TOMAS
College of Tourism and Hospitality
Management Hospitality Management
Department

Mga Bahagi ng Saliksik-wika

I. Introduksiyon

Ang mga Pilipino ay typical na mga tao na kapag naka-kita ng “bagong”


kagamitan at bumibili ng mga kagamitang hindi naman kailangan at gagamitin dahil uso
lamang ito at bago sa paningin ng tao. Inobasyon o pag-babago ng
kagamitan,technolohiya, at pag-gamit nito, layunin ng innovasyon sa mga tao na
mag-karoon ng bagong idea at teknolohiya na makaka-tulong maka-buo ng
produksyon at kahalagan nito kung papano gagamitin at kung makaka-tulong ba ito sa
bansa. Ang importansya at gampanin ng salitang "bago" ay epektibo at magagamit sa
industriya ng turismo at hospitalidad dahil sa mga naka-raang taon ay maraming
“nag-bago” sa mga patnubay ng mga typical na establesimiento at ang mga rason dito
para mag-karoon ng kaligtasan sa tao at kalikasan gaya na lamang ng pag-sunod sa
protokol.

Pokus ng pag-aaral

Ang pokus at pag-aaral ng papel na ito ay tungkol sa pag-salik at paano natin


bibigyanng kahulugan ang salitang "bago" sa ibat'ibang paraang pag-intindi at lawak
ng salitang ito. Mahalaga rin talakayin at pahalagahan ang pag-gamit ng "bago" sa
industriya ng turismo at hospitalidad dahil sa importansiya nito gaya na lamang ng
pag-gamit ng “pagbabago o inobasyon” sa establisimiento ng bansa, maari din
gamitin ang salitang ito sa kursong “culinary arts” o pag-luluto. Pinapa-hayag din ng
papel na ito ang pag-intindi, kung paano sinimulan unawain at palawakin ang
bokubalaryong ito sa indibidwal na mamayang pilipino at importansiya ng salitang ito.
UNIVERSITY OF SANTO TOMAS
College of Tourism and Hospitality
Management Hospitality Management
Department

Disenyo at metodo ng pananaliksik

Mga disenyo at metodo ng pananaliksik na ginamit dito ay kwalitatibong pananaliksik


upang mas marami makuhang impormasyon kung saan pa maaring gamitin ang
salitang “bago”. Ang mga nakalap na impormasyon sa aming pananaliksik ay
naglalayong alamin ang mga gamit ng salitang napili sa usapin na may patungkol sa
larangan ng Hospitalidad at Kulinarya. Ang mga impormasyong nakalakip sa
pananaliksik na ito ay makakatulong upang mas mapalalim at mapalawak pa ang ating
kaalaman ukol sa salitang napili.

II. Elaborasyon ng mga Kahulugan ng Salita

A. Denotasyon

I. Kahulugan ng salitang “bago” ayon sa Tagaloglang.com

:[Pangngalan] di-luma, iba, sariwa

II. Iba’t ibang kahulugan ng salitang “bago” sa iba’t ibang mga diksyonaryo
Merriam Webster

● Before: dati

:[Pang abay] panahon bago ang isang partikular na kaganapan o


oras.

● Different: magkaiba

:[Pang uri] ]bahagyang o ganap na hindi katulad sa kalikasan, anyo,


o kalidad

● Naive: walang muwang

:[Pang uri] kulang sa makamundong karunungan o matalinong


paghuhusga.

● Start: simula
UNIVERSITY OF SANTO TOMAS
College of Tourism and Hospitality
Management Hospitality Management
Department

:[Pandiwa] upang simulan ang isang kurso o paglalakbay.

Oxford Learner’s Dictionary

● Before: dati

:[Pang ukol] mas maaga kaysa sa isang tao/isang bagay.

● Different: magkaiba

:[Pang uri] hindi katulad ng isang tao/isang bagay; hindi tulad ng


isang tao / ibang bagay.

● Naive: walang muwang

:[Pang uri] hindi nagpapakita ng sapat na kaalaman, mabuting


paghuhusga o karanasan sa buhay; masyadong handang maniwala
na ang mga tao ay laging nagsasabi sa iyo ng totoo.

● Start: simula

:[Pandiwa] upang simulan ang paggawa o paggamit ng isang bagay.

