You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV – A (CALABARZON)
City Schools Division of Dasmariñas
Dasmariñas Integrated High School
Congressional South Avenue, Burol 1, City of Dasmariñas, Cavit

EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 10

POSITION PAPER

TITLE

PAGPAPATIWAKAL

IPINASA NI:

MONTELLANO KENDRIX CLYDE T

IPINASA KAY:

MAAM JOY CLASIETE

Guro sa Edukasyon sa Pagpapakatao

Formerly Dasmarinas National High School


Address: Congressional South Avenue, Burol I, City of Dasmariñas, Cavite
Phone: (046) 887 - 0125
E-mail: 301186@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV – A (CALABARZON)
City Schools Division of Dasmariñas
Dasmariñas Integrated High School
Congressional South Avenue, Burol 1, City of Dasmariñas, Cavit

Panimula

a. Pagpapakilala sa isyu

Ang Pagpapatiwakal o suicide sa ingles ay ang isa sa mga paksang

kailangan ng matindi at malawakang pag-iisip at pag-unawa. Ito ay isa

sa pinakamaraming kaso sa Pilipinas na kailangang bigyan pansin at

kailangang solusyonan. Ang sadyang pagkitil o pagpatay sa sarili dahil

sa ayaw na sa mundong ito dahil sa kanyang mga problema na hindi

niya na kayang harapin ay tinatawag na suicide. Ang pagpatay sa

sariling buhay ay parang pagpatay sa ibang buhay ng tao. Isa itong

kasalanan. Kadalasan, ito ay itinuturing na natatanging solusyon ng

mga taong nagdurusa sa hirap. Maaari itong idaan sa paglalaslas, pag

lagay ng lubid sa leeg at ang pag inom ng mga gamot at mga lason na

maaaring makapatay ng isang tao. Mayroon ding kaso ng

pagpapatiwakal dahil sa sakit ng isip tulad ng schizophrenia at bipolar

disorder na kinakailangan ng maayos na treatment galing sa

propesyonal na manggagamot. Hindi lamang sa biktima ang epekto ng

pagpapatiwakal ngunit ang mga nagaaruga sa kanya, mga taong

nagmamahal at ang kaniyang paligid ay may epekto rin ito sa kanila.

Sabihin man natin na ang pagpapatiwakal ay intensyonal na ginagawa

ng tao upang malutasan ang kanilang problema, ngunit isa parin itong

kasalanan at hindi solusyon sa ating mga problema.

b. Ang sariling pananaw sa isyu

Ang buhay ay ipinagkaloob sa atin ng Diyos kaya't kailangan nating

pahalagahan ito. Sa panahong ngayon, marami na ang mga taong

Formerly Dasmarinas National High School


Address: Congressional South Avenue, Burol I, City of Dasmariñas, Cavite
Phone: (046) 887 - 0125
E-mail: 301186@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV – A (CALABARZON)
City Schools Division of Dasmariñas
Dasmariñas Integrated High School
Congressional South Avenue, Burol 1, City of Dasmariñas, Cavit

nagpapatiwakal. Nakakalimutan na ng ilang mga tao ang kahalagahan ng

buhay. Sa aking pananaw, Ang pagpapatiwakal ay masama dahil ang

pagpatay sa iyong sarili ay katumbas ng pagpatay sa ibang tao. Ang

pagpapatiwakal ay nangyayari kapag ang isang tao ay nakakaranas ng

matinding problema sa buhay na nagreresulta ng depresyon o matinding

kalungkutan. Kadasalan ang ibang biktima nito ay nakakaranas ng

diskriminasyon at pangbubully sa loob ng bahay at kanyang paaralan

katulad na lamang ng sitwasyon ni Marco. Ating nararanasan ang mga

matinding pagsubok na ito ngunit sa tingin ko ay hindi solusyon ang

pagpatay sa sarili. Ito ay makaka dulot lamang ng matinding kalungkutan

sa iyong pamilya at wala itong maidudulot na mabuti sa ating kapaligiran.

Napakasayang ng buhay kapag nagpapatiwakal ang isang tao, sapagkat

maraming mga taong gustong mabuhay ngunit hindi binigyan ng

pagkakataon upang manatili sa mundo. Ginagawa ito ng mga tao, lalo na

ang mga kabataan, Ang mabuhay ay isang pagdurusa, ngunit kapag ito'y

tinanggap mo bilang isang katotohanan, magiging madali ang paglakbay at

paglaban mo sa mga pagsubok sapagkat alam mong ang pagdurusang ito ay

malalagpasan lamang natin.

