You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
NATIONAL CAPITAL REGION
SCHOOLS DIVISION OFFICE - VALENZUELA CITY
IKATLONG LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 5
IKATLONG MARKAHAN-TP 2021-2022

Pangalan:___________________________ Iskor:_________________
Pangkat:____________________________ Petsa: ________________

Panuto: Piliin ang letra ng tamang sagot sa bawat bilang.


1. Ang mga tao sa buong mundo ay _________________ na nagdarasal na sana matapos na ang
pandemya. Aling pang-abay ang angkop na gamitin?
A. mapayapa B. mabilis C. patuloy D. taimtim

2. Ang gamot na ibinigay ng doktor ay ________________ kaya kaagad na gumaling ang


pasyente. Aling pang-uri ang angkop na gamitin?
A. mabisa B maganda C. mahal D. marami

3. Nakikinig nang _______________ ang mga batang Valenzuelano tuwing nanonood sila ng
aralin sa Valenzuela Live. Aling pang-abay ang angkop gamitin?
A. aktibo B. maayos C. mabuti D. tahimik

Para sa 4-6 Basahin at unawain ang teksto.


Pagbabakuna sa Edad 5-11 Taon Isinagawa!

Matapos ang matagumpay na paglulunsad ng VCVAX Teens Edition noong


Oktubre 27, 2021 sa Lungsod ng Valenzuela. Isinagawa naman ng lokal na
pamahalaan ang kick off para sa Kids edition na matatanggap ng mga nasa edad 5-
11 taong gulang.
Ang Pfizer vaccine ay natatanging bakuna na aprobado ng Food and Drugs
Administration (FDA) para sa nasabing edad.
Iba’t ibang mga pang-engganyo ang inihanda ng lungsod na naglalayong
mahikayat ang mga bata at maibsan ang pag-aalala sa bakuna. Ilan sa mga pakulo
ang makulay na paligid na napapalamutian ng mga lobo, laruan at loot bags na
naglalaman ng sari-saring kendi at iba pa.

4. Alin sa sumusunod ang pangyayaring nasaksihan sa teksto?


A. Pagpapalaro sa mga bata
B. Pagbibigay ng Pfizer Vaccine
C. Pagsasagawa ng VCVax Teens Edition
D. Pagbabakuna sa batang nasa edad 5-11

5. Bakit kailangang Pfizer vaccine ang ibigay sa mga batang nasa edad 5-11?
A. Ito ang pinakakilalang bakuna sa buong mundo.
B. Rekomendado ito ng mga doktor sa buong Pilipinas.
C. Dahil wala itong negatibong epekto sa katawan ng bata.

Pio Valenzuela St., Marulas, Valenzuela City


(02) 8292-3247
sdovalenzuela@deped.gov.ph sdovalenzuelacity.deped.gov.ph
D. May pinakamababang dosage at may katamtamang epekto sa katawan.

6. Alin sa sumusunod ang HINDI nabanggit na inihandang pang-engganyo ng lokal na


pamahalaan?
A. sari-saring kendi
B. Iba’t ibang palaro
C. mga prutas at gulay
D. mga makukulay na lobo

7. Alin sa sumusunod ang nagpapahayag ng katotohanan?


A. Maligaya ang taong maraming pera.
B. Mas maganda ang buhok na tuwid kaysa kulot.
C. Ayon sa FDA, ang Pfizer vaccine ang pinakaaprobadong bakuna.
D. Ang karne ay mas mainam kainin at nagpapalakas ng ating katawan.

8. Alin sa mga pangungusap ang halimbawa ng opinyon?


A. May pitong araw sa isang Linggo.
B. Linggo ang masayang araw para sa akin.
C. Ang isang taon ay may labindalawang buwan.
D. May animnapung segundo sa isang minuto bawat oras.

9. Alin sa sumusunod na parirala ang gumamit ng wastong pang-angkop?


A. bayang sinilangan
B. malikhain na kamay
C. imahinasyon malawak
D. panalangin na marubdob

10. Aling pangungsap ang may MALI ang gamit ng pang-angkop?


A. Mabait na bata si Ben.
B. Mabango na bulaklak ang naaamoy ko.
C. Ang masipag na mag-aaral ang kausap niya.
D. Masunuring mamamayan ang mga naninirahan sa pamayanan.

11. Alin sa mga pares ng salita ang magkasingkahulugan?


A. maganda-marikit
B. malungkot-masaya
C. nakaraan-kasalukuyan
D. hambog-mapagpakumbaba

12. Ang Gobernador ay bantog sa kanilang bayan dahil sa kanyang kabutihan.


Ano ang kasingkahuluhan ng salitang bantog?
A. kahanga-hanga B. kakaiba C.kilalang-kilala D. puring-puri

13. Alin sa mga pares ng salita ang magkasalungat?


A. mahirap-dukha C. payapa-tahimik
B. matulin-mabagal D. masinop-matipid
14. Ang Milktea ay paboritong inumin ng karamihan ngayong tag-init. Alin ang simuno sa
pangungsap?
A. karamihan B. Milktea C paborito. D. tag-init

15. Masayang nakilahok sa paligsahan ang magkaibigan. Alin sa pangungusap ang panaguri?
A. masaya B. magkaibigan C. nakilahok D. paligsahan

16. Nais mong matukoy ang lokasyon ng bulkang Taal. Alin sa mga sanggunian ang iyong
gagamitin?
A. Atlas B. Almanac C. Diksyunaryo D. Encyclopedia

17. Mayroon kang takdang aralin tungkol sa mga salitang magkasingkahulugan at magkasalungat.
Alin sa mga sumusunod na sanggunian ang angkop na gamitin?
A. Atlas B. Almanac C. Diksyunaryo D. Tesawro

18. Nais mong malaman ang kahulugan ng salitang antropolohiya. Alin sa mga sanggunian ang
angkop na gamitin?
A. Atlas B. Almanac C. Diksyunaryo D. tesawro

Para sa 19-20. Pag-aralan ang halimbawang form.

TALAAN SA PAGKUHA NG MODYUL


S.Y. 2021-2022

Pangalan ng Mag-aaral: ______AKHIR CABIGAYAN _________________


Baitang at Pangkat:____________5-MABINI____________________________
Tirahan: 143 M. DELOS REYES , GEN. T. DE LEON, VALENZUELA CITY
Numero na maaaring tawagan:____________09208373388_____________

Lagda ng Magulang
19. Alin sa sumusunod ang HINDI matatagpuan sa hinihinging datos ng form?
A. Pangalan at edad
B. baitang at pangkat
C. pangalan at lagda ng magulang
D. tirahan at numero ng maaaring tawagan

20. Aling datos ang nagpapakita na ang mga impormasyong ibinigay ay sa kasalukyang panuruan?
A. 5-Mabini
B. 09208373388
C. S.Y. 2021-2022
D. Akhir Cabigayan

You might also like