You are on page 1of 5

PANDIWANG ARIMASU AT IMASU (PAGKAMAYROON)

Pが あります/います.

P-subject (*bagay para sa arimasu at hayop/tao naman para sa imasu)


が (GA)-pananda para sa paksa
あります (ARIMASU) / います (IMASU)-pandiwa para sa pagkamayroon

*Ginagamit ang arimasu para sa mga bagay na walang buhay (inanimate) samantalang imasu naman ang
ginagamit sa mga may buhay (animate).

Mga halimbawa:

Enpitsu ga arimasu. May lapis. (There is a pencil.)


Kaban ga arimasu. May bag. (There is a bag.)
Kuruma ga arimasu. May kotse. (There is a car.)

Inu ga imasu. May aso. (There is a dog.)


Neko ga imasu. May pusa. (There is a cat.)
Gakusei ga imasu. May estudyante. (There is a student.)

P1に P2が あります/います .

P1-lugar
に (NI)-pananda para sa lugar
P2-bagay/tao/hayop
あります/います-pagkamayroon (inanimate/animate)
Maaaring gamitin ang pahayag o pormulang ito sa pagsasabi kung ano at sino ang umiiral sa isang partikular
na lugar.

Mga halimbawa:

Uchi ni terebi ga arimasu. May tv sa bahay. (There is a television in the house.)


Kyōshitsu ni kaban ga arimasu. May bag sa silid-aralan. (There is a bag in the classroom.)

Uchi ni inu ga imasu. May aso sa bahay. (There is a dog in the house.)
Kyōshitsu ni gakusei ga imasu. May estudyante sa silid-aralan.
(There is a student in the classroom.)
*Gakusei wa kyōshitsu ni imasu. (The student is in the classroom.)

80
P1は P2に あります/います .

P1-paksa
は (Wa)-pananda para sa paksa
P2-lugar
に (NI)-pananda para sa ispesipikong kinaroroonan ng lugar
あります/います-pagkamayroon (inanimate/animate)
PNU wa Manila ni arimasu. Nasa Manila ang PNU.
(PNU is in Manila.)
Enchanted Kingdom wa Sta. Rosa ni arimasu. Nasa Sta. Rosa ang Enchanted Kingdom.
(Enchanted Kingdom is in Sta. Rosa.)
NAIA wa Pasay ni arimasu. Nasa Pasay ang NAIA.
(NAIA is in Pasay.)

Maria-san wa toire ni imasu. Nasa palikuran si Maria.


(Maria is in the toilet.)
Haha wa uchi ni imasu. Nasa bahay ang nanay ko.
(My mother is in the house.)
Watashi no tomodachi wa Jollibee ni imasu. Nasa Jollibee ang kaibigan ko.
(My friend is in the Jollibee.)

81
PAGSASANAY 1
Panuto: Tukuyin kung saan matatagpuan ang nasabing mga lugar. …Doko ni arimasu ka?

1.______________________________ 2._____________________________

3.______________________________ 4.______________________________

5.______________________________ 6.______________________________

*Kinuha ang mga larawan sa www.google.com 82


PANDIWANG ARIMASU AT IMASU (PAGKAMAYROON) NA MAY
COUNTERS

Pが C あります/います.

P-subject (*bagay para sa arimasu at hayop/tao naman para sa imasu


が (GA)-pananda para sa paksa
C-counters o pamilang
あります (ARIMASU) / います (IMASU)-pandiwa para sa pagkamayroon

*May ginagamit na ispesipikong panawag sa pagbibigay ng dami o kwantiti ng mga bagay, tao etc. ang wikang
Hapon. Karaniwang idinadagdag ang counters kasunod ng paksa (subject).

LISTAHAN NG COUNTERS
Bagay at Tao Machine at Bahay Maliliit na Manipis at
prutas ~nin Sasakyan ~ken Hayop, isda at mahabang
~dai insekto bagay
~hiki ~hon
1 Hitotsu *Hitori Ichidai Ikken *Ippiki *ippon
2 Futatsu *Futari Nidai Niken Nihiki Nihon
3 Mittsu Sannin Sandai *Sangen *Sanbiki *Sanbon
4 Yottsu Yonin Yondai Yonken Yonhiki Yonhon
5 Itsutsu Gonin Godai Goken Gohiki Gohon
6 Muttsu Rokunin Rokudai Rokken *Roppiki *roppon
7 Nanatsu Nananin Nanadai Nanaken Nanahiki Nanahon
8 Yattsu Hachinin Hachidai Hakken *Happiki *Happon
9 Kokonotsu Kyūnin Kyūdai Kyūken Kyūhiki Kyūhon
10 Tō Jūnin Jūdai Jūkken *Jūppiki *Jūppon
? Ikutsu Nannin Nandai Nangen Nanbiki Nanbon

Mga halimbawa:

Enpitsu ga nihon arimasu. May dalawang lapis. (There are two pencils.)
Kaban ga sanbon arimasu. May tatlong bag. (There are three bags.)
Kuruma ga nidai arimasu. May dalawang kotse. (There are two cars.)

Inu ga nihiki imasu. May dalawang aso. (There are two dogs.)
Neko ga sanbiki imasu. May tatlong pusa. (There are three cats.)
Gakusei ga futari imasu. May dalawang estudyante. (There are two students.)

83
PAGSASANAY 1
Panuto: Nihongo de nan desu ka?

ARIMASU/IMASU
1. I HAVE 2 FRIENDS.

2. SM MOA IS IN PASAY.

3. THERE ARE 5 STUDENTS IN THE CLASSROOM.

4. MY FATHER HAS TWO RED CARS.

5. I HAVE NO MONEY TODAY.

6. TONY HAS AN AMERICAN GIRLFRIEND.

TAKDANG ARALIN
Paglikha ng MINI-VIDEO

Panuto:

>Inaasahan ang bawat pangkat na lumikha at magkonseptuwalays ng sariling mini-video gamit ang wikang
hapon. Gamitin ang lahat ng natutunan sa ating klase (e.g., pangngalan, pang-uri, pandiwa etc.).

>Hindi baba sa 3 minuto at hindi lalampas sa 5 minuto ang inyong bidyo.

>Kailangang may bahagi ang lahat ng miyembro ng bawat pangkat sa dayalogo.

>Gumamit ng anumang tema na nais ng grupo. Maaaring lapatan ng musika (e.g., japanese, english o opm) na
aakma sa inyong bidyo.

>Lumikha ng isang salitang pamagat ng inyong bidyo na sasaklaw sa kabuuang kwento o daloy ng inyong
dayalogo.

>Magbigay ang bawat pangkat ng hard copy ng script ng inyong dayalogo (short bond paper, times new
roman, 11, justified, 1x1x1x1 na pulgada ang gilid).

>Ipapasa ang inyong mini-video sa ating fb group. Ang oras na magre-reflect sa fb post ninyo ang magsisilbing
batayan kung naipasa sa takdang oras ang inyong pinal na proyekto.

84

You might also like