You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Region
City Schools Division of Tandag
PANDANON ELEMENTARY SCHOOL
Pandanon, Tandag City, SDS

SUMMATIVE 2
FILIPINO 6
QUARTER 3

Pangalan:_________________________ Petsa:______________________

I. Panuto: Basahin ang mga tanong at bilogan ang sagot.


1. Anong bagong salita ang mabubuo kapag ang salitang ugat na ‘sayaw’ ay kakabitan ng
gitlaping –um-?
A. sinayaw
B. sayawin
C. sumayaw
D. nagsayaw

2. Anong tamang salita ang mabubuo kung lalagyan ng panlaping kabilaan ang salitang-
ugat na ‘sikap’?
A. pagsikapan
B. sinisikapan
C. pagsumikapan
D. magsusumikap

3. Alin sa sumusunod na salita ang mabubuo kung ang salitang-ugat na


‘tawag’ ay kakabitan ng panlaping –in- at –an?
A. tawagan
B. tinawag
C. tinawagan
D. nagtawagan

4. “Si Nanay ay ________ ng spaghetti bukas.” Anong panlapi at salitang-ugat ang akma
upang mabuo ang diwa ng pangungusap?
A. nag- + luto
B. ipag- + luto
C. ipinag- + luto
D. mag- + luluto

5. Anong bagong salita ang bubuo sa diwa ng pangungusap gamit ang salitang-ugat na
‘sakay’? Si Mang Pedring ay _____________ sa bus pauwi ng probinsiya.
A. nagsakay
B. sinakyan
C. sumakay
D. sasakyan
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
City Schools Division of Tandag
PANDANON ELEMENTARY SCHOOL
Pandanon, Tandag City, SDS
B. Panuto: Panuto: Basahin ang balita at sagutin ang sumusunod na mga tanong.
Bagong batch ng higit 1-M bakuna para sa mga bata, adult dumating sa bansa Anjo
Bagaoisan, ABS_CBN News MAYNILA-Dumating sa Pilipinas Miyerkoles ang panibagong batch
ng mahigit 1 milyong dose ng COVID 19 vaccines na binili ng pamahalaan. Binubuo ito ng 1.056
milyong doses ng reformulated Pfizer vaccine na angkop sa mga batang edad 5 hanggang 11, at
128, 361 na dose ng Pfizer vaccine para nama sa edad 12 pataas. Nabili ang mga bakuna sa
tulong ng pondo mula sa World Bank. Kasunod ng pagdating nitong mga bagong bakuna, halos
234 milyon (233, 857, 671) na ang mga bakunang natanggap ng Pilipinas. Dumating ang mga
bagong bakuna 1 araw bago ang simula ng ika-4 na National Vaccination na isasagawa mula
Marso 10 hanggang 12. Target nitong makapagbakuna ng 1.8 milyong mga bata. Ayon sa
National Task Force Against COVID-19, umabot na sa 137, 085, 697 ang mga naipapamahagi
nang bakuna sa bansa noong Marso 7. May 63, 793, 957 na Pinoy naman ang fully vaccinated.
Inaasahan naman ang pagdating ng dagdag na higit 1 milyon
doses ng bakuna para sa mga bata sa Huwebes.

6. Suriin ang pahayag na nagsasaad ng katotohanan mula sa balita.


A. Sa palagay ko, marami na magpapabakuna dahil panibagong batch ng COVID
19 vaccines na binili ng pamahalaan
B. Ayon sa, National Task Force Against COVID-19, umabot na sa 137, 085, 697
ang mga naipapamahagi nang bakuna sa bansa.
C. Sa tingin ko, marami na rin ang fully vaccinated na mga bata sa taong ito.
D. Matutuloy na rin ang pagbakuna sa mga batang hindi pa nababakunahan.

7. 47. Ang sumusunod na pahayag ay katotohanan MALIBAN sa isa.


A. Naniniwala ako, na mas dumami pa ang dumating na bakuna para sa mga bata
sa susunod na buwan.
B. Dumating sa Pilipinas Miyerkoles ang panibagongbatch ng mahigit 1 milyong
dose ng COVID 19 vaccines na binili ng pamahalaan.
C. Kasunod ng pagdating nitong mga bagong bakuna, halos 234 milyon (233, 857,
671) na ang mga bakunang natanggap ng Pilipinas.
D. Dumating ang mga bagong bakuna 1 araw bago ang simula ng ika-4 na National
Vaccination na isasagawa mula Marso 10 hanggang 12.

8. Alin dito ang nagpapahayag ng opinyon?


A. May 63, 793, 957 na Pinoy naman ang fully vaccinated.
B. Nabili ang mga bakuna sa tulong ng pondo mula sa World Bank.
C. Marahil ay matutuwa ang mga Pilipino sa bagong dating na Covid 19 vaccine.
D. Ang reformulated Pfizer vaccine ay angkop sa mga batang edad 5 hanggang 11.

9. Tukuyin kung aling pahayag ang nagsasabi ng katotohanan.


A. Marahil, sunod-sunod na ang pagbabakuna sa buong Pilipinas
B. Baka lahat na ng mga Kabataan sa Midanao ay 100% mabakunahan.
C. Palagay ko, aabot pa ng 2 milyong mga bata ang target na bakunahan.
D. Ayon sa balita, may 1.8 milyong mga bata ang target nitong mabakunahan.
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Region
City Schools Division of Tandag
PANDANON ELEMENTARY SCHOOL
Pandanon, Tandag City, SDS
10.Ano ang tawag sa tunay na kaganapang nilalaman ng balita?
A. Pelikula
B. Opinyon
C. Pantasya
D. Katotohanan

C. Panuto: Sa sumusunod na mga pangungusap mula sa ulat, tukuyin kung ang simuno ang
nasa unahan o ang panaguri. Isulat ang Bilogan kung simuno at Salungguhitan kung panaguri.
11.Nalungkot ang Inahin nang hindi siya pinaunlakan ng mga kaibigan.

12.Pinangatawanan ng Inahing Manok ang pagtatanim.

13.Ang mapuputing bigas na inani mula sa mga butil na palay ay isinaing ng masipag na
inahin.

14.Siya ay hindi naman tinulangan ng mga kaibigan

15.Ang kaning aking itinanim, binayo, at isinaing ay sapat lamang para sa pamilya namin.

You might also like