You are on page 1of 1

I as HUMANITARIAN

Wednesday, January 18, 2017

Libro at Internet

Sa panahon ng internet may laban pa ba


ang mga libro? Magbabasa ka pa ba ng mga libro
upang makuha ang mga sagot sa mga
katanungan ng isip mo o uupo na lang at
hahanap sa kompyuter at sa isang klik ay may
kasagutan na sa iyong katanungan? Tama ang
nasa Internet, tama rin ang nasa Libro. Nasa
gumagamit nalang at umiintindi kung paano niya
ito gagamitin at maisasabuhay ang mga silbi nito.
Sa larangan ng pananaliksik Internet at mga Libro
ang pangunahing batayan para maisagawa ang
pagpapalaganap ng mga bagong tuklas ng
siyentipiko at sa araw-araw na paglilimbag. Ang
Internet at ang mga libro ay sumasaklaw sa
parehas na lebel sa buhay ng tao, may mga
taong nalilibang sa Internet at mayroon naman na
mas nalilibang sa pagbabasa ng libro.
Ang Libro at Internet ay parehong
mapagkukuhanan ng impormasyon. At
makatutulong sa mga mag-aaral na makakuha ng
sagot sa kanilang mga takdang aralin maging sa
kanilang indibidwal na katanungan. Ito rin ay
nakatutulong sa pagdagdag ng kanilang
kaalaman patungkol sa mga bagay bagay.
Ang libro o aklat ay mga
pinagsamasamang mga nailimbag na salita sa
papel. Kadalasang maraming mga pahina ang
mga ito. Maaring ito ay magdulot ng kabigatan sa
pagdadala dahil sa pagiging makapal o sa rami
ng pahina nito. Ngunit sa kabataang nakikita natin
na mayroong dalang libro ay nagpapakita ito sa
kaniya ng pagiging masipag, sapagkat kahit na
ganun kabigat ang mga librong kaniyang dala ay
nagtitiyaga parin siyang dalhin iyon upang
basahin at magkaroon ng ideya o kaalaman
patungkol sa paksa ng librong kaniyang dala.
Bawat nakapaloob na impormasyon sa Libro ay
reliable hindi katulad ng nasa internet katulad ng
Wikipedia, sapagkat ang wkipedia ay kahit sinong
gustong maglagay ng impormasyon ay maaari,
kaya hindi mo masasabing reliable ito.
Samantala, ang Internet o teknolohiya ay
ginagamit upang mas mapadali ang mga bagay
bagay. Maaring makagawa ang isang indibidwal
ng account sa anumang social networking sites
tulad ng facebook at iba pa. Alam din nating lahat
na halos lahat ng impormasyon ay nakukuha na
ngayon sa Internet.
Ang mga kabataan sa panahon ng
teknolohiya nagiging maunlad ang antas. Sa mga
nagaganap dito o mga pangyayari ay mas madali
nating nalalaman dahil sa teknolohiya. Sa
pamamagitan din ng paggamit ng teknolohiya ay
mas napapabilis at madami ang gawaing
maaaring magawa. Ngunit mayroon nga bang
disiplina ang bawat mag-aaral upang magamit sa
ayos ang mga dala nitong dulot? Lahat ng bagay
ay sumasama kapag napapasobra, at isa sa mga
bagay na ito ay ang teknolohiya. ito ay
nakadudulot ng pagiging tamad ng kabataan
ngayon. Dahil na imbis na ang isipa’y kanilang
gamitin, sa kompyuter na sila umaasa. Sa
pagkakaroon ng sobrang kaalaman ay maaaring
humantong sa mali-maling sitwasyon. Ito rin ay
malaki ang impluwensya lalo na sa larangan ng
gaming, maaaring makasira o makaapekto ito sa
pag-aaral ng mga mag-aaral.
Ang libro at internet ay maaari rin
magsanhi ng paglabo ng ating mga mata. Dahil
sa radiation ng kompyuter at kung ang mga letra
sa libro ay maliliit. Itong dalawang instrumento na
parehong may malaking pakinabang sa kabataan
ngunit ating alamin ang mga limitasyon sa
paggamit nito, huwag itong abusuhin sa
paggamit. Dahil sabi nga, lahat ng sobra ay
masama.

Unknown at 5:44 AM

Share

8 comments:

badet February 13, 2019 at 4:32 AM


hi po! can i use this po as my basis to our group
task?
Reply

Unknown February 23, 2019 at 10:32 PM


Wow
Reply

Unknown June 22, 2019 at 8:34 PM


who's the author of this work.
Reply

Unknown July 28, 2019 at 9:17 AM


Sino pong author nito?
Reply

Unknown September 14, 2019 at 5:59 AM


Umm..hi po! Pwede ko po bang gawing basis
para po sa group work namin?
Reply

Unknown February 6, 2020 at 7:05 PM


I didn't
Reply

Unknown August 9, 2020 at 10:03 PM


hello po..pwede ko po itong gamitin sa
pagbibigay ko ng activity sa klase?salamat po
Reply

Unknown October 28, 2020 at 3:31 AM


pwede po ba gamitin po sa module?
Reply

To leave a comment, click the button below to


sign in with Google.

SIGN IN WITH GOOGLE

‹ Home ›
View web version

About Me

Unknown
View my complete profile

Powered by Blogger.

You might also like