You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region ___________
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF _________________________
________________________ ELEMENTARY SCHOOL

FILIPINO I
Third Quarter
2022-2023

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pag-unawa sa napakinggan
B. Pamantayan sa pagganap
Nakikinig at nakatutugon nang angkop at wasto
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
F1PN-IIIb-1.2
Nakasusunod sa napakinggan panuto na may 1-2 hakbang

II. NILALAMAN
Pagsunod sa Napakinggan Panuto na may 1-2 Hakbang
Across the Curriculum: Music and AP

III. MGA KAGAMITANG PANTURO


A. Sangunian
Filipino 2. Ika.2. 1992, 1996. Pp. 117-118
B. Iba pang kagamitang pampagtuturo
Tsart/larawan/powerpoint/led TV/totoong kagamitan

IV. PAMAMARAAN
A. Balik- aral
Ano ang tunog ng titik r
Ano ang tunog ng unang pantig ng mga sumusunod na larawan?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin


Pag-awit ng isang masiglang kanta

“Kung Ikaw ay Masaya”


Kung ikaw ay masaya, tumawa ka!
Ha ha ha!
Kung ikaw ay masaya, tumawa ka!
Ha ha ha!
Kung ikaw ay masaya,
Buhay mo ay sisigla.
Kung ikaw ay masaya, tumawa ka!
Ha ha ha!
Kung ikaw ay masaya, pumalakpak!
(Pumalakpak ng tatlong beses)
Kung ikaw ay masaya, pumalakpak!
(Pumalakpak ng tatlong beses)
Kung ikaw ay masaya,
Buhay mo ay sisigla.
Kung ikaw ay masaya, pumalakpak!
(Pumalakpak ng tatlong beses)
Kung ikaw ay masaya, pumadyak ka!
(Pumadyak ng tatlong beses)
Kung ikaw ay masaya, pumadyak ka!
(Pumadyak ng tatlong beses)
Kung ikaw ay masaya,
Buhay mo…

C. Pag-uugnay ng halimbawa sa bagong aralin


Tumawag ng tatlong bata. Ipagawa sa bawat isa ang sumusunod na panuto.
 Tumayo ng tuwid
 Pumalakpak ng tatlong ulit
 Pumadyak ng dalawang beses
 Tumawa ng malakas
 umupo

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #1


Laro
Sa pamamagitan ng isang awitin, kung sino ang titigilan ng tugtog na mag-aaral ay
gagawin ang panuto na nakasulat sa papel na nakalagay sa isang kahon.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2


Pangkatang Gawain (Paghahanap ng nawawalang gintong lamapara)
May babasahing kwento ang guro tungkol sa nawawalang kayamanan. Hatiin ang
klase sa dalawang grupo. Gamit ang mga nakapaskil sa loob ng silid-aralan,
babasahin nila ito at susundin ang nasa panuto simula sa bilang 1-5 hanggang sa
makuha nila ang nakatagong kayamanan.

Kwento:
SI ALADIN AT ANG MAHIWAGANG LAMPARA
Noong unang panahon ay may isang napakagwapo at napakatipunong prinsipe na
nagngangalang Aladin. Siya ay mayroong natatagong kayamanan na isang gintong lampara.
Kahit anong hilingin sa lamparang ito ay natutupad kaya’t maraming tao ang gustong
mahanap ito upang humiling ng mga kahilingan. Ngunit isang araw ay bigla na lamang
nawala si Aladin at kasama ang kanyang gintong lampara. Walang nakakaalam kung nasaan
ito.

Mga Tanong:
1. Sino ang prinsipe?
2. Anong kayamanan mayroon ang prinsipe?
3. Ano ang naibibigay ng mahiwagang lampara?
4. Kung kayo ang makakakuha ng lampara, anong kahilingan ang hihilingin nyo dito?
Bakit?

F. Paglinang sa Kabihasaan (Tungo sa Formative Assessment)


Tatawag ng dalawang bata sa harapan at bibigyan ng panuto. Pagmasdan at piliin kung
sino sa dalawang bata ang makasusunod ng wastong panuto.
Panuto: Gumuhit ng apat na puso. Lagyan ng tsek ang pangatlong puso

G. Paglalapat ng aralin sa pang-araw araw na buhay.


Mahalaga bang sumunod palagi sa panuto? Bakit?

H. Paglalahat ng aralin
Ano ang dapat ninyong tandaan upang maisagawa ninyo ng tama ang panutong
ipinapagawa sa inyo?

Sagot: Kailangang pakinggan ng maayos at unawaing mabuti ang ang panutong ibinigay
para maisagawa ito ng tama.

I. Pagtataya ng Aralin
Ipagawa ang sumusunod:
1. Gumuhit ng isang bulaklak at kulayan ng pula
2. Gumuhit ng apat na bilog at lagyan ng x ang pinakaunang bilog
3. Gumuhit ng isang puso at kulayan ng pula
4. Isulat ang unang titik ng pangalan at guhitan ito sa baba
5. Isulat ang pangalan ng iyong guro at bilugan ito

J. Takdang- Aralin
Gumuhit ng 3 bola sa papel. Kulayan ng asul ang unang bola, dilaw ang pangalawa at
pula naman ang pangatlo.

Prepared by:

MARIA D. ANA
Teacher III
Checked by:

ANA MARIA
Master Teacher I

Noted by:

MARIA ANA
School Principal I

You might also like