You are on page 1of 14

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE

Araling
Panlipunan 8
(Ikalawang Linggo)
Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Mga Kontribusyon ng
Kabihasnang Romano

MELC: Naipapaliwanag ang kontribusyon ng


Kabihasnang Romano
(AP8DKT-IIc-3)

Inihanda ni:
DANIEL C. OBRERO
Guro I
Bingao National High School
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Ikalawang Markahan – Modyul 2: Mga Kontribusyon ng Kabihasnang
Romano Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto
o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na
ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon.
Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat : Daniel C. Obrero
Editor : Maricel T. Pascua
Tagasuri : Marilou P. Pasalo
Carolyn Baguio
Tagalapat : John Nestlee A. Ravina
Tagapamahala : Joann A. Corpuz
Joye D. Madalipay
Jenetrix T. Tumaneng
Santiago L. Baoec
Milagros Sandra G. Malvar
Division Design & Layout Artist: Jannibal A. Lojero

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Schools Division of Ilocos Norte


Office Address: Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax: (077) 771-0960
Telephone No.: (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address: ilocos.norte@deped.gov.ph
8

Araling Panlipunan 8
Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Mga Kontribusyon ng
Kabihasnang Romano
Paunang Salita
Ang Contextualized Learning Module o CLM na ito ay maingat na
inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan.
Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan
ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang


nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o
sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang
masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita
kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan
namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang CLM na ito


upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa


kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga
aralin at paggamit ng CLM na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga


tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala
sila sa paaralan.

ii
Alamin
Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga kontribusyon ng Kabihasnang
Romano. Naglalaman ito ng mga nakatakdang pagkakasunod-sunod ng leksyon
para lubusang maunawaan at maintindihan ng mga mag-aaral.

Ang modyul na ito ay mayroong dalawang aralin:

Aralin 1 – Ang Pagsibol ng Kabihasnang Romano.


Aralin 2 – Mga Natatanging Kontribusyon ng Kabihasnang Romano.

Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. Natatalakay ang pinagmulan ng Roma.


2. Naiisa-isa ang mga mahahalagang kaganapan sa pagsimula, pag-unlad at;
3. Naipapaliwanag ang mga mahahalagang kontribusyon ng Kabihasnang
Romano.

Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.


Huwag kang mangamba sa pagsagot.

Subukin
Gawain 1. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong at piliin ang
wastong sagot mula sa mga pagpipilian. Titik lamang ng tamang sagot ang isulat
sa sagutang papel.

1. Alin sa sumusunod na uri ng panlipunan ang sinaunang Rome?


A. Etruscan at Roman
B. Patrician at Plebeian
C. Maharlika at Alipin
D. Censor at Praetor

2. Ang sumusunod ay salik sa pagbagsak ng Imperyong Romano maliban sa _____.


A. paglubha ng krisis pangkabuhayan
B. kawalan ng kakayahan at tapat na pinuno
C. mabilis na paglaki ng populasyong Romano
D. paghina at korupsiyon sa hukbong Romano

3. Alin sa sumusunod ang naging pangunahing dahilan ng pagiging


makapangyarihan ng Rome?
A. Mahuhusay lahat ang naging pinuno sa Rome.
B. Nasakop ng Rome ang mayaman at malakas na kabihasnan sa
Mediterranean gaya ng Carthage at Greece.

1
C. Maunlad ang ekonomiya ng Rome kaysa sa mga karatig na bansa.
D. Naipagpatuloy ng Rome ang kagandahan ng kulturang Greece.

4. Siya ang emperor ng Roman at nagsimula ng Pax Romana.


A. Augustus Caesar
B. Marcus Aurelius
C. Alexander the Great
D. Constantine

5. Sila ay ang mga mababang uri ng mamamayan sa lipunan ng Sinaunang Roma.


Sila ay mahihirap at mga alipin.
A. Patricians
B. Elite
C. Urban Poor
D. Plebeians

Aralin Ang Pagsibol ng


1 Kabihasnang Romano
Sa panahong sumisibol ang sibilisasyong Griyego, isang maliit at
natatanging estado sa gitna ng Italya ang Roma. Bagamat maliit, hindi ito nagtagal
bilang isang lungsod-estado. Sa pagsapit ng A.D. 200, halos lahat ng mga lupaing
nakapaligid sa karagatang Mediterranean ay kanyang nasakop. Naitatag ang isang
malawak na Imperyong Romano.

