You are on page 1of 19

MODYUL 6: ANG

KAUGNAYAN NG
KONSENSYA SA LIKAS
NA BATAS MORAL
“Gamit at Uri ng
Konsensya”
Ang salitang konsensiya ay
mula sa salitang Latin na cum ibig
sabihin ay “with” o mayroon at
scientia, na ibig sabihin ay
“knowledge” o kaalaman.
Samakatuwid, ang
konsensiya ay
nangangahulugang “with
knowledge” o mayroong
kaalaman.
Ipinahihiwatig ng konsensya
ang kaugnayan ng kaalaman
sa isang bagay; sapagkat
naipakikita ang paglalapat ng
kaalaman sa pamamagitan ng
kilos na ginawa.
GAMIT NG KONSENSYA
 Sa tulong ng
konsensiya, nakikilala ng
tao na may bagay siyang
ginawa o hindi ginawa.
 Sa pamamagitan ng
konsensiya, nahuhusgahan
ng tao kung may bagay na
dapat sana’y isinagawa
subalit hindi niya ginawa o
hindi niya dapat isinagawa
subalit ginawa.
 Gamit ang konsensiya,
nahuhusgahan kung ang
bagay na ginawa ay
nagawa nang maayos at
tama o nagawa nang di-
maayos o mali.
Ipinakikita dito na ang
konsensiya ay nakakabit sa isip
ng tao; kaya’t ito ay kakayahan
ng isip na maghusga ng mabuti
at masama. Ang konsensiya ang
batayan ng isip sa paghuhusga
ng tama o mali.
URI NG KONSENSYA
TAMANG KONSENSYA. Tama
ang konsensya kung
hinuhusgahan nito ang tama
bilang tama at bilang mali ang
mali. (AGAPAY)
URI NG KONSENSYA
MALING KONSENSYA. Ang paghusga
ng konsensya ay nagkakamali kapag ito
ay nakabatay sa mga maling prinsipyo o
nailapat ang tamang prinsipyo sa maling
paraan. Mali ang konsensya kung
hinuhusgahan nito ang mali bilang tama
at ang tama bilang mali.
Ang tao mismo ang
naghuhusga ng mabuti
o masama na kaniyang
gagawin gamit ang
kaniyang konsensya.
Kung patuloy na
babalewalain ng tao ang
kaniyang konsensya,
darating ang pagkakataon
na ito ay magiging manhid
sa pagkilala ng tama.
Paano nga ba nalalaman ng konsensiya ang
tama at mali? Ano ang pinagbabatayan bito?

Ibinabatay ng konsensiya
ang pagsukat o paghusga sa
kilos sa obhetibong pamantayan
ng Likas na Batas Moral.
MAIKLING PAGSUSULIT

PANUTO: Isulat ang


TAMA kung ang
pahayag ay tama;
MALI kung mali.
1. Ang konsensiya ay
nakakabit sa isip ng iilang
tao lamang.
2.Ang tamang konsensiya ay
humuhusga sa mali kung mali.
3. Pwedeng maging manhid
ang konsensya ng tao.

4. Ang konsensya ay may


pagkakataon na maging
mali.
5. Ang konsensya
ay nasa isip ng
tao.
REPLEKSYON
“Ano ang iyong
gagawin upang ang
konsensya ay di
maging manhid?”

You might also like