You are on page 1of 16

8

EDUKASYON SA
PAGPAPAKATAO
Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto
Kapuwa Ko Pananagutan Ko!
Ikalawang Markahan - Ikalawang Linggo

1|P ahi na
Edukasyon sa Pagpapakatao – 8
Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
Kapuwa Ko Pananagutan Ko!
Ikalawang Markahan – Ikalawang Linggo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng kagamitan. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang
parte nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa
Kagawaran.

Bumuo sa Pagsulat ng Kagamitan


sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto

Manunulat: Efegenia B. Elejorde


Editor/Tagasuri: Yolanda S. Sanada
Tagaguhit/Taga-anyo: John Ernest J. Basco
Tagapamahala: Leonardo D. Zapanta EdD, CESO V
Michelle Ablian-Mejica EdD
Manolito B. Basilio EdD
Lani A. Miraflor EdD
Ronald Ryan L. Sion
Garry M. Achacoso
Rachelle C. Diviva

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon


Rehiyon III
Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales
Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph
Kapuwa Ko Pananagutan Ko!

Panimula

Ang magandang ugnayan sa iba ay isa sa pagpapahalaga ng mga Pilipino na


nagpapatibay sa kanilang relasyon. Likas sa tao ang makipag-ugnayan sapagkat
lahat ay may papel na ginagampanan sa kanyang kapuwa. Ang tao ay nabubuhay
upang makapagbigay lingkod sa kanyang kapuwa tao.
Sa araling ito, mapapatunayan mo na ang tao ay likas na panlipunang
nilalang. Matututunan mo ang mga pagpapahalaga na kinakailangan sa
pagpapatatag ng pakikipagkapuwa sa pamamagitan ng pagtalakay at mga gawain.

Kasanayang Pampagkatuto

Nahihinuha na: a. Ang tao ay likas na panlipunang nilalang, kaya’t nakikipag-


ugnayan siya sa kanyang kapwa upang malinang siya sa aspektong intelektwal,
panlipunan, pangkabuhayan, at politikal. b. Ang birtud ng katarungan (justice) at
pagmamahal (charity) ay kailangan sa pagpapatatag ng pakikipagkapwa. c. Ang
pagiging ganap niyang tao ay matatamo sa paglilingkod sa kapwa - ang tunay na
indikasyon ng pagmamahal. EsP8PIIb-5.3

Naisasagawa ang isang gawaing tutugon sa pangangailangan ng mga mag-


aaral o kabataan sa paaralan o pamayanan sa aspektong intelektwal, panlipunan,
pangkabuhayan, o pulitikal. EsP8PIIb-5.4

Mga Layunin

Matapos mong sagutan ang mga gawain, ikaw ay inaasahang:


1. Makapagpapaliwanag ng mga konseptong nakakabit sa tao bilang
panlipunang nilalang
2. Matutukoy ang kahalagahan ng pakikipagkapuwa.
3. Maisasagawa ang isang gawaing tutugon sa pangangailangan ng mga mag-
aaral o kabataan sa paaralan o pamayanan sa aspektong intelektwal,
panlipunan, pangkabuhayan, o pulitikal.

1|P ahi na
Balik Aral

Panuto: Gumawa ng kahulugan ng bawat letra sa salitang “KAPUWA”, siguraduhing


ito rin ay naaayon sa paksa. Maaaring ito ay isa o higat pa na salita. Pagkatapos ay
sagutan ang mga katanungan sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa kuwaderno.

K-_________________________________________________

A-_________________________________________________

P-_________________________________________________

U-_________________________________________________

W-_________________________________________________

A-_________________________________________________

1. Ano ang naging basehan mo sa mga salitang napili mong ilagay?

2. Paano mo nabuo ang “KAPUWA”? ipaliwanag.

Rubriks ng Balik-Aral
Pamantayan 5 3 0
Nakakabuo ng Nakabuo ng Nakabuo ng Walang nabuo
kahulungan na limang tatlo na na kahulugan
naaayon sa kahulugan na kahulugan na na naaayon sa
kapuwa. naaayon sa naaayon sa kapwa
kapuwa. kapuwa
Maayos at Maayos at Maayos at Walang maayos
maliwanag ang maliwanag ang 5 maliwanag ang 3 na napiling
mga napiling napiling salita o napiling salita o salita o lipon ng
salita o lipon ng lipon ng mga lipon ng mga mga salita.
mga salita. salita. salita.

