You are on page 1of 95

i

Mensahe

ii
Pabatid sa Bawat Guro at Magulang
Magandang araw sa iyo!
Handa ka na ba?
Ang kagamitang ito ay magkatuwang na inihanda ng mga piling guro ng Sangay ng Tagum na sadyang para sa iyo.
Layunin nitong tulungan ang mga batang nasa antas Di-Makabasa at Pagkabigo.Ito ang magiging kasama mo sa
pang-araw-araw mong paglalayag sa pagbasa.
Ang mga babasahin na nakapaloob dito ay masusing iniayos batay sa mga hakbang sa pagturo ng pagbasa.
Inihati ito sa limang yugto na naaayon sa panuntunan sa pagturo gamit ang dulog na Marungko:
Yugto 1 – Mga Letra at Tunog ng Dulog Marungko
Yugto 2 – m,s,a,i,o,b
Yugto 3 – m,s,a,i,o,b,e,u,t
Yugto 4 – k,l,y,n,g,ng,p,r,d
Yugto 5 – h,w,c,f,j,ň,q,v,x,z

Ang aklat na ito ay binubuo ng mga pagsasanay kaugnay sa pagkilala ng mga letra, pagbigkas ng tunog at pagbasa
na naaayon sa pagkakasunod-sunod ng mga elemento nito. Ang kasanayan sa pagbasa ay sinimulang pagyamanin mula
sa ponolohikal na kamalayan hanggang sap ag-unawa ng tekstong binasa.
Sa ginabayang pagbasa, inaasahan ang maingat na paggabay sa iyo ng iyong guro o magulang samantalang sa
malayang pagbasa, inaasahan ang iyong pagbasa nang nag-iisa upang mas higit mong maabot ang katatasan sa pagbasa.
Maaari rin itong gamitin ng iba pang mga batang katulad mo na nasa iba’t ibang antas upang tulungan sila sa
kanilang paghihingalo sa pagbasa.
Sa tulong ng iyong guro at magulang, sana ay lubos mong mapaunlad ang antas ng iyong pagbasa upang mas
matamasa mo pa ang ganda ng mundo ng mga kuwento at mas maipagmalaki mo pa ang pagiging Pilipino.

Maligayang pagbabasa sa iyo!

iii
Filipino
Aklat sa Pagbasa: Gabay sa Masayang Pagbasa
Unang Edisyon, 2021

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan
ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon,
pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa
Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon XI, Sangay ng Lungsod ng Tagum.

iv
Bumuo sa Pagsusulat ng Aklat

Manunulat: Marie Vae P. Beltran

Redem D. Evangelista
Girlie R. Banico
Chummy P. Cabatuan
Tagaambag:
Dolly Jane B. Jamil Marilou M. Muga Rogelyn C. Gule Danilo Erne B. Sabejon
Rowelyn G. Rabe Wenah O. Arado Josielyn M. Tasic Aileen Mae M. Ambag
Elainee C. Bagaslao Estelita A. Zamora Mary Ann R. Atar Merlyn D. Quibedo
Annabel B. Betita Junielyn L. Barabad Airene S. Hinay
Juvy B. Perater Ian Jane P. Orillaneda Sarah A. Dejerio
Alma P. Allawan
Editor: Cristy S. Agudera, LornaApril Rose P. Gealon
C. Ragos Junedee R. Arellano
Merry Jean A. De Asis Mary Joy D. Abool
Tagasuri: Grace G. Laguna, Vivencia R. Dumdum, ZimroseChristine M. Manlangit
R. Pedrera, Nelia A. Suico
Tagaguhit: Precious Jean C. Enriquez, Charlie C. Tocmo
Tagalapat: Jecson A. Oafallas
Tagapamahala:
Josephine L. Fadul – Schools Division Superintendent
Melanie P. Estacio - Assistant Schools Division Superintendent
Christine C. Bagacay – Chief – Curriculum Implementation Division
Cristy S. Agudera – Education Program Supervisor – Filipino
Lorna C. Ragos - Education Program Supervisor, Learning Resources Management Section

Inilimbag sa Pilipinas ng _______________


Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI – Sangay ng Lungsod ng Tagum

Tanggapan: Energy Park, Apokon, Tagum City, 8100


Telefax: (084) 216-3504
Sulatroniko: tagum.city@deped.gov.ph

v
Talaan ng Nilalaman
Pahina ng Pamagat………………………………………………………………………………………………………... i

Mensahe………….…………………………………………………………………………………………………………… ii

Pabatid sa Bawat Guro at Magulang…………………………………………………………………………………. iii

Pahina ng May Karapatang – Ari ………………………………………………………………………………………iv

Mga Bumuo sa Pagsusulat ng Aklat …………………………………………………………………………………..v

Talaan ng Nilalaman ……………………………………………………………………………………………………... vi

YUGTO 1: Mga Letra at Tunog ng Dulog Marungko

Malalaki at Maliliit na Letra ng Marungko ………………………………………………………….1 - 16

YUGTO 2: Ang mga Letrang m, s, a, i, o, b…………………………………………………………………….17- 28

YUGTO 3: Ang mga Letrang m, s, a, i, o, b, e, u, t……………………………………………………........29- 49

YUGTO 4: Ang mga Letrang k, l, y, n, g, ng, p, r, d…………………………………………………………50- 71

YUGTO 5: Ang mga Letrang Hiram na h, w, c, f, j, ň q, v, x, z …………………………………………72- 91

Pasasalamat.……………………………………………………………………………………………………………….. 92

vi
Yugto 1

LETRA AT TUNOG
GAWAIN 1- Malaking Letra
Panuto: Sabihin ang wastong tunog ng mga letra sa bawat hanay. Simulan sa
kaliwa patungong kanan.

M S A I O B E U T K L
Y N G NG P R D H W C F
J Ñ Q V X Z
vii
GAWAIN 2- Maliit na Letra
Panuto: Sabihin ang wastong tunog ng mga letra sa bawat hanay. Simulan sa
kaliwa patungong kanan.

m s a i o b e u t k l
y n g ng p r d h w c f
j ñ q v x z
viii
GAWAIN 3- Malaking Letra
Panuto: Sabihin ang wastong tunog ng mga letra sa bawat hanay. Simulan sa
taas pababa.

M O T N R C Q
S B K G D F V
A E L NG H J X
I U Y P W Ñ Z
ix
GAWAIN 4- Maliit na Letra
Panuto: Sabihin ang wastong tunog ng mga letra sa bawat hanay. Simulan sa
taas pababa.

m o t n r c q
s b k g d f v
a e l ng h j x
i u y p w ñ z
x
GAWAIN 5- Malaking Letra
Panuto: Sabihin ang wastong tunog ng mga letra ayon sa pormang Z.

M S A I O B E U T K
L
Y
N
G
Ng
P
R
D H W C F J N V X Z

xi
GAWAIN 6- Maliit na Letra
Panuto: Sabihin ang wastong tunog ng mga letra ayon sa pormang Z.

m s a i o b e u t k
l
y
n
g
ng
p
r
d h w c f j n v x z

xii
GAWAIN 7- Malaking Letra
Panuto: Sabihin ang wastong tunog ng mga letra ayon sa pormang N.

