You are on page 1of 3

Mga Impormasyon sa Panitikang

Mediterranean

- Dahil sa impluwensya ng panitikang mediterranean, ang diwa ng kalikasan


ng pagiging makatao ay mas naunawaan ng mga Pilipino.

Tulad ng:

*akdang naisulat ng mga mahuhusay na manunulat.

- Naging malaking tulong rin ang mga tula at iba pang mga prosa na
naglalahad ng mga sinaunang kultura at tradisyon upang mas
maintindihan at tangkilikin ang tunay na kulturang Pilipino.

- Nagkaroon ng pagkakataon ang mga Pilipino na gumawa at mag-imbento


ng mga iba’t ibang bagay na kanilang mapapakinabangan at
makakatulong upang mapabilis ang kanilang mga Gawain.

- Dahil dito, ang talento ng mga Pilipino sa pagsulat ay mas umusbong pa


hanggang sa paggawa na nito ng eskrip na gagamitin sa telebisyon o mga
pelikula.

- Umunlad din ang pagsulat ng mga prosa ng Pilipino ng eskrip na


pangradyo, pangtelebisyon, at pampelikula na nagbigay oportunidad sa
paghubog ng talento ng mga Pilipino.

- Isa pa rito ang pagganap ng mga tauhan sa iskrip ay nagsilbing


magandang hanapbuhay ng mga pilipinong magagaling umarte.

- Naging pangmulat-mata ng mga Pilipino ang mga akda ng mahuhusay na


manunulat upang makapagplano at maisaayos nila ang sari-sariling buhay.

- Ito rin ang kanilang nagsilbing gabay upang mas maunawaan ang mga
mithiin ng mga tao at ng bansa sa pamamagitan ng pagbasa ng mga akda
tungkol sa sariling kasaysayan.
- Ang Panitikang Mediterranean ay ang naging batayan ng lahat ng
panitikan sa buong mundo.

- Maraming bagay ang nagmula rito. Tulad ng:

*Cuneiform, ang unang paraan ng pagsusulat


* Kalendaryo na nakabatay sa kilos ng buwan
*Ang paggawa ng unang mapa.

- Kasama rin dito ang Kodigo ni Hammurabi, na naglalaman ng 282 na


batas.
- Dito rin nagmula ang monoteismo, ang paniniwala sa iisang diyos at ang
Zoroastrianism na relihiyong itinatag ni Zoroaster.
- Ang mga taga-Mediterranean ay naging tanyag sa kanilang pagiging
malikhain at pagiging mahusay sa iba’t-ibang gawain.
- Ang kanilang pangunahing pamumuhay ay nakasalalay sa agrikultura.
- Ang Panitikang Mediterranean ay lumaganap sa iba’t-ibang parte ng
mundo.
- Ito ay nagmula sa simbolong larawan, na naging likhang-sining,
hanggang sa naging panitikan, maraming akda mula Mediterranean ang
tumatak sa mga tao..
Halimbawa nito ang mga sumusunod:
-Akdang Kupido at Pshyche.(Bansang Roma)
-Sanaysay ni Plato na “Alegorya ng Yungib” (Bansang Gresya)
-Ang nobela ni Victor Hugo na “Ang Kuba sa Notre Dame” (Bansang Pransya)
-Ang Epiko ni Gilgamesh (Mula sa Mesapotamya)
-Ang tulang “Ang Tinig ng Ligaw na Gansa” (Mula sa Ehipto)

- Pinaniniwalaan ng mga taga-Mediterranean na sa kanila nagsimula ang


mga iba’t-ibang akda. Kaya naman marami sa mga ito ay naka-
impluwensya sa panitikan ng maraming bansa tulad ng Pilipinas.
Naimpluwensyahan nito ang ating kaugalian, kultura, pamumuhay at
mga paniniwala.
- Ang kaugalian ng mga taga-Mediterranean tulad ng pagiging mahusay at
pagkamalikhain ay nakuha ng mga Pilipino.

You might also like