2|P ahina
Pagtalakay sa Paksa

Ayon sa pangunahing pag-aaral sa konsepto na ginawa ni Virgilio Enriquez


(1994), isang kilalang Sikolohistang Pilipino, ang salitang “Kapuwa” para sa mga
Pilipino ay tumutukoy sa pagiging pantay at pagkakaroon ng nagkakaisang
pagkakakilanlan (shared identity) ng dalawang tao. Ang isang tao na marunong
makipagkapuwa ay kinikilala nito ang kanyang dignidad at pagkatao ng pantay sa
sarili at sa iba.
Lahat ng tao ay nilikhang likas na may pangangailangan sa kapuwa. Ang
pakikipagkapuwa ng mga Pilipino ay nasasalamin sa kanilang maayos na
pakikitungo nito sa ibang tao. Ito ay isang kalakasan na kahit sino pa ang
nakakasalamuha ay maayos itong napakikitunguhan ng buong pagrespeto at
pagmamalasakit.
Upang mapaunlad ang pakikitungo sa kapuwa narito ang ilang paraan na
maaari mong maging gabay upang masimulan, maipagpatuloy at maisabuhay ang
isang magandang ugnayan.

1. Magpakita ng interes sa pakikipag-usap sa ibang tao. Nagsisimula ang


magandang ugnayan kapag ang tao ay marunong magbigay ng
pagpapahalaga sa iba. Katulad na lamang ng pagkakarron ng interes na
kausapin at kilalanin ito.

2. Ngumiti. Tanging libre na puwede nating ibahagi sa ibang tao ang ating
mga ngiti. Dito rin nagsisimula ang isang mabuting ugnayan sa kanila.
Ang isang positibong pagtanggap sa ibang tao ay ang iyong mga ngiti.

3. Matutong magpahalaga sa iba. Kapag ang tao ay marunong magpahalaga


sa iba, tiyak ikaw din ay magiging mahalaga sa iba. Matutong tingnan ang
magagandang katangian ng kapuwa at purihin ito. Sa ganitong
pagkakataon ay mas napapalalim ninyo ang inyong pakikipagkapuwa.

4. Alalahaning hindi palaging ikaw ang tama. Lahat ng tao nagkakamali,


kaya aminin sa sarili na hindi lahat ng oras ikaw ang tama. Maging
mapagpakumbaba at tanggapin ang anumang pagkakamali sa iba.

5. Makinig. Napakahalaga sa pakikipagkapuwa ang komunikasyon. Ang


pagsasalita at pakikinig at parehas na mahalaga ngunit mas
makapangyarihan ang pakikinig. Dito nagkakaroon ng pagkakataon ang
ibang tao na maibahagi ang kanilang saloobin.

6. Igalang ang pagkatao ng iba. Ang pagpapakita ng paggalang sa ibang tao


ay nakapagpapaangat sa dignidad ng kanilang pagkatao. Kahit sinong tao
ay matutuwa kapag lahat ay nagpapakita ng pagrespeto sa isa’t isa
anuman ang kanilang pinanggalingan. Magkakaiba man tayo ng saloobin,

3|P ahi na
paniniwala, kultura, at nasyonalidad pareho naman tayong tao na
nangangailangan ng paggalang sa ating pagkatao.

7. Matutong magpatawad. Ito ay isang bagay na mahirap ibigay sa taong


nakasakit sa atin, pisikal man o damdamin. Ngunit ang pagbibigay ng
pagpapatawad sa mga taong nakagawa sa ating ng pagkakamali ay ang
siyang tunay na magpapalaya sa ating kalooban. Napakasarap sa
damdamin kapag ikaw ay nagbigay ng pagpapatawad sa kapuwa. Ito iyong
tipong nakahinga ka ng malalalim, wala ng bigat sa kalooban, at
napakasarap na sa pakiramdam na parang nakalutang ka na sa
kaulapan.

