You are on page 1of 3

CIUDAD NUEVO DE NAIC NATIONAL HIGH SCHOOL

Sabang, Naic, Cavite

UNANG MARKAHAN - LEARNER’S ACTIVITY SHEET (LAS)


FILIPINO 7

GAWAIN SA PAGTATAYA
Aralin 1: PINAGMULAN NG KWENTONG-BAYAN
Gawain: Pagguhit
Panuto: Basahin ng may pag-unawa ang kwentong-bayan na may pamagat na “Nakalbo ang Datu” na nasa
Filipino 7 Learner’s Material, pahina 8 pagkatapos ay iguhit sa short bond paper ang mahihinuha mong
kaugalian at kalagayang panlipunan ng binasang kwento batay sa mga pangyayari at usapan ng mga tauhan.

GAWAIN SA PAGTATAYA
Ikalawang Linggo
Aralin 2: NAHIHINUHA ANG KALALABASAN NG MGA PANGYAYARI
Gawain: PAGBABALITA
Panuto: Manood ng balita tungkol sa kinakaharap ng bansa sa kasalukuyan at ilahad ang nahihinuha mong
kalalabasan ng pangyayari at ang maaaring sanhi at maging bunga nito. Ilahad ito sa pamamagitan ng pagbuo
ng iskrip na nasa anyong pagbabalita tulad ng iyong napapanood sa telebisyon o nababasa sa mga pahayagan.
Isulai ito sa lomgpad.

Pamantayan sa Pagmamarka:

PAMANTAYAN PUNTOS
Pinakamahusay 10
Mahusay 8
Kailangang paunlarin 5

Ikatlong Linggo
Aralin 3: MAIKLING KWENTO
Gawain: Pagsulat
Panuto: Sa isang buong papel, lumikha ng iyong sariling kwento sa tulong ng paggamit ng Elemento ng Maikling
Kwentong tinalakay. Maaaring pumili ng isang paksa sa ibaba.

PAALALA: Ito ay paksang pag-uusapan sa kwentong iyong gagawin. Mag-isip ng maganda/angkop na pamagat
na kaugnay sa paksang iyong napili.
 Covid 19
 Kahirapan
 Pagbangon
(Ito ay tungkol sa tagumpay na nakamit sa kabila ng pinagdaanang pagsubok.)

Pamantayan sa Pagmamarka:

PAMANTAYAN PUNTOS
May kaugnayan sa paksa 3
Malinaw at maayos na paliwanag 2
Paggamit ng tamang bantas 2
Pafglalahad 3
Kabuuang puntos: 10
Aralin 3.1: DOKUMENTARYO

Gawain:
Panuto: Pumili ng isang kwento sa pahayagan at magsagawa ng pagsusuri ukol dito gamit ang pamantayan sa
Gawain 3. Isulat sa sagutang papel ang iyong pagsusuri. Tingnan ang Rubriks bilang gabay sa iyong pagsusuri.

Pamantayan sa Pananaliksik

Ikaapat na Linggo
Aralin 4: WASTONG PAGGAMIT NG RETORIKAL NA PANG-UGNAY
Gawain: Pagsulat
Panuto: Sa isang buong papel, sumulat ng isang sanaysay tungkol sa isang napapanahong isyu/paksa. Gumamit
ng mga pang-ugnay at salungguhitan ang mga ito.

Pamantayan sa Pagmamarka:

PAMANTAYAN PUNTOS
May kaugnayan sa paksa 3
Malinaw at maayos na paliwanag 2
Paggamit ng tamang bantas 2
Pafglalahad 3
Kabuuang puntos: 10

Ikaanim na Linggo
Aralin 6: PAGSUSURI NG GINAMIT NA DATOS SA PANANALIKSIK
Susog na Gawain: Pagsusuri
Panuto: Suriin ang mga datos na ginamit sa travel brochure sa ibaba. Isulat sa longpad ang iyong mga napuna.
Aralin 8: PAGGAMIT NG WIKANG FILIPINO
Susog na Gawain: PAGSULAT NG TULA
Panuto: Ibahagi ang nasaliksik na impormasyon mula sa Youtube o iba pang sangunian tungkol sa isang kultura
o tradisyon ng lugar sa CALABARZON sa pamamagitan ng pagsulat sa isang malinis na papel. Gamitin ang
graphic organizer sa pagbabahagi ng impormasyon.

Inihanda ni:
RHEA V. OLIVER
Guro sa Filipino 7

You might also like