You are on page 1of 8

Madrasah Al-Islah Al-Islamiyyah

Thamthiliyyah Characters and Script

Characters

Baiasnyrah Pinguiaman: Narrator

Said Laguialam: Sa'ad

Alrahdin Abdullah: Omar

Sultan Mejia: Abdurrahman

Ahmad Alcones: Teacher Saif

Tahir Guiapal: Jabir

Ahmad Kindi: Ali

Rasul Kepes: Am'r

Badrudin Hamid: Yusuf

Nawaf Abedin: Zayn

Yasser Palanan: Imam Yahya

Amirol Panalunsong: Mu'adh

Didagen Mamasabuayan: Bilal

Ebrahim Kindi: Muadh'din


Introduction

Narrator:

Isang maluwalhati at mapayapang umaga po sa ating lahat at,

Assalamu Alaykum Warahmatullahi Wabarakatuhu! (Pause for 3 seconds)

Kami po ang mga mag-aaral mula sa Madrasah Al-Islah Al-Islamiyyah at kami po ay nasa inyong
harapan upang magtanghal ng isang dula patungkol sa kahalagahan ng Salah.

Inaanyayahan po namin ang lahat na manood at makinig ng sa gayu'y ang bawat isa'y may
mapulot na aral.

-closing of curtains-

Setting 1 'Barangay Ummu Faleh'

Narrator:

Hapon ng Miyerkules at ang bawat isa sa barangay Ummu Faleh ay abala sa kani-kanilang mga
gawain. Nariyan ang nagtitinda, naglalaro at ang iba nama'y nag-uusap ng kung anu-anong mga
istorya.

-Opening of Curtains-

First Act: Friends Playing Chess

Muadh: O! Pano ba yan? Talo ka nanaman

Bilal: (kamot sa ulo) Parang dinadaya mo naman ako Muadh ah

Muadh: hindi kaya, gusto mo isa pa?

Bilal: O sige, sisiguraduhin kung matatalo kana ngayon

(Both laughed Together)

Second Act: Classmates chatting about their upcoming exam

Omar: Ang hirap naman ng ating aralin patungkol sa kahalagahan ng Salah, may mga hindi
talaga ako maintindihan
Ali: Kaya nga, sinabi mo pa

Am'r: Totoo namang mahirap, kaya ang aking ginawa ay nagpaturo ako kay baba(dad) upang
akin itong maintindihan

Ali: Oo nga no?(While smiling) Magpaturo rin tayo sa ating mga Baba, Omar

Omar: (Felt worried) hmmm sige susubukan ko, pano mauna na ako sa inyo

Third act: 'Omar asking his dad to teach him the importance of Salah'

Narrator:

Agad na pumunta si Omar sa kanyang ama na abala namang nagtitinda upang ito'y magpaturo
sa kanyang aralin.

Omar: Baba, paturo naman po ako nitong aming aralin

Sa'ad(Omar's Father): patungkol saan ba iyan anak?

Omar: sa kahalagahan po ng Salah

Sa'ad: Naku! marami pa akong ginagawa anak, dun ka nalang sa iyong tito AbdurRahman.

Narrator:

Tuluyan na ngang pumunta si Omar sa kanyang tito habang may kaunting sama ng loob sa
kanyang ama.

(Pause for 5 seconds)

Habang masayang nag-aaral si Omar at abala naman ang bawat isa sa kani-kanilang ginagawa
ay biglang . . . . .

Muadh'dhin: Allahu Akbar Allahu Akbar, Ash-hadu Alla Ila Ha Illallah, Ash-hadu Anna
MuhammadarRasulullah, Hayya Alassalah, Hayya Alal-Falah, QadqamatisSalatu
QadqamatisSalah, Allahu Akbar Allahu Akbar, La-Ila Ha Illallah.

Narrator:

Ng marinig na bawat isa ang tawag sa pagsasalah ay agad silang naghanda at iniwan ang kani-
kanilang mga gawain maliban kay Sa'ad na patuloy pa rin sa kanyang pagbebenta.
Omar: Baba, hindi po ba kayo pupunta sa masjid?

Sa'ad: Sige susunod nalang ako, kailangan ko pa itong asikasuhin. Sumabay ka nalang sa iyong
tito.

(People walk to masjid with tranquility)

-closing of curtains-

Preparation for the next setting 'At Masjid'

-opening of curtains-

Imam: Assalamu Alaykum Warahmatullah, Assalamu Alaykum Warahmatullah

Narrator:

Pagkatapos magsalah at mag basa ng ilang dhikr ay agad ding lumabas si Omar sa Masjid at
nakasabay nito ang kanyang pinsang si Jabir.

Setting II 'At Masjid'

Jabir: Kumusta ka na?

Omar: Heto mabuti naman, ikaw ba?

Jabir: Alhamdulillah, mabuti naman din. Oo nga pala, hindi ko ata nakikita si tito Sa'ad sa loob
ng masjid.

Omar: (malungkot na sumagot)Masyado na kasing abala si baba sa kanyang negosyo.

Jabir: Ganun ba, sana naman makabisita na siya dito. Alam mo naman di natin nalalaman ang
kapalaran.

Narrator:

Pagkatapos na magusap ang dalawa ay umuwi narin sila sa kani-kanilang mga tirahan.

-closing of curtains-

10 seconds preparation for the next setting

-opening of curtains-
Setting III 'At School'

Teacher Saif: O handa na ba ang lahat para sa ating pagsusulit?