8. Maging matapat at makatarungan sa pakikipag-ugnayan sa kapuwa.


Walang sinumang tao ang gusto na malamangan o madaya sila ng iba.
Ang pagiging matapat sa kapwa ay susi ng isang mabuting pagkakaibigan.
Mahalaga na maging tunay tayong tao sa iba. Iyon ang pagpapakita natin
ng katapatan sa kilos at salita. Sa lahat ng bagay nararapat lamang ang
pagiging makatarungan ng tao at umiwas sa pagiging bias sa iba.

Ang paggawa ng nararapat sa kapuwa ay ang laging hinihingi ng batas sa


bawat tao. Ito ang pinakaunang kaalaman sa atin kapag ang usapan ay ang
katarungan. Kung titingnan natin ang katarungan (justice) bilang birtud nararapat
lamang na mas higitan pa kung ano man ang nararapat. Gawin ito bilang isang
tungkulin sa kapuwa na nilalakipan ng isa pang birtud – ang pagmamahal. Hindi
sapat ang pagbibigay ng nararapat dahil ito ay pagsunod lamang natin sa ating
tungkulin. Kailangan higit pa sa nararapat, ito ay paggawa ng tungkulin ng buong
pagmamahal.

Ang pakikipagkapuwa ay napakahalaga sapagkat ito ay nagbubunga ng


magandang resulta para sa pag-unlad ng sarili sa lahat ng aspekto. Napapalawak
ng pakikipagkapuwa ang iyong isipan sa mga bagay. Sa pamamagitan ng pakikipag-
usap, pagpapalitan ng mga kaisipan, opinyon o kuro kuro, at pakikinig sa sinasabi
ng iba ay makakakuha ka ng bagong karunungan o impormasyon. Dahil sa mga
nakukuha mong kaalaman sa iba ay naitatama mo ang iyong sarili sa mga maling
kaalaman na mayroon ka. Ito ay malaking tulong upang matahak mo ang tamang
direksyon. Natutulungan ka ng kapuwa na mapaunlad mo ang iyong intelektwal na
kagalingan.

Sa pamamagitan ng pakikipagkapuwa ay nagkakaroon ka ng kamalayan sa


iyong sarili. Nagiging daan mo ang komento ng ibang tao para malaman mo ang
iyong kahinaan at kalakasan. Ang mga papuri at puna ay hindi lamang upang
makilala kundi upang ito ay mas lalo mong pagyamanin at paunlarin.

Likas sa tao ang makipag-ugnayan. Ang pakikipagkapuwa ay nagdudulot ng


katiyakan na mayroon tayong kasama na gagawa. Nababawasan din ang ating takot
o pangamba sa mga bagay na hirap nating gawin dahil mayroon tayong kapuwa na
karamay o katulong sa panahong kailangan natin ang isa’t isa.

4|P ahina
Gawain

Pinatnubayang Pagsasanay 1

Panuto: Mag-isip ng isang hakbang na gagawin upang tumugon sa pangangailangan


ng mga mag-aaral o kabataan sa inyong paaralan o komunidad sa aspektong
intelektuwal, panlipunan, pangkabuhayan, o politikal. Isulat sa iyong kuwaderno
ang mga hakbang na gagawin mo upang maipakita ang iyong pakikipagkapwa.

