You are on page 1of 8

KAHULUGAN NG WIKA

Ano nga bang wika ang


ginagamit ko?
Ayon ◆ sa linggwistang si
Edgar Stuvenant, ang wika
ay isang sistema ng mga
arbitraryong simbolo ng
mga tunog para sa
komunikasyon ng tao.

Samantala, ayon naman
kay Archibald A. Hill na
sumulat ng “What is
Language?”, ang wika ay
ang pangunahin at
pinaka-elaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao.

Ganito naman ang tinuran ni Gleason,“Ang wika ay isang


masistemang balangkas ng sinasalitang tunog napinili at
isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit sa
komunikasyon ng mga taong nabibilang sa isang kultura”.

KATANGIAN AT KALIKASAN NG WIKA


1. Ang wika ay may dalawang
masistemang balangkas

◆ Ang balangkas ng mga tunog at ang balangkas ng


kahulugan. Ang wika ay may tiyak na dami ng mga tunog
na pinagsasama-sama sa isang sistematikong paraan
upang makabuo ng mga makahulugang yunit tulad ng
salita. Gayundin, ang mga salita ay mapagsasama- sama
upang makabuo ng mga parirala at pangungusap.

◆Ang mga pangungusap ay mapagsasama-sama upang


makabuo ng makabuluhang diskurso o pamamahayag.
2. Ang wika ay arbitraryo
◆ Nangangahulugang na ang mga tunog na binibigkas sa
wika ay pinili para sa layunin ng mga gumagamit.
Isinasaayos ang mga tunog sa paraang
pinagkasunduan ng pangkat ng mga taong gumagamit
nito.

3. Ang wika ay sinasalitang tunog


❖ Maraming tunog sa paligid na makahulugan ngunit hindi
lahat ay maituturing na wika sapagkat ang karamihan
ay hindi nabubuo sa pamamagitan ng mga sangkap ng
pananalita.

❖ Ang mga tunog ng isang wika ay nabubuo sa tulong ng


iba’t ibang sangkap ng pagsasalita tulad ng labi, dila,
babagtingang tinig, ngalangala, at iba pa.
4. Ang wika ay Pantao
◆ Naiiba ang wikang pantao sa wikang panghayop. Ang
wika ng tao ay ginagamit kaugnay sa pagsasalin at
pag-uugnay ng kultura samantalang ang wikang
panghayop ay ginagamit sa sariling lahi.

◆ Ang wika ng hayop ay walang sistema ng tunog at


kahulugan.

◆ Natututunan ng tao ang wika ng pamayanang


kanyang tinitirhan na maaaring hindi ito ang wika ng
magulang niya, alalaong baga matututunan ng aso
ang pagkahol lamang; ang pusa aypagngiyaw
lamang kahit saan nakatira ang mga ito.
5. Ang wika ay komunikasyon
◆ Ang wika ay behikulo ng komunikasayon ng
dalawang taong nag- uusap.

6. Ang wika ay hindi maihihiwalay sa kultura


ng mga taong gumagamit nito

◆ Ang kultura ng isang sibilisasyon ay makikita sa wikang


ipinahahayag ng sibilisasyong yaon.

◆Ang wika at kultura ay dalawang bagay na hindi


mapaghihiwalay. Sa pamamagitan ng wika,
nagkakaalaman at nagkakaugnayan sa pamumuhay,
saloobin, tradisyon, mithiin, paniniwala ang mga tao.
Sapat ang wika upang magpahayag sa kultura ng mga
taong gumagamit nito.
7. Ang wika ay Malikhain
◆ Taglay ng wika ang mga tuntunin na makapagbubuo
ng walang hanggang pangungusap, ang katutubong
nagsasalita ng wika ay makalilikha ng mga
pangungusap na maaaring hindi pa niya kailanman
nasasabi, nababasa o naririnig. Nauunawaan niya
ang mga ganitong pangungusap dahil nailagay niya
sa kanyang utak ang mga tuntunin ng wika.

8.Ang wika ay patuloy na nagbabago

◆ Ang panahon ay patuloy na nagbabago kaya ang


pamumuhay ng tao ay nagbabago rin dulot ng agham
at teknolohiya gayundin ang wika. Patuloy na
lumalawak ang talasalitaan ng wika kaya kailangang
mabago rin ang alpabeto at ang sistema ng
palabaybayan.
9. Ang wika ay natatangi
◆ Ang bawat wika ay may kanyang sariling set ng mga tunog,

mga yunit panggramatika at


kanyang sistema ng
palaugnayan.
◆ Ang bawat wika ay may
katangiang pansarili na
naiiba sa ibang wika.
◆ Walang dalawang wika na
magkatulad. Maaaring sabihin
na may wikang magkahawig
dahil pare-parehong mayroon ang mga ito ng sistema ng
mga tunog, sistema ng pagbubuo ng mga salita at sistema
ng pag-uugnay ng mga pangungusap.

Bb. Escabusa

You might also like