M Z

S K X
A L V
I Y Ñ
O N Q
B G F
E NG C
U P W
T R H
U D

xiii
GAWAIN 8- Maliit na Letra
Panuto: Sabihin ang wastong tunog ng mga letra ayon sa pormang N.
m z

s k x
a l v
i y ñ
o n q
b g f
e ng c
u p w
t r h
u d

xiv
GAWAIN 9- Malaking Letra
Panuto: Sabihin ang wastong tunog ng mga letra ayon sa hugis diyamante.

M
S Z
A X
I V
O Ñ
B Q
E J
U F
T C
K W
L H
Y D
N R
G P
NG
xv
GAWAIN 10- Maliit na Letra
Panuto: Sabihin ang wastong tunog ng mga letra ayon sa hugis diyamante.

m
s z
a x
i v
o ñ
b q
e j
u f
t c
k w
l h
y d
n r
g p
ng
xvi
GAWAIN 11- Malaking Letra
Panuto: Sabihin ang wastong tunog ng mga letra ayon sa pormang Y.

M S A V X Z
I N
O Q
B F
E U T H W C
K D
L R
Y P
N G NG

xvii
GAWAIN 12- Maliit na Letra
Panuto: Sabihin ang wastong tunog ng mga letra ayon sa pormang Y.

m s a v x z
i n
o q
b f
e u t h w c
k d
l r
y p
n g ng

xviii
GAWAIN 13- Maliit na Letra
Panuto: Sabihin ang wastong tunog ng mga letra ayon sa pormang U.

M Z
S X
A V
I N
O Q
B J
E F
U C
T W
K H
L Y N G NG P R D

xix
GAWAIN 14- Maliit na Letra
Panuto: Sabihin ang wastong tunog ng mga letra ayon sa pormang U.
m z
s x
a v
i n
o q
b j
e f
u c
t w
k h
l y n g ng p r d

xx
GAWAIN 15- Malaking Letra
Panuto: Sabihin ang wastong tunog ng mga letra ayon sa pormang M.

M C
S U W F
A T H J

I K D Q

O L R Ñ

B Y P V

E N NG X

U Z

xxi
GAWAIN 15- Maliit na Letra
Panuto: Sabihin ang wastong tunog ng mga letra ayon sa pormang M.

m c
s u w f
a t h j

i k d q

o l r ñ

b y p v

e n ng x

u z

xxii
Yugto 2

m s a i o b
Basahin ang mga silaba.
Letra a i o
m m a = ma m i = mi m o = mo
s s a = sa s i = si s o = so
b b a = ba b I = bi b o = bo
m a m = am i m = im o m = om
s a s = as i s = is o s = os
b a b = ab i b = ib o b = ob

xxiii
Basahin ang mga silaba at mga salita.

i – sa isa a – bo abo a–ba aba a– sa asa


i –ba iba a – so aso a-ma ama a – sim asim
o – so oso a –mo amo ma-mi mami a – sam asam
si –si sisi sa – ma sama si – ba siba sa – bi sabi
ma-is mais ba –sa basa ma – so maso ba – ba baba
sa-ba saba mi – sa misa ba – so baso ma – ma mama
Si-sa Sisa Mi – mi Mimi ma – sa masa bi – sa bisa
sam-ba samba sim-ba simba bom– ba bomba mis – mo mismo

xxiv
a-a-sa aasa i-si-si isisi i-a-sa iasa

sa-sa-bi sasabi i- i-ba iiba i-ba-ba ibaba

ma -bi-sa mabisa a-a-sam aasam a-a-sim aasim

ma-a-sim maasim mi-mi-sa mimisa ma-si-si-si masisisi

sa-sa-ma sasama si-sim-ba sisimba ma-i-i-ba maiiba

ba-ba-sa babasa ma-a-sa maasa ma-ba-ba mababa

ma-sa-ma masama i-sa-sa-ma isasama ba-ba-ba bababa

i-sa-sa-mo isasamo sa-sam-ba sasamba ma-sa-sa-bi masasabi

xxv
Karaniwang Makikitang Salita

at ay ang ba na si

mga may sa ng kay din

niya nina para kina kaya ito

nang naman nilang niyang habang kaniyang

xxvi
Basahin ang sumusunod na parirala.
Mga Larawan Ginabayang Pagbasa Malayang Pagbasa
si Si-sa si Sisa

si Mi-mi si Mimi

ang o-so ang oso

ang ma-mi ang mami

ang ma -is ang mais

xxvii
Basahin ang sumusunod na parirala.
Mga Larawan Ginabayang Pagbasa Malayang Pagbasa
ang ba - so ang baso

a-so at o-so aso at oso

ang mga o-so ang mga oso

ang mga ba-so ang mga baso

sa-sa-ma sa a-ma sasama sa ama

xxviii
Panuto: Basahin ang sumusunod na parirala.
Mga Larawan Ginabayang Pagbasa Malayang larawan
si A-mi si Ami

may ma-so may maso

sa mi-sa sa misa

ang ma-sa ang masa

ba-ba-ba sa bababa sa

xxix
Panuto: Basahin ang sumusunod na parirala.
Mga Larawan Ginabayang Pagbasa Malayang Pagbasa
i-sa-sa-ma si Sa-sa isasama si Sasa

ma-ma at a-ma mama at ama

a-a-sa si a-ma aasa si ama

ang ma - si- ba ang masiba

ma-is at ma-so mais at maso

xxx
Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap.
Mga Larawan GInabayang Pagbasa Malayang Pagbasa
Ma-a-mo ang a-so. Maamo ang aso.

Si Si-sa ay ba-ba-sa. Si Sisa ay babasa.

Ma-si-ba ang mga a-so. Masiba ang mga aso.

Ang mga ba-so ay ba-sa. Ang mga baso ay basa.

I-sa-ma mo si Si-mo sa mi-sa. Isama mo si Simo sa misa.

xxxi
Panuto: Basahin ang sumusunod na pangungusap.
Mga Larawan Ginabayang Pagbasa Malayang Pagbasa
Ma-a-mo ang a-so sa ba-ba. Maamo ang aso sa baba.

Sa-sa-ma si Mi-mi kay A-na. Sasama si Mimi kay Ana.

Sa-sa-ma si ma-ma kay a-ma. Sasama si mama kaya ma.

Ang a-so ay sa-sa-ma sa a-mo. Ang aso ay sasama sa amo.

