You are on page 1of 1

Republika ng Pilipinas )

Lungsod ng Las Piñas ) S.S.


Kalakhang Maynila )

SINUMPAANG SALAYSAY NG PAG-TESTIGO

AKO SI MARK JONEL MERILLES y GARCIA, NASA HUSSTONG GULANG,


BINATA AT NAKATIRA SA # 1134, ATIS ST., BRGY CAA, LAS PIÑAS CITY,
MATAPOS MAPANUMPA NG NAAAYON SA ATING SALIGANG BATAS AY KUSANG
LOOB NA NAGSASABI AT NAGSASALAYSAY NG MGA SUMUSUNOD;

Na, noong ika-29 ng Agosto 2021, mga bandang 2:20 ng madaling araw habang
naglalakad ako sa may Naga road corner Saint Joseph St., Pulang lupa Dos Las Pinas
City nakita ko itong sila 1. JEFFERSON TABOCOLDE y WILLIAMS @ AOT, nasa
hustong gulang at nakatira sa 1133, Calamansi St., Bgry. CAA, Las Pinas City at 2.
ROLANDO SANDAGAN y MEDINA, @ PUSOD, nasa hustong gulang at nakatira sa
No. 0802, Guyabano St., Brgy. CAA, Las Pinas City na binubuksan ang harapan ng
tindahan (roll-up door) gamit ang isang bolt cutter. Tapos nakita ko sa bandang
unahan ng nasabing tindahan itong si 3. RODERICK NERA, @ EK-EK nasa hustong
gulang at nakatira sa may Atis St., Brgy CAA, Las Pinas City na nag aabang sakay ng
isang motorsiklo na Yamaha kulay itim at walang plate.

Na, agad muna ako huminto at nagtago sa hindi kalayuan sa kanila at nakita ko
na binuksan nila ang isang tindahan at pinasok nila ito. Tapos agad ako nagmadali
tumakbo dahil kilala nila ako at mga kapitbahay ko sila sa CAA.

Na, ang salaysay kung ito pawang katotohanan lamang bilang patunay ako ay
lalagda sa ibabaw ng aking pangalan.

MARK JONEL G. MERILLES


NAGSALAYSAY

PINANUMPAAN AT NILAGDAAN sa harap ko ngayong ika____ ng September 2021


dito sa Lungsod ng Las Piñas, Kalakhang Maynila.

You might also like