HUMUSGA Konsiyensiya Itoay galling sa Latin na salita CUM at SCIENTIA meaning with knowledge Ipinahiwatignito ang kaugnayan ng kaalaman sa isang bagay;sapagkat naipapakita ang pagtatapat ng kaalaman sa pamamagitan ng kilos na ginawa a. Satulong ng konsiyensiya nakilala ang tao na may bagay siyang ginawa o hindi ginawa b. Sa pamamagitnan ng konsiyensiya , nahuhusgahan ng tao kung may bagay na dapat sanay’y isinagawa subalit hindi niya ginawa o hindi niya dapat isinagawa subalit ginawa c. Gamitan konsensya nahuhusgahan kung ang bagay na ginawa ay nagawa nang maayos at tama o nagawa ng di maayos o mali ‘’ hindi ako matahimik, inusig ako ng aking konsiyensiya’’
Ano ang ibig sabihin ng kaataga?
Ang likas na Batas Moral ay ibinigay sa tao noong siya ay likhain. Ito ahy sa dahilang nakikibahagi siya sa karunungan at kabutihan ng Diyos: a. Sapamamagitan ng batas na ito, ang tao ay may kakayahang makilala ang Mabuti at masama b. Dahil sa Kalayaan, ang tao ay may kakayahang gumawa ng mabuti o masama Uri ng Konsiyensiya 1. Tama -ang paghusga ng konsensya ay tama kung lahat ng kaisipan at dahilan na kakailanganin sa paglapat ng obhektibong pamantayan ay naisakatuparan ng walang pagkakamali -tama ang konsiyensiya kung hinuhusgahan nito ang tama bilang tama at bilang mali ang mali. Halimbawa: Inutusan kang bumili ng tinapay isang araw, napansin mong sobra ng dalawampung piso ang suking ibinigay sa iyo ng tindera. 2. Mali Ang paghusga ng konsiyensiya ay -
nagkakamali kapag ito ay nakabatay sa mga
maling prinsipyo o ang tamang prisipyo sa maling paraan. Sa pamamagitan ng tamang uri g konsiyensiya kung gayon naisasagawa ang pangkalahatang pamantayang moral sa pangaraw-araw na buhay. Ito ang personal sa pamantayang ginagamit ng tao upang suriin ang inisip, salita at gawa ayon sa likas na batas moral na siya namang batayan upang malaman ang Mabuti at masama sa natatanging sitwasyon. Itinuturing ang Konsiyensiya bilang batas moral na itinanim ng diyos sa isip at puso ng tao. Sapamamagitan ng konsiyensiya nakagagawa ang tao ng mga pagpapasya at nasusunod ang batas sa kanyang buhay. Antecedent conscience kung bago mo pa man isagawa ang isang kilos ay nabagabag ka na at nakilala mong mali ito kung isasagawa kung kaya’t hindi mo ito itinuloy. Consequent conscience kung nagawa mo na ang isang kilos at saka mo palamang napag-isipang mali pala ito. ‘’WALANG YAMANG MAKAPAPANTAY SA KAPAYAPAAN NG KALOOBAN AT ISIPAN NA HATID NG ISANG MALINIS NA KONSENSIYA’’