Ba-ba-ba ang ma-si-ba na a-so. Bababa ang masiba na aso.

xxxii
Ginabayang Pagsasanay

Ang Mais
Ang mama ay may mga mais.
Niluto ito ni Mimi at binigyan ang ama.
“Mmmmmmm, ang tamis ng mais,” sabi ni ama.
“Maraming salamat Mimi,” sabi ni ama.
Binigyan din si Sisa ng mais ng mama.
“Mmmmmmm, ang sarap ng mais,” sabi ni Sisa.
“Maraming salamat mama,” sabi ni Sisa. Bilang ng mga salita: 50

1. Sino ang may mga mais?


2. Sino ang nagluto ng mais?
TANDAAN:
3. Sino ang natamisan sa mais? Ginagamit ang SINO
4. Sino ang binigyan ni Mimi ng mais?
sa pagtatanong tungkol
5. Sino ang binigyan ng mama ng mais?
sa ngalan ng tao.
xxxiii
Malayang Pagsasanay

Ang Magkaibigan
ni: Redem D. Evangelista

Masayang naglalaro sa bakuran si Ami. Tinawag niya ang kanyang


kaibigang si Sami. Dala- dala ni Sami ang alaga niyang pusa. Nanghihina na ito
kaya napagpasyahan nilang dalhin sa sala at pakainin ito. Habang naglalakad,
may nasalubong silang aso. Galit na galit ang aso. Sa takot ni Sami, bigla itong
napatakbo at naiwan ang alaga. Kaya kinarga ni Ami ang pusa habang ang aso
ay kumaripas naman ng takbo. Bilang ng mga salita: 68

1. Sino ang magkaibigan?


2. Sino ang may alagang pusa? TANDAAN:
3. Sino ang kumarga sa naiwang pusa? Ginagamit ang SINO sa
4. Sino ang masayang naglalaro sa bakuran?
5. Sino ang biglang napatakbo dahil sa takot sa aso? pagtatanong tungkol sa

ngalan ng tao.
xxxiv
Yugto 3

m s a i o b e u t

Basahin ang mga silaba.

Letra A e i o u

m m a = ma m e = me m i = mi m o = mo m u = mu
s sa = sa s e = se si = si so = so s u = su
b b a = ba b e = be bi = bi bo = bo b u = bu
t ta = ta te = te ti = ti to = to t u = tu

xxxv
Basahin ang mga silaba at salita

Silaba Salita Silaba Salita Silaba Salita Silaba Salita


i–ta ita ba–it bait su–ot suot ba–ta bata
a–te ate sa–bi sabi tu–so tuso ta–ma tama
a–ta ata tu–ta tuta tu–ba tuba ma–ta mata
bu–o buo tu–to tuto bu–to buto me–sa mesa
i–tim itim ta–as taas tu–bo tubo ba–tis batis
si–ta sita ta–sa tasa su–bo subo bu–tas butas
bu–ti buti ta–ba taba mu–ta muta mit– sa mitsa
ba-ti bati ba-to bato ba–ta bata sam–bit sambit

xxxvi
Basahin ang mga silaba at salita.

Silaba Salita Silaba Salita


u-si-sa usisa i-ta-as itaas
i-ba-ba ibaba a-a-sa aasa
i-sa-ma isama ma-bu-o mabuo
bu-mu-o bumuo ba-ba-e babae
sa-sa-ma sasama ma-ba-it mabait
bu-ma-sa bumasa ma-ta-as mataas
ma-ba-sa mabasa ma-ba-to mabato
ma-a-bot maabot ma-a-mo maamo
ba-ba-ba bababa tu-mu-bo tumubo
ma-sa-ma masama su-ma-ma sumama

xxxvii
Basahin ang mga silaba at salita.

Silaba Salita Silaba Salita


i-su-bo isubo bi-si-ta bisita
a-bu-so abuso bu-bu-o bubuo
ma-si-si masisi u-ma-sa umasa
ma-i-ba maiba ma-bu-ti mabuti
ma-i-tim maitim ma-tu-to matuto
mo-ti-bo motibo ma-bi-sa mabisa
ma-si-ba masiba ma-sa-bi masabi
ma-a-sim maasim ma-ta-ba mataba
ma-bu-tas mabutas tu-ma-ma tumama
ma-sam-bit masambit ma-ba-ba mababa

xxxviii
Karaniwang Makikitang Salita

si ni aral hiram
at na silid tanim
ay ng linis bahay
kay sa silya pasok
ang nag guro tsinelas
sila ako mesa maramot
sina may kulot kaibigan
tayo nina triks masipag
kayo ayon alaga magaling
ang mga nang gulay paaralan

xxxix
Basahin ang mga parirala.
Mga Larawan Ginabayang Pagbasa Malayang Pagbasa

si A-ba si Aba

si Bi-bo si Bibo

si To-to si Toto

ang ta-o ang tao

xl
Mga Larawan Ginabayang Pagbasa Malayang Pagbasa

ang a-so ang aso

ang ba-ta ang bata

ang bi-si-ta ang bisita

ang ma-ma ang mama

xli
Mga Larawan Ginabayang Pagbasa Malayang Pagbasa

ang ma-i-tim ang maitim

ay ma-a-mo ay maamo

ay ma-si-ba ay masiba

ay ba-ba-sa ay babasa

xlii
Mga Larawan Ginabayang Pagbasa Malayang Pagbasa

a-so at bi-be aso at bibe

ma-ba-it na ta-o mabait na tao

ma-i-tim na ba-to maitim na bato

su-ma-ma sa i-ba sumama sa iba

xliii
Mga Larawan Ginabayang Pagbasa Malayang Pagbasa

ma-ba-it na ba-ta mabait na bata

sa-sa-ma sa bi-si-ta sasama sa bisita

sa i-ba-ba ng me-sa sa ibaba ng mesa

ma-bu-ti ang mo-ti-bo mabuti ang motibo

xliv
Basahin ang mga pangungusap.
Mga Larawan Ginabayang Pagbasa Malayang Pagbasa

Si A-ba ay u-ma-sa. Si Aba ay umasa.

May bi-si-ta si A-ba. May bisita si Aba.

Ma-ba-it ang ma-ma. Mabait ang mama.

Si Bi-bo ay bu-ma-sa. Si Bibo ay bumasa.

xlv
Mga Larawan Ginabayang Pagbasa Malayang Pagbasa

Ang a-so ay ma-a-mo. Ang aso ay maamo.

Ang ba-ta ay ba-ba-sa. Ang bata ay babasa.

Ang bi-be ay ma-ta-ba. Ang bibe ay mataba.

xlvi
Mga Larawan Ginabayang Pagbasa Malayang Pagbasa

Ang ba-ba-e ay bu-ma-ba. Ang babae ay


bumaba.

Ma-bu-ti ang mo-ti-bo ng Mabuti ang motibo ng


ta-o. tao.

Si To-to ay sa-sa-ma sa Si Toto ay sasama sa


bi-si-ta. bisita.

xlvii
Ginabayang Pagbabasa

Basahin ang talata at sagutin ang mga tanong na ANO.

