You are on page 1of 15

KASAYSAYAN NG WIKANG

PAMBANSA/ PANAHON NG
KASTILA
Panahon ng Katutubo
BAYBAYIN
➢ Pamamaraan ng pagsulat ng mga Pilipino noong panahon ng Katutubo.
➢ Nangangahulugang pagbaybay (spelling)
➢ Ito ay binubuo ng 17 titik
➢ Mayroong kumakatawan rito na 14 na katinig (consonants) at 3 patinig
(vowels).
○ Ang bawat katinig ay palaging may kasamang patinig na /a/.
○ Mapapalitan ang "a" ng "e/i" kung kudlit na gagamitin ay sa itaas na
bahagi. Ngunit, magiging "o/u" naman kung ito ay sa ilalim.
○ Upang mapalitan ang kasamang patinig na /a/ sa katinig, ito ay
kinakailangan lagyan ng kudlit sa ibabaw o ilalim ng letra.
○ Mayroong 3 patinig ang kumakatawan sa baybayin.
○ Kalimitang ginagamit ang mga patinig sa mga pantig (salita) na hindi
ginagamitan ng kudlit at walang kasamang mga katinig.

PAGGAMIT NG KRUS
➢ Ginagamit ang krus kapag magkakaltas o magtatanggal sa isang salita
ng patinig na kasama.

Panahon ng Kastila
TATLONG DAHILAN NG PANANAKOP NG MGA KASTILA SA
PILIPINAS
➢ God
➢ Gold
➢ Glory

○ Barbariko, Pagano at Hindi Sibilisado.


○ Pinamamahalaan ng mga pari ang bawat lugar: Agustino,
Pransiskano, Dominiko, Rekolekto at Heswita.
○ Ang pokus ng mga panitikan noong panahon ng Kastila ay
KRISTIYANISMO.
○ Ilan sa mga halimbawa ay mga: dalit, nobena, talambuhay ng mga
santo at santa, akdang pangmagandang-asal, awit at korido, tula at
dula.

KPWKP Page 1
PANAHON NG KASTILA/PANAHON
NG REBOLUSYONARYONG PILIPINO
➢ DOCTRINA CHRISTIANA
○ Isa sa pinakaunang libro na nailimbag noong 1593.
○ Nakapokus ito sa kagandahang asal at pamamaraan ng pamumuhay
ng indibidwal nang wasto at naaangkop sa relihiyon.
➢ URBANA AT FELISA
○ Isang katha na naisulat ni Modesto de Castro na nakapokus sa
pagsasabuhay ng mga kagandahang asal na makatutulong sa buhay
ng tao. Ito ay palitan ng mensahe na mayroong mga sagisag.
○ URBANA – URBANIDAD (GOOD MANNERS)
○ FELISA – FELIZ (KALIGAYAHAN)
➢ ABECEDARIO
○ Ito ay binubuo ng 29 titik (letra)
○ Ginagamit na pamamaraan ng pagsulat at pagbasa sa pagdating ng
mga Kastila
○ Karaniwang itinuturo sa kumbento
○ Hinango sa Romano ang pagbasa.

Panahon ng Rebolusyonaryong Pilipino

Naitatag ang Kilusang Propaganda na mayroong layunin na palakasin at


ayusin ang pamumuhay ng mga Pilipino.
LAYUNIN
○ Magkaroon ng pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Espanyol sa
ilalim ng batas.
○ Ibigay ang kalayaan ng mga Pilipino sa pamamahayag, pananalita,
pagtitipon at pagpapahayag ng kanilang mga kairingan.

➢ Ang pokus ng mga panitikan noong panahon ng Rebolusyon ay


MAKABAYAN at NASYONALISMO.
➢ Ilan sa mga halimbawa ay mga: tula, sanaysay, talumpati, nobela at
pahayagan.

