You are on page 1of 24

KALIKASAN AT

ISTRUKTURA NG
WIKANG FILIPINO
PONOLOJI
Pag-aaral ng makabuluhang tunog.
 Bawat wika ay may sariling tunog na sinusunod batay sa paraan ng
pagsasaayos nito para ihayag ang iniisip o nadarama. Ang mga tunog
na ito sa lalamunan at bibig ay siyang ginagamit para ihayag ang
anumang sabihin. Ang mga tunog na ito ay tinatawag speech sounds na
ginagamit sa pagsasalita. Sa tulong ng dila at mga labi, kasabay ng
paglabas ng hangin sa bibig o di kaya sa ilong, nakalilikha ang tao ng
mga pinagsama-samang mga tunog upang magamit sa pangkat na
kaniyang kinabibilangan.
Tulad ng alinmang wika, ang Filipino ay binubuo ng iba’t
ibang tunog na nalilikha sa pamamagitan ng
pagsasalita.
Fonetiks ang tawag sa sangay na ito ng linggwistiks.

Sa pamamagitan ng pag-aaral ng fonetiks makikita


natin kung papaano nabubuo ang mga tunog sa
pagsasalita. Dahil mga pinagsama-samang mga tunog
ang ginagamit sa pagsasalita, dapat mabatid ang
mekanismong bumubuo rito.
Tatlong salik na kinakailangan para makapagprodyus ng tunog:

1. Ang pinanggagalingang lakas o enerhiya-


Ito ang gumagawa ng pwersa o presyon na nagpapalabas ng hangin na
galing sa baga.
2. Ang artikulador o bagay na nagpapagalaw sa hangin na lumilikha ng
mga tunog, kung saan naroon ang mga vocal, (isang pares ng manipis na
masel na pinagagalaw ng daan ng hangin.) ito ay nasa laringks o Adam’s
apple.
3. Ang resonador ang sumasala at nagmomodipika ng mga tunog
patungong bibig. Ang mga filter naman ay mga organg nasa itaas ng
laringks, (a) ang faringks, bahagi ng lalamunan sa pagitan ng laringks at
ang oras- kaviti, (b) ang oral-kaviti at (c) ang neysal kaviti na daanan ng
hangin sa loob ng ilong.
Ang mga Prinsipal na Sangkap ng Pananalita

Nasa bibig ang apat


na mahalagang
sangkap sa pagbigkas
ng mga tunog.

1. Dila at panga (sa


ibaba)
2. Ngipin at labi (sa
unahan)
3. Matigas na
ngalangala (sa
itaas)
4. Malambot na
ngalangala (sa
likod)
1. ANG PONEMA
Ponema ang tawag sa
pinakamaliit na makabuluhang tunog
ng isang wika.
Makikilala ang katuturan ng ponema kung
makikita ang mga ito sa mga salitang binubuo
ng mga magkakatulad na tunog liban sa isang
tunog na maaaring magpabago ng kanilang
kahulugan sa magkaparehong kaligiran.
Ang Filipino ay may 21 ponema- 16 sa mga ito ang katinig at 5
patinig.

Mga Katinig- p, t, k (glottal) b,d,g,m,n,y,h,s,l,r,w,y

Mga Patinig- a, e, i, o,u

Sapagkat konsistent ang palabaybayang Filipino na


ang ibig sabihin ay may isa sa isang pagtutumbasan
ang ponema at ang letra o titik na kumakatawan dito,
lahat ng simbolong ginagamit upang magreprisinta ng
ponema ay siya na ring ginagamit na mga letra sa
palaybayan, matangi sa /,/ at /n/.
Ang patinig ay itinuturing na siyang pinakatampok o pinakaprominenteng
bahagi ng pantig. Walang pantig sa Filipino na walang patinig.

A. MGA KATINIG/ KONSONANT

Ang mga katinig sa Filipino


ay maiaayos ayon sa punto at
paraan ng artikulasyon at kung
ang mga ito ay bibigkasin
nang may tining (m.t) o walang
tinig (w.t.), gaya ng makikita sa
tsart.
MGA PONEMANG
PATINIG/VOWEL NG FILIPINO

Ang pagkakaiba ng tunog ng mga


katinig at patinig ay naayon sa mga
pagkakaiba sa paraan ng artikulasyon.
Maaring walang tunog o may tunog.

May mga pagkakataong nahaharang


ang daloy ng hangin o pagkaminsa’y
ipinipilit itong idaan sa makipot na
labasan kaya nagkakaroon ng ingay
habang dumaraan ang hangin sa
ganoong kontribusyon. Karaniwang
nalilikha ang mga may tunog (voice).
B. MGA PATINIG/VOWEL/VAWEL
Ang mga patinig ng Filipino ay maiaayos din sa tsart ayon naman
sa kung aling bahagi ng dila ang gumagana sa pagbigkas ng isang
patinig- unahan, , likod – at kung ano ang pusisyon ng nasabing
bahagi sa pagbigkas- mataas, nasa gitna o mababa.