Masisipag na Bata
ni: Girlie R. Banico

Sina Aba, Matet, Bibo, Toto at Abet ay magkakaibigang nag-aaral sa Mababang


Paaralan ng Mankilam. Maagang dumarating sina Aba at Matet sa paaralan upang
magwalis sa loob ng kanilang silid-aralan.
Magkapitbahay naman sina Bibo at Toto kaya sabay silang pumapasok sa
paaralan. Si Bibo ang nagkukusang magdilig ng mga tanim na gulay sa kanilang
gulayan. Si Toto naman ang nagpupunas ng mga mesa at silya ng kanilang guro.
Si Abet, na pinsan ni Toto, ang siyang tagawalis ng dumi sa labas. Sila ay
nagtutulungan upang mapanatiling malinis ang kanilang silid-aralan.
Tuwang-tuwa ang kanilang guro na si Binibining Tanya sa masisipag at mababait
na magkakaibigan.

Bilang ng mga salita: 104

xlviii
Panuto: Sagutin ang mga tanong.

1. Ano ang pangalan ng paaralan ng magkakaibigan?


2. Ano ang ginagawa nina Aba at Matet pagdating nila sa silid-aralan?
3. Ano- anong mga tanim ang dinidiligan ni Bibo?
4. Ano-ano ang pinupunasan ni Toto?
5. Ano naman ang ginagawa ni Abet?

TANDAAN:
Ginagamit ang ANO sa pagtatanong tungkol sa isang bagay,
hayop, katangian, pangyayari o ideya.

xlix
Malayang Pagbabasa

Basahin ang talata at sagutin ang mga tanong na ANO.

Masaya sa Pag-awit
ni Girlie Ravara-Banico

Mahilig umawit si Mari. Umaawit siya habang siya ay


naglalaro, naliligo at kung minsan ay maging sa kanyang pagtulog. Isang araw ay inanusyo
sa kanilang paaralan na may gagawing paligsahan sa pag-awit sa susunod na buwan.
Tuwang-tuwang umuwi si Mari upang ibalita sa kanyang mga magulang na sina Tatay Tobi
at Nanay Amet ang tungkol sa paligsahan.

Agad na kumuha ng gitara si Tatay Tobi upang tugtugin ang paboritong awit ni Mari.
Mula noon, araw-araw na silang nag-eensayo kasama si Nanay Amet na naghahanda ng
masasarap na miryenda.

Araw ng paligsahan. Malakas na palakpakan ang narinig sa buong paaralan. Kasabay


nito ang pagsabit ng medalya nina Tatay Tobi at Nanay Amet kay Mari dahil siya ang
itinanghal bilang pinakamagaling na mang-aawit sa kanilang paaralan.
Bilang ng mga salita: 124

l
Panuto: Sagutin ang mga tanong.

1. Ano ang hilig gawin ni Mari?


2. Ano ang inanunsyo na magaganap sa kanilang paaralan?
3. Ano ang ginamit ni Tatay Tobi sa kanilang pag-eensayo?
4. Ano ang inihanda ni Nanay Amet?
5. Ano ang sinabit nina Tatay Tobi at Nanay Amet kay Mari nang siya ay
manalo?

TANDAAN:
Ginagamit ang ANO sa pagtatanong tungkol sa isang bagay,
hayop, katangian, pangyayari o ideya.

li
Ginabayang Pagsasanay

Basahin ang talata at sagutin ang mga tanong na SINO at ANO.

Si Baste
ni Redem D. Evangelista

Si Obet ay may alagang aso. Regalo ito ng kanyang lolo


at lola. Baste ang tawag niya dito. Kulot na kulot at puting-
puti ang balahibo nito. Masarap na kalaro si Baste.

Gustong-gusto niya ang yakap at haplos ni Obet.


Tinuturuan ni Obet si Baste ng iba’t ibang tricks tulad ng pag-upo, pagtayo,
paglundag, pagkuha ng tsinelas, pagsalo ng bola, at ang pag-ihi sa tamang lugar.

Aliw na aliw ang mga kaibigan ni Obet kay Baste.

Bilang ng mga salita: 75

lii
Panuto: Sagutin ang mga tanong.

1.Sino ang may alagang aso?


2.Sino ang nagbigay ng aso kay Obet?
3. Sino ang aliw na aliw sa aso ni Obet?
4. Ano ang regalo nina lola at lolo?
5.Ano-ano ang itinuro ni Obet kay Baste?

liii
Malayang Pagbasa
Basahin ang talata at sagutin ang mga tanong na SINO at ANO.

Mabait na Bata
ni Girlie Ravara-Banico

Si Bambam ay isang batang mabait na anak nina


Mang Tino at Aling Ami. Mapagbigay siya sa kanyang mga
kaibigan. Maraming laruan si Bambam ngunit hindi siya
maramot. Ipinahihiram niya ang mga ito sa kanyang mga
kalaro na sina Ana at Mimi.
Masinop din sa gamit si Bambam. Inaayos at nililinis niya ang kanyang mga gamit at
inilalagay ang mga ito sa tamang lalagyan pagkatapos niyang gamitin.
Masipag din siyang mag-aral at palagi siyang gumagawa ng takdang-aralin.
Katunayan, isa siya sa mga mag-aaral na may mataas na karangalan.
Kahanga-hangang bata si Bambam na dapat tularan ng bawat mag-aaral kaya
mahal na mahal siya ng kanyang mga kaibigan, guro at lalong-lalo na ng kanyang mga
magulang.
Bilang ng mga salita: 115

liv
Panuto: Sagutin ang mga tanong.

1. Sino ang batang mabait?


2. Sino-sino ang kanyang mga magulang?
3. Sino-sino ang kanyang mga kalaro?
4. Ano ang ginagawa niya sa kanyang mga gamit pagkatapos gamitin?
5. Ano-ano ang katangian ni Bambam?

lv
Yugto 3

k l y n g ng p r d
Basahin ang mga silaba.

Letra A e i o u
k k a = ka k e = ke k i = ki k o = ko k u = ku

l l a = la l e = le l i = li l o = lo l u = lu

y y a = ya y e = ye y i = yi y o = yo y u = yu

n n a = na n e = ne n i = ni n o = no n u = nu

lvi
Letra A e i o u
g g a = ga g e = ge g i = gi g o = go g u = gu

ng ng a = nga ng e = nge ng i =ngi ng o=ngo ng u = ngu

p p a = pa p e = pe p i = pi p o = po p u = pu

r r a = ra r e = re r i = ri r o = ro r u = ru

d d a = da d e = de d i = di d o = do d u = du

lvii
Basahin ang mga silaba at salita.

Silaba Salita Silaba Salita


Ki-ko Kiko ro-bot robot
Pi-poy Pipoy El-mer Elmer
Ro-del Rodel na-nay nanay
Da-ni-lo Danilo bul-kan bulkan
pa–rang parang lam-pa-ra lampara
Ro-sa-li-na Rosalina ka-kla-se kaklase
ka-pi-ta-na kapitana pa-mil-ya pamilya
pa-li-ku-ran palikuran kal-sa-da kalsada
Sa-be-li-na Sabelina tso-ko-la-te tsokolate

lviii
Basahin ang mga silaba at salita.
Silaba Salita Silaba Salita
ta-tay tatay mar-til-yo martilyo
gu-lay gulay sor-be-tes sorbetes
da-li-ri daliri bi-sik-le-ta bisikleta
pi-ta-ka pitaka e-ro-pla-no eroplano
E-le-na Elena pa-a-ra-lan paaralan
la-ga-re lagare ka-pang-kat kapangkat
la-ba-nos labanos am-pa-la-ya ampalaya
ma-gu-lang magulang Tam-be-li-na Tambelina
pan-de-sal pandesal ka-pa-li-gi-ran kapaligiran

lix
Karaniwang Makikitang Salita

sa at ay ang si

ng kay mga na nang

may para ni muna upang

lx
Basahin ang mga parirala.

