You are on page 1of 5

GINGOOG CITY JUNIOR COLLEGE

Gingoog City

SILABUS NG KURSO
1st Semester 2011-2012

Filipino 01
Komunikasyon sa Akademikong Filipino

Deskripsyon

Ang Filipino 01, Komunikasyon sa Akademikong Filipino, ay isang tatlong yunit


na kurso para sa lahat ng mga mag-aaral sa antas-tersyaryo na kukuha pa lamang ng
kanilang unang kurso sa Filipino. Binibigyang halaga nito ang wika bilang pangunahing
kasangkapan ng pakikipagtalastasan at komunikasyon. Tatalakayin din ng kursong ito
ang mga teorya ng wika at ang mga ambag ng sibilisasyon at kasaysayan sa pag-usbong
ng mga tanging wika-lalu na ang Wikang Filipino. Higit sa lahat, lilinangin sa kursong ito
ang mga makrong kasanayan ng pag-iisip, pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, at
pagsusulat. Ang mga kasanayang ito ang siyang puno’t dulo ng paggamit at paglinang ng
wika upang maging makabuluhan ito at kapakipakinabang.

Mga Panlahat na Layunin

Inaasahang pagkatapos ng kurso,matatamo ng mga mag-aaral ang:

a.) malinaw at malawak na kaalaman tungkol sa pinagmulan, kahulugan, kaaantasan,


kahalagahan, kaangkinan, at pagiging mabisa ng wika sa pang-araw-araw na
paggamit nito sa loob at labas ng klase;
b.) mapalawak ang kaalaman sa mga kasanayang pangwika sa pag-unawa, pagsusuri,
at pagbibigay-halaga sa wika bilang produkto ng talino ng tao sa kontexto ng
sitwasyong pangwika ng Pilipinas;
c.) mataas na pagpapahalaga sa katayuan ng wika ng Pilipinas kapantay ang ibang
wika sa labas ng bansa;
d.) malinang ng may kabuluhan at mabisang pakikilahok sa mga gawain na nauukol
sa pag-iisip, pakikinig, pagsasalita, at pagsulat; at
e.) kakayahang maiugnay sa ibang disiplina ang pag-aaral ng wika.

(Lachica: DIKOM, xxii)

Mga Tiyak na Layunin

Sa kabuuan ng kurso, mabibigyang pagkakataon ang mga mag-aaral na:

a.) mailahad ang katuturan ng wika bilang pangunahing instrumento ng tao tungo sa
mabisang interaksyon sa kanyang kapwa;
b.) matukoy ang mga kahalagahan at tungkuling pangwika;
c.) magamit nang mabisa ang wika batay sa mga teorya ng pagkatuto nito;
d.) mailahad at matukoy ang pagkakaiba ng register sa domeyn pangwika;
e.) makilala at maibigay ang barayti at baryasyon ng wika mula sa iba’t-ibang
domeyn nito;
f.) magamit ang register ng wika batay sa domeyn nito;
g.) matukoy at masuri ang bawat mahalagang yugto sa kaganapang pangwika ng
Pilipinas;
h.) mapahalagahan ang mga yugto sa pagbabago ng wika sa Pilipinas;
i.) maunawaan ang proseso o intersaksyong umiiral sa mga salik na kailangan upang
makapagsalita ang tao;
j.) magamit sa pakikipagtalastasan ang iba’t-ibang kayarian ng salita at
pangungusap;
k.) makapagsalita at makapagsulat nang mabisa sa lahat ng pagkakataon;
l.) magamit ang iba’t-ibang modelong pangkomunikasyon tungo sa pag-alam sa
pinakamabisang paraan ng paghahatid at pagtanggap ng mensahe sa kapwa;
m.) magamit ng mahusay ang konsepto ng diskurso sa pakikipag-interaksyon;
n.) maisa-isa nang wasto ang mga tip at teknik tungo sa makabuluhang pag-unawa sa
mga mensaheng napapakingggan;
o.) maisagawa nang mahusay ang kailanganin sa mabisang pagsasalita;
p.) maisaalang-alang ang mga mahalagang pananaw sa pagbasa tungo sa mabisang
komprehensyon; at,
q.) matukoy ang iba’t-ibang estratehiya ng mabisang pagsulat.

