You are on page 1of 2

ANG PANITIKAN NG MARANAO

Sa pagsasaliksik ni Tim Madela ng Mindanao State University hinati niya ang


panitikang pasalita sa mga sumsunod: Panitikang di pang-Islam, Katutubong
panitikan na Pang-Islam, at ang iba pang klasipikasyon (Madale, 1942).

Panitiking di – pang Islam

Ang panitikang di pang-Islam ay hinati sa mga sumusunod: (1)Epiko, (2) Tutol


(kuwento), (3) Tubad-tubad (maiiksing tula pampag-ibig) (4) Kadaonga (Love fest), (5)
Pananaroon (kasabihan),(6) Sowa-sowa-i (drama),(7) Limpangan ago Antoka (Puzzles
at Riddles), (8) Rhymes (Sakuba), (9) Panitikan Pambata.

(1) Epiko

Ang Darangan ay epiko ng Maranaw. Isa ito sa matatawag na matandang


epiko ng Pilipinas. May dalawampu’t-limang kuwento ang Darangan. Ito’y
pinagsama-sama at naging isang Symbolic Epic (tulang naaawit).

(2) Tutol (kuwento)

Ang tutol ay nahahati sa tatlo: Tutol sa Pagkapoon (Kuwento tungkol sa


Pinagmulan), Tutol sa Piyakakuyakayad (Nakakatuwang Kuwento), pabula
(pangangayamun).

(3) Tubad-tubad (maiiksing tula pampag-ibig)

Noong una, ang mga Maranao ay gumagamit ng maiiksing mga berso


para iphayag ang kanilang nararamdaman at pagkadismaya. Patula nilang
pinapahayag ang mga ito para di masakit sa iba (Madale, 1942).

(4) Kadaonga (Love fest)

Kapag gusto ng lalaki magpahayag ng pag-ibig sa babae, binibisita niya


ito sa bahay at may kasama siyang dala na nagsisilbing tagapagmensahe niya.
Sa ganitong paraan, ang babae mayroon ring tagapagmensahe.

(5) Pananaroon (kasabihan)

Ang mga pananaroon ng mga Maranao ay binibigkas tuwing pinaparusa


ang isang bata upang matuto o uyamin ang tao.

(6) Sowa-sowa-i (drama)

Ang Sowa-sowa-I ay mahahati sa lima: (a)Kamboyka, (b)Kaganat sa


darangen, (c)Diabro, Onta, and Kokok (d)Sagayan (e)Sadoratan (Madale,
1942).

(7) Limpangan ago Antoka (Puzzles at Riddles)


Ang limapangan (puzzles) ay para sa mga matatanda samantalang ang
mga antoka (riddles) ay para sa mga bata.

(8) Rhymes (Sakuba)

Ito ay kasiya-siyang pakinggan na may dalawang ibig kahulugan.


Ino ako den a-i Why am I
Mala ako den a-i A grown up
Pekelilid ako den rolling?

(9) Panitikan Pambata

Ang panitikang pambata ay nahahati sa tatlo:(a) Kanta tungkol sa


Pangangaso (b) pangingisda, (c) lalabay,(d) kantang may rima (rhyme song)
(Madale, 1942).

Panitikang pang - Islam


Sa ilalim ng katutubong panitikan pang-Islam ay: (1) Dekir (Dirge Song), (2)
Quiza (Religious story), (3) Kandidiagao (Crying over the dead), (4) Khutba (sermons),
(5) Koranic Exegesis, (6) Nagpapaliwanag na Pahayag (Explicatory Statements)
tungkol sa Islam, (7) Duaos, (8) Relihitosong Kanta, (9) Kadaolat sa Miatal (Madale,
1942).

Ibang klasipikasyon ng Panitikang Maranao

Ang iba pang klasipikasyon ng panitikang pasalita ng Maranao ay gumagamit ng


pigura ng pananalita, ang tuwirang paghahambing (simile) at di-tuwirang paghahambing
(metaphor).

You might also like