Mga Larawan Ginabayang Pagbabasa Malayang Pagbabasa


ang me-ka-ni-ko ang mekaniko

si Sa-be-li-na si Sabelina

ba-gong pi-ta-ka bagong pitaka

lam-pa-ra ni Pi-poy lampara ni Pipoy

lxi
Mga Larawan Ginabayang Pagbabasa Malayang Pagbabasa
bi-sik-le-ta sa kal-sa-da bisikleta sa kalsada

Ya-ya Ni-ta ni Tam-be-li-na Yaya Nita ni Tambelina

la-ga-re at mar-til-yo lagare at martilyo

pa-ru-pa-ro sa pa-la-ru-an paruparo sa palaruan

lxii
Mga Larawan Ginabayang Pagbabasa Malayang Pagbabasa
a-te at ku-ya ate at kuya

ro-bot ni El-mer robot ni Elmer

gu-lay na am-pa-la-ya gulay na ampalaya

ka-pang-kat at ka-kla-se kapangkat at kaklase

lxiii
Mga larawan Ginabayang Pagbabasa Malayang Pagbabasa
ma-i-nit na pan-de-sal mainit na pandesal

ang e-ro-pla-no ang eroplano

mga ba-ta sa pa-a-ra-lan mga bata sa


paaralan

si Do-ding Da-ga si Doding Daga

lxiv
Mga Larawan Ginabayang Pagbabasa Malayang Pagbabasa
ak-ti-bong bul-kan aktibong bulkan

ma-sa-rap na tso-ko-la-te masarap na tsokolate

ma-gan-dang magandang
ka-pa-li-gi-ran kapaligiran

pa-bo-ri-tong ro-bot paboritong robot

lxv
Basahin ang mga pangungusap.

Mga Larawan Ginabayang Pagbabasa Malayang Pagbabasa


Ang ba-ta ay Ang bata ay
nag-bi-bi-sik-le-ta sa nagbibisikleta sa
kal-sa-da. kalsada.

Ang Ma-yon sa Al-bay ay Ang Mayon sa Albay


i-sang ak-ti-bong ay isang aktibong
bul-kan. bulkan.

Pa-bo-ri-to ni Ro-del Paborito ni Rodel ang


ang gu-lay gulay na ampalaya.
na am-pa-la-ya.

lxvi
Mga Larawan Ginabayang Pagbabasa Malayang Pagbabasa
Si ta-tay ay may la-ga-re Si tatay ay may lagare
at mar-til-yo. at martilyo.

Sa-sa-kay ng e-ro-pla-no Sasakay ng eroplano


ang me-ka-ni-ko. ang mekaniko.

Si-na Ki-ko at Pi-poy ay Sina Kiko at Pipoy ay


mag-ka-pang-kat magkapangkat at
at mag-ka-kla-se. magkaklase.
Si El-mer ay may da-lang Si Elmer ay may
ro-bot. dalang robot.

lxvii
Mga Larawan Ginabayang Pagbabasa Malayang Pagbabasa
Ma-sa-rap ku-ma-in ng Masarap kumain ng
ma-i-nit na pan-de-sal. mainit na pandesal.

Na-is ni La-ni na Nais ni Lani na uminom


u-mi-nom ng ma-i-nit na ng mainit na tsokolate.
tso-ko-la-te.
Lu-mi-li-pad ang mga Lumilipad ang mga
pa-ru-pa-ro sa paruparo sa palaruan.
pa-la-ru-an.

lxviii
Ginabayang Pagsasanay
Basahin ang talata at sagutin ang mga tanong na SAAN.

Nanalo si Noli

Si Noli ay batang mahilig kumanta. Naaabot niya maging mga matataas na


nota. Sinasanay siya lagi ng kanIyang nanay sa bahay nila. Kung walang pasok,
nag-eensayo din siya sa bahay ng kaniyang Tita. Sumasali rin siya sa paligsahan ng
pagkanta sa kanilang barangay. Madalas din siyang pinaaawit sa kanilang silid-
aralan ng kanilang guro. Kaya, nang dumating ang patimpalak sa pagkanta sa
kanilang paaralan, nanalo si Noli nang walang duda.
Bilang ng mga salita: 69

TANDAAN:
Panuto: Sagutin ang mga tanong.
Ginagamit ang SAAN sa pagtatanong
1. Saan sinasanay si Noli ng kaniyang nanay sa pagkanta?
tungkol sa lugar.
2. Saan nagsasanay si Noli kapag walang pasok sa eskuwela?
3. Saan sumasali si Noli sa pagkanta?
4. Saan siya kadalasang pinaaawit ng kanilang guro?
5. Saan siya nanalo sa pagkanta?

lxix
Malayang Pagbabasa
Basahin ang talata at sagutin ang mga tanong na Saan.

Papasok na si Dina
nila: Piling mga guro sa Ikatlong Baitang

Sa Barangay Masipag nakatira ang pamilya ni Dina. Araw-araw, maagang


gumigising si Dina para pumasok sa eskuwela. Nililigpit niya ang kaniyang unan at
kumot at nilalagay sa ibabaw ng kama. Pagkatapos, pumupunta siya sa banyo
upang maligo. Kapag nakapag-ayos na siya, bababa na siya sa kusina upang
kumain. Bago umalis, hahalik muna siya sa pisngi ng kaniyang nanay.

Bilang ng mga salita: 58


Panuto: Sagutin ang mga tanong.
TANDAAN:
1. Saan nakatira ang pamilya ni Dina?
Ginagamit ang SAAN sa
2. Saan nilalagay ni Dina ang kaniyang unan at kumot?
pagtatanong tungkol sa lugar.
3. Saan naliligo si Dina?
4. Saan siya bumababa para kumain?
5. Saan pupunta si Dina?

lxx
Ginabayang Pagsasanay
Basahin ang talata at sagutin ang mga tanong na KAILAN.

Ang Paglalayag
ni: Chummy P. Cabatuan

Maglalayag sa karagatan ang pamilya ni Pedro sa darating na Linggo.


Kaya Lunes pa lamang ay sinimulan na niyang ihanda ang kaniyang mga gagamitin
at gabi-gabi niyang ipinagdarasal ang maayos nilang paglalayag. Pagdating ng
Sabado, handa na ang lahat sa kanilang paglalakbay. Babalik sila sa kanilang lugar
pagkatapos ng isang linggo.

