You are on page 1of 33

2

Health
Ikatlong Markahan – Modyul 5:
Positibong Pagpapahayag
ng Negatibong Damdamin
Health – Ikalawang Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 5: Positibong Pagpapahayag ng Negatibong Damdamin
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

BUMUO SA PAGSUSULAT NG MODYUL

Manunulat: Marvin R. Leaño


Joanne G. Manalili
Editor: Ramon J. De Leon, PhD
Rachelle V. Villamar
Tagasuri: Charina S. Sogue
Anna Aurea M. Bautista
Engelbert B. Agunday, EdD
Tagaguhit: Marvin R. Leaňo
Gemmarie G. Rivas
Tagalapat: Marvin R. Leaňo
Gemmarie G. Rivas
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD
Ma. Editha R. Caparas, EdD
Nestor N. Nuesca, EdD
Priscilla D. Sanchez, PhD
Ever M. Samson
Josephine S. Tabangay

Inilimbag sa Rebublika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III

Office Address: Matalino St., Diosdado Macapagal Government Center,


Maimpis, City of San Fernando (P)
Telefax: (045) 598-8580 to 89
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
2

Health
Ikatlong Markahan – Modyul 5:
Positibong Pagpapahayag
ng Negatibong Damdamin
Alamin

Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay


inaasahang makapagpakita ng positibong paraan ng
pagpapahayag ng negatibong emosyon tulad ng takot,
galit at pagkadismaya. (H2FH-IIIij-15)

takot galit

pagkadismaya

1
Subukin

Tingnan ang larawan sa ibaba. Isulat ang tsek ()


kung ito ay nagpapakita ng positibong pagpapahayag
ng negatibong damdamin at ekis (X) kung hindi. Ilagay
ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. 2.

Pakikipag-usap ng Pagtatago dahil


mahinahon sa takot

3.

Pagpapasalamat sa
natanggap na regalo

4. 5.

Paghagis ng papel Pagtatapat sa


dahil sa galit kabila ng takot

2
Aralin
Positibong Pagpapahayag
1 ng Negatibong Damdamin
Upang makaiwas sa anomang suliraning
pangkalusugan at pangkaisipan sanhi ng pagkimkim ng
mga negatibong emosyon, kinakailangan matuto kung
paano ito maipahahayag ng maayos. Basahin at subukin
ang mga gawaing nakapaloob sa araling ito.

Balikan
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

1. Kailan mo nararamdaman ang kasiyahan?


a. kapag nabasa ng ulan ang iyong gamit
b. kapag may umiiyak na kaibigan
c. kapag nakakuha ng mataas na grado
d. kapag nagkakamali sa pagsusulit
2. Kailan ka naman nalulungkot?
a. kapag masarap ang pagkain
b. kapag nasira ang paboritong laruan
c. kapag may bagong damit
d. kapag kumpleto ang pamilya

3
3. Kailan mo nararamdaman ang takot?
a. kapag nakakita ng asong tumatahol
b. kapag kalaro ang mga kaibigan
c. kapag nasa palaruan
d. kapag may sakit ang magulang

4. Kailan ka masaya?
a. kapag wala akong kasama
b. kapag umaalis si nanay o tatay
c. kapag kompleto ang pamilya
d. kapag nag-away kami ng aking kapatid o
kaibigan

5. Kailan ka nasasaktan?
a. kapag may bagong gamit
b. kapag natisod ang mesa
c. kapag nakakita ng mabangis na hayop
d. kapag kumakain ng masarap

4
Tuklasin
Basahin at unawaing mabuti ang tula.

Ano ang Dapat?


ni Marvin R. Leaño

Dapat ganito, dapat ganyan,


Mga salitang sa isip nanatili.
Negatibong damdamin nawawala,
Kapag ipinahayag sa tamang paraan.

Dapat ang galit, iwinawaksi


Sa pakikipag-usap na siyang susi.
Dapat ang takot, nilalabanan
Sa paghingi ng tulong nawawala.

Dapat ang pagkadismaya, inaalis


Ngiti sa labi ay ipakitang muli.
Pagtanggap ng katotohanan ang siyang gawin,
Upang samahan ay manatiling masaya.

5
Suriin

Ano ang dapat gawin upang maipahayag ang


negatibong damdamin?

