You are on page 1of 1

Giane Gayle P.

Cadion
BSTM 1-3D
“Wisyo ng Konseptong Filipinolohiya” ni Bayani S. Abadilla
Kamangha mangha ang lawak ng impormasyong inilahad ng may-akda. Bilang isang
estudyante na pinag-aaralan ang kasaysayan ng ating bansa, tumatak sa akin ang
paglalahad ng sunod sunod na pananakop sa atin ng mga dayuhan at edukasyon. Para
sa akin, mayroong positibo at mayroon rin namang negatibong epekto sa ating kultura
at paniniwala na kumakatawan sa ating bansang kinikilanlan ngayon sa mga
kolonyalismong naganap noon. Ang edukasyon ay sistemang paghahasa ng ating
talion. Pormal man o di-pormal, nasisinop ang karunungan o edukasyon ng bayang
tumatahak sa kasaysayan. Karunungan ng bayan ang nagtatakda sa kapalaran ng ating
lipunan. Mangyayari ito kung matatamasa lamang ng sambayanan ang kalayaan. Ang
positibong epekto ng pananakop sa ating sa edukayon ay nagkaroon ng pormal na
Sistema ng edukasyon ang mga Pilipino na nagging daan upang magkaroon tayo ng
mga bagong kaalamang siyentipiko at iba pang agham. Ang negatibong epekto naman
ay nabago ang mga pananaw ng iilang Pilipino hinggil sa mga mananakop dahil sa mga
itinuturo ng dayuhan ukol sa kanilang mga kultura at tradisyon. Sa katotohanan ay hindi
lahat ng Pilipino ay nabigyan ng pagkakataong makapag-aral. Sa Pahayag na “Dapat
magtika ang kaguruan at magiting na harapin ang marawal at malagim na reyalidad sa
lipunan.” Ay talaga nga namang mahirap ang ginagampanan ng isang guro dahil sila
ang may pananagutan sa akademya sa pananatili ng mapaminsalang talinong
nakasanib sa kamalayang panlipunan ng kabihasnang Pilipino.
Wikang Filipino ang tanging sumasalamin sa pagkataong Pilipino. Maayos na nailahad
sa papel na ito ang realidad sa lipunang Pilipino. Lipunan ang may-ari ng karunungan
ngunit sinasarili ito ng ibang nasa itaas. Ideolohiya ay ang kilatis ng talino na humahalili
sa mga bagay kaugnay ng buhay at paglinang sa kamalayang panlipunan.
Epistemolohiya naman ang agham ng karunungan ito ang plataporma ng karunungan
na Filipinolohiya. Nalilinang ang pagkatao sa sosyedad ngunit ang kamalayang sosyal
ayon sa kagalingang panlipunan ay may kabutihan at kasamaan. Sa pangkalahatan,
ang daloy ng teksto na inilahad ni Bayani S. Abadilla ay ang mga karanasan,
kamalayan, karunungan at katotohanan.

You might also like