Bilang ng mga salita: 51


Panuto: Sagutin ang mga tanong na kailan.
1. Kailan maglalayag ang pamilya ni Pedro sa karagatan?
2. Kailan nagsimulang maghanda ng gamit si Pedro? TANDAAN:
3. Kailan siya nagdasal para sa kaayusan Ginagamit ang KAILAN sa
ng kanilang paglalayag? pagtatanong tungkol sa panahon.
4. Kailan naging handa ang pamilya ni Pedro
sa kanilang paglalayag?
5. Kailan babalik ang pamilya ni Pedro galing sa paglalakbay?

lxxi
Malayang Pagbabasa
Basahin ang talata at sagutin ang mga tanong na KAILAN.
Ang Batang Masipag
ni: April Rose Picaza - Gealon
Si Ella ay isang batang masipag. Araw-araw siyang naglilinis ng
bakuran. Tanghaling tapat, pumupunta siya sa malalaking puno upang
matulog.
Si Ben, na kapitbahay ni Ella, ay sabik na sabik na maglaro kasama
ang iba pa niyang mga kaibigan. Tuwing dapithapon, umuuwi ang
kaniyang tatay galing sa bukid na may dalang masasarap na pagkain at
mga sariwang prutas.
Gabi–gabi dinadalaw ni Ella ang kaniyang mga alagang kuting upang bigyan ng pagkain.
Kapag sasapit na ang alas–otso ng gabi ay naghahanda na siya para mag–aral ng kaniyang mga
aralin. Tuwang-tuwa ang kaniyang mga magulang sa ipinakita niyang kasipagan.

Panuto: Sagutin ang mga tanong na kailan. Bilang ng Salita: 97


1. Kailan ginagawa ni Ella ang paglilinis ng bakuran?
TANDAAN:
2. Kailan siya pumupunta sa malalaking puno upang magpahinga?
3. Kailan umuuwi ang kaniyang tatay galing sa bukid? Ginagamit ang KAILAN sa
4. Kailan dinadalaw ni Ella ang kaniyang mga alagang kuting? pagtatanong tungkol sa panahon.

5. Kailan nag-aaral si Ella ng kaniyang mga aralin?

lxxii
Ginabayang Pagsasanay
Basahin ang talata at sagutin ang mga tanong na SAAN at KAILAN.

Si Elena
ni: Chummy P. Cabatuan

Siya si Elena. Nakatira siya sa Tagum City. Inimbitahan siya ng kaniyang kaibigan
na si Yana na pumunta sa kaarawan nito sa darating na Biyernes. Isang masaganang
handaan ang mangyayari sa bahay nina Yana. Sabik na sabik si Elena. Kaya, Miyerkules
ng hapon pumunta siya sa Gaisano Mall at bumili ng ireregalo sa kaniyang kaibigan.

Bilang ng mga salita: 55


Panuto: Sagutin ang mga tanong.
1. Saan nakatira si Elena?
2. Saan gaganapin ang kaarawan ni Yana?
3. Saan bumili si Elena ng regalo para kay Yana?
4. Kailan ang kaarawan ni Yana?
5. Kailan bumili ng regalo si Elena para kay Yana?

lxxiii
Malayang Pagbabasa
Basahin ang talata at sagutin ang mga tanong na SAAN at KAILAN.
Ang Magkakaibigan
ni Rowelyn G. Rabe

Isang umaga, masayang-masaya ang batang si Elmer nang makatanggap ng


bagong laruang robot. Araw ng Sabado, maaga siyang gumising upang puntahan
ang mga kaibigang sina Kiko, Pipoy at Rodel.
Habang naglalaro, naghahanda naman ang nanay ni Elmer ng mainit na
pandesal na may kasamang mainit na tsokolate.
“Ang sarap!” sambit ng magkakaibigan. “Maraming salamat po Aling Elena. Paborito ko po talaga ang inyong
mainit na tsokolate,” dagdag pa ni Kiko. Maya-maya pa ay nagkasundo ang magkakaibigan na magbibisikleta
patungong palaruan.

Bilang ng mga salita: 80

Panuto: Sagutin ang mga tanong.


1. Kailan natanggap ni Elmer ang kaniyang laruang robot?
2. Kailan pumunta si Elmer kina Kiko, Pipoy at Rodel?
3. Kailan nila napagkasunduan na magbibisikleta?
4. Saan sila patungo sa kanilang pagbibisikleta?
5. Saan pumunta si Elmer noong araw ng Sabado?

lxxiv
Yugto 5

h w c f j ñ q v x z
Basahin ang mga silaba.
Letra A e i o u
h h a = ha h e= he h i= hi h o= ho h u= hu

w w a = wa w e = we w i = wi w o = wo w u = wu

f f a = fa f e = fe f i = fi f o = fo f u = fu

j j a = ja j e = je j i = ji j o= jo j u= ju

ň ň a = ňa ň e = ñe ň i = ňi ň o = ňo ň u = ňu

v v a = va v e = ve v i = vi v o= vo v u = vu

z z a = za z e = ze z i = zi z o= zo z u= zu

lxxv
Basahin ang mga silaba at mga salita.

Silaba Salita Silaba Salita


he-ne-ras-yon henerasyon hu-mi-hi-la humihila
hi-ni-ka-yat hinikayat nag-la-la-ra-wan naglalarawan
hi-na-ha-nap hinahanap ka-a-ra-wan kaarawan
ha-la-ma-nan halamanan na-ka-a-a-liw nakaaaliw
ba-hag-ha-ri bahaghari ku-wen-to kuwento
pag-ha-han-da paghahanda gu-war-di-ya guwardiya
e-her-sis-yo ehersisyo pa-ni-ni-wa-la paniniwala
hu-mi-hi-nga humihinga pag-a-wit pag-awit
ka-ba-ha-yan kabahayan pag-di-ri-wang pagdiriwang
mag-ha-han-da maghahanda la-la-wi-gan lalawigan

lxxvi
Silaba Salita Silaba Salita
van van Fe Fe
a-wa awa Jo-se Jose
jel-ly jelly Fe-lix Felix
juice juice Ma-wab Bicol
wa-lo walo Jo-nie Jonie
ba-ha baha Fe-li-sa Felisa
a-raw araw Sta-rex Starex
ka-hon kahon Vi-gan Vigan
u-wi-an uwian Ca-vi-te Cavite
cac-tus cactus Jas-per Jasper
ha-pon hapon Qui-ri-no Quirino
da-hon dahoon Car-men Carmen

lxxvii
Karaniwang Makikitang Salita

sa at ay ang si

ng kay mga na nang

may para ni muna upang

lxxviii
Basahin ang mga parirala sa ibaba.

