You are on page 1of 1

MITOLOHIYA -anyong panitikan na karaniwang tumatalakay sa mga diyos at diyosa

PARABULA- akdang pampanitikan tungkol sa mga kwento na hango sa Bibliya na kapupulutan ng aral.
Halimbawa nito ang akdang “Tusong Katiwala” mula sa Lukas 16
SANAYSAY – akdang pampanitikan na tumatalakay sa isang tanging paksa na naglalahad ng opinion o
pananaw ng isang manunulat. Halimbawa nito ay ang sanaysay na “ Alegorya ng Yungib ni Plato”
Ang sanaysay ay nagmula sa salitang sanay at salaysay
Elemento ng sanaysay: kaisipan,wika at estilo, anyo at estruktura,larawan ng buhay,damdamin, himig,tema at
nilalaman
Balangkas ng sanaysay: Panimula, Gitna , Wakas
EPIKO – uri ng panitikan na nagsasalaysay sa kabayanihan ng pangunahing tauhan na nagtataglay ng katangian
at kapangyarihang higit sa karaniwang tao,na may layuning gisingin ang damdamin ng mambabasa upang
hangaan ang pangunahing tauhan.
Halimbawa nito ang Epiko ni Gilgamesh (hango sa salitang Sumerian na BILGAMESH). Ito ay may temang
kabayanihan at kahalagahan ng pagkakaibigan.
ALEGORYA- isang akda na ang mga tauhan ,tagpuan at kilos ay nagpapakahulugan ng higit pa sa literal nitong
kahulugan. Naglalaman ng simbolo, talinghaga at pagtutulad.
NOBELA – isang mahabang likhang sining na nagpapakita ng mga pangyayaring, kinasasangkutan ng maraming
tauhan at tagpuan. Halimbawa nito ang nobelang “Dekada 70 “ ni Lualhati Bautista na may layuning ipadama
sa mga mambabasa ang pighating dulot nga mga panahong iyon.
MAIKLING KUWENTO- isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng
isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Halimbawa nito ang akdang “ Ang Kuwintas”
mula sa France.
PANDIWA- bahagi ng pananalita na nagsasaad ng kilos
PANG-UGNAY- ang tawag sa salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap. Ang mga ito ay
Pangatnig, Pang-angkop, Pang-ukol
PANGATNIG- ang tawag sa salitang nag-uugnay ng dalawang salita ,pariral o sugnay
PANG-ANGKOP – mga katagang nag-uugnay sa panuring at tinuturingan
PANG-UKOL- salitang nag-uugany ng isang pangngalan sa iba pang salita

ANAPORA –ay mga panghalip na ating makikita at nagagamit sa hulihan bilang panimula sa pinalitang pangngalan sa
unahan ng pangungusap.
Hal. Sina Peter at Hector ay halimbawa ng mga estudyante sa Paaralang ABC Elementary. Sila ay mga honor
student.
KATAPORA- ay mga panghalip na ating ginagamit sa unahan bilang tanda sa pinalitang pangalan sa hulihan.
Hal.Patuloy nilang binabalikan ang Bantayan Beach Resort sa dahil ang mga turista’y totoong namamangha sa
kagandahan nito.
POKUS NG PANDIWA-ang tawag sa relasyong pansemantika ng pandiwa at simuno o paksa ng pangungusap
1. Pokus sa Tagaganap o Aktor- ang simuno o paksa ang siyang gumaganap sa kilos ng pandiwa
Hal. Si Aphrodite ay tumutugon sa panalangin ni Pygmalion
2. Pokus sa Layon o Gol- ang layon ay ang paksa o binibigyang-diin sa pangungusap
Hal. Iniuwi naming ang pagkaing natira.
3. Pokus sa Kagamitan o Instrumental- ang pokus ay ang kagamitang ginamit sa kilos.
Hal. Ipinang-ukit niya ng estatwa ang paete at martilyo .
4. Pokus sa Ganapan o Lokasyon- ang lugar ang pinangyarihan ng kilos
Hal. Ang bahay ay pinagdausan nila ng pagtitipon.
5. Pokus sa Sanhi o Kosatib-ang pokus ay ang sanhi o dahilan ng kilos.
Hal. Ikinalungkot niya ang pag-alis ng kaibigan.
6. Pokus sa Tagatanggap 0 Benepaktib- ang pinaglaanan ng kilos ang pokus ng pangungusap.
Hal. Ibinili ko ang Inay ng pasalubong.

You might also like