Mga Argumento sa Isyu

a. Buod ng argumento

Ang Pagpapatiwakal ay kailan man hindi naging solusyon sa mga

problemang dumarating sa atin lalo na sa mga mabibigat na suliranin

kagaya ng suliranin sa pambahay at paaralan na naranasan ni Marco. Ang

pagpapakamatay ay hindi madali dahil nakasalalay dito ang iyong buhay at

hindi mo na ito mababawi. Kapag hindi nakayanan ng tao ang dinanas na

Formerly Dasmarinas National High School


Address: Congressional South Avenue, Burol I, City of Dasmariñas, Cavite
Phone: (046) 887 - 0125
E-mail: 301186@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV – A (CALABARZON)
City Schools Division of Dasmariñas
Dasmariñas Integrated High School
Congressional South Avenue, Burol 1, City of Dasmariñas, Cavit

pagsubok, sa isipan nila na mas mabuti ang magpakamatay at mas pipiliin

nila ito upang mawala o mawakasan ang lahat ng pagdurusa na

nararanasan. Ang buhay ay ipinagkaloob ng Diyos ng naaayon sa Kanyang

plano. Ang paghihirap na nanaranasan ng tao ay isa lamang pagsubok ng

Diyos upang malaman kung saan aabot ang pananampalataya sa Kanya.

Kung nakikita ng isang tao ang pagpapatiwakal bilang sagot, ito’y

nagpapakita ng isang kawalan ng tiwala sa Diyos at sa sarili. Ang buhay ay

may sarisariling pagsubok na haharapin upang ikaw ay maging malakas at

maging matatag. Kaya kung anumang problema ito, ang pagpapatiwakal ay

hindi solusyon at atin rin itong malalagpasan ng walang pagpatay sa sarili

b. Mga impormasyong sumusuporta sa argumento

Ang ating mundo ay handang labanan ang mga kaso ng pagpapatiwakal at

mabigyan ng pansin ang mga taong nakakaranas ng mga matitinding

problema na nagdudulot ng pagpapatiwakal. Tandaan na tayo ay may mga

organisasyon at propesyonal na may layuning magbigay ng suporta at

edukasyon ayon sa kanilang pag-iisip o mental health. Ang mga ito ay may

layuning magbigay ng kaalaman, suporta at mga lunas upang malutasan

ang mga matitinding problema na nagdudulot sa pagpapatiwakal.

Ang organisasyon tulad ng SilakboPH na naglalayong magbigay ng suporta

at kamalayan sa mga isyu ng mental health at pagpapatiwakal sa Pilipinas.

Sila ay naglulunsad ng mga kampanya, aktibidad, at edukasyon upang

makatulong sa pagpigil ng mga insidente ng pagpapatiwakal. Ang iba pang

lokal na ahensya tulad ng Natasha Goulbourn Foundation, Buhay

Formerly Dasmarinas National High School


Address: Congressional South Avenue, Burol I, City of Dasmariñas, Cavite
Phone: (046) 887 - 0125
E-mail: 301186@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV – A (CALABARZON)
City Schools Division of Dasmariñas
Dasmariñas Integrated High School
Congressional South Avenue, Burol 1, City of Dasmariñas, Cavit

movement at and DOH at WHO na may layunin ding magbigay ng suporta sa

mga taong may mental health conditions at taong may balak na

magpatiwakal.

Maraming mga propesyonal sa larangan ng mental health tulad ng mga

psychiatrist, psychologist, at mga counselor ang nag-aalok ng mga

serbisyong pagsasaliksik, konsultasyon, at therapy upang matulungan ang

mga taong nakakaranas ng matinding depresyon at suliranin kagaya lamang

ng kay Marco. Ang pagtulong ng mga mahal sa buhay at pag suporta sa iyo

ng iyong mga kaibigan at pamilya ay may kakayahang makatulong at

makapagpabago sa isip mo na magpatiwakal.

c. Mga ebidensiya para sa argumento

Ang mga opisyales at organisasyon na makakatulong sa mga taong

nakakaranas ng depresyon at matinding kalungkutan ay nakapagbigay ng

magandang suporta at solusyon sa kanilang depresyon at makapagpabago sa

isipan nila na hindi na magpatiwakal. Di gaya ni Marco na hindi nagkaroon ng

tulong at suporta sa kanyang mga kaibigan at pamilya na labanan ang

kanyang matinding suliranin. Kaya't ang pagtulong ng mga ahensya,

organisasyon, pamilya at kaibigan ay makakatulong upang lutasan ang

matinding problema at upang maiwasan rin ang pagpapatiwakal.

