You are on page 1of 6

1 Magandang Araw.

Naririto tayo upang mag- aral sa


Asignaturang Filipino. Ang ating tatalakayn ngayon ay ang
aralin sa Pagpapangkat ng mga Salitang Magkakaugnay.
2 Ako ang inyong guro, Gng. Maribel P. Remolar
3 Layunin ng aralin natin ngayon na:
 Matukoy ang mga salitang magkakaugnay
 Mabigyang halaga ang pagpapangkat ng mga salitang
magkakaugnay upang mapaunlad ang sariing kaalaman,
pang- unawa, at pakikipagkomunikasyon, at
 Mapangkat ang mga salitang magkakaugnay
4 Bilang panimula,ating babalik- aralan ang ating nakaraang
aralin sa paggawa ng patalastas. Kailangan ninyong isulat sa
patlang ang letra na angkop sa impormasyon upang mabuo
ang patalastas.
5 (Pause ng mga 3 seconds) Mahusay ! lubos na nga ninyong
naunawaan ang aralin.
6 Ngayon naman ay magkakaroon tayo ng isang laro. Kailangan
ninyong sundin ang sumusunod na panuto na sasabihin ko.
Paalala lamang, ang bawat panuto ay gagawin lamang sa loob
ng 30 segundo. Handa na ba kayo?
7 Una, (click) Pangkatin ang klase ayon sa paboritong kulay
(Pause ng mga 3 seconds) Magaling!

Pangalawa, (click) Pangkatin ang klase ayon sa sukat ng paa


(Pause ng mga 3 seconds) Mahusay!

Pangatlo, (click) Pangkatin ang klase ayon sa edad (Pause ng


mga 3 seconds) kahanga- hanga!

At ang huli, (click) Pangkatin ang klase ayon sa hilig o libangan


(Pause ng mga 3 seconds) Nakatutuwa ang inyong husay!
Dahil dyan palakpakan ninyo ang inyong mga sarili.

8 Ngayon naman, buksan ang inyong mentimeter app at


gamitin ang code na 4391 5754 o kaya naman ay i- click ang
link na naisend sa ating chat box.

1
Kailangan nyo lamang magbigay ng 3 salitang maiuugnay sa
salitang halo- halo.

(Pause ng mga 5 seconds)


9 Magaling mga bata. Napakaraming salita ang inyong
naiugnay sa salitang halo- halo.
10 Malapit na ang bakasyon. Naisip nyo na ba ang inyong
gagawin sa araw na iyon? Paano ninyo palilipasin ang mga
araw gayong patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng COVID- 19
sa ating bayan? Ano ang paglilibangan ninyo sa bakasyong
darating?
Kung wala pa kayong naiisip, halina’t basahin natin ang isang
sanaysay na makapagbibigay sa inyo ng ilang tips sa maaari
mong gawin ngayong bakasyon.
11 Malapit na ang bakasyon. Kailangang makapag- isip ka na ng
mapaglilibangan. Kung wala ka pang naiisip gawin ay
matutulungan ka ng paglalarawang ito upang maging kapaki-
pakinabang ang gagawin mong paglilibang. Narito ang ilan sa
maaari mong gawin sa bakasyon:
12 Pagbabasa – Bukas ang aklatang- bayan o public library kahit
panahon ng bakasyon. Maaari kang magbasa ng magazine at
aklat.
13 Pakikipagsulatan - Sulatan mo ang iyong mga kaibigan,
kamag- anak, at kakilala na matagal mo nang hindi nakikita at
nakakausap lalo na iyong nakatira sa malayong lugar.
14 Paglangoy- Bagamat araw- araw ay naliligo ka, masarap ding
lumangoy lalo na kung tag- araw.
15 Pamimingwit- Tuwing maganda ang panahon at malapit ka rin
sa ilog ay makbubuti sa iyo ang pamimingwit ng isda.
16 Paghahalaman- Magtanim lalo na’t may bakanteng lote sa
harap o likod ng bahay
17 Pagtitinda- Malaking bagay sa pag- aaral mo sa isang taon
kung makahihingi ka ng puhunan sa mga magulang mo para
magamit mo sa pagtitinda sa darating na bakasyon.
18 Marahil naman ay nakapili ka na ng libangan mo sa darating
2
na bakasyon. Kung sa nabanggit na mga gawain ay wala ka
pang napipili, maaaring magbalak ng anumang gawaing
magiging kapaki- pakinabang para sa iyo.

19 Matapos nating mabasa ang sanaysay, sagutin naman natin


ngayon ang ilang katanungan.

Una, Ano- ano ang mga iminumungkahing mapaglilibangan


ng may akda? (Pause ng mga 3 seconds) Magaling!
20 Kung ikaw ang papipiliin, alin sa anim na mapaglilibangan ang
pipiliin mo? Bakit? (Pause ng mga 3 seconds) Mahusay!

Lubos nyo ngang naunawaan ang ating binasang akda.


21 Mula sa ating binasa, ating tandaan, marami tayong maaaring
maging libangan sa darating na bakasyon subalit piliin natin
ang kapaki- pakinabang.
22 Atin naman suriin ang sumusunod na salita na galing sa ating
binasang sanaysay. (Pause ng mga 5 seconds)
23 Ano ang napansin ninyo sa mga salita? (Pause ng mga 3
seconds bago mag click ulit)

Tama. Ito ay pinangkat ayon sa pagkakaugnay- ugnay nito.