KPWKP Page 2
MGA BAYANING PILIPINO
MGA BAYANING PILIPINO
1. Jose Rizal
○ José Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda
○ June 19, 1861 - December 30, 1896
○ Isa sa mga kilalang manunulat na nagpakita ng mga akdang gumising
sa makabayang puso at adhikain ng mga Pilipino. Ilan sa mga ito ay
ang: Noli Me Tangere, El Filibusterismo, Makamisa at ang La
Solidaridad.

Mga Akda ni Rizal


• Noli Me Tangere
○ Nangangahulugan itong “Huwag mo akong Salingin”
○ Tinatalakay sa akdang ito ang kultura ng mga Pilipino sa ilalim ng
Espanya at mga pang-aabuso ng mga prayle sa kapangyarihan.

• EL FILIBUSTERISMO
○ Ito ay akdang inialay ni Dr. Jose Rizal sa tatlong paring martir na
GomBurZa.
Tatlong paring martir:
1. Padre Jose Burgos
2. Padre Mariano Gomez
3. Padre Jacinto Zamora
• LA SOLIDARIDAD
○ Pahayagan ng Propaganda.
○ Una itong nailimbag noong ika-19 ng Pebrero, 1899.
○ Ito ang ginamit noon upang malaman ang kaugnayan ng mga Pilipino.
• MAKAMISA
○ Ito ay pinaniniwalaang karugtong ng akdang El Filibusterismo
○ Pinaniniwalaang hinango rin ang pamagat nito batay sa unang senaryo
ng akda na pinagtutuunan ng pansin ang sermon ng Pari na si Padre
Agaton.

KPWKP Page 3
MGA BAYANING PILIPINO
2. Marcelo H. del Pilar
○ Marcelo Hilario del Pilar y Gatmaitán
○ "Plaridel"
○ August 30, 1850 - July 4, 1896
○ Isa sa mga nagsulong ng adhikaing makabayan at isa sa mga kilalang
tumuligsa sa maling pamamaraan ng pamamalakad ng mga prayle sa mga
Pilipino.

Mga akda ni Del Pilar


• DASALAN AT TOCSOHAN
○ Layunin ng akdang ito na tuyain ang mga Prayle.
○ Ginamit niya ang isang bahagi ng dasal-katoliko na naglalarawan sa mga
katiwaliang ginagawa ng mga prayle partikular sa pera na kinukuha nito
sa mga Pilipino.
○ Dasalan at Tocsohan
Aba Guinoong Baria

Aba guinoong bariya nacapupuno ca ng alcancia, ang fraile ang


sumasaiyo bukod ka niyang pinagpala’t pinahiguit sa lahat, pinagpala
naman ang kaban mong mapasok. Santa baria, ina ng diretso, ipinalangin
mo kaming huag ahitan ngayon cami’y ipapatay. Siya naua.

3. Graciano Lopez Jaena


○ Diego Laura
○ Ipinagpalagay at itinuturing na isa sa mga patnugot ng pahayagan na La
Solidaridad.
○ December 18, 1856 – January 20, 1896

Ang akda ni Jaena


• FRAY BOTOD
○ Isang akdang isinulat upang ipakita sa lahat ang paggamit ng mga
prayle sa relihiyon upang makapanlamang at makapang-abuso sa mga
Pilipino.

KPWKP Page 4
MGA BAYANING PILIPINO
5. ANTONIO LUNA
○ Taga-ilog
○ Antonio Narciso Luna de San Pedro y Novicio Ancheta
○ October 29, 1866 – June 5, 1899
○ Kilalang mahusay na Heneral at tumulong sa mga manunulat na maitatag
ang Kilusang Propaganda.

Ang akda ni Luna


• POR MADRID
○ Isang akdang nagmumulat sa pagtingin ng mga Espanyol sa Pilipinas
bilang isa sa mga probinsya nito. Ang Espanya ay naniniwalang superyor
ito sa mga Pilipino.

