Professional Documents
Culture Documents
Jara
Blk 18 Lot 6 Amaia Series Susano Road
Brgy. San Agustin Novaliches, Quezon City
09682205915
jaradionel1@gmail.com
Magandang araw, Kamusta aming bayani? Kami nga pala ay dalawang estudyante mula sa
Far Eastern University na matatagpuan sa Sampaloc, Maynila. Isa sa amin ay kasalukuyang
nag-aaral ng kursong Bachelor of Science Major in Accountancy at ang isa naman ay
Bachelor of Arts in Communication Major in Digital Cinema Track. Maituturing namin na
kami ay dalawa sa mga kabataan na iyong sinambit sa iyong tula na magbibigay pag-asa sa
bansang Pilipinas. Kami ngayon ay sumulat para balitaan ka tungkol sa kalagayan ng
“kabataan” ngayon. Sana habang ikaw ay namamahinga sa lugar na karapat-dapat sayo ay
taos-puso mong basahin ang mumunting liham na ito.
Bayani naming Jose Rizal, gusto lang naming magpasalamat na kabataan sa lahat ng
sakripisyo na ginawa mo para sa ating bansa at Pilipino, at nagpapasalamat din kami sa
tulang iyong ginawa. Dahil sa tula mo, mas naramdaman namin ang pagmamahal mo para
sa aming kabataan at asahan mo na hindi ka namin bibiguin at ipapalaganap namin ang
mabuting kaugalian na natutunan namin sa iyong karanasan, asahan mo rin na mas
paghuhusayan pa namin ang paglinang sa aming abilidad at kapasidad bilang isang
mamamayan ng bansang Pilipinas at asahan mo na sa darating na eleksyon iboboto namin
ang mga taong may malasakit sa bansang iyong pinaglaban.
Mga Gumagalang,
Dionel M. Jara
Far Eastern University
09682205915