Ang mga lupaing nasakop at napasailalim sa kapangyarihan ng mga


Romano ay nakinabang nang lubos. Kaakibat ng naging pagsakop ay ang
kapangyarihan, kaunlaran, at kaayusan. Lumaganap nang husto ang kulturang
Romano sa mga lupaing ito. Subalit walang imperyo na nanatili habambuhay.
Matapos ang mahabang panahon ng pamamayagpag, bumagsak din ang imperyo
noong AD 476. Ang kahusayan ng mga Griyego ay nakita sa pamumulaklak ng
sining at agham. Samantala, ang mga Romano ay mas praktikal na mga tao.
Nanguna sila sa batas at pamahalaan at naging mahuhusay din silang inhinyero.
Mula sa Imperyong Romano, kinilala ang relihiyong Kristiyanismo. Sa katunayan,
hanggang sa kasalukuyan ang Roma pa rin ang sentro ng pananampalatayang
Kristiyano sa buong daigdig.

Heograpiya ng Italya

Ang sibilisasyong Romano ay nagsimula sa


makitid at hugis botang tangway ng Italya.Tulad
ng Gresya, ang Roma ay napapaligiran rin ng
karagatang Mediterranean, bagamat mas mainam
ang lokasyon nito sapagkat ito ay nasa gitna ng
Italya. Ang Italya naman ay nasa gitna rin ng
Mediterranean. Ito ay isang bansang matatagpuan
sa Kanlurang Europe. Ito ay isang peninsula na
nakausli sa Mediterranean Sea. Katulad ng Greece,
ang Italy ay binuo ng maraming kabundukan at https://galligan18.weebly.com/roman-geographyregionlocation.html

2
ilang mga kapatagan. Isang mahalagang kapatagan ang Latium. Ang Ilog Tiber ay
dumadaloy sa kapatagang ito. May ilang bakas ng sinaunang kabihasnan sa
kapatagan ng Latium at sinasabing dito umusbong ang dakilang lungsod ng Rome.
Masasabing istratehiko ang lokasyon ng Rome dahil sa Ilog Tiber na nag-uugnay
dito at sa Mediterranean Sea. Ang lokasyong ito ay nagbibigay-daan sa
pakikipagkalakalan ng Rome sa mga bansang nakapalibot sa Mediterranean Sea.
Ang saganang kapatagan at maunlad na agrikultura ay kayang suportahan ang
pagkakaroon ng malaking populasyon ng Roma.

Balikan

Gawain 2. Panuto: Batay sa mga tekstong binasa, sagutin ang


sumusunod na tanong.

1. Sa panahong sumisibol ang sibilisasyong Griyego, isang maliit


at natatanging estado sa gitna ng Italya ang……

2. Mula sa Imperyong Romano, kinilala ang relihiyong?

3. Ang Roma ay napapaligiran rin ng karagatang…..

4. Ito ay nasa gitna ng Mediterranean at matatagpuan sa


Kanlurang Europe.
5. Ang Ilog na ito ay dumadaloy sa kapatagang Latium.

Tuklasin

➢suliraning
Ang pagpapalawak ng Imperyong Romano ay nagresulta sa mga
panlipunan pulitikal at pangkabuhayan.

➢ Ang mga suliraning ito ay nagbigay daan sa panahon ng mga


emperador.

➢ Ang panahon ni Augustus ay naging simula ng Pax Romana mula 27


BC hanggang AD 180 ang Roma ay nakaranas ng kapayapaan, kaayusan at
kasaganaan.

➢ Ang pananakop ng Roma sa Gresya ay nagbunga ng malawakang


impluwensya sa kulturang Romano o ang naging resulta ng Kulturang
Greco-Romano o ang pinagsanib na galling ng Griyego at Romano.