6. PEDRO PATERNO
○ Pedro Alejandro Paterno y de Vera Ignacio
○ Justo Desiderio Magalang
○ February 27, 1857 – April 26, 1911
○ Isang kilalang nobelista at mananaliksik ng Kilusang Propaganda.

Ang akda ni Luna


• LA LOBA NEGRA
○ Pagsasalaysay sa naging buhay ng isang asawa na inilagay ang batas sa
sariling mga kamay simula noong namatay ang asawa dahil sa hindi
pantay na pagtingin sa batas ng namumuno.

Note:
➢ Wikang Espanyol ang wikang gamit sa unang bahagi ng pagsulat ng mga
akdang pampanitikan.
➢ Sa panahon ng Rebolusyon, Tagalog na ang wikang ginamit.

KPWKP Page 5
PANAHON NG MGA AMERIKANO
Panahon ng mga Amerikano

Taong 1898 noong itinalaga ang pagdating at pananakop ng mga Amerikano


sa bansang Pilipinas.

1. Komisyong Schurman
○ UNANG KOMISYONG PINADALA SA BANSANG PILIPINAS.
○ PINAMUNUAN ITO NI JACOB SCHURMAN.
○ LAYUNIN NITONG MALAMAN ANG KONDISYON NG BANSANG
PILIPINAS.

2. Komisyong Taft
○ IKALAWANG KOMISYONG PINADALA SA BANSANG PILIPINAS.
○ PINAMUNUAN ITO NI WILLIAM HOWARD TAFT NOONG MARSO
16, 1900.
○ MANANATILING ANG KOMISYON ANG MAMAMAHALA SA
PILIPINAS.

Ang pokus ng mga panitikan noong panahon ng Amerikano ay


NASYONALISMO, PAG-IBIG at PAGBIBIGAY ARAL SA
KRISTIYANISMO.

Aklatang Bayan- Para sa katotohanan


Ilaw at Panitik- Para sa pera o kasikatan

Bakit ipinagbawal ang paggamit ng Wikang Lokal?


• Suliraning Administratibo
• Rehiyunalismo sa halip na Nasyonalismo
• Hindi magandang pakinggan
• Malaki na ang nagastos sa Wikang Ingles

KPWKP Page 6
BATAS/PANAHON NG HAPON
➢ BATAS BLG. 74
○ Ayon sa batas na ito, ang Ingles ang gagamiting wikang panturo.
➢ BATAS BLG. 577
○ Ang wikang bernakular lamang ang gagamitin na panturo sa antas
elementarya.

Panahon ng mga Hapon

Taong 1942 noong itinalaga ang pagdating at pananakop ng mga Hapones sa


bansang Pilipinas matapos nitong matalo sa digmaan ang mga Amerikano.

MGA MAHAHALAGANG PANGYAYARI SA PANAHON NG HAPON


• Pinaunlad ang panitikan gamit ang katutubong wika.
• Nagsimulang mamayagpag ang Panitikang Tagalog
• Ipinagbawal ang paggamit ng wikang Ingles.
• Sinunog ang mga akdang nakasulat sa wikang Ingles.
• Ang pokus ng mga panitikan noong panahon ng Hapon ay PAG-IBIG,
PAGKAKAISA, PAGMAMAHAL SA KALIKASAN.
• Ang pokus ay ang paglikha ng mga tula.

1. TANKA
○ Ito ay isang maikling katha na mayroong tatlumpu’t isang (31) pantig at
mayroong limang (5) taludtod. Pag-ibig at pagbabago ang paksa.
○ Mayroon itong sukat na 5-5-7-7-7 o 7-5-7-5-7.
2. HAIKU
○ Ito ay isang maikling katha na mayroong labingpitong (17) pantig at
mayroong tatlong (3) taludtod. Pag-ibig at kalikasan ang paksa nito.
○ Mayroon itong sukat na 5-7-5.
3. TANAGA
○ Ito ay isang maikling katha na mayroong dalawampu’t walong (28) pantig
at mayroong apat (4) taludtod.
○ Mayroon itong sukat na 7-7-7-7.

