You are on page 1of 11

2

FILIPINO
Kwarter II – Linggo 2
Nabibigkas nang Wasto
ang Tunog ng Katinig, Patinig,
Klaster o Kambal-Katinig
at Diptonggo

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Filipino - Baitang 2
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter II – Linggo 2: Nabibigkas nang Wasto ang Tunog ng Patinig/Katinig,
Klaster o Kambal-Katinig at Diptonggo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin
ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit
sa CLAS na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales.
Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring
iyon. Ang anumang gamit maliban sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng
materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang
walang pahintulot ng Kagawaran.
Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa

Bumuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets


Manunulat: Maribel A. Mutha
Pangnilalamang Patnugot: Elsa C. Navarro
Editor ng Wika: Elsa C. Navarro
Tagawasto: Luis R. Mationg
Tagasuri: Luis R. Mationg, Mary Jane J. Parcon
Tagaguhit: Nena R. Zulueta, Julie Anne N. De La Rosa
Tagalapat: Julie Anne N. De La Rosa

Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS
Loida P. Adornado, PhD, ASDS
Cyril C. Serador, PhD, CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Luis R. Mationg, EPS-Filipino
Mary Jane J. Parcon, PSDS
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II
Pandibisyong Tagasuri ng LR:
Ronald S. Brillantes
Mary Jane J. Parcon
Ronald N. Fragata
Joseph D. Aurelio
Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)
Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Pangalan: Baitang at Seksyon:

Aralin 1
Pagbigkas nang Wasto ng Tunog
ng Katinig, Patinig, Klaster
at Diptonggo
MELC: Nabibigkas nang wasto ang tunog ng patinig,
katinig, kambal-katinig o klaster at diptonggo.
(F2PN-Ia-2)
Mga Layunin:
1. Naiisa-isa ang tunog ng katinig, patinig, klaster o
kambal-katinig at diptonggo
2. Natutukoy ang mga tunog ng katinig, patinig,
klaster o kambal-katinig at diptonggo
3. Nabibigkas nang wasto ang tunog ng katinig,
patinig, klaster o kambal-katinig at diptonggo

Ating Alamin at Tuklasin


Paghawan ng Noong nasa Kinder at Unang Baitang ka
Balakid pa lamang ay natutuhan mo na ang
• klaster – salitang
tunog ng bawat letra ng Alpabetong
may dalawang Filipino. Ngayon naman ay matututuhan
magkasunod na mo ang pagbigkas ng mga tunog ng
katinig sa isang
pantig.
katinig, patinig, klaster, at diptonggo.
• diptonggo- kambal-katinig o klaster at diptonggo.
Kung ang patinig ay Ang mga tunog na
binubuo ng binubuo ng tunog na bumubuo sa katinig ay b,
alinman sa mga a, e, i, o, u, ano c, d, f, g, h, j, k, l, m, n, ñ,
patinig na a, e, i, naman ang bumubuo ng, p, q, r, s, t, v, w, x, y, at
o, u at letrang w sa katinig? z.
at y sa loob ng
isang pantig.
• hindi alintana –
hindi iniintindi o
hindi pinapansin,
binabalewala

1
Basahin at unawain ang talambuhay.
Ang Talambuhay ni Brando
Ni: Gng. Maribel A. Mutha

Siya si Brando. Walong


taong gulang, at nakatira
sa Lungsod ng Puerto
Princesa sa Barangay
Sicsican. Ang kanyang
mga magulang ay sina
Mang Caloy at Aling
Flora. Nag-aaral siya sa
Paaralang Elementarya
ng Sicsican. Malayo ang
bahay nila sa paaralan, ngunit matiyaga siyang naglalakad
araw-araw upang makapag-aral.
Mahirap lamang sila ngunit hindi niya ito alintana. Ang
trabaho ng kanyang tatay ay isang kargador sa palengke.
Ang kanyang nanay naman ay sa bahay lamang at
nag-aalaga sa kanyang mga kapatid na sina Trisha at
Glenda.
Tuwing hapon, pag-uwi ni Brando sa kanilang tahanan ay
tumutulong din siya sa mga gawaing bahay. Pinatutuka niya
ang inahing manok, mga sisiw, at pinakakain ang kanilang
alagang baboy. Dinidiligan din niya ang mga tanim nilang
gulay. Patuloy niya itong ginagawa araw-araw. Pangarap ni
Brando ang makapagtapos ng pag-aaral at maging isang
guro. Kahit mahirap lamang sila ay nagsisikap siya upang
matupad ang kanyang mga pangarap.
Pamprosesong Tanong: Anong mga katangian ni Brando ang
dapat mong tularan?
____________________________________________________________
____________________________________________________________

Bakit kailangan mong magsikap sa iyong pag-aaral?


