You are on page 1of 11

I.

LAYUNIN
Sa katapusan ng aralin, ang bawat mag-aaral ay inaasahan na;

a.) Nakapagbigay kaalaman ayon sa paksang tinalakay

b.) Napahalagahan ang mensahe, ideya at leksyon ng pangngalan

c.) Nakalikha ng pangungusap gamit ang apat na kayarian ng pangngalan.

ll. PAKSANG ARALIN


"Apat na kayarian ng Pangngalan"

lll. KAGAMITAN
lll.1 Aklat

lll.2 Visual aids


lV. PAMAMARAAN

lV.1 PANIMULANG AKTIBIDAD

A. Panalangin

Before we start our class, let's pray first.

stand up.

Abraham lead the prayer Yes ma'am!

Bismillah Hirrahmannirahim Bismillah Hirrahmannirahim

Alhamdulillahi Rabbil Alamin Alhamdulillahi Rabbil Alamin

Ar Rahmanir Rahim Ar Rahmanir Rahim

Malikiw Yawmid-Din Malikiw Yawmid-Din

Iyaka na' budu wa iyakanasta'in Iya ka na' budu wa iyakanasta'in

Ihdinas Sirathal Mustaqim Ihdinas Sirathal Mustaqim

Sirathal ladhina an amta alayhim Sirathal ladhina an amta alayhim

Ghayril magdubi alayhim, Ghayril magdubi alayhim,

Waladdha-lin... Ameen. Waladdha-lin... Ameen.


lV.2 PAGGANYAK

Bago tayo dumako sa aralin natin

ngayong araw, bibigyan ko muna

kayo ng isang katanungan.

Ilagay ang mga sagot sa kwaderno.

Bibigyan ko kayo ng 5 minuto upang

sagutan ang tanong at tatawag ako

ng limang (5) katao sa inyo upang

ibahagi ang kanilang mga sagot. Opo ma'am

Tanong: Bakit mahalagang pag-aralan

ang wastong paggamit ng mga salita

sa pangungusap ? (Nagsimula na sa pag sagot)


1. GAWAIN

Ilagay ang bawat salita sa kung saan sa apat

na hanay na ito palagay niyong nabibilang ang

mga salita.

1. barya-barya 6. lakbay-aral

2. sabi-sabi 7. aklat

3. ulan 8. tag-ulan

4. bahay-bahayan 9. silid-aralan

5. lakas 10. tag-init

HANAY 1 HANAY 2 HANAY 3 HANAY 4


2. PAGSUSURI

Base sa inyong obserbasyon ano ang

mapapansin niyong pinagkaibahan ng

mga salita sa ibat-ibang hanay ? (Nag-iisip ng kasagutan)

Isulat lang ang inyong mga sagot sa

inyong kwaderno. Bibigyan ko kayo ng

limang minuto upang sagutin ang tanong. Opo ma'am

1 minuto

2 minuto

3 minuto

4 minuto

5 minuto

Times up! Paki pasa yung

kwaderno ng bawat isa sa mesa ko. Opo ma'am


B. Pagbati

Assalamu'alaykum at magandang umaga

sa inyong lahat mga bata. Wa'alaykumussalam at magandang umaga

din po ma'am.

Kumusta ang inyong dalawang araw na

walang pasok ? Mabuti naman po ma'am.

Ginawa niyo ba ang inyong takdang aralin ? Opo ma'am.

Very good! kukulektahin ko yan mamaya. Sige po ma'am

C. Pagtala ng liban

Ngayon, kapag tinawag ko ang pangalan niyo

magsabi kayo ng 'andito po ma'am kung kayo

ay andito sa loob ng klase.

Maliwanag ? Opo ma'am.

Abraham ? Andito po ma'am

Jomar ? Andito po ma'am

Mukam ? Andito po ma'am

Samsari ? Andito po ma'am

Very good! Walang lumiban ng klase

ngayong araw.
3. PAGHAHALAW

Ngayon makinig ang lahat dahil ipapaliwanag

ko kung ano ang pangngalan at ang apat na

kayarian nito.

Handa naba kayo ? Opo ma'am

Pangngalan ( noun ) - Ito ay bahagi ng pangu-

ngusap na tumutukoy sa ngalan ng tao, hayop,

bagay, lugar at pangyayari.

Halimbawa:

Tao - Jomar

Hayop - unggoy

Bagay - aklat

Pook - America

Pangyayari - kaarawan

Naintindihan naba kung ano ang pangngalan ? Opo ma'am

Magaling! Ngayon dadako tayo sa apat na

kayarian ng pangngalan. Sige po ma'am


Apat na kayarian ng pangngalan ay ang;

payak, maylapi, inuulit, at tambalan

Payak- ay ang pangngalang walang katambal

at panlapi, hindi rin ito inuulit kundi isa itong

salitang-ugat lamang.

Halimbawa: ganda, lakas, galing

Maylapi- ay ang pangngalang nilalapian ang

unahan, gitna, hulihan, o kabilaan ng salitang-

ugat.

Halimbawa: tag-ulan, tag-init

Inuulit- ay ang pangngalang may salitang-ugat

o bahagi ng salitang-ugat na inuulit.

Halimbawa: sabi-sabi, bagay-bagay


Ikkh

Tambalan- ay ang pangngalang mayroong

dalawang magkaibang salita na pinagsasama

upang makabuo ng bagong salita.

Maaaring ito ay may gitling o wala; maaaring

mabago ang kahulugan o manatili.

Halimbawa: silid-aralan
4. PAGLALAPAT

Isulat ang P kung ang pangngalan ay payak,

M kung maylapi, I kung inuulit, at T kung tambalan.

1.___ kainan

2.___ teknolohiya

3.___ bahay-ampunan

4.___ araw-araw

5.___ bukang-liwayway

6.___ barya-barya

7.___ ari-arian

8.___ aklat

9.___ baso

10.___ tasa

11.___ pasyalan

12.___ pogi

13.___ tag-ulan

14.___ ganda

15.___ galing
V- EBALWASYON/PAGTATAYA

Sumulat ng isang sanaysay na may paksang "ako, makalipas ang Anim na taon." Salungguhitan

ang kayarian ng pangngalang ginamit sa iyong sanaysay.


lV- TAKDANG ARALIN

Tukuyin ang pangngalan at kayarian nito na ginamit sa mga pangungusap.

1. Ang magkapatid na Jebeth at Joanna ay kapwa nagbabasa ng nobelang Hapones.

2. Sabi ni Lola, ang bahaghari ay simbolo ng pag-asa.

3. Laging binubuksan ni Kara ang kanilang tarangkahan.

4. Kailangan nating alagaan ang kapaligiran.

You might also like