3
Suriin

Upang lalo mong maunawaan at makilala ang mga kontribusyon ng


Kabihasnang Romano, ang sumusunod na teksto sa ibaba ay iyong babasahin at
susuriin.

Mga Natatanging
Aralin
Kontribusyon ng
2
Kabihasnang Romano
Matapos masakop ng Roma ang Silangang Meditteranean noong ikalawang
siglo, naragdagan ang kulturang Romano ng kulturang Griyego. Dinala ng mga
Romanong heneral ang ilang mga aklat at gawaing sining mula sa Gresya patungong
Roma. Ilang griyegong guro, manunula, at pilosopo ang nagtungo at nagtrabaho sa
Roma, samantala ang ibang Romano naman ay ipinadala sa Athens ng kanilang mga
magulang upang mag-aral. Nagsanib nang husto ang mga kulturang Griyego at
Romano at nabuo ang tinatawag na kulturang Greco- Romano.

Mga Batas
Ang sistema ng hustisya at pagbabatas ang
pinakamalaking naging kontribusyon ng mga Romano
sa kanluraning sibilisasyon. Ang mga batas ng ilang
pangunahing bansa sa kasalukuyan tulad ng Italya,
Espanya, Pransiya at Latin Amerika ay hinango sa
Batas ng Romano. Naniniwala ang mga Romano na
ang batas ay dapat na hinango batay sa prinsipyo ng
katwiran at hustisya at dapat na mangalaga sa mga
mamamayan at sa kanilang ari-arian. Ang Batas ng
mga Nasyon (Law of Nations) ay isang sangay ng
Photo taken from DepEd Learning
Batas ng Romano na ipinairal sa lahat ng probinsiya Resource Portal
ng imperyo. Sa ilalim ng batas na ito, walang Briton,
Kastila, Italyano o Griyego, bagkus lahat sila ay itinuring na Romano. Ang batas ay
para sa lahat maging ano man ang nasyonalidad. Ito ang pangunahing
kontribusyon sa sibilisasyon ng Imperyong Romano.

Literatura
Ang ilan pang kontribusyon ng sibilisasyong Romano ay sa larangan ng
literatura. Sa panahon ni Augustus, namulaklak ang Greco-Romanong literatura. Sa
hiling na rin ng ni Augustus, isinulat ni Virgil ang epikong patula na Aeneid na siya
niyang obra maestra. Hango ito sa kwento ni Aeneas sinasabing nagtatag ng Roma. Isa
pang historyador si Livy ang nagsulat tungkol kay Aenas sa aklat niyang Kasaysayan
ng Roma. Si Horace na kaibigan nina Virgil at Augustus ay sumulat naman tungkol sa
pagiging sakim ng tao na nagiging sanhi ng tunggalian. Tinuligsa

4
rin niya ang masaganang pamumuhay ng ilang mayayaman at pinayuhan ang mga
itong mamuhay ng simple at naaayon lamang sa kinakailangan. Samantala si Ovid ang
manunulat na nagbigay diin sa romansa, yaman at masarap na pamumuhay ng mga
mayayaman. Sa panahon ng Pax Romana, korapsyon at kasakiman naman ang tema
ng mga akda nina Martial at Juvenal. Sa aklat naming Historics, ang pagiging malupit
ng mga emperador at bisyo ng mga mayayaman ang tema ni Tacitus.

Agham
Dalawa sa mga natatanging siyentipiko sa panahon ng kulturang Greco-
Romano ay sina Galen at Ptolemy. Pareho silang nabuhay noong ikalawang siglo
AD. Si Galen ay isang Griyego, ngunit ang mga teorya niya ay hango sa medisinang
Romano. Upang mapag-aralan ang katawan ng mga tao, pinag-aralan at sinuri niya
ang katawan ng mga hayop. Bagamat hindi naging perpekto ang kaniyang mga
nakita, naging basehan ito ng mga makabagong kaalaman sa medisina sa
kanluran. Si Ptolemy ay isang mahusay na matematisyan, heograper at astronomer
na nagtrabaho sa Alexandria, Ehipto noong AD 150. Ang aklat niyang Algamest na
may 13 volume ay buod ng sinaunang kaalaman ng tao tungkol sa astronomiya at
heograpiya. Maraming naging katanungan si Ptolemy sa mga batayan ng mga
astronomo upang mahulaan ang kilos nang mga planeta ng mas may katiyakan.