Sa ano mang wika, ang pag gamit ng salita ay may iba’t ibang kahulugan
depende sa istruktura ng pangungusap at kung paano mo ito bibigkasin. Gaya
na lamang sa Filipino, sa salitang “bago”. Ayon sa Tagaloglang.com, ang ibig
sabihin nito ay “hindi luma, iba, o sariwa”. Unang ibang depinisyon o before
ang ibig sabihin nito ay dati ayon sa Merriam Webster. Pangalawang
depinisyon o different ayon parin sa Merriam Webster, ganap na hindi katulad
sa kalikasan. Sa ika tatlong depinisyon naman o naive, ang ibig sabihin nito ay
kulang sa makamundong karunungan ayon sa Merriam Webster. At pang
huling depinisyon ay ang start na ang ibig sabihin ay upang simulan ang isang
kurso. Maiuugnay ang salitang “bago” sa industriya ng turismo at hospitalidad
dahil sa mga makabagong pamamaraan ng pagluluto o sa mga kakaiba at
makabagong resipi, kasama na rito ang makabagong pamamaraan ng travel
at mga bagong paraan ng pagsulong ng turismo. Ang Salitang “bago” ay
isang komplikadong salita kung saan ito ay ginagamit sa iba’t ibang paraan at
UNIVERSITY OF SANTO TOMAS
College of Tourism and Hospitality
Management Hospitality Management
Department

iba’t ibang larangan sa mundo ngunit huwag katakutan, ang salitang “bago”
ay nagpapahiwatig ng paglago at pag-unlad.

B. Etimolohiya

Ang pinanggalingan ng salitang “bago” ay nagmula sa Proto-Austronesian


(map-pro) na (ma-)baqəʀuh at Proto-Malayo-Polynesian (poz-pro)na
(ma-)baqəʀu na ang ibig sabihin ay recently made or created sa salitang Ingles.
Ang salitang bago sa tagalog ay nangangahulugang change into something
different sa ingles. Mayroon ring ibang depinisyon ang salitang bago, mayroong
siyudad sa Pilipinas na nagngangalang “bago” na kung saan ito makikita sa
probinsya ng Negros. Ang salitang bago rin ay mayroong iba pang kahulugan
ang una ay “to change” sa ingles at ang pangalawa ay “New”

III. Mga Diskurso ng Iba’t ibang Komunidad Pangwika Elaborasyon ng gamit

● Elaborasyon ng gamit

Sa parte ng saliksik na ito, tatalakayin dito ang iba’t ibang uri, depinisyon,
at gamit ng salitang “bago”. Dito, malalaman natin ang iba’t ibang klase sa
paggamit ng salitang ito sa larangan ng kulinarya, teknolohiya, at edukasyon.
Maipapakita rito kung paano nagpapalit ang kahulugan at nagagamit ang
salitang "bago" sa larangan ng kulinarya teknolohiya, at edukasyon ayon sa
denotasyon at etimolohiya nito.

● Komunidad pangwika 1: Kulinarya

Ang salitang "bago" ay ginagamit sa larangan ng kulinarya sa


depenisyong iba sa dati, kumbaga bagong paraan ng pagluluto o new
recipe. Habang ang salitang "bago (before)" ay nangangahulugan ding
orihinal na paraan ng pagluluto o original recipe (Originated from).
Kadalasan, naririnig din salitang "bago" o "pagbabago" sa kulinarya, ang
depinisyon nito ay pagandahin o haluan ng ibang sangkap ang isang
UNIVERSITY OF SANTO TOMAS
College of Tourism and Hospitality
Management Hospitality Management
Department

putahe o tinatawag na innovation. Ang salitang "bago" ay madalas


ginagamit sa larangan ng kulinarya dahil marami ang paraan ng pagluluto,
may iba't ibang sangkap, at pagsasanib ng mga lutuin ng iba't ibang mga
bansa. Importante ang salitang ito dahil naipapahayag nito ang orihinal na
paraan ng pagluluto, iba sa dating paraan ng pagluluto, at pagpapaganda
ng iba't ibang mga putahe.

● Komunidad pangwika 2: Teknolohiya

Sa larangan ng teknolohiya, hindi bago ang salitang "bago".


Ginagamit ito sa kapag nagkaroon ng mga bagong ideya o imbensyon sa
larangan ng teknolohiya. Nagagamit din ang salitang ”bago” sa pagtukoy
ng mga lumang teknolohiya na wala pang pagbabago na naganap
(before the innovation) nung natuklasan iyon. At ginagamit din ito sa
pagbabago (change), dahil sa paglipas ng mga taon sa pag usbong ng
teknolohiya, pinapadali nito ang ating mga buhay at binabago nito ang
takbo ng buhay ng mga tao.