Hakbang na gagawin upang


Pangangailangan ng mga matugunan ang
Aspekto
mag-aaral o kabataan pangangailangan ng mga mag-
aaral o kabataan

Intelektuwal

Panlipunan

Pangkabuhayan

Politikal

Rubriks para sa Pinatnubayang Pagsasanay 1


Pamantayan 2 1 0
Malinaw na Nauunawaan ang Nailahad ang Hindi nailahad
nailahad ang ginawang ginawang ang
pangangailangan paglalahad sa paglalahad sa pangangailangan
ng mga mag-aaral pangangailangan pangangailangan ng mga mag-
o kabataan. ng mga mag-aaral ng mga mag-aaral aaral o kabataan.
o kabataan. o kabataan ngunit

5|P ahi na
hindi ito
maunawaan.
Malinaw na Nauunawaan ang Nailahad ang Hindi nailahad
nailahad ang ginawang ginawang hakbang ang hakbang sa
resulta ng paglalahad ng sa pagtugon sa pagtugon sa
ginawang hakbang hakbang sa pangangailangan pangangailangan
sa pagtugon sa pagtugon sa ng mga mag-aaral ng mga mag-
pangangailangan pangangailangan o kabataan ngunit aaral o kabataan.
ng mga mag-aaral ng mga mag-aaral hindi ito
o kabataan o kabataan maunawaan.

Pinatnubayang Pagsasanay 2
Panuto: Basahin, unawain, at ipaliwanag ang kaugnayan ng bawat sipi sa iyong
pakikipagkapuwa. Isulat sa iyong kuwaderno ang iyong sagot.

“Upang magpatuloy ang sibilisasyon, kailangan nating linangin ang agham ng


pakikipag-ugnayan….” _Franklin Roosevelt

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

6|P ahina
“Ang magpakatao ay pakikipagkapuwa.” _ Dr. Manuel Dy

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Rubriks sa Pinatnubayang Pagsasanay 2


Pamantayan 5 3 0
Malinaw na Nailahad ang Nailahad ang Walang nailahad
nailahad ang pakikipag- pakikipag- na pakikipag-
pakikipag-ugnayan ugnayan sa kapwa ugnayan sa kapwa ugnayan sa kapwa
sa kapwa ay ay nakakatulong ay nakakatulong ay nakakatulong
nakakatulong upang malinang upang malinang upang malinang
upang malinang ang aspektong ang aspektong ang aspektong
ang aspektong intelektwal, intelektwal, intelektwal,
intelektwal, panlipunan, panlipunan, panlipunan,
panlipunan, pangkabuhayan at pangkabuhayan at pangkabuhayan at
pangkabuhayan at politikal ng limang politikal ng tatlong politikal.
politikal. pangungusap o pangungusap.
higit pa.
Malinaw na Malinaw na Malinaw na Walang nailahad
nailahad ang nailahad ang nailahad ang na katarungan at
katarungan at katarungan at katarungan at pagmamahal ay
pagmamahal ay pagmamahal ay pagmamahal ay kasama sa
kasama sa kasama sa kasama sa pagpapatatag ng
pagpapatatag ng pagpapatatag ng pagpapatatag ng pakikipagkapuwan.
pakikipagkapuwan. pakikipagkapuwan pakikipagkapuwan
ng limang ng tatlong
pangungusap o pangungusap.
higit pa.

7|P ahi na
Pang-isahang Pagsasanay

Panuto: Pag-isipang mabuti kung paano mo pabubutihin at pananatilihin ang


makabuluhang ugnayan mo sa mga sumusunod . Isulat sa kuwaderno ang iyong
sagot.

Paano mo pananatilihin ang makabuluhang


Kapuwa
ugnayan

Magulang

Kapatid

Kamag-aral

Kaibigan

Kapitbahay

Rubriks sa Pang-isahang Pagsasanay


Pamantayan 2 1 0
Nakapagtatala ng Maayos na Maayos na Walang naitala na
pagpapabuti sa nakapagtala ng nakapagtala ng pagpapabuti sa
makabuluhang pagpapabuti sa pagpapabuti sa makabuluhang
ugnayan sa makabuluhang makabuluhang ugnayan sa
kapuwa. ugnayan sa ugnayan sa kapuwa.
kapuwa. kapuwa ngunit
hindi
maintindihan.

8|P ahina
Pagsusulit

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Isulat sa kuwaderno ang titik ng
tamang sagot.

