You are on page 1of 11

SCRAP BOOK

SA
FILIPINO 11

Ipinasa kay:
Bb. Naffi jen Cuenca

Ipinasa ni:
john cidrie s. Cornelio
ANO ANG KOMUNIKASYON?

Ang komunikasyon ay
isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon na kadalasan na
ginagawa sa pamamagitan ng karaniwang sistema ng
mga simbolo. Ang araling pangkomunikasyon ang disiplinang pang-
akademya na pinag-aaralan ang komunikasyon. Ito rin ay ang
interaksiyon ng mga tao sa isa't isa.

Ang komunikasyon ay pagpapahayag, pagpapaalam,


pagpapabatid o pagbibigay ng impormasyon sa mabisang paraan,
isang pakikipag-ugnayan, pakikipagpalagayan o pakikipag-
unawaan
IBA’T IBANG URI NG KOMUNIKASYON

a.)KOMUNIKASYONG INTRAPERSONAL
b.)KOMUNIKASYONG INTERPERSONAL
c.) KOMUNIKASYONG PAMPUBLIKO
d.)KOMUNIKASYONG INTERKULTURAL
e.) KOMUNIKASYONG PASALITA
f.) KOMUNIKASYONG DI PASALITA
g.)TELEKOMINIKASYON
KOMUNIKASYONG INTRAPERSONAL

- Tinatawag din ito bilang “pansariling komunikasyon”–


nagaganap ang komunikasyon sa sarili. Nangyayari ito sa
tuwing tayo ay nagkakaroon ng personal na repleksyon,
ebalwasyon sa ating sarili, pag-iisip ng ating plano sa buhay sa
hinaharap at iba pa.
- isang uri ng komunikasyon na nangyayari at nagaganap sa
pagitang ng dalawa o higit pang tao.

-
KOMUNIKASYONG INTERPERSONAL

- Ito ay komunikasyon na nagaganap sa pagitan ng dalawang


nag-uusap na tao o maaari rin namang sa maliit na grupo ng tao
na nagkakaroon ng palitan ng mensahe.
- pakikipagusap sa ibang tao; pakikipagtalastasan sa iba't-
ibang indibidwal.
KOMUNIKASYONG PAMPUBLIKO

- Pakikipagusap sa maraming tao; ang halimbawa nito ay ang


valedictory address
- Tumutukoy naman ito sa mas malaking bilang ng mga tao na
nagbabahaginan ng ideya o mga kaisipan at ideyolohiya
tungo sa pagkamit ng iisang layon/layunin.

-
KOMUNIKASYONG INTERKULTURAL

- Ito naman ay uri ng komunikasyon na nagpapakita ng


integrasyon ng dalawa o higit pa na bilang ng magkaibang
kultura.
- Komunikasyong Interkultural Komunikasyon sa pagitan ng mga
taong nabibilang sa iba’t ibang kultura sa loob ng isang bansa.
KOMUNIKASYONG PASALITA

- ang pangunahing layunin ay bigyang-diin ang mahalaga at


ialis ang mga walang saysay.
- Empasis ayon sa Posisyon tumutukoy ang paraang ito sa
kinalalagyan o posisyon ng paksang pangungusap sa loob ng
talata.
- Empasis ayon sa Proporsyonnakasalalay sa pamamaraang ito
kung ano at gaano kalawak ang gagawing pagtatalakay sa
isang paksa
- Pag-uulit ng Salita at Tunogginagamit upang magbigay diin.
Pagbibigay diin sa unahan ng talata Pagbibigay diin sa gitna
ng talata Pagbibigay diin sa hulihanng talata

-
KOMUNIKASYONG DI-PASALITA

Ang komunikasyong hindi pasalita, komunikasyong hindi


binibigkas o pakikipagtalastasang hindi pasambit ay
kadalasang nauunawaan bilang proseso
ng komunikasyon sa pamamagitan ng pagpapadala at
pagtanggap ng mga palatandaan o hudyat na walang
salita sa pagitan ng mga tao, na karamihan ay nakikita o
napagmamasdan ng mata. Ang mensahe ay naipababatid
sa pamamagitan ng mga galaw at paghipo, sa
pamamagitan ng wika ng katawan o tikas, sa
pamamagitan ng pagpapahayag ng
mukha at pagtitinginan. Ang pagsasalita o pananalita ay
naglalaman ng mga elementong hindi pasalita na
nakikilala bilang paralengguwahe, kasama na ang kalidad
ng tinig, grado o rate, tono o tinis,lakas o bolyum, at estilo
ng pagsasalita, pati na mga katampukang prosodiko na
katulad ng ritmo, intonasyon, at diin.
TELEKOMINIKASYON

Ang telekomunikasyon ay ang ekstensiyon o dugtong


na pangkomunikasyon sa ibabaw ng malayong distansiya. Sa
pagsasanay, kinikilala nito na maaaring may mawala sa proseso;
dahil dito sinsakop ng katagang 'telekomunikasyon' ang lahat ng
anyo ng distansiya at/o pagbabago ng orihinal na mga
komunikasyon, kabilang
ang radyo, telegrapiya, telebisyon, telepono, komunikasyong
pangdatos at pagnenetwork ng kompyuter.

You might also like