● Komunidad Pangwika 3: Edukasyon

Ang salitang "bago" sa edukasyon ay ginagamit sa mga hindi pa


natatalakay na mga aralin (bagong aralin) o mga mag-aaral kakalipat lang
sa isang paaralan (Bagong mag-aaral). Pwede rin ito magamit sa
pamamagitan ng pagbago o paglipat ng paaralan. Kadalasan naririnig din
ang salitang "bago" sa tuwing magsisimula pa lamang ang isang klase.

● Elaborasyon ng anyo at kahulugan

Base sa elaborasyon ng gamit, makikita na ang salitang "bago" ay


pwedeng gamitin sa iba't ibang paraan at may iba't ibang kahulugan.
Nagagamit ang salitang "bago" sa larangan ng kulinarya dahil marami
ang bagong paraan ng pagluluto, Ipinapahayag nito ang orihinal na
paraan ng pagluluto, iba sa dating paraan ng pagluluto, at pagpapaganda
ng iba't ibang mga putahe. Importante na alam natin ang mga gamit ng
salitang "bago" sa industriya ng kulinarya dahil madalas ito magagamit
UNIVERSITY OF SANTO TOMAS
College of Tourism and Hospitality
Management Hospitality Management
Department

lalo na't umusbong ang pagbabago sa industriya ng kulinarya kada taon.


Ginagamit ito sa lahat ng organisasyon na may kinalaman sa pagluluto.

Sa larangan ng edukasyon, hindi maitatanggi na madalas rin


nagagamit ang salitang “bago”, at ang kahalagan nito sa pag-gamit o
intindihin ang importansya nito. Ginagamit ito bilang pagpapahayag sa
bagong aralin at bagong mag-aaral, pag palit o pag bago ng paaralan, at
ginagamit din ito bago magsimula ang klase. Mahalaga na alam natin ang
gamit ng salitang “bago” sa larangan ng edukasyon dahil kada-taon ay
tumataas ang antas ng pag-aaral ng isang bata kaya paniguradong
magkakaroon ito ng bagong aralin, bagong kamag-aaral, o kaya bagong
paaralan.

Ang pag-intindi at pag-gamit ng salitang teknolohiya ay maraming


pinag-gagamitan at pinapalawak ang ideya ng mamayang tao sa ibat’
ibang paraan. Katulad na lamang ng pag-gamit at ayon ng salitang
“bago” sa teknolohiya na maihahambing. Isang halimbawa ay ang
pag-gamit ng “binago” ang mga kagamitan at sistema ng mga partikular
na establisimiento dahil sa pag-sulong ng bagong teknolohiya na maaring
magamit ng mga tao upang mapa-dali at mag-karoon ng mabilis na
proceso ang mga ginagawa nila sa pang-araw araw. Dagdag pa rito ang
pag-kakaroon ng “bagong” ideya sa pag-gamit ng teknolohiya sa
komunikasyon na mag-bigay daan sa mas magandang pakikipag-ugnayan
lalo na’t ang mga tao ay naka-depende at napapa-dalas ang pag-gamit ng
teknolohiya.

Ang tinalakay na salitang “bago” ay may iba’t ibang depinisyon at mga


layunin na pwedeng magamit sa maraming paraan. Importanteng
maintindihan ng mga tao ito, dahil malawak ang ideya ng salitang bago
at posibleng magkaroon ng ibang interpretasyon sa pag-intindi kung ito
ay mali o iba ang maging dating dahil sa pag-kasabi nito. Mahalagang
binigyang detalye ang elaborasyon ng “bago” dahil sa panahon
ngayon naisasaad na siya sa maraming paraan, sistema, at pagtuklas
ng mga posibleng pagbabagong gagawin sa ating kasalukuyang
panahon at matukoy ang punto nito.
UNIVERSITY OF SANTO TOMAS
College of Tourism and Hospitality
Management Hospitality Management
Department

D. Payak na Dayagram na magpapakita ng daloy ng pagtalakay

Makikita sa ibaba ang dayagram 1 na isang biswal sa repesentasyon kung saan


matutunghayan ang mga pinag-sangayan ng anyo, kahulugan, gamit, at iba pang
konteksto ng salitang “bago”. Nangunguna sa dayagram ang iba’t ibang gamit at
kahulugan patungkol sa mga larangan ng Kulinarya, Edukasyon, at Teknolohiya.