KPWKP Page 7
➢ ORDINANSA MILITAR BLG. 13
○ Nakatala rito na ang OPISYAL NA WIKA ng PILIPINAS ay TAGALOG
AT NIHONGGO. Itinalaga ito noong Hunyo 24, 1942.
○ Naitatag ang samahang KALIBAPI o Kapisanan ng Paglilingkod sa Bagong
Lipunan.

Panahon ng Pagsasarili hanggang sa Kasalukuyan

➢ PROKLAMASYON BLG. 12, S. 1954


○ Ang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa ay mula Marso 29
hanggang Abril 4 sa bawat taon. Pagpupugay ito kay Balagtas.

➢ PROKLAMASYON BLG. 186, S. 1955


○ Ang pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa ay mula Agosto 13
hanggang Agosto 19 sa bawat taon. Pagpupugay ito kay Quezon.

➢ KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP BLG. 96, S. 1967


○ Iniutos ni Pangulong Marcos na ang pagtatala ng mga pangalan ng
establisyimento at sangay ng pamahalaan ay dapat nasa Pilipino.

➢ KAUTUSANG PANGMINISTRI NG KAGAWARAN NG EDUKASYON BLG.


22, S. 1978
○ Isasama sa tersyarya ang Filipino sa kurikulum:
○ (6) na yunit sa lahat ng kurso. Samantalang, (12) na yunit sa kursong
edukasyon.

➢ PROKLAMASYON BLG. 1041, S. 1997


○ Ipagdiriwang na tuwing AGOSTO ang BUWAN NG WIKANG
PAMBANSA taon-taon. Nilagdaan ito ni Pangulong Fidel Ramos.

KPWKP Page 8
KAKAYAHANG KOMUNIKATIBO
NG MGA PILIPINO

➢ Henrey Gleason
○ Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili
at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong
may iisang kultura.
➢ Archibald Hill
○ ang wika ang pangunahin at ang pinakaelaboreyt ng simbolikong
gawaing pantao.

BALANGKAS NG WIKA
➢ Ponolohiya
○ Ito ay tumutukoy sa maka-agham na pag-aaral ng mga tunog.
➢ Ponema
○ Tawag sa pinakamaliit na yunit ng makabuluhang tunog.
➢ Morpolohiya
○ Pag-aaral tungkol sa palabuuan ng mga salita batay sa pinagsama-
samang mga ponema.
➢ Morpema
○ Tawag sa pinakamaliit na yunit ng salita na mayroong kahulugan.
➢ Sintaksis
○ Pagbuo ng parirala at pangungusap
○ Pag-aaral na tumatalakay sa pag-uugnay at pagsasama ng mga salita
para makabuo ng pangungusap.
○ Sambitla: Sambit- pagbibigkas ; La- bigla (pagkagulat)
➢ Semantiks
○ Pag-aaral sa pamamaraan ng pagbibigay ng kahulugan batay sa
paggamit sa pahayag.
➢ Diskurso
○ Nagmula sa salitang Latin na “discursus” na nangangahulugang
“running to and from.”
○ Pagpapatibay ng mga argumento
○ Kailangan ng pananaliksik
➢ O

KPWKP Page 9
PONEMANG SEGMENTAL/ 5 URI NG
PONEMANG SEGMENTAL
➢ Segmental
○ Mga ponemang ginagamitan ng mga letra o titik upang mabigkas o
masabi ang mga ito.

5 Uri ng Ponemang Segmental


➢ Ponemang Patinig
○ Binibigyang pokus sa bahaging ito ang ayos at ang bahagi ng dila sa
tuwing binibigkas ang mga patinig sa alpabeto.