24 Ano naman ang ibig sabihin ng salitang magkaugnay? (Pause
ng mga 3 seconds bago mag click ulit)

Mahusay, Ibig sabihin nito ay may kaugnayan sa isa’t isa ang


mga sumusunod na pangkat ng salita.
25 Paano naman napangkat ang mga magkakaugnay na salita?
(Pause ng mga 3 seconds bago mag click ulit)

Magaling! Naipangkat ang mga salita batay sa isinasaad ng


mga ito. Maaaring ito ay pangkat ng tao, bagay, o pook o
kaya ay ayon sa gamit, kayarian, o pinagkukunan nito.
26 Ang tawag dito ay mga salitang magkakaugnay. Ito ay mga
salitang magkatulad o magkaugnay ang kahulugan. Maaaring
ang mga salitang ito ay magkakasama, magkakatulad, at
magkakapareha
3
27 Ilan sa mga halimbawa nito ay (click)
Papel at lapis (click)
Unan at kumot (click)
Yeso at pisara (click)
Kape at gatas

Kaya ninyo rin bang magbigay ng iba pang halimbawa? (Pause


ng mga 3 seconds) Magaling!
28 Narito naman ang ilang halimbawa ng Pagpapangkat ng mga
Salitang Magkakaugnay (click)

Mga Kagamitan sa Pag- aaral: lapis, papel, modyul


Mga Kagamitan sa Pagluluto: sandok, palayok, kalan
29 Iba pang halimbawa (click)

Mga Halamang Namumulaklak: rosas, gumamela, sampaguita


Mga Halamang Hindi Namumulaklak: palmera, chinese
bamboo, fortune plant
30 Sa pagpapangkat ng mga salitang magkakaugnay, lagi nating
tatandaan, kailangan lamang pagsama- samahin ang mga
salita ayon sa uri, gamit, kayarian, o pinagkukunan nito.
31 Para sa unang gawain, tukuyin ninyo ang mga salita sa
panaklong na maaaring maiugnay sa mga salitang nakatala sa
bawat bilang.
32 (Pause ng mga 5 seconds)
Para sa bilang 1, ang sagot ay (click) kabundukan
Para sa bilang 2, ang sagot ay (click) mabangis na hayop
Para sa bilang 3, ang sagot ay (click) puntod
Para sa bilang 4, ang sagot ay (click) COVID- 19, at
Para sa bilang 5, ang sagot ay (click) palakol

Magaling mga bata!!!


33 Para sa susunod na gawain, pangkatin ang klase sa apat at
lagyan ang bawat lanking kahon ng mga salitang maiuugnay
sa ibinigay na salita. Gawin ito sa Manila Paper. Pagkatapos,
tingnan ang pagkakaiba at pagkakapareho ng gawa ng bawat

4
grupo.
34 (Pause ng mga 5 seconds) Magaling at Mahusay at
presentasyon ng bawat pangkat. Binabati ko kayo!!!
35 Para sa Gawain sa Pagkatuto Bilang 3, kailangan ninyong
buuin ang word network . Magbigay ng kaugnay na salita o
kaisipan tungkol sa COVID- 19.
36 (Pause ng mga 5 seconds) Magaling at Mahusay mga bata!!!
37 Para naman sa Gawain sa Pagkatuto Bilang 4, bumuo ng apat
na pangkat ng mga salitang magkakaugnay mula sa kahon.
Isulat ang mga ito sa loob ng bawat bahay.
38 (Pause ng mga 5 seconds)
39 Ating tingnan ang inyong mga naging kasagutan, (Pause ng
mga 3 seconds)
Para sa pangkat A (click)
Kaarawan (click)
Anibersaryo (click)
Piyesta, ito ay pangkat ng (click)
Pagdiriwang

Para sa Pangkat B (click)


Barangay (click)
Lalawigan(click)
Siyudad, ito ay pangkat ng (click)
Lugar o pook

Para sa Pangkat C (click)


Tulay (click)
At gusali, ito ay pangkat ng (click)
Imprastraktura

At para sa Pangkat D (click)


Lindol (click)
At baha, ito ay pangkat ng (click)
Trahedya o sakuna

Mahusay mga Bata!!!

5
40 Para naman sa Gawain sa Pagkatuto Bilang 5, Bumuo ng isang
talata gamit ang mga salitang magkakaugnay na iyong itinala
sa Gawain sa Pagkatuto Bilang 3. Gawing gabay ang rubrik sa
ibaba. Isulat ito sa sagutang papel

41 (Pause ng mga 5 seconds)


42 Buuin ang kaisipan (Pause ng mga 3 seconds)
Maaaring mapangkat ang mga salita ayon sa (click) uri, (click)
gamit, (click) kayarian, (click) o pinagkukunan ng mga ito

43 Gumuhit ng tanikala at sagutn ang tanong. Bakit kailangan


nating matutunan ang pag- uugnay- ugnay at pagpapangkat-
pangkat ng mga bagay sa ating buhay? Isulat ang sagot sa
tanikala.
44 Bilang pangwakas na gawain, pagsama- samahin ang mga
salitang magkakaugnay.

45 (Pause ng mga 5 seconds)


Tingnan ang inyong kasagutan sa pagwawasto
46 Para sa inyong gawaing bahay, Magbasa ng isang
napapanahong balita sa dyaryo o internet. Magtala ng mga
salitang magkakaugnay. Pagkatapos, bumuo ng sariling talata
gamit ang mga ito. Isulat ito sa papel. Maaaring gamitin ang
rubrik sa Gawain sa Pagkatuto Bilang 5 bilang gabay.
47 (Pause ng mga 5 seconds)
48 At dito nagwawakas ang ating talakayan, nawa ay marami
kayong natutunan (click) Maraming salamat sa pakikinig.
Hanggang sa susunod na talakayan.

You might also like