Arkitektura
Mahuhusay na inhinyero ang mga Romano. Ang mga lungsod, patubig, mga
tulay at aqueduct (istruktura na nagdadala ng tubig sa malalayong lugar), ay
kamangha-manghang nagawa. Ang Appian Way, ang kauna-unahang daanan ng
nag-ugnay sa Roma at Timog Silangang Italya, ay ginawa noong 300 BC. Naitayo
din ang mga gusaling pampubliko, templo, palasyo, arena, at mga pulungang pang-
asembliya na tinatawag na Basilica. Karamihan sa mga gusaling ito ay ginawa para
sa mga gawaing pampulitika ngunit may iba din na ginawa para sa mga gawaing
panrelihiyon

Basilica ng Maxentius Colosseum


Photo taken from DepEd Learning Resource Portal Photo taken from DepEd Learning Resource Portal

Arch of Constantine
Photo taken from DepEd Learning Resource Portal

5
Pagyamanin
Ang Pagbagsak ng Imperyong Romano at ang Paglaganap ng
Bagong Relihiyon
Sa loob ng halos dalawandaang taon na ang Roma ay nasa panahon ng Pax
Romana, ito ay nakaranas ng kapayapaan, katiwasayan, at kasaganaan. Nagpatuloy
ang pamumuhay na nagbigay-daan upang tuluyang mamulaklak ang kulturang Greco-
Romano sa maraming lugar sa Italya. Ngunit ang lahat ay hindi nanatili nang maayos.
Dumating ang krisis na mabilis na nagpahina sa imperyo. Ang sunud-
sunod na pananakop ng iba’t ibang tribo at mga panloob na alitan ay nakaantala sa
daloy ng kalakalan at nakapagpahirap sa pamumuhay ng mga mamamayan. May
mga emperador na nagsumikap na pigilan ang krisis ngunit pagdating ng ika-5
siglo ganap nang nasugpo ng mga tribong Aleman ang paglawak ng imperyo. Hinati
ang imperyo sa dalawa at nawala ang kapangyarihan sa Roma. Kasabay nito, ang
Kristiyanismo ay nagsimula namang lumaganap sa Roma. Tulad ng pagbagsak ng
imperyo, ang paglaganap ng bagong relihiyon ay nagdulot ng napakalaking
pagbabago sa pamumuhay ng mga Romano.

Ang Krisis sa Imperyo


Pagdating ng ika-3 siglo AD, nakaranas ng matinding krisis ang imperyong
Romano. Ang kawalan ng mahusay na pinuno ang naging dahilan ng mabilis na
paglaganap ng krisis sa kabuuan ng Italya. Tuluyang nawala ang katapatan ng
hukbong sandatahan sa emperador ng Roma. Bagkus naging tapat sila sa mga
kumander nila sa military. Nawala ang disiplina sa sandatahang lakas. Nangibabaw na
lamang ang kanilang pagnanais na mapatalsik ang sino mang namumuno. Nagpalit-
palit ng emperador na halos lahat ay pinatay ng kanilang mga katunggali. Dahilan sa
labanan ng iba’t ibang heneral at ng kanila-kanilang hukbo, napabayaan ang depensa
sa mga hangganan ng imperyo. Ito ang naging dahilan kung bakit naging madali para
sa tribung Aleman, na nanggaling sa hilagang bahagi ng Europa ang makadaan sa Ilog
Rhine at Danube. Di naglaon, nasakop ng mga Aleman 42 ang Italya, Gresya at
Espanya at maging ang ilang bayan sa Asya Minor. Ang mga Persiano naman ay
nakipanakop din ang ilang lupain ng Romano sa Silangan. May ilan din sa Gaul na
nagnais na tuluyan nang humiwalay sa imperyong Romano. Sa gitna ng pananakop na
ito ng mga tribung Aleman at ang walang tigil na digmaang sibil, tuluyan nang
bumagsak ang ekonomiya ng imperyo. Naabala ang produksyon at kalakalan ng mga
pangunahing produkto. Ang paglaki ng bayad sa mga buwis ay labis na tinutulan ng
mga mamamayan. Karamihan sa mga taga-lungsod ay lumipat sa mga lalawigan at
nayon.