Formerly Dasmarinas National High School


Address: Congressional South Avenue, Burol I, City of Dasmariñas, Cavite
Phone: (046) 887 - 0125
E-mail: 301186@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV – A (CALABARZON)
City Schools Division of Dasmariñas
Dasmariñas Integrated High School
Congressional South Avenue, Burol 1, City of Dasmariñas, Cavit

Ang Sariling Posisyon sa Isyu

a. Unang punto ng iyong posisyon

1. Opinyon sa unang punto

Ang Pagpapatiwakal ay hindi maganda at isang mortal na kasalanan sapagkat

ito'y isang gawa laban sa kalooban ng Diyos at isang paglabag sa kanyang

ikaanim na utos. Ang pagpapatiwakal ay ang paglabag sa utos na "Wag kang

papatay" dahil ang pagpapatiwakal ay pagpatay mo rin sa iyong sarili. Ang

Diyos ay inaalay ang kanyang buhay upang tayo'y mailigtas sa kasalanan.Ang

sinumang taong sadyang pinipili ang pagpapakamatay bilang paraan ay nasa

kalagayan ng mortal na kasalanan. Kung tayo ay may mga problema maaari

tayong lumapit sa ating mga kakilala, tulad ng ating pamilya at mga kaibigan

na maaaring makatulong sa ating mga problema. Ang mga problemang ito ay

hindi lahat na dadaan sa pagpapakamatay, ang pag hingi ng tulong at

pakikipagusap ay isa sa mga solusyon. Ang Diyos lamang ang maaaring

kumuha ng ating buhay dahil siya lamang ang nagbigay nito. At ang buhay ay

ang pinakamahalagang binigay sa ating ng Diyos

2. Mga ebidensiya

Ayon nga sa bersong Mateo 5:21 "Narinig ninyong sinabi nila noong unang

panahon: Huwag kang papatay. Ang sinumang pumatay ay mapapasapanganib

sa paghatol" Ayon sa bibliya ang pagpatay ay isang matinding kasalanan. Ang

sinumang taong pinipili ang pagpapakamatay bilang paraan sa kanyang mga

pagsubok na binigay ng Diyos ay isang mortal na kasalanan. Ang ating

Panginoon ay binibigay ang mga pagsubok na ito upang tayo ay matuto at

maging malakas sa mga pag harap ng mga pagsubok. Kaya't ang

pagpapakamatay ay hindi solusyon sa kanyang mga pagsubok kundi ang

Formerly Dasmarinas National High School


Address: Congressional South Avenue, Burol I, City of Dasmariñas, Cavite
Phone: (046) 887 - 0125
E-mail: 301186@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV – A (CALABARZON)
City Schools Division of Dasmariñas
Dasmariñas Integrated High School
Congressional South Avenue, Burol 1, City of Dasmariñas, Cavit

maging matatag at handang harapin ang kanyang mga ibinigay na suliranin.

Kaya't tayo'y wag mahihiyang humingi ng tulong lalo na sa iyong mga pamilya

at kaibigan.

b. Ikalawang punto ng iyong posisyon

1. Opinyon sa unang punto

Maraming mga tao ang determinadong mabuhay sa mundong ito. Ang mga

taong may malulubhang sakit at mga wala ng lunas ay gustong gusto ang

mabuhay pa sa mundong ito. Kaya hamakin natin na malutasan ang ating

mga matitinding pagsubok at ating pahalagahan ang ating buhay na

ipinagkaloob sa atin ng Diyos. Kung may mga kapansanan man o depresyon

na ating nararanasan, Ang komunikasyon at pag papa check up sa mga

hospital ay ang solusyon sa ganitong pagsubok. Kagaya ni Marco, dapat ay

matuto tayong humingi ng tulong at maki bahagi sa ating mga pamilya, mga

kaibigan, mga guro at iba pang mga tao. Maagapanan natin ang mga taong

nais magpatiwakal sa pamamagitan ng pagpapanatiling aktibo at abala sa mga

makabuluhang gawain tulad ng paglilingkod sa kapuwa. Makakatulong din ng

malaki ang pagmamahal at support system ng pamilya, kaibigan at minamahal

na nakapagbibigay ng saya sa tuwing makakaramdam ng malaking dagok

buhay.