Ang negatibong damdamin ay maaring maipakita sa


positiong paraan upang mawala ang alalahanin at
magkaroon ng magandang relasyon sa kapwa tulad ng
mga sumusunod:

 Pakikipag-usap ng mahinahon
 Paggalang sa desisyon ng iba
 Paghingi ng tulong
 Pagtanggap ng katotohanan
 Pag-unawa sa sitwasyon

Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Isulat ang nawawalang salita upang mabuo ang
diwa ng pangungusap. Piliin ang sagot sa loob ng kahon
at isulat sa sagutang papel.

tulong nagpasalamat nakipag-ayos


pagtanggap lumayo

1. Si Berto ay _________ sa kanyang kaklase.

6
2. Si Sandro ay humingi ng _________
sa kanyang ina.

3. Niyakap ni Sarah ang kanyang ina


bilang ___________ sa pasya nito.

4. ___________ si Predo sa regalo ng


kaibigan.

5.Nakangiting ___________ si Rod sa


kaaway upang mawala ang galit.

7
Gawain 2
Panuto: Piliin sa hanay B ang larawang tinutukoy ng
pahayag sa Hanay A. Isulat ang letra ng tamang sagot
sa sagutang papel.
Hanay A Hanay B
1. Pakikipag-usap nang
maayos sa kaaway a.

2. Pag-iyak sa takot

b.

3. Pagngiti kahit galit

c.

4. Pagkadismaya dahil sa
regalong natanggap
d.

5. Pagsasabi ng totoo kahit


natatakot mapagalitan
e.

8
Gawain 3
Panuto: Isulat kung positibo o negatiibo ang paraan ng
pagpapahayag ng damdamin sa mga sumusunod na
pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Si Luisito ay humiyaw dahil sa galit.

2. Si Lala ay malungkot sa natanggapna


medalya bilang pangatlo.

3. Si Princess ay nagpasalamat sa
nakuhang cake.

4. Si Karla ay umiyak ng makaramdam


ng sobrang takot.

5. Si David ay kumanta kahit malakas


ang kaba sa dibdib.

9
Gawain 4
Panuto: Isulat kung tama o mali ang paraang ginamit sa
pagpapakita ng negatibong damdamin. Ilagay ang
sagot sa sagutang papel.
1. Umayaw si Tonyo sa paligsahan dahil sa takot.
2. Nakangiting binati ni Jack si Jose kahit naiinis siya.
3. Inihagis ni Luis ang bola sa sobrang panggigigil.
4. Sinabi ni Paolo sa ina ang totoo sa kabila ng takot na
mapagalitan.
5. Sumang-ayon sa pasya ng nakararami si Bart kahit iba
ang kanyang gusto.

Isaisip

Bakit mahalagang maipahayag ang negatibong


emosyon sa positibong paraan?

Mahalagang maipahayag sa positibong paraan ang


negatibong emosyon tulad ng galit, takot at
pagkadismaya upang mawala ang bumabagabag sa
puso’t isipan at magkaroon ng magandang samahan sa
kapwa.

10
Isagawa
Panuto: Iguhit ang tatsulok kung ang isinasaad ng
bawat pahayag ay positibo at bilog kung hindi.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Si Diana ay palaging nakasimangot kapag dismayado.
2. Si Luis ay lumalayo na lamang kapag tinutukso.
3. Si Marko ay umiiyak kapag natatakot.
4. Si Micaela ay nagpapasalamat maliit man ang
natanggap na regalo.
5. Si Sunshine ay mahinahong nagsasalita kahit nagagalit.

Tayahin
Panuto: Tukuyin ang dapat gawin sa bawat sitwasyon.
Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
1. Si Toni ang itinuturong nakabasag ng paso ng kanyang
kaklase.
a. Pigilan ang galit sa maling balita.
b. Kausapin ang guro tungkol dito.
c. Iwasan na lamang ang kaklase.
d. Lahat ng nabanggit

11
2. Si Cynthia ay nadismaya sa nabili niyang panis na
gatas.
a. Ipagkalat na sira ang nabiling gatas.
b. Ipaalam sa tindahan ang pangyayari.
c. Maghain ng reklamo laban sa tindahan.
d. Hikayatin ang iba na huwag ng bibili sa tindahan

