KAHALAGAHAN NG TEKNOLOHIYA SA MGA MAG-AARAL NG IKA-
LABINGISANG BAITANG NA ESTUDYANTE NG (STEM) SA SENOIR
HIGH SCHOOL NG IJLARR SA TAONG 2021-2022. INDEPENDENT VARIABLE- TEKNOLOHIYA DEPENDENT VARIABLE- MAG AARAL Napili namin ang pananaliksik na ito dahil nais naming malaman kung gaano kahalaga sa mga mag aaral ang teknolohiya. Sa kabilang banda nalamn namin na ito ay napakahalaga sa mga mag aaral dahil hindi na nila kailangan hanapin ang impormasyon na nais nilang malaman sa libro dahil isang pindot lamang sa internet ay malalaman na nila.
POSIBLENG MGA TANONG:
1. Gaano kahalaga ang teknolohiya sa pagaaral ng mga estudyante sa ika labingisang baitang ng (STEM) sa IJLARR sa taong 2021-2021? Napaka halaga ng teknolohiya para sa mga estudyante dahil mas napapadali ang pag alam nila sa mga impormasyon na kailangan nilang malaman. 2. Nakatutulong ba ang teknolohiya sa akademikong pagganap ng mga estudyante sa ika labingisang baitang ng (STEM) sa IJLARR sa taong 2021-2022? Oo. Dahil napapataas ng teknolohiya ang akademikong grado ng isang estudyante sa pagkakaroon nito ng mas pinadaling paraan sa pagbibigay ng mga impormasyon. 3. Ano ang kadalasang aplikasyon ang ginagamit ng mga estudyante na may kaugnayan sa teknolohiya? Madalas na ginagamit ng mga estudyante ang kani kanilang mga selpon sa pangangalap ng impormasyon.
EPEKTO NG ONLINE CLASS SA AKADEMIKONG PAGGANAP NG MGA
MAG-AARAL SA IKA LABINGISANG BAITANG NG (STEM) SA SENIOR HIGH SCHOOL NG IJLARR SA TAONG 2021-2022. INDEPENDENT- ONLINE CLASS DEPENDENT- AKADEMIKONG PAGGANAP
POSIBLENG MGA TANONG:
1. Sa paanong paraan nakaka apekto ang online class sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa ika labingisang baitang ng (stem) sa IJLARR sa taong 2021-2022? Dahil nga sila ay nasa online class hnd maiiwasan na mapunta sila sa ibang website na maaring maka abala sa kanilang pag aaral. 2. Ano ano ang negatibong epekto ng online class sa akademikong pagganap ng mga mag aaral sa ika labingisang baitang ng (stem) sa IJLARR sa taong 2021-2022? Pag baba ng kanilang grado, hnd na nila napagtutuunan ng pansin ang mga aktibiti na binigay ng mga guro at nawawalan sila ng gana sa pag aaral dahil iniisip nil ana ito ay online lamang. 3. Ano ano ang positibong epekto ng online class sa akademikong pagganap ng mga mag aaral sa ika labingisang baitang ng (stem) sa IJLARR sa taong 2021-2022? Naging madali ang pagkatuto ng mga estudyante, nagiging ligtas sila sa pag aaral lalo na sa paglaganap ng pandemya at nagkaroon sila ng malawak na kaalaman sa paggamit ng teknolohiya.