You are on page 1of 15

7

FILIPINO
Kwarter 2 – Modyul 1:

Antas ng Wika

Self-Learning Module

DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY 1|P age


PAUNANG SALITA

Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa


ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang
bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang
ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum.

Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na


naglalaman ng mga paalaala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga
magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-
aaral sa kani-kanilang tahanan.

Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang


nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang
magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa
guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat
naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o
mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan naming na
magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito.

Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLK na ito


upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o
mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay
na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.

Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang


guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at
paggamit ng SLK na ito.

Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga


tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ilang mag-aaral kahit wala sila
sa paaralan.

DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY 2|P age


Mga Kasanayang Pampagkatuto

Nasusuri ang antas ng wika batay sa pormalidad na ginagamit sa pagsulat ng


awiting-bayan (balbal, kolokyal, lalawiganin, pormal). F7WG-IIa-b-7

Nabubuo ang sariling paghahatol sa ideyang nakapaloob sa akda na sumasalamin


sa tradisyon ng mga taga-Bisaya. F7PB-IIa-b-7

ALAMIN

Nasusuri ang mga salita ayon sa kaantasan nito.

SUBUKIN

Panuto: Pansinin ang mga sumusunod na salita at hulaan kung ang mga ito ay
Pormal o Di-Pormal.

anak
____________________________________

gano’n
____________________________________

kahati sa buhay
____________________________________

lespu
____________________________________

50-50
____________________________________

DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY 3|P age


TUKLASIN

PORMAL

2. DI-PORMAL - Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang araw-


araw, madalas gamitin sa pakikipag-usap at
pakikipagtalastasan.
a. Lalawiganin
Mga salitain o dayalekto ng mga katutubo sa lalawigan. Ito
ay gamitin ng mga tao sa partikular na pook at makikilala ito
sa kakaibang tono o punto. Halimbawa: Papanaw ka na?
(Aalis ka na?), Napintas (maganda)

b. Kolokyal
Salitang ginagamit sa pang-araw-araw ng pakikipag-usap,
pang-araw-araw na salita, maaring may kagaspangan nang
kaunti, maari rin itong repinado ayon sa kung sino ang
nagsasalita. Ang pag-papaikli ng isa, dalawa o higit pang titik
sa salita. Halimbawa: nasan, pa`no, sa’kin, kelan, meron.

c. Balbal

DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY 4|P age


Sa Ingles ito ay slang. Nagkakaroon ng sariling codes. Ito ay
mga salitang kalye. Ang pinakamababang uri wikang
ginagamit ng tao, nabuo sa kagustuhan ng isang partikular
na grupo na nagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan.
Halimbawa: lespu (pulis), epal (mapapel), chibog (pagkain),
orange (beinte pesos), pinoy (Pilipino)
Pinagkunan: Arnado, Anna Mie (2019). Pangnilalamang Pangwika Gamit ang Pagsusuring VARP sa Awiting VISPOP
(master’s thesis). Cebu Technological University, R. Palma St., Cebu City.

Dagdag Kaalaman

Ang awiting-bayan ay mga awit ng mga Pilipinong ninuno at hanggang


ngayon ay kinakanta o inaawit pa rin. Ito ay mga awit mula sa sariling bayan, mga
awiting batay sa pamumuhay, tradisyon at dayalekto ng isang partikular na lugar
sa Pilipinas at ito ay nagsimula bilang mga tulang may sukat at tugma at nilapatan
ng himig upang maihayag nang pakanta.

Mga Uri ng Awiting-Bayan

Ito ay awit sa pagpapatulog ng bata. Ang oyayi ay


• Oyayi o Hele tumutukoy sa liriko ng awit at ang hele ay paraan ng pag-
ugoy sa duyan.
Halimbawa: Dandansoy, Ili Ili Tulog Anay
• Soliranin/ Ito ay awit sa paggaod o pamamangka.
Talindaw Halimbawa: Ako Kini si Anggi, Si Pilemon
• Balitaw Ito ay awit sa panliligaw sa pagitan ng lalake at babae.
Halimbawa: Pasayawa ko Day
• Diona Ito ay awit sa kasal na inaawit habang isinasagawa ang
seremonya.
Halimbawa: Pinangga
• Kundiman Ito ay awit ng pagkabigo sa pag-ibig. Mula sa pahayag na
–Kung hindi man.
Halimbawa: Matud Nila, Kinsa Siya, Usahay, Lagkaw
• Kumintang Ito ay awit bago o pagkatapos ng pakikipagdigmaan.
Halimbawa: Waray-Waray
• Sambotani Ito ay awit ng pagtatagumpay.
Halimbawa: Hala Rampada
• Dalit Ito ay awit sa mga anito na nagpapakita ng pagsamba at
paggalang sa mga diyos-diyosan ng mga Bisaya.
Halimbawa: Dungog og Himaya, Himayaon Ka
• Dung-aw Ito ay awit ng pagdadalamhati o awit sa patay.
Halimbawa: Pahulay na Dayon
• Umbay Ito ay awit sa pangungulila dahil sa kawalan ng
nagmamahal na magulang.
Halimbawa: Ginikanan

DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY 5|P age


• Ditso Ito ay awit na mula sa mga batang naglalaro sa
lansangan.
Halimbawa: Ako si Takuri, Chikading, Tong Tong Pakitong
• Kalusan Ito ay awit sa sama-samang paggawa sa kabukiran.