Pamamaraan ng Pagturo

Ang kursong ito ay mabisang maisasakatuparan sa pamamagitan ng mga gawain


at aktibiting pangkatan kagaya ng:

1. Pangkatang pananaliksik
2. Peer Teaching
3. Pangkatan/Indibidwal na paglalahad
4. Mga repleksyon at pagninilay-nilay
5. Pag-analisa sa mga pelikula at aklat

Mga Kahingian

Upang maipasa ang kursong ito, kinakailangang maipasa at ma-akomplis ang


mga sumusunod:
1. mga pangunahing pagsusulit
2. mga pasulit
3. book revyu
4. film analysis
5. reflection papers

Mga Sanggunian

Badayos, Paquito B. et al. Komunikasyon sa


Akademikong Filipino.Valenzuela City:
MUTYA Publishing Inc, 2007

Bernales, Rolando et.al. Komunikasyon sa Makabagong


Panahon:Binagong Edisyon. Valenzuela City:
MUTYA Publishing Inc, 2007.

Bernales, Rolando et.al. Mabisang Retorika sa Wikang Filipino.


Valenzuela City: MUTYA Publishing Inc, 2002.

Lachica, Veneranda S. et al. Dinamikong Wika ng Komunikasyon


(Sugnay ang Linggwistika) Quezon City: GMK Publishing
House, 2005.
Balangkas ng Kurso

Time Allotment Nilalaman ng Kurso/Paksa


LINGGO Petsa
Linggo 1 Hunyo 14 
Oryentasyon sa Kurso at mga Kahingian

16
I. Wika at Diskurso

A. Konsepto ng wika

Linggo 2 21
B. Barayti at baryasyon ng wika

23
C. Rejister at domeyn pangwika

Linggo 3 28
D. Linggwistika

30
Pagpapatuloy: Linggwistika

Linggo 4 Hulyo 5
E. Pundamental ng
komunikasyon

7
F. Teorya ng diskurso

Linggo 5 12
II. Wikang Filipino

A. Kasaysayan at Pag-unlad ng mga Wika


sa Pilipinas

Prelim Examination Hulyo 14-15, 2011


Linggo 6 19
B. Kalikasan at Estruktura ng Pilipinas

21  Ponolohiyang Pilipino

Linggo 7 26  Morpolohiyang Pilipino

28
 Pagbabagong Morpoponemiko
Linggo 8 Agosto 2 C. Sintaksis ng Wikang Pilipino

4
III. Makrong Kasanayang Pangwika

Linggo 9 9 A. Pakikinig

 Dayagram ng pakikinig

11  Aplikasyon ng dayagram

 Mga uri ng pakikinig

Linggo 16
10  Mga hadlang sa pakikinig

MIDTERM Examination Agosto 18-19, 2011


Linggo 23 B. Pagsasalita
11
 Tono ng boses

25  Ebalwasyon sa pasalitang presentasyon

Linggo 30  Mga pananaw sa pagsasalita


12
Setyembre  Mga salik na nakakaimpluwensiya sa
1 pagsasalita

Linggo 6 C. . Pagbasa
13
 Mga layunin sa pagbabasa

8  Paraan ng pagbasa

Linggo 13  Teknik sa Pagbasa


14
15
 Tungo sa mabisang pagbasa

 Pagtataya sa Mambabasa

Linggo 20 D. Pagsulat
15
 Estratehiya sa pagsusulat

22  Mga dapat iwasan sa pagsusulat

Linggo 27  Partner-Pidbak sa Pagwawasto


16
29 Pagpapasa ng mga Jornal Entries
Linggo 4 Pagpapasa ng mga Pampelikulang Revyu
17
6 Pagpapasa ng mga “Ulat sa Pagbabasa”

Linggo 11 Paglalahad/Pagtatanghal ng Isang Dula


18
13 Paglalahad/Pagtatanghal ng Isang Dula

Linggo 18 Revyu sa Final Examination


19
FINAL EXAMINATIONS Oktubre 20-21, 2011

Inihanda ni:

JOSEPH GERSON A. BALANA


BSE- English
School of Education
Xavier University
Ateneo de Cagayan, 2009
License Number: 1050786

Reviewed by:

EVELYN R. BIADO, PhD


College Dean

Approved:

TITA G. GARRIDO, CPA


President

You might also like