You are on page 1of 7

EPEKTO NG MODERNISASYON SA PAG-AARAL NG WIKANG FILIPINO NG

MGA MAG-AARAL SA IKA SAMPUNG BAITANG NG CHRIST THE


KING COLLEGE DE MARANDING

MUTIA, KATRINA ABIGAIL PARADERO


OBTIAL, HENRIC IVAN LAGASE
SORIANO, PRINCESS ANN ROMERO
UNLAYAO, ALTHEA

SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


(STEM STRAND)

JANUARY 2024
KABANATA 1

KAPALIGIRAN NG PAG-AARAL
Ang modernisasyon ng wikang Filipino ay tumutukoy sa mga pagba-
bago at pag-unlad sa paggamit at pagtuturo ng wikang Filipino sa konteksto ng
paaralan. Maaaring kasama dito ang paggamit ng teknolohiya sa pag-aaral,
pagpasok ng mga bago at modernong paraan ng pagtuturo, o ang pagbabago sa
mga pamamaraan ng pag-aaral at paggamit ng wikang Filipino. Halimbawa na
lang ay ang paggamit ng ibat- ibang paraan upang mas mapaikli ang pagbigkas at
ang baybay ng wikang Filipino, ilang halimbawa ng pagpapalawak ng
bokabularyo ay ang paggamit ng akronim o ang paggamit ng mga letra na
sumasagisag sa isang salita o tumatayo bilang kahalili ng isang salita upang mas
madaling maintindihan. Sumunod na halimbawa ay ang pagpapalit ng mga salita
na ginagamit. Ang mga epekto na maaaring magkakaiba depende sa mga aspeto
ng modernisasyon na pinag-aaralan. Maaaring tukuyin ang epekto nito sa pag-
unawa ng mga mag-aaral sa wikang Filipino, sa kanilang kasanayan sa pagsasalita
at pagsulat, o sa kanilang pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.
Ayon kina Barker at Barker (1993), ikinukunekta ng wika ang nakaraan,
ang kasalukuyan at ang hinaharap.Iniingantan din nito ang ating kultura at mga
tradisyon. Maari raw mawala ang matatandang henerasyon, subalit sa
pamamagitan nito, ang mga sumusunod at sumusunod pang mga henerasyon ay
natututo o maaring matuto sa nakalipas na karanasan at sa gayoy maiiwasan ang
muling pagkakamali. Masasabi kung gayon na sa pamamagitan ng wika ay
umuunlad tayo sa mga aspektong intelektwal, sikolohikal at kultural. (Ang
Akademikong Filipino sa Komunikasyon nina Angelina L. Santos, Nerisa L.
Hufana, Emma B. Magracia, Reynaldo B. Tiosen)Ayon kay Flores (2014), ang
impluwensya ng social media ay nakakatulong sa akulturasyon ng Ingles sa isipan
at kultura ng mga Pilipino. Ginagawa ng wika makaimpluwensya sa katayuan sa
lipunan. Ayon kay Bienvenido Lumbrera (2007): “Parang hininga ang wika, sa
bawat sandal ng buhay natin ay nariyan ito. Palatandaan ito na buhay tayo, at may
kakayahang umugnay sa kapwa nating gumagamit din nito. Sa bawat
pangangailangan natin ay gumagamit tayo ng wika upang kamtan ang kailangan
natin.” Kasabay ng araw-araw na pamumuhay ng bawat indibidwal kabilang na
ang mga pulitiko, propesyonal, at mga simpleng mamamayan ay nakakabit na sa
kanila ang paggamit ng wika sa tuwing makikisalamuha’t makikipagtalastasan
upang kanilang makamtan ang layunin sa lipunang ginagalawan. Pinapatunayan
lamang nito na kapag ginamit at pinapalaganap ang Wikang Filipino kasabay ng
modernisasyon sa kasalukuyan ay maipapalaganap din ang produkto, kultura, at
iba pang ipinagmamalaki ng Pilipinas.
Ang mga mananaliksik ay humantong sa paksang ito dahil aming
napapansin na maraming kabataan o estudyante sa panahon ngayon na ginugugol
ang karamihan ng kanilang oras sa pagbababad sa mga social networking sites. At
napuna din ng mga mananaliksik na dahil sa social networking sites na ito ay tila
ba maraming bagong salita ang lumilitaw na siyang maaring nagbubunsod ng
modernisasyon ng wikang Filipino. Nais din nilang malaman kung indikasyon ba
ito na patuloy ang pagyabong ng wikang Filipino. Ngunit sa kabilang dako
naman, natapunan din nila ng pansin na tila ba unti-unting naglalaho ang ibang
mga kinagisnang salita. Ang mga mananaliksik ay magsasagawa ng kanilang pag-
aaral sa Christ the King College de Maranding sa ikalawang semestre 2023-2024
gamit ang paggamit ng inangkop at binagong mga talatanungan. Sa pag-aaral na
ito, naniniwala ang mga mananaliksik na ang pagsisiyasat at higit pa sa kaalaman
at salik na nakakaapekto sa mga mag-aaral sa Baitang 10.

PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong matulungan ang mga
modernisasyong mag-aaral sa Ika Samsung baitang ng CKCM na matuto ng
wikang Filipino.
Sa partikular na ito, ang mga mananaliksik ay naglalayong sagutin ang
mga sumusunod na katanungan:
1. Ano ang propayl ng mga responde sa mga aspeto ng:
1.1 Edad
1.2 Kasarian;
1.3 Baitang;

2. Mga Epekto ng modernisasyon sa wikang Filipino


2.1 Lipunan
2.2 Paaralan
2.3 Kultura

3. Possibleng maging solusyon sa Epekto ng modernisasyon sa pag-aaral ng


wikang Filipino.

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Sadyang napakahalaga ng wika sa buhay ng tao, dahil susi ito sa pag-
unlad, pag-kakaisa, at pagkaka-unwaan ng bayan. Kaya ang pag-aaral na ito ay
magiging kapakipakinabang sa nga susunod:
Sa Mga Mag-aaral at Kabataan - Ang pag-aaral na ito ay makakatulong sa
kanila upang kanilang malaman kung paano nakaaapekto sa ating wikang Filipino
ang bawat salita na lumalabas sa kanilang diwa at maging sa pananalita.
Mauunawan ng mga kabataan at mag-aaral ang mga responsableng paraan sa
paggamit ng bawat salita sa paglalabas ng saloobin nila sa social media.
Sa Mga Mamamayang Pilipino - Upang ipaalala na pahalagahan at wag ipakain
sa sistema ng modernisasyon ang kinagisnang wika at kultura ng ating bansa.
Sa Mga Susunod Pang Mananaliksik - Ang pag-aaral na ito ay maaari nilang
balikan at ito ay magbibigay sa kanila ng ideya na may kaugnay sa kanilang pag-
aaral

BATAYANG TEORITIKAL
Ang teorya ni Croft (2000) na Theory of Utterance Selection sa
kaniyang librong Explaining Language Change, na hinango sa teoryang Neo-
Dawrinian Evolution partikular ang Generalized theory of Selection na binuo ni
Hull noong 1988, kung saan ipinapahayag nito na ang wika ay hindi kusang
nagbabago bagkus ang gawain ng tao ang nagpapabago rito. Ayon kay Croftt, ang
pagsasalita, pakikipag- usap at pakikipag-interaksyon sa iba, at ang balarila ng tao
ang nagdudulot ng pagbabago sa isang wika. Ang ibig sabihin na pagbabago sa
wika ay sa pamamagitan ng replikasyon, kung saan ang istraktura ng wika ay
nagkakaroon ng iba't ibang replikasyon sa paglipas ng panahon dahil sa mga tao.
Ayon pa sa teoryang ito ay iba- iba ang pamamaraan ng pagsalita ng tao kung
kaya't, ang wika ay nagbabago batay sa kagustuhan ng tao kung paano niya
bigkasin at piliin ang wikang kaniyang gagamitin. Sa kadahilanang pagpili
lamang ng tao sa kanilang bibigkasin ay nagbabago at lumalago ang wika.
Ang teorya ni Zipf (1949) na Mabisang Teorya o Efficiency Theory ay
tungkol sa nangingibabaw na kagustuhan ng mga tao na piliin ang wikang mas
madali, mabisa, at maiksi. Bagkus, mas ninanais ng mga tao na magsalita na
walang pagsisikap. Ayon pa sa teoryang ito ay pinapaiksi ng mga tao ang wika
dahil mas mabisa at epektibo ito. Pinapatibay ng teoryang ito na dahil sa
kagustuhan ng mga tao ng mabisang wika'y, binabago nila ang wika sa paraan ng
pagpapaiksi nito. Sa kadahilanang ito'y patuloy na ginagawa at tinatangkilik ng
mga tao dahil mas gusto ng mga tao ang maiksing salita at mabilis na usapan. Sa
teoryang ito'y binabawasan ng mga tao ang ilang mga salita sa kanilang wika
upang ito'y umiksi at mas madaling bigkasin. Tinatalakay rin sa teoryang ito na
ang wika ay patuloy na nagbabago dahil sa samu't saring kadahilanang. Sa
paglipas ng panahon ay ang wika'y umiiksi dahil sa kagustuhan ng mga tao.
Ang teorya ni Hockett (1958) na Random Fluctuation Theory ay
nagpapahayag na ang wika ay nagbabago o na i-impluwensiyahan dahil sa mga
biglaang kamalian ng isang tao o dulot ng isang pangyayari. Ang mga kakaiba at
hindi pantay-pantay na pagbikas ng iba't ibang tao sa wika ay nagdudulot rin ng
pagbabago, lalo na at pag ang pagkakamaling ito ay kumalat at tuluyang
tangkilikin ng karamihan. Ayon kay Hockett (1958), ang wika ay natural na
pangyayari, ito ay biglaan lamang mabibigkas ng isang tao, kung kaya at ang
pagbigkas ng isang tao ay diretso lamang at hindi na iniisip ang pagkakamaling
mabigkas. Subalit, dahil sa mga maliliit na pagkakamaling ito ay nagbabago ang
wika. Hindi na namamalayan ng mga tao ang pagbabagong ito dahil ang mga
kamalian ng tao ay patuloy na kumakalat at tinatangkilik. Bagkus, ang teorya ni
Hockett (1958) ay patnubay na ang pagkakamali ng tao at impluwensiya ng iba ay
nakakaapekto at nakakapagbago ng wika.

