You are on page 1of 2

MGA KAHULUGAN NG KOMUNIKASYON BATAY SA

MGA TANYAG NA LINGGWISTIKO

CHARLES PIERCE (1800)


- Noong 1800, sinabi ng pilosopo na si Charles Pierce na ang
komunikasyon ay dapat na maunawaan dahil sa mga elementong
nakapaloob dito.

LORENZO
- Ang komunikasyon ay isang paraan ng paghahatid at
pagtanggap ng lahat ng uri ng mensahe na kinasasangkutan ng
magkakambal na proseso ng pagsasalita, pakikinig at pag unawa.

DANCE
- Ang komunikasyon ay isang prosesong daynamiko, tuloy
tuloy at nagbabago.

WEBSTER
- Ang komunikasyon ay isang mabisang paraan ng pakikipag-
ugnayan at pakikipag-unawaan.

BUENSUCESO
- Ang komunikasyon ay ang pasalita o pasulat na
pagpapahayag o pagpapabatid ng iniisip o dinaramasaisang
paraang mabisa at kalugod-lugod.

CRABLE
- Ang komunikasyon ay pagbibigay ng interpretasyon o
kahalagahan sa verbal at di-verbal na mga simbolo.
FRAZILER SEITAL
- Sa komunikasyon ay walang katiyakan na maiintindihan ng
taga-tanggap ang mensaheng ipinadala ng taga-paghatid kahit
alam pa nito na dapat ay gayon matanggap ang mensaheng
ipinadala.

CLARENCE BARNHART
- Ang komunikasyon ay isang pagpapahayag sa pamamagitan
ng pagsenyas, pagsulat at pagsasalita.

HERNANDEZ (1989)
- Itinuturing niya ang komunikasyon bilang isang cooperative
enterprise kung saan may dalawa o higit pang tao na
nagbibigayan at kung gayon, ang bawat isa sa kanila ay
nakakapag-develop ngdalawang kakayahan at yun ay ang makinig
at magsalita nang mahusay.

STEWART TUBBS (2010)


- Ang komunikasyon ay “bahagi na ng karanasan” sa pagitan
ng isa o higit pang mga tao.

ROBERTO AMPIL (2014)


- Ang komunikasyon ay binigyang kahulugan bilang
pinagsamang pagkaunawang mensahe at malaking bahagi ng
pagtatagumpay nito ay ang pagkakaroon ng common na “wika” ng
mga kasapi sa komunikasyon at ang kanilang kahusayan sa
paggamit nito.

You might also like