Pabula (China) Ekspresyon sa pagpapahayag ng Damdamin at Emosyon
Pagtanaw:
May malalim na impluwensiya ng paniniwalang Taoismo, Confucianismo,
at Budismo ang mga kuwentong-bayan ng mga Tsino. Sinasabi na nagmula ito sa India o sa Kanlurang Asya at ang iba naman, maaaring nagmula sa iba pang karatig-bansa sa Kanluran, ngunit mas laganap sa Silangang Asya dahil sa pakikipag-ugnayang panlabas o sa pakikipagkalakalan. Karaniwang paksa ng mga kuwento sa poklorikong Tsino ang tungkol sa kalikasan at katangian ng tao, kasaysayan, pag-ibig, at mga supernatural, o salaysayin na nagpapaliwanag sa karaniwan o natatanging pangyayari sa isang tiyak na panahon.
Ang mababasang pabula ay nagmula sa Dinastiyang Ming (1368-1644).
Ito ang ikaapat sa mga dakilang dinastiya sa China at tila pinakamaunlad na panahon. Nang magwakas ang paghaharing Mongol sa China pagkaraan ng digmaang sibil, nabawi ng mga Tsino ang pamamahala sa, kanilang bansa mula sa mga dayuhan. Dahil dito, napanumbalik ang kasiglahan ng nakagisnan nilang kultura. Napag-ibayo ang paglinang ng sining, kalakalan, at ang iba't bang industriya lalo na sa seramika at palayok. Sa panahong ito, lumawak ang impluwensiya sa kultura at politika sa Kaniurang Asya at sa mga Turko hanggang kanluran, gayundin sa Vietnam at Myanmar hanggang timog.
Masasalamin sa mga pabula ang kultura; tradisyon, paniniwala, at maging
ang kalagayang panlipunan ng bawat bansa at ang panahong pinagdaanan nito. Kinapupulutan din ito ng mga aral sa buhay. Karaniwang tauhan nito ay mga hayop. Ngunit, paano nga ba ginagamit ang mga hayop bilang tauhan sa isang kuwento? Ano ang kadalasang sinisimbolo ng mga ito?
Si Tung Kuo at ang Lobo sa Kaniyang Sako
Isang muling pagsasalaysay ng kuwentong bayan Mula sa China sa Panahon ng Dinastiyang Ming Batay sa Sweet and Sour Tales from China, Retold by Carol Kendall and Yao-wen Li
Minsan, sa isang parang, isang lobo ang nakaabang sa isang kunehong
kaniyang akmang sisilain. Naiisip na niya ang linamnam nito kahit habang binabantayan pa lamang. Takam na takam siyang nakakubli sa palumpong habang walang kamalay-malay na nanginginain ang kuneho. Sa akmang pagkakataon, nakahanap siya ng tamang tiyempo at naghanda siyang dambahin ito upang sakmalin. Ang hindi niya alam, naroroon ding nangangaso ang puwersa ng Panginoong Chao, na kinatatakutan sa lunang ion. May walang mintis na palaso ang Panginoong Chao, na inihahanda pala para talaga sa kaniya, na namataan nila sa palumpong. Sa pagitan ng gutom at pagtakas, pinili ng lobo ang gutom. Inabot ng palaso ng Panginoon ang kaniyang binti, Masuwerte siyang nakatakas at agad na nakapagtago.
Suminghal ang Panginoong Chao at sinabihan ang kaniyang mga kasama
na hanapin ang lobo. Ang lobo naman, masuwerteng nakatagpo ang isang peregrino, si Tung Kuo, na ubod ng buti ang loob at handang ialay ang kaniyang buhay. Dahil naglalakbay siyang puno ng kapayapaan, wala siyang hinagap sa mga pangyayari. Ang tanging bigat lamang ng sanda-sandaling kinakailangan niyang batahin ay ang sako ng mga libro sa kaniyang likod. Nagitla na lamang siya nang tumambad sa kaniyang harapan ang lobo, tila maamong nanghihinging saklolo. Sa likurang binti nito, ang palaso.