You are on page 1of 1

FILIPINO 10

OUTPUT #1
3RD QUARTER

CHONA FELICE Y. RUFINO

1. Sino-sino ang sumisimbolo ng ibong nakahawla? Sino-sino naman ang sumisimbolo


ng ibong lumilipad at malaya?
- Base sa aking nabasa na tula, sumisimbolo ang mga ibong nakahawla ng mga taong hindi

nakakaranas ng kalayaan tulad nalang ng mga Black Africans habang ang sumisimbolo ng

ibong lumilipad ay ang mga taong malaya at may karapatan sa sarili.

2. Bakit kaya ito ang simbolismong naisip ng may akda para sa mga taong kanyang
pinatutungkulan?
- Dahil, inihahalintulad ng akda na ang lahat ng bagay ay pedeng maihalintulad sa taong

kanyang pinatutungkulan gaya na lamang ng ibong malaya ay magagawa nito ang kanyang

lahat ng gusto habang ang mga ibon na nakahawla ay wala ka makakamit na kalayaan at

karapatan sa sarili.

3. Bakit maituturing na hindi Malaya ang mga taong tulad nila sa kabila ng
katotohanang wala naming pisikal na rehas ang kumukulong sa kanila?
- Dahil, sa totoong buhay kung may rehas ka man o wala ay maihahalintulad nalang natin

ito na walang kalayaan. Sa pamamagitan ng, kapag hindi mo nagagawa ang mga bagay na

gusto mo dahil, may ibang tao na nagdedesisyon para sa iyo ng walang pahintulot na

hinihingi saiyo o di kaya merong mga tao na tutol para maging masaya ka.

4. May mga tao ba sa ating bansa ang maituturing ding mga ibong nakakulong sa
hawla hanggang sa kasalukuyang panahon? Sino sino sila at sa paanong paraan sila
maituturing na nasa hawla?
- Meron, ang mga taong kapos palad o mahihirap. Dahil, sa Pilipinas hindi lahat ng tao ay

tatratuhin ka ng pantay-pantay. Ang ibang tao ay tutol sa mga ganitong tao dahil, kung

ikaw ay mayaman at maputi ay hindi ka nila tatratuhin na isang masama. Lalo na ang mga

taong mahihirap ay walang kakayahan na makapag aral at makapaghanap buhay ng

maayos.

5. Bakit mahalagang magkaroon ng boses at paninindigan ang mga taong ito upang
makalaya sila mula sa kanilang hawla?
- Bilang isang tao at mamayan na naninirahan sa isang bansa, napakahalaga na magkaroon

ng boses upang iyong maparating ang nais mong sabihin at ipaglaban ang iyong mga

karapatan bilang tao dahil, simula ng tayo ay mabuhay sa mundo ay mayroon na tayo

karapatan na maging isang malaya na hindi dapat itakwil o tanggalin sa atin.

You might also like