You are on page 1of 1

UNANG MARKAHAN

Pagsusulit #1
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Grade 11
Pangalan:_________________________________________________ Section:______________

I. Isulat ang T kung tama ang ipinahahayag sa bawat pangungusap at M kung mali o hindi wasto ang bawat pahayag.

_____1. Bawat wika ay binubuo lamang ng mga titik.

_____2. Ang tanging gamit ng wika ay sa pagsasalita at pagsusulat.

_____3. Umuunlad ang wika sa patuloy na pagbabago ng kultura ng isang bansa.

_____4. Nagkakaroon ng komunikasyon ang bawat tao sa mundo dahil sa wika.

_____5. Ang paggamit ng cellphone ay tinuturing na natatanging paraan ng komunikasyon.

_____6. Lahat ng tao sa mundo ay magkakaintidihan dahil sila’y may wika.

_____7. Sintalim ng dila ang kapangyarihan ng wika.

_____8. Ang wika ay laging likas sa mga taong gumagamit nito.

_____9. Nakikita sa paggamit ng wika ang pagsulong o di pagsulong ng isang bansa.

_____10.Ang salitang Filipino at Pilipino ay nagtataglay ng iisang kahulugan.

II. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga susunod. Isulat ang malaking letra ng tamang sagot.

______1. Ito ang pagbabago sa baybay o kaya naman sa kahulugan ng mga salita sa pagdaan ng panahon.

a. May sistematik na balangkas b. Dinamiko c. Wika kabuhol ng Kultura d. Wika ay sinasalita

______2. Ang wika at kultura ay hindi pwedeng papaghiwalayin.

a. May sistematik na balangkas b. Dinamiko c. Wika kabuhol ng Kultura d. Wika ay sinasalita

______3. Lahat ng wika ay nakabatay sa tunog na may grapemang titik kung saan nabubuo ang salita na

nagiging parirala hanggang makabuo ng pangungusap.

a. May sistematik na balangkas b. Dinamiko c. Wika kabuhol ng Kultura d. Wika ay sinasalita

______4. Sa araw-araw ang wika ay ginagamit natin sa pagsasalita upang matugunan ang ating pangangailangan.

a. May sistematik na balangkas b. Dinamiko c. Wika kabuhol ng Kultura d. Wika ay sinasalita

______5. Nakalilikha ang bawat pangkat ng tao sa lipunan ng kanilang sariling salita na nakaiimpluwensya sa iba upang gamitin.

a. Wika ang ginagamit b. Arbitrayo c. Pinipili at isinasaayos d. Wika ay malikhain

______6. Sa lahat ng pagkakataon pinipili natin nag wikang gagamitin.

a. Wika ang ginagamit b. Arbitrayo c. Pinipili at isinasaayos d. Wika ay malikhain

______7. Ang wika ay kailangang gamitin upang di mamatay.

a. Wika ang ginagamit b. Arbitrayo c. Pinipili at isinasaayos d. Wika ay malikhain

______8. Masasabing unique ang katangiang at nakabuhol na kasaysayan sa bawat wika sa mundo.

a. Wika ang ginagamit b. Arbitrayo c. Pinipili at isinasaayos d. Wika ay malikhain

______9. Sa pag-aaral ng wika, mababatid na ito ay may kanyakanyang set ng mga makabuluhang tunog o ponema.

a. Wika ay sinasalita b. Tunog na binibigkas c. Pinipili at isinasaayos d. Wika ay malikhain

______10. Tayo ang nasusunod kung anong salita ang gagamitin sa bawat tamang pagkakataon.

a. Wika ay sinasalita b. Tunog na binibigkas c. Pinipili at isinasaayos d. Wika ay malikhain

III. Essay: Bakit mahalaga bilang mag-aaral na mabatid ang kasaysayan ng iyong Wikang

Pambansa? (5)

Pamantayan sa pagmamArka:
5- malinaw at maayos ang pagkakahabi ng mga salita at gumamit ng wastong wika
4- malinaw at maayos lamang ang pagkakahabi ng mga salita
3- malinaw ngunit medyo may kalabuan ang mga salitang binitawan
2- hindi malinaw ang pagkakalahad ng mga salita
1-walang kaugnayan ang mga binitawang salita mula sa paksa
Ma’am Danni

You might also like