2. Mga ebidensiya

Mga Ebidensya Ayon sa Center for Disease Control and Prevention sa mga

taong may edad 10 hanggang 24 na taong gulang, ang pagpapakamatay ay

pang-apat sa pinakamataas na dahilan ng kamatayan sa mundo o halos 4,600

na kaso ng suicide sa loob ng isang taon. 45 posyento nito ay gamit ang iba’t

Formerly Dasmarinas National High School


Address: Congressional South Avenue, Burol I, City of Dasmariñas, Cavite
Phone: (046) 887 - 0125
E-mail: 301186@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV – A (CALABARZON)
City Schools Division of Dasmariñas
Dasmariñas Integrated High School
Congressional South Avenue, Burol 1, City of Dasmariñas, Cavit

ibang uri ng baril, 40 posyento dahil sa suffocation, 8 porsyento ang dahil sa

lason. Ani ni Sergio A. Perez Barrero, ang pamilya ay maaaring maglingkod ng

isang mahalagang papel sa pag-iwas ng pagpapatiwakal. Sabi din ni Anoushka

Thakkar, ang maingat na pakikinig at bukas na komunikasyon ay

makatutulong sa mga tao na kilalanin ang mga kaibigan o ibang mga

indibidwal na maaaring nasa panganib para sa pagpapakamatay. Kaya't tayo

ay matutong humingi ng tulong sa ating mga pamilya, kaibigan mga guro at sa

paaralan upang sa gayon ay mabigyang solusyon ang ating mga suliranin at

hindi humantong sa pagpapakamatay. Hindi gaya ni Marco na hindi man lang

humingi ng tulong at sadyang nagpakamatay na lamang sya dahil sa

suliraning kanyang mga hinaharap.

Konklusyon

a. Buod ng iyong posisyon

Sa Kabuaan, Ako ay hindi sangayon sa pagpapatiwakal. Dahil tayo man ay

may mga matitinding problema, ang pagpapatiwakal ay hindi solusyon para

dito. Ang Diyos na nagbibigay sa atin ng mga problema ay binibigay lamang ito

upang tayo ay maging malakas at maging matatag sa kahit anumang

problemang ating Ihaharap. Kaya't kung tayo ay sumuko na at pinili na

lamang na magpatiwakal, Pano na ang ating mga iiwan na pamilya, mga

kaibigan at mga nagmamahal sa iyo. Marami ang maaapektuhan sa

pagpapatiwakal hindi lamang ikaw kundi ang iyong mga mahal sa buhay.

Kaya't piliin natin na maging matatag at labanan natin ang mga matitinding

pagsubok na ibinigay sa atin ng Diyos. Laging tandaan ang pagpapatiwakal ay

hindi kailan man naging solusyon sa ating mga problema

Formerly Dasmarinas National High School


Address: Congressional South Avenue, Burol I, City of Dasmariñas, Cavite
Phone: (046) 887 - 0125
E-mail: 301186@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV – A (CALABARZON)
City Schools Division of Dasmariñas
Dasmariñas Integrated High School
Congressional South Avenue, Burol 1, City of Dasmariñas, Cavit

b. Plano ng kilos

Ang Pagpapatiwakal ay hindi solusyon sa ating mga nararamdaman. Ang

paglapit sa mga kaibigan, pamilya, mga guro at iba pang tao ay maaaring

makatulong sa ating mga emosyon at nararamdaman na hindi mo kayang

ipahayag. Gaya ng kay Marco dapat sya ay humingi ng tulong sa kanyang

mga pamilya at kaibigan upang malutasan nya ang kaniyang mga problema.

Kung hindi ka man lapit sa kanila, Maaaring lumapit sa mga organisasyon,

ahensya at mga opisyales na makakatulong lutasin ang iyong mga

nararamdaman at mga suliranin na iyong hinaharap. At ang pinaka

mahalaga ay lapitan mo at humingi ng tulong sa Diyos. Tayo'y laging mag

dasal at humingi ng tulong sakanya na lutasin at bigyan ka ng kalakasan na

harapin ang iyong mga problema. Laging mong tandaan na ang Diyos at

laging nandyan at hindi kailanman ikaw iiwanan.

Sanggunian
https://www.wikipedia.com htttps://www.google.com
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC2246136/
http://mshorizonchasernghappymorning.blogspot.com/2014/09/magpaka
matay-paano-itomaiiwasan.html
https://srnhsstemb.wordpress.com/2016/11/19/pagpapatiwakal-paano-
natin-matutulungan-angisang-tao-nais-magpatiwakal/
https://www.ucanews.com/news/growing-number-of-young-filipinos-
committing-suicide/81759
https://www.gotquestions.org/Tagalog/pagpapakamatay-Kristiyano.html
http://tl.controversyextraordinary.com/2015/12/stop-ang-pagpapatiwakal-
ay-hindi-kailanmansolusyon-period.html https://www.dobolp.com/teen-
suicide-laganap-sa-buong-mundo/
https://www.gotquestions.org/Tagalog/sagrado-buhay.html

https://www.biblegateway.com/passage/?search=Mateo%205%3A21-
26&version=SND

Formerly Dasmarinas National High School


Address: Congressional South Avenue, Burol I, City of Dasmariñas, Cavite
Phone: (046) 887 - 0125
E-mail: 301186@deped.gov.ph

You might also like