You are on page 1of 4

T he Sto.

Niño Formation and Science School


Rosario, Batangas
Elementary Department
Unang Kwarter Modyul 1-Filipino 2
22d22 2
2
2

MGA ARALIN

1. Aralin 1- Magagalang na pananalita sa paghingi ng


paumanhin.

2. Aralin 2- Pantig at Salita

3. Patinig at Katinig

4. Aralin 3- Pangngalan

5. Aralin 4- Uri ng Pangngalan

6.

I. PAGLALARAWAN

Ang araling ito ay upang maunawaan at maipaliwanag ang mga kaalaman sa


araling pang nilalaman, magamit ang wastong salita sa pagpapahayag ng
sariling kaisipan, damdamin o karanasan na may lubos ng paggalang. Dito
mauunawaan ang paggamit ng magagalang na pagbati at magagalang na
pananalita, malaman ang patinig at katinig, pangngalan at ibat-ibang
kategorya nito, pangngalang tiyak(pantangi) at pangngalang di-
tiyak(pambalana).

II. LAYUNIN

1. Paggamit ng magagalang na salita.


2. Nagagamit ang magagalang na pananalita at magagalang na
pantawag sa tao sa pagbati, pagpapakilala, at paghingi ng pahintulot.
3. Nalalaman ang Alpabetong Filipino at ang katinig at patinig.
4. Nalalaman ang pangngalan at mga kategorya nito.
5. Nakikilala ang mga uri ng pangngalan.

Erika T. Dimaano Page 1 of 4


erikadimaano30@gmail.com
T he Sto. Niño Formation and Science School
Rosario, Batangas
Elementary Department
Unang Kwarter Modyul 1-Filipino 2
22d22 2
2
2
III. TALAKAYAN

1. Magalang na Pananalita
 Ibat-ibang magagalang na salita ang ginagamit sa pagbati: Magandang
umaga sa umaga, Magandang tanghali sa tanghali, Magandang hapon sa
hapon, Magandang gabi sa gabi.

 Ginagamit ang Mano po sa paglapat ng noo sa kamay ng mga nakakatanda.

 Sa pagpapakilala naman o pagtanggap ng paumanhin, karaniwang


ginagamit ang mga sumusunod:
- babae sa lalaki = Sally, siya si Vic.
- taong may mataas na posisyon = Binibining Cruz, si Fe po.
- Matatanda = Inay si Alex po.

 Sa paghingi ng pahintulot, ginagamit ang:


1. Maari po ba? Kung humihingi ng pahintulot.
2. Salamat po- kung tumatanggap ng pahintulot o tulong.
3. Walang anuman – bilang sagot sa pasasalamat.
 Sa magalang na pagtawag sa matatanda, ginagamit ang:
1. nanay, tatay, lola, lolo, mommy, daddy
2. Sa nakakatandang kapatid – ate, kuya
3. Sa mga kamag-anak – tito, tita, tiya at iba pa
4. Sa ibang tao – binibini, ginoo, ginang, mama, ale, at iba

2. Alpabetong Filipino
May dalawampu’t walong (28) titik ang Alpabetong Filipino. Ang dalawampu
(20) ay galing sa ABAKADA at ang walo (8) ay nahiram sa ibang wika. Ang hiram
na titik ay C, F, J, Ñ, Q, V, X at Z.

a. Nahahati sa patinig at katinig ang mga titik ng Alpabetong Filipino.

May limang (5) patinig. Ang mga ito ay:

Aa Ee Ii Oo Uu

Halimbawa ng mga salita na nagsisimula sa patinig.


Aso Elepante Ilaw Oso Usa

Erika T. Dimaano Page 2 of 4


erikadimaano30@gmail.com
T he Sto. Niño Formation and Science School
Rosario, Batangas
Elementary Department
Unang Kwarter Modyul 1-Filipino 2
22d22 2
Dalawampu’t tatlo (23) ang katinig. 2
2
Bb Cc Dd Ff Gg Hh

Jj Kk Ll Mm Nn Ññ
NGng Pp Qq Rr Ss Tt
Vv Ww Xx Yy Zz

Halimbawa ng mga salita na nagsisimula sa katinig.

Baso kabayo daga gulong halaman

Lata manok noo pinto relo

3. Pangngalan
Ang pangngalan ay salitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop,
lugar, at pangyayari. Ang mga ito ay may kategorya o pangkat ng
pangngalan.

Halimbawa:

Tao - Willy, nanay, anak,

Bagay – mesa, lapis, bag

Hayop – pusa, daga, aso

Lugar – paaralan, silid- tulugan

Pangyayari - kaarawan, Pasko

4. Uri ng Pangngalan
1. Pangngalang Pantangi – Tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, hayop, bagay,
lugar, at pangyayari. Nagsisimula ito sa malaking titik.
2. Pangngalang Pambalana – Tumutukoy sa karaniwang ngalan ng tao, hayop,
bagay, lugar, at pangyayari.

Halimbawa:

Pangngalang Pantangi Pangngalang Pambalana

Tao = Doktora Reyes doktor

Erika T. Dimaano Page 3 of 4


erikadimaano30@gmail.com
T he Sto. Niño Formation and Science School
Rosario, Batangas
Elementary Department
Unang Kwarter Modyul 1-Filipino 2
22d22 2
Ma’am Mary Jane 2 guro
2
Hayop = Tagpi aso

Bagay = Mongol lapis

Adidas sapatos

Lugar = Batangas, City lungsod

Sto. Rosario Hospital ospital

Pangyayari = Pasko pagdiriwang

B. Paglalahat

• Ang paggamit ng magagalang na pananalita ay napakahalaga. Dito natin


ipinapakita ang ating pagkamakatao at respeto sa ating kapwa.
• Sa pangngalan mahalagang malaman o matukoy natin kung saan kategorya o
pangkat nabibilang ang mga ito. Tulad ng pulis, ang pulis ay nabibilang sa
kategorya o pangkat ng tao. Ang aklat naman ay nabibilang sa kategorya o
pangkat ng bagay. Ang aso ay nabibilang sa kategorya o pangkat ng hayop. Ang
simbahan ay nabibilang sa kategorya o pangkat ng lugar. Ang pasko ay sa
kategoryang pangyayari.

C. Pagpapahalaga

• Nagpapahalaga sa tamang paggamit ng mgagagalang na pananalita.


• Napapahalagahan ang ibat-ibang ngalan ng tao, bagay, hayop, lugar at
pangyayari at ang kategorya nito.

Takdang Aralin

1. Sagutan ang pagsasanay 1-3 sa pahina 37-38, at 39 sa Katig Filipino Book,


2. Sagutan ang pagsasanay 1-3 sa pahina 48-50.

“Tiwala’t pananalig sa Diyos ang kailangan,


upang sulirani’y mapagtagumpayan.”

Erika T. Dimaano Page 4 of 4


erikadimaano30@gmail.com

You might also like