You are on page 1of 2

Filipino notes

Layunin:
1. Natutukoy ang pandiwa at wastong apekto ng pandiwa
2. Naipahahayag ang pangangatwiran sa napiling alternatibong solusyon o proposisyon sa
suliraning inilahad sa tekstong binasa
3. Nagagamit ang ibat’t ibang aspekto ng pandiwa sa isasagawang pagsusuri ng
sarsuwela
4. Nakapagpupuno ng wastong aspekto ng pandiwang bubuo sa diwa ng pangungusap

Ang Sarsuwela ay isang komedya o melodramang may kasamang awit at tugtog na


nahihinggil sa mga puno ng damdamin ng tao tulad ng pag ibig, kapootan, paghihiganti,
kasakiman, kalpitan, at iba pa

• Panahon ng Amerikano
• Hango sa Opera ng Italya (patula at pasalita)
• Melodrama (tragikomedya)
• Hango sa tunay na buhay ng mga tao. (soap operatic)

Severino Reyes
Kilala sa taguring Lola Basyang sa kanyang dulang Walang Sugat
-Aurelio Tolentino sa kanyang Kahapon, Ngayon at Bukas
- Juan Abad sa kanyang Tanikalang Ginto -
Juan Crisostomo Soto sa kanyang Anak ng Katipunan
- Amando Navarette Osorio sa kanyang Patria Amanda

• Unti-unting nanghina ang sarsuwela nang nakilala sa bansa ang bodabil o stage show.
Ang pagtatanghal na ito ay halos wala nang istorya, puro kantahan at sayawan lamang
ang nangyayari kung kaya sa paglaganap ng bodabil naging purong panlibangan na
lamang ang teatro.

Pandiwa - Ay salitang nagpapahayag ng kilos, aksiyon o galaw - Proseso o pangyayaring


karaniwang sadya, di sadya, likas o di likas - Karanasan o damdami

Aspekto ng Pandiwa

Aspektong Naganap o Perpektibo


⁃ Ito ay nangangahulugan na tapos nang gawin ang kilos.

HALIMBAWA: Tumayo nang sabay-sabay sa pagbati ng guro ang mga mag-aaral.

a. Aspektong Katatapos
⁃ Nabubuo ito sa pamamagitan ng paglalagay ng panlaping KA at pag-uulit sa
unang pantig ng isang salita

HALIMBAWA: Katatayo lamang ng mga estudyate nang may dumating na bisita.

Aspektong Nagaganap o Imperpektibo - Ito ay nagsasaad na ang inumpisahang kilos ay


patuloy pa ring ginagawa at hindi pa tapos.

HALIMBAWA: Sila’y tumatayo para sa maisagawa dapat ang dapat tapusin.

Aspektong Magaganap o Kontemplatibo


⁃ Ang kilos ay hindi pa nauumpisahan at gagawin pa lamang.

HALIMBAWA: Tatayo ang mga mag-aaral upang bumati sa kanilang mga guro.

You might also like