HARAP SENTRAL LIKOD


MATAAS I U

GITNA E O

MAHABA A
2. MGA DIPTONGGO

Ang diptonggo ng Filipino ay aw, iw, iy, ey, ay, oy at uy. Ang
alinmang patinig na sinusundan ng malapatinig na /y/ /o/ /w/ na
napapagitan sa dalawang patinig, samantala, kung ito ay
napapasama na sa sumusunod na patinig ito ay hindi na
maituturing na diptonggo, “iw”, halimbawa sa “aliw” ay
diptonggo. Ngunit sa “aliwan”ay hindi na ito maituturing na
isang diptonggo sapagkat ang “w” ay napagitan na sa
dalawang patinig. Ang magiging pagpapantig sa “aliwan” ay a-
li-wan at hindi –aliw-an.
MGA DIPTONGGO NG FILIPINO
HARAP SENTRAL LIKOD
MATAAS iw, iy uy
GITNA Ey Oy
MAHABA aw, ay

Narito ang ilang halimbawa ng diptonggo sa Filipino:

Giliw bahay
Kami’y (dinaglat na kami at ay aruy
Kalabaw kahoy
3. MGA PARES MINIMAL
Ang pares ng salita na magkaiba ng kahulugan ngunit magkatulad sa bigkas
maliban sa isang ponema na magkatulad na magkatulad sa isang ponema na
magkatulad na pusisyon ay tinatawag na pares minimal.

Karaniwang ginagamit ang pares minimal sa pagpapakita ng pagkakaiba ng mga


tunog na magkakahawig ngunit magkakaibang ponema. Kung gagamiting
halimbawa ang mga ponemang /p/ at /b/ ng Filipino, makikitang ang dalawang
ponemang ito ay magkatulad sa punto ng artikulasyon sapagkat kapwa istap o
pasara.

Ngunit ang /p/ ay binibigkas nang walang tinig samantalang ang /b/ ay mayroon.
Dahil sa pagkakaibang ito, ang kahulugan ng isang salita ay nababago sa
sandaling ang isa ay ipalit sa isa. Ang salitang paso “burn”, hal., ay magbabago
ng kahulugan sa sandaling ang /p/ ay palitan ng /b/ -baso “glass”.
4. MGA PONEMANG SUPRASEGMENTAL
4.1 TONO
4.1 TONO
1. Punto ng Tono –
Pantig na may kaugnay
na tonong makahulugan.

2. Antas ng Tono –
Sa bawat punto ng
tono, isa sa tatlong nagpakilalang
antas ng tono ang lumilitaw, tulad ng
iskala na nasa ibaba.
3= mataas – isang nota ang taas sa ikalawa

2= katamtaman o normal na lawak ng tono

1= mababa- isang notang mababa sa ikalawa

Halimbawa:
Sa kanina (a) ang samantalang sa
nagsasalita ay a. na 3 b. ka3 kanina (b) siya ay
nagtatanong o nagdududa ka2 ni2 nagsasalaysay.
ni1 na1
Gayon din naman ang pagbabago ng
tono sa isang pangungusap. Nagiging
makahulugan ang pangungusap gaya ng
sumusunod.
HUBOG NG TONO
1. Ganap ang buong pagbaba

2. Kalahating pagbaba-kulang sa isang antas

3. Pagpapanatili sa antas ng tono

4. Pagtaas ng tono mula sa pangwakas na punto ng tono


MGA HALIMBAWA:

Mga utos na walang diin- Lumapit ka


Tanong na humihingi ng impormasyon -Nasaan siya
Paksa na simula ng isang Oo o Hindi ng tanong na pasalungat -Nandiyan ba
Tanong na papili - Kakain ka ba o hindi
4.2 HABA
Ang pagpapahaba ay bahagyang paghinto sa binibigkas na pantig o silabol ng
salita nang hindi naman pinuputol ang paglikha ng tunog sa nasabing pantig. May mga
salita na binibigkas nang mas mahaba o mas maikli.

Ang paggamit ng kolon (:) ay nagpapakilala ng haba ng pagbigkas na


magpapabago ng kahulugan ng isang salita. Pansinin ang salitang kasama
(companion), salitang malumanay na ang diin ay nasa hulihang pantig.

Ang patinig na /a/ sa pantig na – sa – ay higit na mahaba ang nagiging bigkas


kaysa dalawang patinig na /a/ sa mga pantig na k- at ma-. Subuking alisin ang haba
ng patinig na –sa – at mababago ang kahulugan ng salita – hindi ‘companion’ kundi
‘tenant’ na.
4.2 HABA
Dahil sa ibinibigay na pagpapahaba sa bigkas na alinmang sa tatlong /a/ sa salita, nag-iiba
–iba ang kahulugan ng salita

Sa ibang salita:

/kasa.ma/ companion
/kasama/ Tenant
/magnana.kaw/ Thief
/magna.na.kaw/ Will steal
/magna.nakaw/ Will go on stealing
4.3 ANTALA
Sa ating pagsasalita o pakikipag-usap, saglit tayong
humihinto o tumitigil upang bigyang-diin o linaw ang
mensaheng nais nating iparating sa ating kausap.
Tinatawag nating itong antala o hinto. Nagkakaroon ng
hinto pagkatapos ng pangungusap upang bigyang
linaw ang pagpapahayag ng kaisipang nais na iparating
sa kausap o sa babasa, na inirereprisinta (.) Sa pag-
aantala ng pagsasalita ang isang (1) ay maaaring
katawanin para sa pansamantalang paghinto at
dalawang bar (//) naman para sa lubusang pagtigil.
4.3 ANTALA
Pangungusap:
“Hindi puti”, Na ang ibig sabihin sa Ingles ay “It’s not white,
ngunit kung lalagyan ng antala ang pagitan ng “hindi” at
“puti” makikita ang pagkakaiba ng mensahe. “Hindi/Puti.”
Na ang ibig sabihin sa Ingles ay “no, it’s white.”
Samakatuwid, sa tulong ng mga suprasegmental na ito-
ang tono, haba at antala ay mahahalagang pantulong sa
pagpapakahulugan ng ating mga sinasabi o ipinapahayag.

You might also like