Ang bulong ay isang matandang katawagan sa orasyon ng mga sinaunang tao


sa kapuluan sa Pilipinas. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng bulong.
Mga Halimbawa:

• Tabi, tabi po, makikiraan lang po baka po kayo mabunggo.


• Tabi, tabi po, makikihingi lang po ng kaunting bunga.
• Dagang malaki, dagang maliit. Heto na ang ngipin kong sira at pangit.
Bigyan mo ng bagong kapalit.
• Mahal na Senyor Santo Niño, tulungan po ninyo kami.

Pinagkunan: Correa, Ramilito, Festin, Rowena. BAYBAYIN: Paglalayag sa Wika at Panitikan: Rex Bookstore, Inc.

ISAISIP
Panuto: Suriin ang antas ng wika batay sa pormalidad ng awiting-bayan sa ibaba.
Tukuyin din kung anong uri ng awitin ito.

SI PILEMON
ni Yoyoy Villame

Si Pilemon, si Pilemon
namasol sa kadagatan.
Nakakuha, nakakuha
ug isda’ng tambasakan.

Uri ng Awiting-Bayan: Gibaligya, gibaligya


sa merkado’ng guba.
___________________
Ang halin puros kura,
ang halin puros kura
Igo rang ipanuba

Pinagkunan: https://trisha-d-blog.tumblr.com/post/32668222161/si-filemon-filipino-folk-song-this-is-a

DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY 6|P age


ISAGAWA

Panuto: Pumili ng isang awiting VISPOP (Visayan Pop Song) na naririnig mo sa


radyo. Isulat ang kabuuan ng awitin sa loob ng kahon. Tukuyin kung
anong uri ng awiting-bayan at kumuha ng limang salita at sabihin ang
kaantasan nito.

Pamagat

Uri ng Awiting-Bayan:
_________________________

SALITA KAANTASAN

1.

2.

3.

4.

5.

DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY 7|P age


TAYAHIN

Panuto: Hanapin sa loob ng word search puzzle ang sagot sa mga sumusunod na
pahayag na nasa ibaba. Isulat ito sa patlang bago ang bilang.

_____________________________1. Ano ang tawag sa antas ng wika na istandard at


kinikilala/ginagamit ng nakararami?

_____________________________2. Ano ang tawag sa antas ng wika na karaniwan,


palasak, pang araw-araw, madalas gamitin sa
pakikipag-usap at pakikipagtalastasan?

_____________________________3. Ano ang tawag sa pormal na wikang ginagamit


ng karaniwang manunulat sa aklat at
pambalarila para sa paaralan at pamahalaan?

_____________________________4. Ano ang tawag sa pormal na wikang ginagamit


ng mga malikhaing manunulat na ang mga
salita ay karaniwang malalim, makulay at
masining?

_____________________________5. Ano ang tawag sa wikang di-pormal na mga


salita na katutubo sa lalawigan at makikilala ito
sa kakaibang tono o punto?

DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY 8|P age


_____________________________6. Ano ang tawag sa wikang di-pormal na
ginagamit sa pang-araw-araw ng
pakikipagtalastasan na maaring may
kagaspangan nang kaunti o maaring repinado
ayon sa kung sino ang nagsasalita at gumagamit
din ng pagpapaikli ng isa, dalawa o higit pang
titik sa salita?
_____________________________7. Ano ang tawag sa mga salitang kalye na
tinuturing na pinakamababang uri na wikang
ginagamit ng tao at nabuo sa kagustuhan ng
isang partikular na grupo na nagkakaroon ng
sariling pagkakakilanlan
_____________________________8. Ito ay mga awit ng mga Pilipinong ninuno at
hanggang ngayon ay inaawit pa rin na batay sa
pamumuhay, tradisyon at dayalekto ng isang
partikular na lugar sa Pilipinas.
_____________________________9. Ano ang tawag sa awit ng pagpapatulog ng bata?
____________________________10. Ano ang tawag sa awit ng paggaod o
pamamangka?

____________________________11. Ano ang tawag sa awit ng panliligaw sa pagitan


ng lalake at babae?
____________________________12. Ano ang tawag sa awit ng sama-samang
paggawa sa kabukiran?
____________________________13. Ano ang tawag sa awit ng mga batang naglalaro
sa lansangan?
____________________________14. Ano ang tawag sa awit ng pangungulila dahil sa
kawalan ng nagmamahal na magulang?
____________________________15. Ano ang tawag sa awit ng pagdadalamhati o sa
patay?
____________________________16. Ano ang tawag sa awit ng mga anito na
nagpapakita ng pagsamba at paggalang sa mga
diyos-diyosan ng mga Bisaya?
____________________________17. Ano ang tawag sa awit ng pagtatagumpay?

