You are on page 1of 2

HARVEST IN CHRIST CHRISTIAN ACADEMY

Corner P. Burgos and T. Claudio Sts., Sipi, Daraga, Albay


Ikalawang Buwanang Pagsusulit
sa Filipino 5

Pangalan: ________________________________________ Petsa: ___________ Iskor:

I. Panuto: Tukuyin ang hinihingi ng bawat pahayag. Piliin ang ang iyong sagot sa loob ng kahon ang isulat ang
titik sa linya.(10pts.)

a. panao b. pamatlig c. panaklaw d. pananong e. ako

f. isahan g. sila h. ito i. doon j. ikatlong panauhan

_____ 1. Ito ang panghalip na ginagamit pamalit sa pangngalang itinuturo.


_____ 2. Ang panghalip na ito ay ginagamit sa pagtatanong.
_____ 3. Ito ay halimbawa ng panghalip pamatlig na malapit sa nagsasallita.
_____ 4. Ang panghalip na sumasaklaw sa kaisahan ng pangngalan.
_____ 5. Ito ang kailanan ng panghalip na iisa lamang ang bilang.
_____ 6. Ang _____ ay halimbawa ng panghalip panao.
_____ 7. Ito ang panghalip na ipinapalit sa ngalan ng tao.
_____ 8. Panauhan tumutukoy sa taong pinang-uusapan.
_____ 9. Ito ay halimbawa ng panghalip na nasa ikatlongn panauhan.
_____ 10. Halimbawa ng panghalip pamatlig na malayo sa taong nag-uusap.

II. Panuto: Bilugan ang panghalip na ginamit sa bawat pangungusap.(5pts.)


11. Ikaw ang magbabasa ng kuwento.
12. Heto na ang hiniram kong libro.
13. Sino-sino ang kasama mo sa Luneta?
14. Dumagsa ang madla sa plasa upang mapanood ang pagdiriwang.
15. Aalis tayo nang maaga bukas.

III. Panuto: Tukuyin ang panauhan ng mga panghalip na nakasalungguhit sa bawat pangungusap. Isulat sa
linya kung ito ay una, ikalawa, o ikatlong panauhan.(5pts.)

__________ 16. Tayo ay pananagutan sa mga problemang nagaganap sa kapaligiran.


__________ 17. Hayun ang mga nakakalbong gubat.
__________ 18. Ako ay nag-iisip nang mabuti kung ang legla na pagmimina ay totoo sa kanilang pangako sa
tao at kalikasan.
__________ 19. Ito ang tahanan ng mga taong nagmamahal sa kalikasan.
__________ 20. Kayo mga taong may mabuting loob na nagmamahal sa kalikasan.

IV. Panuto: Basahing mabuti ang mga pangungusap. Bilugan ang wastong panghalip na bubuo sa diwa nito.
(10pts.)
21. (Sino-sino, Ano-ano, Alin-alin) ang matatapang na magtatanggol sa ating kaligtasan?

22. Walang (sinuman, anuman, kailanman) ang maaaring manghusga sa kanyang kapwa.

23. (Sino, Saan, Kailan) kayo aalis papuntang Cebu?

24. (Ano, Kailan, Sino) ang nagbigay sa iyo ng tsokolate?

25. Dapat alamin ng (tanan, saanman, kailanman) ang kanyang karapatan sa bansang ito.

26. (Ano, Kailan, Saan) ang paborito mong hayop?

27. (Sino, Saan, Ano) kayo nanggaling kanina?

28. Mananalo tayo sa larong ito (sinuman, balana, anuman) ang sabihin nila.

29. Bibilhin ko ang gusto mo (alinman, sinuman, magkanuman) ang halaga nito.

30. (Sinuman, Magkanuman, Alinman) sa mga prutas na ito ay pwede mong kainin.

God Bless.

You might also like