Ginabayang Pagbasa Malayang Pagbasa Mga Larawan

Fi-li-pi-na si Fe Filipina si Fe

juice ni Jo-nie juice ni Jonie

jel-ly ni Jo-se jelly ni Jose

vi-deo ni Fe-lix video ni Felix

van na Sta-rex van na Starex

lxxix
wa-long ka-hon walong kahon

a-raw at da-hon araw at dahon

ang ba-hag-ha-ri ang bahaghari

ba-ha sa Que-zon baha sa Quezon

si Fe-li-sa at Ru-fi-na Si Felisa at Rufina

lxxx
xy-lo-phone ni Ni-ña xylophone ni Niña

puz-zle sa ma-ga-zine puzzle sa magazine

sa-yaw na Ca-ri-ño-sa sayaw na Cariñosa

Vin-ta ni-na El-vi-ta Vinta ni Elvita

lxxxi
Basahin ang mga pangungusap.
Mga Larawan Ginabayang Pagsasanay Malayang Pagsasanay

Si Ze-nia ay pu-mun-ta Si Zenia ay pumunta sa


Quirino.
to Quirino sa Qui-ri-no.

Nag-ba-kas-yon si Luz Nagbakasyon si Luz sa


Luzon.
sa Lu-zon.

Su-ma-li ng zum-ba si Sumali ng Zumba si Zeny


sa kanilang paaralan.
Ze-ny sa ka-ni-lang

pa-a-ra-lan.

lxxxii
. Nag-ba-ba-sa si Es-pe-ran-za Nagbabasa si Esperanza
ng magazine.
ng ma-ga-zine

Ma-da-ling na-bu-o ni Madaling nabuo ni


Suzette ang puzzle.
Su-zette ang puz-zle.

Si Fritz ay nag-pa-x-ray Si Fritz ay nagpa-x-ray

Nag-pun-ta si Von sa Ce-bu. Nagpunta si Von sa


Cebu.

lxxxiii
Ang pa-mil-yang El-vi-ta ay Ang pamilyang Elvita ay
kasalukuyang pumunta
ka-sa-lu-ku-yang pu-mun-ta sa Mariveles.

sa Ma-ri-ve- les.

Ma-ga-ling su-ma-yaw ng Magaling sumayaw ng


Cariñosa sina Cara at
Ca-ri-ño-sa si-na Ca-ra at Carisa.

Ca-ri-sa.

Ka-i-bi-gan ni Fi-le-mon ang Kaibigan ni Filemon ang


pulis.
pu-lis.

lxxxiv
Nag-a-a-ral sa pa-a-ra-lan Nag-aaral sa paaralan
ng La Filipina si Fely.
ng La Fi-li-pi-na si Fe-ly.

Hi-ni-la ni Hil-da si Hen-ry. Hinila ni Hilda si Henry

Ma-la-kas ang ta-wa-nan ng Malakas ang tawanan


nina Joel at Jose.
ni-na Jo-el at Jo-se.

Si Je-la ay nag-la-la-ro ng Si Jela ay naglalaro ng


jackstone.
jack-stone.

lxxxv
Ginabayang Pagsasanay

Basahin ang talata at sagutin ang mga tanong na BAKIT.

Kakaibang Kaarawan
ni Marie Vae P. Beltran

Kaarawan ni Tatay Rex ngayon. Sa halip na maghanda sa


bahay, iba ang naisip niya.

Pinagbihis niya kami nina Ate Xenia, Kuya Felix, at Nanay Luz bago pinasakay sa aming van
na Starex. Dinala niya kami sa aming bukirin sa Mawab at pinainom ng malamig na juice. Namitas
din kami ng maraming prutas upang gawing jam. Tinuruan din niya kami sa pagtugtog ng
xylophone at naglaro kami ng maraming puzzle sa buong maghapon.
Niyakap namin si Tatay bilang regalo sa isang magandang karanasang handog niya sa araw
na iyon.
Bilang ng mga salita: 89
Mga Tanong:

1. Bakit sila pumunta sa Bicol? TANDAAN:

Ginagamit ang BAKIT sa


2. Bakit sila namitas ng maraming prutas?
pagtatanong tungkol sa dahilan
3. Bakit nila binigyan ng mainit na yakap si Tatay Rex? ng isang pangyayari.
4. Sa unang bahagi ng kuwento, bakit pinagbihis ni Tatay ang mga bata?
5. Sa iyong palagay, bakit mas ginusto ni Tatay na sa bukirin ipagdiwang
ang kanyang kaarawan?
lxxxvi
Malayang Pagsasanay
Basahin ang talata at sagutin ang mga tanong na BAKIT.

Vinta sa Zamboanga

Sina Victor at Venus ay nagpunta sa Zamboanga upang magbakasyon. Aliw na aliw sila dahil
nakita na rin nila ang kanilang natutunan sa Araling Panlipunan tulad ng pagawaan ng sardinas
at magagandang pasyalan.
Napagkasunduan nilang mamasyal sa isla ng Santa Cruz na may mala-rosas na kulay ng
buhangin at para na rin makasakay sa Vinta. “Napakasarap palang sumakay sa Vinta,” wika ni
Venus kay Victor.
Bukod sa magagandang kulay ng Vinta, nakakita rin sila ng iba’t ibang klaseng isda sa dagat.
Tunay na nakaaaliw ang kanilang bakasyon.
Bilang ng mga salita: 87
Mga Tanong:
TANDAAN:
1. Bakit nagpunta sa Zamboanga sina Victor at Venus?
Ginagamit ang BAKIT sa
2. Bakit sila aliw na aliw? pagtatanong tungkol sa dahilan ng
isang pangyayari.
3. Bakit sila nagkasundong mamasyal sa isla ng Santa Cruz?

4. Bakit nila nagustuhan an gang pagpunta sa Isla ng Santa Cruz?

5. Sa iyong palagay, bakit magandang mamasyal sa tabi ng


dagat? lxxxvii
Ginabayang Pagsasanay
Basahin ang talata at sagutin ang mga tanong na PAANO.

Bakasyon sa Vigan
ni: Marie Vae P. Beltran

Nabasa ni Caloy sa magazine ang tungkol sa bayan ng Vigan.


Manghang-mangha siya sa kaniyang nabasa. Sinabi niya ito sa kaniyang
kapatid na si Carmen.Gusto nilang pumunta sa Vigan.
Tuwang-tuwa ang magkapatid nang sorpresahin sila ng kanilang
magulang na pupunta sila sa Vigan. Nagrenta sila ng van na Starex kay Ginoong Felix para masakyan
nila patungong Vigan. Naging masaya ang bakasyon ng buong pamilya.

Mga Tanong: Bilang ng mga salita: 65


TANDAAN:
1. Paano nalaman ni Caloy ang tungkol sa bayan ng Vigan?
Ginagamit ang PAANO sa
2. Paano natupad ang kanilang kagustuhang pumunta sa Vigan? pagtatanong tungkol sa paraan ng
pagsasagawa ng isang gawain o
3. Paano sila pupunta patungong Vigan? pangyayari.

4. Paano ipinakita ni Caloy ang kanyang pagkamangha sa bayan


ng Vigan?

5. Paano sinorpresa ng mga magulang ang kanilang mga anak?


lxxxviii
Malayang Pagsasanay
Basahin ang talata at sagutin ang mga tanong na PAANO.

