You are on page 1of 4

C.

Sektor ng Serbisyo
Mahalaga ang sektor ng serbisyo sa daloy ng kalakalan ng bansa dahil tinitiyak nito na makararating sa
mga mamimili ang mga produkto sa bansa. Kaakibat nito ang iba’t ibang anyo ng pang-aabuso sa karapatan ng
mga manggagawa tulad ng mahabang oras ng pagpasok sa trabaho, mababang pasahod. Hindi pantay na
oportunidad sa pagpili ng mga empleyado, kawalan ng sapat na seguridad para sa mga manggagawa tulad sa
mga minahan, konstruksiyon, at planta na nagpoprodyus ng lakas elektrisidad na kung saan may mga
manggagawa na naaaksidente o nasasawi. Kaalinsabay nito ang iba’t ibang suliranin, bunsod ng globalisasyon
sa pamamagitan ng patakarang liberalisasyon ng pamahalaan o ang pagpasok ng bansa sa mga dayuhan
kasunduan na kung binubuksan ng malaya ang ang kalakalan ng bansa sa mga dayuhang kompanya, kaya’t sa
pagpasok ng mga produkto at serbisyo mula sa mga ito, nalilimitahan ang bilang na kalakal at serbisyo na gawa
ng mga Pilipino sa pandaigdigang kalakalan.

Suliranin ng
Paggawa sa
Bansa
ISKEMANG Dalawang Umiiral na anyo ng
SUBCONTRACTING Subcontracting
Tumutukoy sa kaayusan sa
paggawa kung saan ang kompanya
ay komukontrata ng isang ahensya
o indibidwal na subcontractor
upang gawin ang isang trabaho o
serbisyo sa isang takdang
panahon.
Kalagayan ng mga Manggagawa sa Iba’t ibang Sektor
Sektor ng Agrikultura
Isa rin sa mga hamon ng globalisasyon sa bansa ay ang patuloy na pagdami ng mga lokal na produkto na
iniluluwas sa ibang bansa at ang pagdagsa ng mga dayuhang produkto sa pamilihang lokal. Lubusang
naaapektuhan ang mga lokal na magsasaka dahil sa mas murang naibebenta ang mga dayuhang produkto sa
bansa. Mas maraming insentibo ang naipagkakaloob sa mga dayuhang kompanya na nagluluwas ng kanilang
parehong produkto sa bansa. Sa kabilang banda, may mga lokal na produktong may mataas na kalidad gaya ng
saging, mangga at iba pa na itinatanim sa atin na nakalaan lamang para sa ibang bansa.

B. Sektor ng Industriya
Lubusan ding naaapektuhan ng pagpasok ng mga dayuhang kompanya ay sektor ng industriya bunsod ng
mga naging kasunduan ng Pilipinas sa iba’t ibang pandaigdigang institusyong pinansyal. Katulad ng mga
imposisyon at kondisyon ng pagpapautang nila sa bansa. Bunsod nito ang mga pamantayang pangkasanayan at
kakayahan, pagpili, pagtanggap, at pasahod sa mga manggagawa ay naayon sa kanilang mga pamantayan at
polisiya.
Notes sa Araling Panlipunan 10

You might also like