3. Si Dindo ay takot sumali sa balagtasan.


a. Huwag pansinin ang guro
b. Lumiban sa klase
c. Humingi ng tulong sa guro
d. Makipagpalit sa kaklase

4. Ang salamin sa mata ni Dino ay nabasag ng kanyang


kaklase.
a. Pigilan ang galit
b. Sabihin sa guro ang nangyari
c. Kausapin ng mahinahon ang kaklase
d. Lahat ng nabanggit

5. Si Rebecca ay nadismaya sa resulta ng eleksyon.


a. Maghain ng reklamo sa guro
b. Magalit sa mga kaklase
c. Tanggapin nang maayos ang resulta
d. Ipagkalat na nagkaroon ng dayaan

12
Karagdagang Gawain

Panuto: Piliin sa ibaba ang nawawalang salita upang


mabuo ang talata. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
sagutang papel.
a. dismayado
b. tulong
c. nagagalit
d. kinakausap
e. takot

Si Luisa ay mabuting bata. Siya ay modelo ng


kagandahang asal sa kanilang paaralan. Hindi siya
nagpapakita ng (1) _____________ sa lahat ng bagay.
Humihingi siya ng (2) ______________ sa guro kapag may
hindi kayang gawin. Maayos niyang (3) __________ ang
kamag-aral kapag may tampuhan. Hindi siya (4)
_________ kapag may nanunukso. At higit sa lahat, hindi
siya (5) ______________ sa desisyon ng nakararami.

13
Aralin Paggalang at

2 Pagsasaalang-alang sa
Damdamin ng Iba
Isa sa mga katangian ng isang batang katulad mo
ay ang pagpapakita ng paggalang at pagsasaalang-
alang sa damdamin ng iyong kapwa.

Balikan
Paano ka magkakaroon ng positibong
pagpapahayag ng damdamin sa bawat sitwasyon? Piliin
at isulat ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel.

A. Magiging masaya pa rin ako para sa mga napili.


B. Mag-aaral pa akong mabuti upang makasagot ng
tama sa susunod na aralin.
C. Patutunayan ko sa kanilang kaya ko!
D. Buburahin ko ito at sasabihin sa aking kamag-aral
na huwag na itong uulitin.
E. Hindi ko sila papansinin at magiging mabuti pa rin
ako sa kanila.

1. Ayaw kang isali ng iyong mga kamag-aral sa laro nila


dahil sa tingin nila ay mahina ka.
2. Pinagtatawanan ka ng iyong kamag-aral dahil sa
maling sagot mo sa tanong ng iyong guro.
3. Marami ang tumutukso sa iyo dahil sa suot mong
lumang damit.
4. Sinulatan ng iyong kamag-aral ang bag mo.
5. Hindi ka napiling sumayaw para sa pagtatanghal sa
inyong paaralan.

14
Tuklasin
Panuto: Basahin at unawain ang tula.
ANG BATANG HUWARAN
ni Joane G. Manalili

Isang katangiang sadyang kawili-wili


Paggalang sa damdamin ng iba’y katangi-tangi
Pakikinig sa guro habang siya’y nagtuturo
Pagiging magalang sambit ay “po” at “opo.”

“Maraming salamat” ang laging tugon


Sa taong mapagbigay at siyang tumutulong
Maging masaya sa tagumpay ng iba
Gawing huwaran at matuwa sa kanya.

Laging isaisip at isaalang-alang


Kumilos nang tama at may paggalang
Ito ay ikatutuwa ng Dakilang Lumikha
Maging mabuting bata at kahanga-hanga

15
Panuto: Basahin ang mga tanong sa ibaba. Piliin mula sa
kahon ang sagot at isulat ito sa sagutang papel.

● sa taong mapagbigay at tumutulong sa atin


● paggalang sa damdamin ng iba
● ang Dakilang Lumikha
● upang maunawaan ang pinag-aaralan
● "po" at "opo"

1. Anong katangiang kawili-wili at katangi-tangi ang


nabanggit sa tula?
2. Bakit kailangang makinig sa guro kapag siya ay
nagtuturo?
3. Ano ang sinasambit ng isang batang magalang sa
nakatatanda sa kanya?
4. Kanino sinasabi ang salitang, "maraming salamat"?
5. Ayon sa tula, sino ang higit na matutuwa kapag kumilos
ng tama at may paggalang?