1. Alin sa mga pahayag ang isa sa mga indikasyon na ang tao ay likas na
panlipunang nilalang?
a. Ang tao ay may kakayahang mapag-isa.
b. Ang tao ay may kailangan na kayang tugunan ng iba.
c. Ang tao ay may kakayahang lumikha ng masasayang alaala.
d. Ang tao ay may kakayahang magtrabaho mag-isa.

2. Ano ang nararapat na pakikitungo sa kapuwa?


a. Nakabatay sa estado ng tao sa lipunan.
b. Nakasalalay sa kalagayang panlipunan.
c. Pagtrato sa kanya ng may paggalang at dignidad.
d. Pagkakaroon ng pagkakataon na mapag-isa.

3. Paano maipapakita ang makabuluhang pakikipagkapuwa?


a. Sa pamamagitan ng pagkakaroon ng oras sa sarili.
b. Sa pamamagitan ng pag-unawa at paggalang sa tao.
c. Sa pamamagitan ng pagtupad sa mga pansariling nais.
d. Sa pamamagitan ng pananahimik upang umiwas sa tao.

4. Ano ang indikasyon na nagpapakita ng tunay na kaganapan ng tao sa


kanyang paglilingkod sa kapuwa?
a. Tunay na pagmamahal
b. Pagmamalasakit
c. Pagpapakumbaba
d. Pagsasabi ng katotohanan

5. Aling aspekto ng pagkatao ang higit na napauunlad sa pamamagitan ng


paghahanapbuhay?
a. Intelektwal
b. Panlipunan
c. Pangkabuhayan
d. Politikal

6. Ano ang nililinang ng tao sa kaniyang pakikiisa at pakikibahagi sa mga


samahan.
a. Kusa at pananagutan
b. Sipag at tiyaga
c. Talino at kakayahan
d. Tungkulin at karapatan

9|P ahi na
7. Bakit naging kalakasan ng mga Pilipino ang pakikipagkapuwa?
a. Dahil sa kanilang kakayahang magmalasakit at gumalang sa kapuwa
b. Dahil sa kanilang pagiging emosyonal at pakikisangkot
c. Dahil sa kanilang pakikinig at paggawa ng kwento sa iba.
d. Dahil sa wala silang pakialam sa sinasabi ng iba.

8. Ano ang nakahahadlang sa makabuluhang pakikipag-ugnayan sa kapuwa?


a. Kakayahan ng taong makibahagi sa mga gawaing panlipunan.
b. Kakayahang tugunan ang pangangailangan ng kapwa.
c. Pagkilala sa sarili na mas matalino siya kaysa sa ibang tao.
d. Pakikitungo sa iba sa paraang gusto mo ring pakitunguhan ka.

9-10 ( Ito ay mga paraan na maaari mong gabay upang maisabuhay ang magandang
ugnayan sa kapuwa)
9. Tanging libre na puwede nating ibahagi sa ibang tao.
a. Ngumiti
b. Makinig
c. Matutong magpatawad
d. Matutong magpahalaga sa iba

10. Ang pagbibigay ng bagay na ito ang tunay na magpapalaya sa ating kalooban.
a. Ngumiti
b. Makinig
c. Matutong magpatawad
d. Matutong magpahalaga sa iba

Pangwakas

Panuto: Buuin ang pangungusap sa pagsulat ng mga tamang salita sa bawat


patlang. Isulat sa kuwaderno ang sagot.

Ang pagiging ________________niyang tao ay matatamo sa _________________


sa kapuwa – ang tunay na indikasyon ng ________________.

10 | P a h i n a
Mga Sanggunian

Punsalan, Twila G., Sylvia T. Caberio, Myra D. Nicholas, Wilma S. Reyes, Kaganapan
ng Pakikipagkapwa. Manila: 28 Rex Book Store Inc., 2007

Dy, Manuel Jr. (2009). “Values in Philippine Culture and Education. Philippine
Philosophical Studies.” Kinuha noong Agosto 14, 2017. Mula sa
https://books.google.com.ph/books/about/Values_in_Philippine_Culture_and
_Educati.html?id=hRoYc2Pg2sC&redir_esc=y.