KONSEPTUAL FRAMEWORK

Malayang Baryabol Di-Malayang Awtput


Baryvol

1. Propayl ng mga Mag-aaral sa Ika Libreng Pagtuturo sa


Responde tamang pag-gamit ng
Sampung Baitangn
gramatika sa wikang
1.1 Edad
ng CKCM Filipino
1.2 Kasarian
1.3 Baitang

2. Epekto ng
modernisasyon sa
wikang Filipino
2.1 Lipunan
2.2 Paaralan

2.3 Kultura

SAKLAW AT LIMITASYON SA PAG-AARAL


Ang layunin ng pag-aaral at pananaliksik na ito ay upang malaman ang
epekto ng modernisasyon ng wikang Filipino sa pag-aaral sa ika-sampung baitang
ng christ the king college de maranding. May mga tuntunin ng paggamit ng wika
at sa pag-aaral nito ay may mga limitasyon lang na dapat isaalanglang ang dahilan
nito ay upang mapanatili ang kaayusan ng pananaliksik at pag-aaral ukol dito.
Ang mga mananaliksik ay nagsagawa nito upang malaman ang pananaw ng ilan
sa mga mag-aaral ng Ika-sampung baitang sa Christ the King College de
Maranding, taong pampaaralan 2023-2024.

TERMINOLOHIYANG GINAGAMIT
Upang mapabilis at mapadali ang pang-unawa sa pag-aaral na ito, ang
mga sumusunod na salita ay binibigyang-katuturan:
Modernisasyon- progreso ng pag-unlad ng isang lugar o bagay
Teknolohiya- mga imbento at gadget na ginagamit ang kailan lamang
natuklasang na
proseso at prinsipyong maka-agham.
Sosyal Medya - ay ang tawag sa mga interaktibong teknolohiya na
nagsisilbing tagapamagitan sa pagpapalitan, pamamahagi, at paglilikha ng mga
impormasyon, kaisipan, interes, at iba pang uri ng mga pahayag sa mundong.
Wika - isang bahagi ng pakikipagtalastasan na ginagamit araw-araw.

BIBLIYOGRAPIYA
Albay, J. (2017). Epekto ng modernisasyon ng wikang filipino sa pag-aaral ng
mga Senior High School sa Unibersidad Ng Pangasinan
https://www.academia.edu/33470031/Epekto_ng_modernisasyon_ng_wikang_fili
pino_sa_pag_aaral_ng_mga_Senior_High_School_sa_Unibersidad_Ng_Pangasin
an
Flores, E. (2014). Phonological features of basilectal Philippine English: An
explanatory study. International Journal of Language and Literature, 6(5), 128-
140. Retrieved October 10, 2017, from: https://academicjournals.org/
ChangeG. J. Baxter,1R. A. B ly the,1, 2W. Croft,3and A. J, February 03, 2008,
Utterance Selection Model of Language Chang,
https://www.researchgate.net/publication/7069633_Utterance_Selection_Model_o
f_Language_Change
Dr. Lina Fathi, S, The Process of Changing Everyday Language: How Society
Changes Words. Retrieved September 10, 2021 https://aipublications.com/ijllc/

You might also like