You are on page 1of 2

QUIZ #2 FILIPINO 6

A. Tukuyin ang anyo ng pangngalang may salungguhit sa pangungusap.


1. Nag-ani sila ng maraming palay noong isang lingo.
2. Ang mga opisyal ay nanghihingi ng abuloy para sa mga biktima ng kalamidad.
3. Hindi dapat paniwalaan ang sabi-sabi lamang.
4. Nagtawag ng miting ng mga guro ang kanilang punong-guro.
5. Maunlad na ang kabuhayan ng mag-anak na Santos.
6. Namasyal si Luisito sa pali-paligid ng nilipatan nilang subdibisyon.
7. Huwag mong kalilimutan ang gabi-gabing pagdarasal.
8. Paborito kong bungang-kahoy ang chico.
9. Nagkakaisa ang mga taong-bayan sa pagpili ng bagong pinuno.
10. Sumusunod sa batas ang mga mamamayan.

B. Kahunan ang pangngalan sa pangungusap na tumutugon sa anyo o kayariang nasa loob ng panaklong.
(maylapi) 1. Ang magkapatid ay magkatulong na nagrarasyon ng tinapay sa bahay-bahay sa
Barangay Uno.
(inuulit) 2. Nagtatalo-talo ang mga tao sa bayan hinggil sa mga bali-balitang pagdating ng El
Niño.
(payak) 3. Ang mga kamag-aral ay tulong-tulong na nsghanap ng pambili ng gamut para sa mag-
inang nasa bingit ng kamatayan.
(tambalan) 4. Dinalhan ngn sari-saring pagkain ng mga mapagkawanggawa ang mga ulila sa
bahay-ampunan.
(inuulit) 5. May lalaking tumulong sa mag-asawang mailipat ang kanilang mga dala-dalahan sa
dumating na bus.
(payak) 6. Dinagdagan ng katulong ang mga banga sa halamanan bilang pagsunod sa ipinag-
uutos mo.
(tambalan) 7. Hindi inakala ng mga madre na ang bagong guwardiya sa kumbento ay isa palang
bantay-salakay.
(maylapi) 8. Ang kalayaan ng bansa ay ipipnagdiriwang taon-taon mula noong 1898.
(inuulit) 9. Labis na minamahak ng ginang ang anak-anakang ngayon ay malapit nang
makatapos sap ag-aaral.
(payak) 10. Ang pinuno ng pangkat ay nagpahayag ng kasiyahan sa kinalabasan ng kanilang
pananaliksik.

You might also like