Hall,John (2016). “10 Simple Ways To Improve Your People Skills And Relationships.”
Kinuha noong Oktubre 6, 2017. Mula sa
https://www.forbes.com/sites/johnhall/2016/03/20/10-simple-ways-to-
improve-your-people-skills-and-build-relationships/#3ed5ff2ed518.

San Juan, E. Jr. (2008). Re-visiting Sikolohiyang Pilipino: In Honor of Virgilio Enriquez.
“Toward A Decolonizing Indigenous Psychology in the Philippines; Introducing
Sikolohiyang Pilipino.” Kinuha noong Nobyembre 20, 2017. Mula sa
https://philcsc.wordpress.com/2008/08/08/re-visiting-sikolohiyang-pilipino-
in-honor-of-virgilio-enriquez/.

Kagawaran ng Edukasyon. Modyul para sa Mag-aaral Edukasyon sa Pagpapakatao


8

Punsalan, Twila g., Marte, Nonita C., Ganzales, Camila C., Nicolas, Myra Villa D.,
Kagawaran ng Edukasyon. Batayang Aklat sa Edukasyon sa Pagpapakatao 8

Susi sa Pagwawasto
Pangwakas: Ganap, Paglilingkod, Pagmamahal

10.c
9.a
8.c
7.a
6.d
5.c
4.a
3.b
2.c
1.b
Pagsusulit

11 | P a h i n a
Pasasalamat

Ipinaaabot ng Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales ang


taos-pusong pasasalamat sa mga sumusunod, na nakapag-ambag ng tagumpay
para sa paghahanda, pag-unlad, pagtiyak ng kalidad, paglimbag at pamamahagi ng
Ikalawang Markahang Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto sa
lahat ng asignatura sa iba’t ibang antas bilang tugon sa pagbibigay sa mag-aaral ng
naaangkop na kagamitang pampagkatuto hango sa Pinakamahalagang Kasanayang
Pampagkatuto (MELCs) - ayon sa mga pagsasanay na nakabatay sa mga
pamantayan ng pinatnubayang kasanayan at tuwirang pagtuturo:

Una, ang Learning Resource Development Team na binubuo ng mga


manunulat at tagaguhit, sa kanilang iginugol na panahon at kakayahan upang
makabuo ng iba’t ibang kinakailangang kagamitang pampagkatuto.

Ikalawa, ang mga tagapatnugot sa nilalaman, tagasuring pangwika, at mga


tagasuring pandisenyo na maingat na nagwasto at bumuo sa lahat ng Kagamitan sa
Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto upang matiyak ang kawastuhan at
katugunan sa mga pamantayan ng Kagawaran ng Edukasyon;

Ikatlo, ang Panlalawigang Pamahalaan ng Zambales sa kanilang patuloy na


paglalaan ng tulong-pinansyal upang mapunan ang gugugulin sa paglilimbag ng
mga kagamitang pampagkatuto na magagamit ng mga magulang at mag-aaral sa
tahanan.

Ikaapat, ang mga gurong tagapatnubay at mga guro sa bawat asignatura sa


kanilang malapit na pakikipag-ugnayan sa mga punongguro, sa kanilang
lingguhang pamamahagi at pagbabalik ng mga Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto at sa kanilang madalas na pagsubaybay sa pag-unlad
ng mag-aaral sa lahat ng paraan; at

Panghuli, ang mga magulang at iba pang pantahanang tagapagdaloy sa


kanilang pagbibigay sa mag-aaral ng kinakailangang patnubay at gabay upang
maisagawa ang mga gawain at upang patuloy na matulungan ang bawat mag-aaral
na maging responsableng indibiduwal sa hinaharap.

12 | P a h i n a
Sa inyong patuloy na paghahatid ng kaalaman sa mapanghamong panahon
ay lubos na makamit ang sama-samang pagpupunyagi at matibay na malasakit na
pagsilbihan ang ating mag-aaral na Zambaleño.

Muli, ang aming walang hanggang pasasalamat!

Tagapamahala
Para sa katanungan o karagdagang puna, maaaring sumulat o tumawag
sa:

Schools Division of Zambales


Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph

You might also like