6
Isaisip
Gawain 3. Panuto: Isulat ang limang (5) pinakanatutunan sa araling ito.
1. 4.
2. 5.
3.

Isagawa
Gawain 4. Panuto: Ibigay ang iyong opinyon.

1. Ayon sa ibang historyador, ang paglaganap ng Kristiyanismo ay


nakatulong sa pagbagsak ng Roma. Sumasang-ayon ka ba o hindi?
Pangatwiranan base sa iyong natutunan sa araling ito.

2. Kung isa kang Emperador na Romano noong AD 200-500, ano kaya ang
iyong gagawin upang mapigilan ang pagbagsak ng Imperyong Romano?

Rubric sa Pagmamarka
Pamantayan Paglalarawan Puntos sa Bawat Bilang
Nilalaman Mahusay at malinaw 10
naipakikita ang mensahe
Pagkamalikhain Napakaganda at napakalinaw 5
ng pagkakasulat ng mga titik
Anyo at Disenyo Malinis at maayos ang 10
pagkakasulat; naglagay ng
malilikhaing paglalarawan sa
mga naging opinyon
Kabuuan 25

7
Tayahin
Gawain 5. Panuto: Pagtapat-tapatin. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.

I II
1. Ito ang naging dahilan ng mabilis na A. Persiano
paglaganap ng krisis sa kabuuan ng
Italya.
2. Sila ay nakipanakop ng ilang lupain B. Aqueduct
ng Romano sa Silangan
3. Sila ay nagsumikap na pigilan ang C. mga emperador
krisis ngunit pagdating ng ika-5
siglo, ganap nang nasugpo ng mga
tribong Aleman ang paglawak ng
imperyo
4. Istruktura na nagdadala ng tubig sa D. Sistema ng hustisya at pagbabatas
malalayong lugar
5. Ang kauna-unahang daanan ng nag- E. Ptolemy
ugnay sa Roma at Timog Silangang
Italya
6. Angpinakamalaking naging F. Galen
kontribusyon ng mga Romano sa
kanluraning sibilisasyon
7.Isang mahusay na matematisyan, G. panahon ni Augustus
heograper at astronomerna
nagtrabaho sa Alexandria, Ehipto
noong AD 150
8. Isang Griyego, ngunit ang mga teorya H. Batas ng mga Nasyon
niya ay hango sa medisinang
Romano
9. Naging simula ng Pax Romana mula I. Appian Way
27 BC hanggang AD 180. Ang Roma
ay nakaranas ng kapayapaan,
kaayusan at kasaganaan.
10. Isang sangay ng Batas ng Romano J. Kawalan ng mahusay na pinuno
na ipinairal sa lahat ng probinsiya ng
imperyo

8
Susi sa Pagwawasto

Mga Sanggunian:
Araling Panlipunan: KASAYSAYAN NG DAIGDIG (DepEd)

WBLS - Araling Panlipunan 8; 2nd Quarter (Weeks 1-2)

Department of Education. "K To 12 Most Essential Learning Competencies


with Corresponding CG Codes". Pasig City: Department of Education
Central Office, 2020.

DepEd Learning Resource Portal


https://lrmds.deped.gov.ph/list/kto12/subject/1263

9
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division of Ilocos Norte – Curriculum Implementation


Division Learning Resource Management Section (SDOIN-CID LRMS)

Office Address : Brgy. 7B, Giron Street, Laoag City, Ilocos Norte
Telefax : (077) 771-0960
Telephone No. : (077) 770-5963, (077) 600-2605
E-mail Address : sdoin.lrmds@deped.gov.ph
Feedback link : https://bit.ly/sdoin-clm-feedbacksystem

You might also like