➢ Ponemang Katinig
○ Nahahati ito sa dalawang uri: punto ng artikulasyon at paraan ng
artikulasyon. Pinahahayag sa bahaging ito paano nabibigkas ang
ponema, may tinig man o walang tinig.
➢ Paraan ng artikulasyon
○ Ang pokus nito ay bigyang pansin paano pinatutunog ang mga
ponemang katinig gamit ang ating sariling mga bibig.
○ Ang pamamaraan ng artikulasyon ay nahahati sa ANIM (6). Ito ay
ang mga sumusunod:
▪ Pasara
▪ pailong
▪ Pasutsot
▪ Pagilid
▪ Pakatal at
▪ Mapalatinig

KPWKP Page 10
5 URI NG PONEMANG SEGMENTAL
➢ Punto ng artikulasyon
○ Ang pokus nito ay bigyang pansin saang bahagi ng bibig ang
ginagamit upang makalusot ang hangin sa pagbigkas ng mga
ponemang katinig.
○ Ang punto ng artikulasyon ay nahahati sa LIMA (5). Ito ay ang
mga sumusunod:
▪ Panlabi
▪ pang-ngipin
▪ Pang-gilagid
▪ Pangngala-ngala
▪ Glottal

➢ Diptonggo
○ Mga salitang mayroong kaugnayan sa pagsasama ng isang patinig
(vowel) at malapatinig na “w” at “y”.
○ Mayroong pitong diptonggo:
▪ ay,
▪ ey,
▪ oy,
▪ uy,
▪ aw,
▪ iw at
▪ ow.
➢ Klaster
○ Mga salitang mayroong kaugnayan sa magkasunod na katinig
(consonants) at sinusundan palagi ng isang patinig.
➢ Pares Minimal
○ Mga salitang mayroong halos pareho ng pamamaraan ng pagbigkas
ngunit, nagkakaiba sa iisang ponema kung kaya’t nag-iiba ang
kahulugan.

KPWKP Page 11
PONEMANG SUPRASEGMENTAL/
BAHAGI NG PANANALITA
➢ Suprasegmental
○ Mga ponemang ginagamitan ng mga simbolo o notasyon phonemic
upang matiyak ang pagbigkas.

3 Uri ng Ponemang Suprasegmental


➢ Diin o Haba
○ Paglakas o paghina sa pagbigkas ng isang salita. Binibigyang pokus
rin nito ang pag-ikli o paghaba ng pagbigkas ng patinig sa salita.
➢ Tono o Intonasyon
○ Tumutukoy sa pagtaas at pagbaba ng tinig ng isang nagsasalita.
Nag-iiba ang pagbigkas ng isang salita batay sa tindi ng emosyon ng
nagsasalita.
➢ Hinto o Antala
○ Saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw ang
nais sabihin.

Bahagi ng Pananalita
2 Uri ng Bahagi ng Pananalita
➢ Pangninilaman
○ Nakapokus ang bahaging ito sa pagbibigay ng kahulugan ng mga
pahayag.
▪ Pangngalan
□ Bahagi ng pananalita na nakapokus sa pagbibigay ngalan sa
tao, bagay, lugar, hayop at pangyayari.
 Pantangi- ispesipiko
 Pambalana- pangkalahatan
▪ Panghalip
□ Ito ang mga salitang ginagamit sa pagpapalit o panghalili sa
mga pangngalan upang maiwasan na rin ang pag-uulit sa
pagbanggit sa pangngalan.
 Panao
 Pamatlig- lugar o direksyon
 Pananong- sino, ano, saan, kailan
 Panaklaw-
 Pamilang- ilan o gaano

