You are on page 1of 2

Politechnic University of the Philippines

College of Communications
Department of Broadcasting
A.Y. 2021-2022

Princess Hannah Tarog


BABr 2-3
Intelektwalisasyon ng Wikang Filipino

Pagpapaliwanag ng Paradigma

Ipaliwanag sa sariling paraan ang paradimo ng Filipinolohiya:

Maibubuod ko ang paradigma ng Filipinolihiya sa isang makling parirala, “Filipinolohiya

tungo sa Pambansang Kaunlaran.” Para sa akin, itong maiksing pahayag na ito ay kumakatawan sa

diwa ng buong paradigmang ito. Una, ang lipunang Pilipino ay may natural na aspekto na

bumubuo o nakapaloob sa isang lipunan, ito ay ang ekonomiya, politika, at kultura. Ang tatlong
bahaging ito ay hindi kailanman maiaalis sa kahit na ano mang lipunan. Pangalawa, ang disiplina ng

sistematikong pag-aaral ng ekonomiya, politika at kultura ng lipunang Filipino ay tinatawag na

Filipinolohiya. Na kapag ito ay napairal (Edukasyon) sa epektibong pamamaraan, ito ay

magbubunga ng mayabong na resulta—kung ang kaisipang makabayan ay mag-uugat sa damdamin

ng mga kabataan, hindi lamang ito matutuldukan sa repleksyon kundi magbubunga ito ng aksyon—

Ito ang pambansang praxis o praktika at teorya ng nagbabagong pamumuhay sa lipunan. At ang

aksyon na ito ang magbibigay daan tungo sa pambansang kaunlaran sa aspekto ng ekonomiya,

politika at kultura. Sa madaling salita, mas magiging mayaman ang ating pagkakakilanlan kasabay

ng pambansang kaunlaran kung ang bawat Pilipino ay matuturauan at mamumulat, dahil ang

Filipinolohiya ay naglalayong mapaunlad ang bansa kasabay ng angking identidad bawat Filipino.

You might also like