You are on page 1of 1

Rexzell Alip Jan 2019

Kababaihan
Abuso at prostitusyon illegal sa mundo.
Pangarap ng kababaihan hindi makamit.
Suntok at sipa'y nararanasan nila.
Itigil natin ang abuso sa kababaihan.

Mga walang pangarap, prostitusyon ang pinangarap.


Buhay nila'y nabigo, pag-asa nila'y naglaho.
Nasakim sa pera, iniwan ang pamilya.
Itigil natin ang prostitusyon sa kababaihan.

Mga pag-aaral na nasayang napunta lang sa bisyu.


Mga pamilyang iniwan, hindi man lamang binalikan.
Madami silang pera, pero ang isip nila'y walang pakana.
Itigil ang pang-aabuso at prostitusyon para guminhawa ang ating buhay.

-----------

Babae Noon at Babae Ngayon


Ang babae noong unang panahon dito sa Pilipinas

Kinikilala bilang mga babaylan, at ang antas sa lipunan ay mataas

Sila ay ginagalang, at malawak ang kapangyarihan

Babae’y kilala bilang matapang at palaban

Noong dumating ang mga Kastila, ang pagtrato sa babae ay nag-iba

Sila daw dapat ay mahinhin, at hindi nakikibaka

Binalutan ang katawan, binihisan parang si Maria Clara

Ang babae sa panahon ng mga Kastila’y malaki na ang pinagkaiba

Pagdating ng mga Amerikano, kababaihan ay pinayagang bumoto

Nagkaroon din ng pagkakataong makaupo sa gobyerno

Nang lumusob ang mga Hapon, mga babae’y itinago

Sapagkat ayaw ng mga Pilipino na sila ay maabuso

Sa kasalukuyang panahon, kababaiha’y nananatiling matatag at malakas

Ang kanilang katauhan ay walang kakupas-kupas

Lahat ng ginagawa ng kalalakihan ay kaya nilang tapatan

Yan ang kababaihan sa panahong kasalukuyan.

You might also like