____________________________________________________________
____________________________________________________________

2
A. Anong mga salita ang sinalungguhitan sa binasa
imong talambuhay? Bigkasin nang wasto ang mga
i salitang ito.
nakatira tanim tahanan matiyaga
lungsod kapatid hapon alintana

Ang mga salita ay binubuo ng mga tunog ng katinig at


patinig. Ang mga katinig ay ang b, c, d, f, g, h, j, k, l, m, n, ñ,
ng, p, q, r, s, t, v, w, x, y, z.
Ang Patinig naman ay ang a, e, i, o, u. Tinatawag na
pantig ang pinagsamang katinig at patinig.
Halimbawa: gu- ro
Katinig Patinig
B. Basahin nang wasto ang mga salitang binilugan sa
binasa mong talambuhay at bigkasin ang letrang
sinalungguhitan.
Brando trabaho drayber Glenda
Princesa traysikel Trisha Flora

Ang iyong binasa ay mga salitang may tunog ng


kambal-katinig o klaster. Ang salita ay may kambal-katinig
o klaster kapag ito ay binubuo ng dalawang magkasunod
na katinig sa isang pantig. Binibigkas ito nang madulas.
Maaari rin itong matagpuan sa unahan, gitna, at hulihan ng
salita.
Halimbawa: blusa sorpresa kard

C. Bigkasin ang mga sumusunod na salita.


barangay bahay tatay nanay gulay
Caloy baboy patuloy araw-araw sisiw

➢ Ang iyong binigkas ay mga salitang may diptonggo.


➢ Ang ay, ey, oy, uy, at iw ay mga diptonggo. Ito ay
binubuo ng alinman sa mga patinig na a, e, i, o, u at
letrang w at y sa loob ng isang pantig.
➢ Binibigkas ang mga salita ayon sa papantig na baybay.
Halimbawa: tray-si- kel si-siw ba-boy
3
Tayo’y Magsanay

Gawain 1

Panuto: Bigkasin at pilliin sa kahon sa ibaba ang tinutukoy ng


bawat larawan. Isulat ito sa patlang.
puso larawan bituin araw ulap

Gawain 2

A. Panuto: Basahin ang sumusunod na salita at salungguhitan


ang tunog ng kambal-katinig o klaster.

4
B. Panuto: Bigkasin at bilugan ang mga salitang may
diptonggo.
Halimbawa: bahay
sitaw buhay giliw bigas

kalaban hilaw bag tulay

Pamprosesong Tanong: Bakit mahalagang matutuhan mo


ang mga tunog ng katinig, patinig, klaster, at diptonggo?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

Ating Pagyamanin

Gawain 1

Panuto: Punan ang patlang ng nawawalang tunog ng


katinig o patinig upang mabuo ang salita.

Gawain 2

A. Panuto: Bigkasin at bilugan sa loob ng kahon ang mga


salitang may diptonggo.
Halimbawa:

5
B. Panuto: Punan ng angkop na klaster o kambal-katinig ang
patlang upang mabuo ang salita. Piliin ang sagot sa loob
ng kahon at bigkasin mo ang nabuong salita.

br kr pl pr gr

Pamprosesong Tanong: Paano mo binibigkas ang mga tunog


ng katinig, patinig, klaster, at diptonggo?
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________

Ang Aking Natutuhan

Dudugtungan Ko

6
Ating Tayahin
Panuto: Basahin at unawain mong mabuti ang tanong sa
bawat aytem. Piliin at bilugan ang letra ng wastong sagot.

1. Ang sumusunod ay mga salitang may tunog ng katinig sa


iunahan, maliban sa isa. Anong salita ito?

A. baso B. pera C. kabayo D. abaniko

2. Anong tawag sa tunog ng mga letrang sinalungguhitan


sa loob ng kahon?

araw, elesi, inihaw, orasan, upuan

A. katinig B. klaster C. patinig D. diptonggo

3. Alin sa sumusunod na salita ang may kambal -katinig


o klaster?
A. pala B. pana C. plasa D. papaya

4. Anong salita ang may klaster na pr?


A. klase B. preno C. tren D. troso

5. Alin sa mga pangkat ng salita ang may diptonggo?


A. anay, apoy, sisiw, kalabaw
B. baso, plato, dahon, basahan
C. bag, sapatos, damit, bulaklak
D. halaman, taniman, bayabas, kamatis

7
Susi sa Pagwawasto
Tayoý Magsanay
Gawain 1
1. ulap
Ang Aking Natutuhan
2. puso
3. larawan 1. patinig
4. bituin o tala
5. araw 2. katinig
3. klaster o
Gawain 2
A. 1. trak 2. sobre 3. eroplano kambal-katinig
4. plato 5. krus 4. diptonggo

B. sitaw buhay giliw


tulay hilaw Ating Tayahin

Pagyamanin 1. D
Gawain 1 2. C
1. s 2. k 3. l 4. i 5. a
3. C
Gawain 2 4. B
A. dahon araw kahoy
sisiw kamay 5. A
B. 1. pl 2. br 3. kr
4. gr 5. pr

Sanggunian
Aklat

Garcia, Nilda S. D., Jackelyn F. Aligante, Melany B. Ola, Aida J. Cruz,


Erlinda B. Castro, Virginia C. Cruz, Matilde N. Padalla, Galcoso
C. Alburo, Estela C. Cruz. Ang Bagong Pinoy-Filipino 2, Pasig
City, Department of Education-Instructional Materials Council
Secretariat, (DepEd-IMCS), 2013.
8
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito


ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan (kung


Opo, ano ito at bakit?)

C. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo at


pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Numero ng telepono: __________________________________

PANGALAN NG PAARALAN:

Pangalan at Lagda ng Guro:

Pangalan at Lagda ng Magulang

o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

You might also like