____________________________18. Ano ang tawag sa awit bago o pagkatapos ng


pakikipagdigmaan?
____________________________19. Ano ang tawag sa awit ng pagkabigo sa pag-ibig.
Mula sa pahayag na “Kung hindi man”?

____________________________20. Ano ang tawag sa awit sa kasal na inaawit


habang isinasagawa ang seremonya?

DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY 9|P age


PAGYAMANIN/KARAGDAGANG GAWAIN

Panuto: Ipaliwanag ang ideyang nakapaloob sa mga sumusunod na awiting-bayan


sa sumasalamin sa tradisyon ng mga taga-Bisaya.

SI PILEMON DANDANSOY
Ni Yoyoy Villame Ni Augorio Abeto

Dandansoy, bayaan ta ikaw


Pauli ako sa payaw
Si Pilemon, Ugaling kon ikaw hidlawon ang
si Pilemon payaw imo lang lantawon.
namasol sa kadagatan.
Dandansoy, kon imo apason
Nakakuha, Bisan tubig di ka magbalon
nakakuha Ugaling kon ikaw uhawon
ug isda’ng tambasakan. Sa dalan magbubon-bubon.
Gibaligya, Kumbento, sa diin ang kura?
gibaligya Munisipyo, sa diin hustisya?
sa merkado’ng guba. Yari si dansoy makiha.
Makiha sa paghigugma,
Ang halin puros kura,
ang halin puros kura
Ang panyo mo ka’g
igo lang ipanuba.
ining panyo ko
Gisi-gisi-a kay tambihon ko
Ugaling kon magkasilo
Bana ta ikaw, asawa mo ako.

Pinagkunan:https://www.experiencenegros.com/ilonggofolknsongdandansoy

DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY 10 | P a g e


SANGGUNIAN:

Arnado, Anna Mie (2019). Pangnilalamang Pangwika Gamit ang Pagsusuring VARP
sa Awiting VISPOP (master’s thesis). Cebu Technological University, R. Palma St.,
Cebu City.

Correa, Ramilito, Festin, Rowena. BAYBAYIN: Paglalayag sa Wika at Panitikan: Rex


Bookstore, Inc.

https://trisha-d-blog.tumblr.com/post/32668222161/si-filemon-filipino-folk-song-
this-is-a

https://www.experiencenegros.com/ilonggo-folknsongdandansoy

DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY 11 | P a g e


SUSI SA PAGWAWASTO

DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY 12 | P a g e


SCHOOLS DIVISION OF MANDAUE CITY

NIMFA D. BONGO, CESO V


Schools Division Superintendent

LEAH B. APAO, CESO VI


Assistant Schools Division Superintendent

JAIME P. RUELAN, EdD


Chief Curriculum and Implementation Division

ISMAELITA N. DESABILLE, EdD


LRMDS, Education Program Supervisor

FELICITAS C. MAGNO, MAEd


Education Program Supervisor in Filipino

ANNA MIE M. ARNADO


Writer

DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY 13 | P a g e


SINOPSIS:

Ang Sariling Linangan Kit na ito ay nagbibigay ng isang magandang aral


tungkol sa buhay. Ipinapakita nito ang kaugnayan ng ating mga ginagawa araw-
araw sa ating mga magagandang asal bilang tao. Binibigyang-diin din dito ang
pagpapahayag ng paninindigan at pananaw batay sa sitwasyong kinalalagyan.
Kailangang harapin ang mga pagsubok at matuto mula rito.

Inaasahan na ang mga mag-aaral ay makagagawa ng talumpati na may


kaugnayan sa buhay at upang maipakita ang pagiging isang mabuting tao sa
lipunan.

Magbasa at linangin ang sariling katangian at kaugalian bilang isang tao.


Kilalanin ang sarili at tuklasin ang mga nakatagong kabutihan na maaaring
maipagmalaki sa buong mundo.

MAY-AKDA:

May-Akda: ANNA MIE M. ARNADO. Nagtapos sa Pamantasan ng


Cebu Normal sa kursong Bachelor of Science in Education with
area of Specialization- Filipino noong 2012. Kasalukuyang
nagtuturo sa Canduman National High School bilang guro sa
ikapitong baitang. Nagtapos din ng kanyang post graduate studies
na Master of Arts in Education major in Filipino Language
Teaching sa Pamantasan ng Cebu Technological noong 2019.

DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY 14 | P a g e


For inquiries or feedback, please write or call:
Department of Education – Division of Mandaue City
Plaridel St., Centro, Mandaue City, Cebu, Philippines 6014
Telephone Nos.: (032) 345 – 0545 | (032) 505 – 6337
E-mail Address: mandaue.city001@deped.gov.ph
Website: https://depedmandaue.net
DEPARTMENT OF EDUCATION | DIVISION OF MANDAUE CITY 15 | P a g e

You might also like