You are on page 1of 1

Pangalan ______________________________Baitang at Seksyon:_______________

Asignatura: ArPan-5
Guro: ________________________________________________________________

Aralin : Ikatlong Markahan, ikaapat na Linggo LAS 2


Pamagat ng Gawain: Pagbabagong Pangkultura sa Ilalim ng Kolonyalismong
Espanyol.
Layunin : Nasusuri ang Pagbabagong ginawa ng mga Espanyol sa
Edukasyon ng mga Pilipino
Sanggunian : MELC, Pilipinas Bilang Isang Bansa 5, P. 203
Manunulat : Jean Napila Balinong

Ang sistema ng edukasyong pinairal ng mga Espanyol sa Pilipinas ay


pinangasiwaan ng mga pari. Layunin nitong turuan ang mga Filipino na mamuhay sa
pamamaraang Kristiyanismo at malaking bahagi ng edukasyon ng mga Filipino noon ay
Spanish. Naging paraan upang magtayo sila ng ibat-ibang paaralan. Ang unang
paaralang pamparokya itinayo at itinatag ng mga misyonerong Augustinian sa Cebu at
ituro ang asignaturang Spanish at panrelihiyon, pagsulat, pagbasa, aritmetika, musika,
sining at mga kasanayang pangkabuhayan.
Nagtayo rin sila ng mga kolehiyo para sa kalalakihan kung saan ang mga wikang
Spanish, Greek, Latin, pilosopiya , matematika, agham, at sining ang ituturo. Mayroon
ding kolehiyo sa kababaihan na ang layunin ay ihanda ang mga kababaihan sa pag-
aasawa o pagpasok sa kumbento. Itinuturo din dito ang kagandahang asal, musika,
pananahi at pag-aayos ng tahanan. May mga paaralan ding magturo ng bokasyonal na
layuning ituro dito ang mga kasanayan tulad ng agrikultura, pag-iimprenta,
pagkakarpintero at pagkukulay ng tela.
Panuto: Isulat ang T kung ang pahayag ay nagsasaad ng tama at M kung hindi.
1. Kolehiyo para sa kababaihan ang tawag sa paaralang ang layunin ay ihanda ang
mga kababaihan sa pag-aasawa o pagpasok sa kumbento.
2. Mga Guro ang nangangasiwa sa Sistema ng edukasyon na pinairal ng mga
Espanyol sa Pilipinas?
3. Layunin ng Spain na turuan ang mga Pilipino na mamuhay ayon sa
pamamaraang Kristiyanismo.
4. Paaralang pamparokya ang unang paaralang itinayo na nagtuturo ng mga
asignaturang Relihiyon, Spanish, pagbasa at iba pa?
5. Mga Augustinian sa Cebu ang nagtatag ng kauna-unahang paaralang
pamparokya?

This portion is

for QR Code

You might also like