KPWKP Page 12
BAHAGI NG PANANALITA
▪ Pang-Uri
□ Bahagi ng pananalita na nakapokus sa paglalarawan sa tao,
bagay, lugar, hayop at pangyayari.
▪ Pang-Abay
□ Bahagi ng pananalita na ang pokus ay ipakita paano
isinasagawa ang isang aksyon o bagay sa isang sitwasyon.
▪ Pandiwa
□ Mga salitang ang pokus ay ilarawan ang mga bagay na
isinasagawa ng tao sa isang partikular na sitwasyon.
➢ Pangkayarian
○ Nakapokus ang bahaging ito sa pamamaraan paano binubuo ang
isang pahayag o pangungusap.
▪ Pangatnig
□ Ginagamit ang mga salitang ito upang magkaroon ng
kaugnayan ang pokus sa isang pangungusap.
▪ Pang-angkop
□ Bahagi ng pananalita na ito ay ginagamit upang mas maging
mabilis o mapadali ang pagbigkas sa mga salita.
 Na- ginagamit kung ang salitang sinusundan ay
nagtatapos sa katinig, maliban lamang sa katinig na n
 Ng- ginagamit kung ang salitang sinusundan ay
nagtatapos sa patinig
 G
▪ Pang-ukol
□ Ang mga salitang ito ay karaniwang idinurugtong o
idinaragdag sa unahang bahagi upang bigyang pokus ang
pinag-uukulan nito.
▪ Pantukoy
□ Ginagamit ito upang mabigyang pokus ang mga bagay, tao o
lugar na nais direktang tukuyin sa isang pangungusap.
▪ Pangawing
□ Nagpapakilala ng ayos ng mga bahagi ng pangungusap.
Nakapokus ito sa gramatikal na kaayusan sa pangungusap.

KPWKP Page 13
WASTONG GAMIT NG SALITA
➢ Nang
○ Ginagamit kung ang salita ay umuulit, sumasagot sa tanong na
paano
➢ Ng
○ Ginagamit kung ang salita ay sinusundan ng pang-uri, pangngalan,
sumasagot sa tanong na ano.
➢ May
○ Ginagamit kapag nag tatanong
➢ Mayroon
○ Ginagamit pang sagot
➢ Kina
○ Maramihan ng kay
➢ Kila
○ Walang salitang kila
➢ Subukin
○ To challenge, kung gaano kahusay
➢ Subukan
○ Ikaw mismo ang gumawa o sumubok
➢ Rin/Raw
○ Ginagamit kasunod ng mga salitang nagtatapos sa patinig
➢ Din/Daw
○ Ginagamit kasunod ng mga salitang nagtatapos sa katinig
➢ Kapag
○ Tiyak o sigurado
➢ Kung
○ Di-tiyak o nag-aalangan
➢ Operahin
○ Specific part
➢ Operahan
○ Mismong tao ang tinutukoy
➢ Bitiw
○ Let go
➢ Bitaw
○ Pagsasabong
➢ Kita
○ Ibang tao ang nakikita
○ tumutukoy sa kinakausap

KPWKP Page 14
WASTONG GAMIT NG SALITA
➢ Kata
○ Ikaw at ako
○ magkasamang nagungusap at kinakausap.
➢ Tiga
○ Walang salitang tiga
➢ Taga
○ Ginagamit kung sinusundan ng pangngalang pantangi
➢ Pinto
○ Sumasara o bumubukas
➢ Pintuan
○ Tinutukoy ang espasyo kung saan nakakadaan
➢ Walisin
○ Gamitin kung ang ibig tukuyin ay pag-aalis ng partikular na dumi o
kalat
➢ Walisan
○ Gamitin kung ang tinutukoy ay isang partikular na lugar na marumi
➢ Pahiran
○ Lalagyan
➢ Pahirin
○ Tanggalin
➢ Iwan
○ Hindi sama
➢ Iwanan
○ Iiwanan para sa ibang tao
➢ Hatiin
○ To divide
➢ Hatian
○ To share
➢ Habang
○ Mahabang proseo, walang limitasyon
➢ Samantalang
○ May limitasyon ang ginagawa
➢ Sundin
○ Kailangan gawin
➢ Sundan
○ Susundan ang tao

KPWKP Page 15

You might also like