Si Felisa at si Rufina
ni: Marie Vae P. Beltran

Si Felisa at Rufina ay naging magkaibigan dahil sila ay magkaklase. Sila ay


mga mag-aaral sa Paaralang Elementarya ng La Filipina. Paborito nila ang
asignaturang Filipino. Mataas palagi ang kanilang mga marka dahil masipag
silang mag-aral.
Isang araw, binisita ni Rufina ang kaniyang kaibigan sakay ng bisikleta at dinalhan niya ito ng jelly,
jam at juice at may kasama pang tinapay. Masayang- masaya ang dalawa habang pinagsaluhan
ang dalang pagkain ni Rufina.
Bilang ng mga salita: 71
Mga Tanong:
TANDAAN:
1. Paano naging magkaibigan sina Felisa at Rufina?
2. Paano naging mataas ang marka nila Felisa at Rufina? Ginagamit ang PAANO sa
pagtatanong tungkol sa paraan ng
3. Paano nakapunta si Rufina kina Felisa? pagsasagawa ng isang gawain o
4. Paano naging masayang-masaya ang pagsasama ng pangyayari.
magkaibigan?
5. Sa iyong palagay, paano mo mapanatili ang magandang
samahan ng pagkakaibigan?

lxxxix
Ginabayang Pagsasanay
Basahin ang talata at sagutin ang mga tanong na BAKIT at PAANO.

Ang Paghahanda
ni: Chummy P. Cabatuan

Ang mga paaralan sa Cavite ay magkakaroon ng patimpalak sa


sayaw na Cariñosa sa pagnanais na maiangat ang kulturang Filipino.
Nasasabik ang klase ni Binibining Elvita sa palatuntunang ito.
Bilang pangulo at masipag na bata sa kanilang klase, inatasan si Fe
para pangunahan ang pag-eensayo. Masiglang tinanggap ni Fe ang iniatas sa kaniya ng guro.
Naghanda nang mabuti at nag-ensayo nang maigi ang buong klase at sila ay nagtagumpay. Tuwang-
tuwa ang buong klase sa nakamit na karangalan.
Mga Tanong: Bilang ng mga salita: 92
1. Bakit magkakaroon ng patimpalak sa sayaw na Cariñosa ang mga
paaralan sa Cavite?
2. Bakit inatasan ni Binibining Elvita si Fe sa pag-eensayo ng sayaw?
3. Paano tinanggap ni Fe ang iniatas sa kaniya ng kanyang guro?
4. Paano ginawa ng klase ni Binibining Elvita ang inatas sa kanila upang
magtagumpay sila rito?
5. Sa iyong palagay, bakit nasasabik ang klase ni Binibining Elvita sa
palatuntunan?
Malayang Pagsasanay
xc
Malayang Pagsasanay
Basahin ang talata at sagutin ang mga tanong na BAKIT at PAANO.

Ang Palabasang si Jose


ni: Chummy P. Cabatuan

Si Jose ay mahilig magbasa. Mas gusto niyang magbasa ng kuwento kaysa


maglaro ng mga video games sa cellphone. Masayang-masaya siya kapag siya ay
nagbabasa sapagkat marami siyang nalalamang kuwento at natutuhang aral.
Bawat kuwento na kaniyang binabasa ay ibinabahagi niya nang may
kasiglahan sa kaniyang mga kaibigan na sina Jonie at Jasper. Gusto niyang matutuhan din ng
kaniyang mga kaibigan ang mga aral na nakuha sa pamamagitan ng pagbabasa. Masigasig namang
nakikinig sina Jonie at Jasper sa mga kuwento ni Jose dahil gusto rin nilang matuto sa mga aral na iyon.

Mga Tanong: Bilang ng mga salita: 91


1. Bakit mahilig magbasa si Jessie?

2. Bakit niya binabahagi sa kaniyang mga kaibigan ang mga kuwentong nabasa niya?

3. Paano niya binabahagi ang kuwentong kaniyang binasa sa kaniyang mga kaibigan?

4. Paano tinanggap nina Jonie at Jasper ang mga kuwentong binabahagi ni Jessie?

5. Bakit masigasig na nakinig sina Jonie at Jasper sa kuwento ni Jose?


Malayang Pagsasanay
xci
Basahin ang talata at sagutin ang mga tanong.

Ala eh! May Dengue si Onie!


ni: Marie Vae P. Beltran

Walang tigil ang pag-ulan sa lungsod ng Tagum kaya


nagsimula nang mag-alala ang mga magulang ni Onie sa mga sakit
na maaaring dumapo sa kanya gaya ng Leptospirosis na minsan
nang naging dahilan ng kaniyang pagkakaospital noon. Mahilig kasi
siyang maglaro sa labas tuwing umuulan.

Sa loob ng katawan ni Onie ay may naninirahang magkakapatid na dugo na sina Ondoy Pula,
Inday Puti at Alet Platelet.Sila ay masayang dumadaloy sa ugat ni Onie upang magdala ng hangin
at sustansiya. Kumukuha rin sila ng mga basura at nagsisilbing sundalo ng katawan.
Isang araw, nakagat si Onie ng isang babaeng lamok. Mabilis na nakapasok ang mga virus nito
sa kaniyang katawan. Sinalubong naman ito ng magkakapatid upang labanan ngunit mabilis silang
natalo ng mga ito.

Pagkatapos ng ilang araw ay biglang itinakbo si Onie sa ospital dahil sa mataas na lagnat at
pagsusuka. Agad naman siyang sinalinan ng dugo, pinainom ng gamot at pinakain ng gulay at
prutas.

xcii
Samantala sa loob ng kaniyang katawan ay gulat na gulat ang magkakapatid na dugo nang
makita nila ang libo-libong katulad nila na dumadaloy sa kaugatan ni Onie. Nagkaroon muli ng
labanan at natalo ang mga kalaban. Sa wakas, bumalik na rin sa normal ang daloy ng dugo ni Onie.
Nang makauwi na siya sa kanilang bahay ay kumain na siya ng mga masustansiyang pagkain
habang ang kaniyang mga magulang naman ay naglilinis ng buong paligid. Mula noon, naging
maingat na ang pamilya nila.

“Linisin ang kapaligiran, sarili ay ingatan upang Dengue ay maiwasan”.

Bilang ng mga salita: 250

Mga Tanong:

1. Ano ang ipinag-alala ng mga magulang ni Onie?

2. Sino-sino ang mga nakatira sa katawan ni Onie?

3. Ano-ano ang ginagawa nina Ondoy Pula, Inday Puti at Alet Platelet sa katawan niya?

4. Saan madalas nakatira ang mga lamok?

xciii
5. Ano kaya ang dumapong sakit kay Onie?

6. Bakit itinakbo si Onie sa ospital?

7. Paano bumalik sa normal ang daloy ng dugo ni Onie?

8. Sa iyong palagay, bakit sinasalinan agad ng dugo ang mga taong may dengue?

9. Paano natin maiiwasan ang pagkakaroon ng dengue fever?

10. Paano mo iniingatan ang iyong sarili mula sa pagkakaroon ng sakit?

xciv
Pasasalamat

xcv

You might also like