Mga estudyante: Opo teacher Saif (sabay sabay)

Narrator:

Pagkatapos sumagot ng mga estudyante ay agad ding ibinigay ni Teacher Saif ang mga papel na
gagamitin

Yusuf: (Tiningnan ang papel) Ang hirap naman neto, mukhang ako nanaman ang makakakuha
ng mababa(sabay kagat sa kanyang lapis)

(Pause for 7 seconds while students keep on answering the exam)

Teacher Saif: ok class, tapos na ang oras, akin na ang inyong mga papel upang ito''y akin ng
macheck.

(Students submitting their papers)

Narrator:

Pagkatapos ng ilang minuto ay masayang inanunsyo ni teacher Saif ang nakakuha ng mataas na
marka

Teacher Saif: Ang nakakuha ng pinakamataas na marka ay si . . . Omar B. Saad

Am'r: Sanaol Omar, tiyak na matutuwa ang iyong Ama

Omar: Sana nga(malungkot na nagwika)

Teacher Saif: Nawa'y inyong lubos na naintindihan ang kahalagahan ng salah at inyong
maisabuhay di lamang sa mga pagsusulit pati narin sa realidad.

Narrator:

Pagkatapos ng klase ay agad ding umuwi sina Omar kasama ang kanyang mga kakalse. Labis
itong nagagalak upang ibalita sa kanyang ama na siya ay nakakuha ng mataas na marka.

Omar: Mauna na ako sa inyo dahil malapit narin ang oras ng Maghrib.

Yusuf: O sige, magkita kita nalang tayo sa masjid, In Shaa Allah

Narrator:
Sa kabilang dako ay galit na galit naman si Sa'ad dahil sa di agarang pagdating ng kanyang mga
produkto

Sa'ad: O! Asan kana? Akala ko ba idedeliver mo ang mga produkto alas kwatro(4) ng hapon eh
halos ala sais(6) na. (Angrily talking through his phone)

Zayn: Malapit na po, nasiraan lang kaya medyo natagalan

Sa'ad: Ah basta kung kailangan mong paliparin ang iyong motor gawin mo!

Abdurrahman: Ano na naman ba ang ikinagagalit mo dyan Saad? Halika't tayo'y pumunta
nalang sa masjid

Sa'ad: Sige sige mauna ka na may hinihintay pa ako

Narrator:

Pagkarinig ni Zayn sa sinabi ni Sa'ad ay agad nitong pinaharurut ang kanyang motorsiklo. Sa di
inaasahang pangyayari ay hindi nito nakita si Omar na tumatawid sa daan at ito'y kanyang
nasagasaan. Nagkagulo ang mga tao at agad namang tinawag ni Ali si Saad upang ibalita ang
nangyari.

Ali: Tito Sa'ad si Omar po, nasagasaan. (Halos di makahingang nagwika)

Sa'ad: Saan?( Natatarantang nagtanong)

Narrator:

Pagkarinig ng balita ay agad itong pumunta sa lugar kung saan nangyari ang trahedya. Dito ay
kanyang nadatnan ang anak na nag-aagaw buhay. ( Read with emotions)

Sa'ad: Anak, anak ko.

Omar: Baba, nakakuha po ako ng mataas na marka kanina(Hirap na nagsasalita)

Sa'ad: Dadalhin kita sa ospital anak, lumaban ka lang (umiiyak na nagsasalita)

Omar: Di na po kailangan baba, basta ipangako niyo po sa akin na kayo ay magsasalah na po.

Sa'ad: Pangako anak

Omar: Hihintayin ko po kayo sa paraiso baba

Narrator:
Pagkatapos magwika ni Omar na hihintayin nito ang kanyang ama sa paraiso ay agad din itong
binawian ng buhay.

-closing of curtains-

7 seconds Preparation for the next setting 'At Masjid'

-opening of curtains-

Abdurrahman: Sa'ad, gusto mo bang ikaw na ang mag-imam sa pagsasagawa ng salah sa


iyong anak?

Sa'ad: Hmmm, ang totoo niyan ay hindi ko alam paano. Kaya si Imam Yahya nalang muna.

-Praying of Salah Al-Janazah-

Narrator:

Pagkatapos na pagkatapos din ng salah Al-Janazah ay agad na naalala ni Sa'ad ang kanyang
pangako sa anak. Ito ay nag-aral ng mga tamang mga gawain sa pagsasalah at lagi ding nauuna
sa masjid tuwing darating ang oras ng Salah.

-closing of curtains-

7 seconds preparation for the last setting

-opening of curtains-

Sa'ad: Salamat sa pagtuturo Saif

Teacher Saif: Walang anunam, tiyak na matutuwa si Omar kung nandito iyun.

Sa'ad: Oh pano malapit na ang oras ng As'r, ililigpit ko lang sandali itong aking mga paninda.

Muadh'dhin: Allahu Akbar Allahu Akbar, Ash-hadu Alla Ila Ha Illallah, Ash-hadu Anna
MuhammadarRasulullah, Hayya Alassalah, Hayya Alal-Falah, QadqamatisSalatu
QadqamatisSalah, Allahu Akbar Allahu Akbar, La-Ila Ha Illallah.

-People walking towards the masjid including Sa'ad'

-Final Closing of Curtain-

Narrator presenting the moral lessons in the story while all characters are walking in front
forming a straight line (at the back of the narrator).

You might also like