Mapapansin rin na ang salitang “bago” sa dayagram ay hindi binago ang anyo
ngunit dahil sa iba’t iba larangan nagiiba-iba ang kahulugan nito. Ang orihinal na ibig
sabihin ng “bago” ayon sa tagalog.com ay “di-luma, iba, sariwa”. Dagdag pa rito ang
pag-gamit ng “bago” bilang panimula/simula sa iisang bagay halimbawa ay ang simulan
ang isang kurso o pag-lalakbay, pwede din ay ang panimulang bagong buhay sa
panahong pandemya. Ngayon, ginagamit na ito para sa mga salitang “dati, magkaiba,
walang muwang, at simula”.
UNIVERSITY OF SANTO TOMAS
College of Tourism and Hospitality
Management Hospitality Management
Department

III. Mga Kahulugang Simbolikal

Ang kahulugang simbolikal and ginagamitan ng mga imahe o simbolo ang salita
para maipakita ang totoong kahulugan ng salita kung pano ito nagamit sa pangungusap
at para rin maintindihan ng mga nakikinig o mambabasa ang salita.

Sa aming pananaliksing nadiskubre naming maraming gamit ang salitang “bago”.


Narito ang ilang mga imahe na aming napili; kung saan maaring gamitin at talakayin
ang salitang bago. Makikita rin sa ibaba ang aming halimbawa na ginamit at pano
namin dinetalye ang malawak na salitang bago.
UNIVERSITY OF SANTO TOMAS
College of Tourism and Hospitality
Management Hospitality Management
Department

Sa larawang ito ipinakita na na ang salitang “bago” ay ginamit upang makapag


sabi ng posibleng mangyari. Sinasabi sa larawan na kailangan kainin na ang pagkain
dahil ang pagkain ay lalamig na at mag-iiba na ang lasa dahil ito ay lumamig na.

Sa larawang ito naman ipinapakita na ang salitang “bago” ay ginamit upag


makapag sabi ng kailangan ng sariwang gamit na pang eskwela ng mga estudyante. Sa
larawang rin ito na kailangan ng mga estudyante na bumili ng mga kagamitan na pang
eskwela dahil mag papasukan na.
UNIVERSITY OF SANTO TOMAS
College of Tourism and Hospitality
Management Hospitality Management
Department

IV. Konklusyon

Ang salitang “bago” ay may talaga namang napakaraming maaring


maging kahulugan na magagamit natin sa ating napiling trabaho o kahit sa pang
araw-araw lamang. Isa sa gamit ng salitang “bago” ay pagtukoy ng mga bagay na
unang beses palamang nadiskubre tulad ng mga lutuin na panibago sa ating panlasa.
Magagamit din natin ang salitang “bago” upang magkapagsabi ng nakaraan. Isa pang
mapaggagamitan ng salitang “bago” ay pagtukoy ng mga “innovation” sa ating buhay o
sa kahit ano pang aspeto ng ating buhay. Dahil sa pananaliksik na ito ay mas
natulungan kaming mas maintindihan ang ibat ibang kahulugan ng salitang “bago” at
magamit pa ito ng husto sa ibat ibang sitwasyon. Malaking tulong sa aming mga
mag-aaral ang ganitong klase ng saliksik upang makita at matuklasan namin ang
ebolusyon ng mga salitang ating ginagamit, dahil din dito ay mas napapagyaman natin
ang ating sariling wika at maging inspirasyon sa mga susunod pang mga henerasyon
na pangalagaan ang wikang Pambansa na Filipino.

V. Dokumentasyon ng Proyekto

A. Mga pinakanagustuhang konsepto ng grupo sa salitang sinaliksik

Ang nagustuhang konsepto ng aming grupo ay ang pag saliksing kung


ano ang ibat ibang gamit ng salitang “bago” dahil dito nadiskubre namin na ang
salitang bago ay nagagamit pa sa iba’t ibang kahulugan depende sa pag bigkas
o pag gamit sa pangungusap. Nadiskubre rin namin na ang salitang ito ay hindi
lamang nagagamit sa pag sasalita o pangungusap dahil nakita namin na may
isang syudad sa Pilipinas na matatagpuan sa Negros na ginagamit ang salitang
“bago’ sa kanilang lugar ito ay ang “Bago city”. Mas naging interesado kami sa
UNIVERSITY OF SANTO TOMAS
College of Tourism and Hospitality
Management Hospitality Management
Department

gawaing ito dahil hindi lamang kami makakatulong sa susunod na henerasyon


kundi madadala rin namin ito at matuturo sa iba pang kabataan.

B. Mga hamon sa paggawa ng saliksik wika ayon sa karanasan ng grupo

Sa aming grupo, naging malaking hamon sa aming saliksik ay ang hindi


kasanayang magbasa ng malalalim na filipinong salita kaya’t hindi namin
maiwasang mag hanap o mag transleyt ng salita sa internet. Dahil dito mas
naging mahirap ang aming pagsasaliksik at pag-iintindi ng mga salita na aming
binabasa. Nag-resulta ito ng mas matagal na pag gawa ng aming saliksik ngunit
nagawn namin ito ng paraan sa bandang dulo ay naging madali na ang mga
gawain.

C. Mga kasanayang natutuhan at nalinang

Ang aming natutunan at nalinang sa saliksik na ginawa namin ay, mas


marami pa palang ibig sabihin ang salitang “bago” at hindi lamang ito tumutukoy
sa isang salita o bagay. Maaring magamit at mapakinabangan ang salitang
“bago” sa iba’t-ibang klaseng aspetong ating makakaharap. Katulad sa pag-bili
o pag-hahahanap ng bagay at pag-babago sa naka-sanayan pamumuhay.
Halimbawa kung ang sitwasyon ay ang pag-bili ng bagong gamit sa shopee
application, Nag-bago na pala ang establisimientong ito dahil sa naka-raang mga
taon dahil sa pandemya. Dahil sa mga saliksik na ito, nagkaroon kami ng mas
malawak na idea at impormasyon sa salitang ito na dapat pina-pahalagahan at
mas intindihin kung pano gagamitin ang kahulugan at salitang ito. Importante din
mag-karoon ng sapat na kaalaman at bokabularyo sa bawat salitang ginagamit
at mga layunin nito.
UNIVERSITY OF SANTO TOMAS
College of Tourism and Hospitality
Management Hospitality Management
Department

D. Mga rekomendasyon para sa susunod na pag-aaral

Sa pagtatapos ng pananaliksik na ito, aming natunghayang at napag-tanto


na ang mga bawat salita ay may malawak na kahulugan at layunin ng iba’t-ibang
pag-gamit sa bawat larangan, kaya naman ang aming rekomendasyon sa mga
susunod na mananaliksik na kumalap pa ng mas maraming pag-kakaiba at uri ng
kahulugan na maaaring dumagdag at palawakin ang ideya ng salitang “Bago”.
Bukod pa rito, maaari nilang suruin, intindihin ng mas maigi ang salitang napili at
pwedeng gamitin ito sa larangang kanilang kinabibilangan o komunidad na
pang-wikang itatalakay, para din mabahagi ang mga hindi nabanggit sa saliksik
na ito. Panghuli ay ang pag-sagap at gamit ng mas marami pang iba’t ibang uri
ng simbolikal na kahulugan upang mas madaling maintindihan ng mga
mambabasa ang mga kahulugang ibinahagi.
UNIVERSITY OF SANTO TOMAS
College of Tourism and Hospitality
Management Hospitality Management
Department

VI. Mga Sanggunian

Bago City Negros Occidental. Bago City. (n.d.). Retrieved November 24, 2022,
from http://bagocity.gov.ph/

Bago etymology. Etymologeek. (n.d.). Retrieved November 24, 2022, from


https://etymologeek.com/tgl/bago

Bago meaning: Tagalog dictionary. Tagalog English Dictionary. (n.d.). Retrieved


November 24, 2022, from https://www.tagalog-dictionary.com/search?word=bago

Depinisyon ng bago, Kahulugan ng bago. (2022). Depinisyon.com.

http://m.depinisyon.com/depinisyon-15301-bago.php

Filipina-SWISS FAMILY Vlog. (2022). BALIK ESKWELA NA! BUMILI NG

BAGONG GAMIT NILA SA SCHOOL! EXCITED NA SILA! [YouTube Video].

In YouTube. https://www.youtube.com/watch?v=zATJ55FGAdQ

TagalogLang. (2022, October 25). BAGO = NEW. TAGALOG LANG.

https://www.tagaloglang.com/bago/

Tagalog. (2022). BAGO - How to Use “BEFORE” IN Filipino | English Tagalog

Tutorial| How to Speak Filipino Fluently [YouTube Video]. In YouTube.

https://www.youtube.com/watch?v=aJ615M66jwo

Merriam-Webster. (n.d.). Dictionary by. The Merriam-Webster.com Dictionary.

https://www.merriam-webster.com/

Oxford Learner’s Dictionaries | Find definitions, translations, and grammar

explanations at Oxford Learner’s Dictionaries. (n.d.).

https://www.oxfordlearnersdictionaries.com/

You might also like