Suriin
Paano natin maipakikita ang paggalang at
pagsasaalang-alang sa damdamin ng iba?
Ang paggalang at pagsasaalang-alang sa
damdamin ng iba ay pagpapakita at pagpaparamdam
ng kabutihan at respeto sa ating kapwa. Ito rin ay ang
pagtanggap at pag-unawa natin sa kung ano man ang
kanilang mga katangian, kakayahan, katayuan sa buhay
at iba pa.

16
Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Iguhit ang hugis bilog sa iyong sagutang
papel kung ang larawan ay nagpapakita ng paggalang
at pagsasaalang-alang sa damdamin ng ating kapwa at
tatsulok naman kung hindi.

1.

Pagkakalat

2.

Pakikinig sa guro

17
3.

Pagpila ng maayos sa
kantina

4.

Pagsigaw sa nakatatanda

5..

Pagtulong sa guro

18
Gawain 2

Panuto: Pag-aralan ang mga larawan sa bawat bilang.


Isulat ang / sa iyong sagutang papel kung ito ay
nagpapakita ng paggalang at pagsasaalang-alang sa
damdamin ng iba at x kung hindi.

1.

Pagsigaw sa kamag-aral

Pamamahiya sa
2.
kamag-aral

3.

Pagmamano sa
nakatatanda

19
4. 5.

Pakikipagkaibigan sa
Pakikipag-usap habang
kamag-aral na may
nagtuturo ang guro
kapansanan

Gawain 3
Panuto: Suriing mabuti ang larawan ng batang nasa
gitna pagkatapos ay piliin ang mga salitang nagpapakita
ng paggalang at pagsasaalang-alang sa kanyang
damdamin at isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Sasabihin
Tutuksuhin
sa guro

Ipaaalam sa Ipamamalita sa
kanyang mga kapwa
magulang bata upang siya
aay pagtawanan

Tutulungan Pagagalitan

20
Gawain 4
Panuto: Pag-ugnayin ang sitwasyon sa Hanay A at Hanay
B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang
papel.

Hanay A Hanay B
1. Kumain kami ng haounan a. Hihingi ako ng
sa isang restawran pasensya sa kanya
2. Napagalitan ako ng aking b. Ipagtitimpla ko siya
guro ng juice at
3. May sakit ang bunso mong pagpapahingahin
kapatid c. Tutulungan ko siyang
4. Kauuwi lamang ni Nanay tumayo at aalalayan
mula sa pagtitinda ng d. Ililigpiy ko ang aming
gulay pinagkainan
5. Nadapa ang iyong e. Aalagaan ko siyang
kaibigan habang kayo ay mabuti hanggang siya
tumatakbo ay gumaling

Isaisip

Ang _______________ at ____________________ sa


damdamin ng iba ay pagpapakita at pagpaparamdam
ng kabutihan at respeto sa ating kapwa. Ito rin ay ang
pagtanggap at pag-unawa natin sa kung ano man ang
kanilang mga katangian, kakayahan, katayuan sa buhay
at iba pa.

21
Isagawa
Paano mo maipakikita ang paggalang at
pagsasaalang-alang sa damdamin ng mga sumusunod
na tao sa larawan? Piliin at isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.

1.  Kakaibiganin
 Pagagalitan
 Ipapahiya
 Sasaktan

2. pulubi

kamag-aral
 Lalaitin
 Pagtatawanan
 Pakakainin
 Sisipain

_______________________________

3.  Sisigawan
 Mamadaliin
 Igagalang
_______________________________________________
 Pagagalitan

tindera
22
 Tutuksuhin
4.  Gagayahin
 Hindi papansinin
_____________________________________
 Aalalayan

_____________________________________
5.
 Magkakalat
 Tutulungan
may kapansanan  Sisitahin
 Pagmamalakihan

dyanitor

Tayahin
Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon sa ibaba at suriin
kung ano ang dapat mong gawin. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Dalawa ang trabaho ng iyong nanay para


masuportahan kayong dalawa ng kapatid mo. Inutusan
ka niyang tulungan siyang gumawa ng iba pang
gawaing bahay.
a. Magdadabog dahil hindi ka sang-ayon sa utos
niya.
b. Susundin ang iyong nanay upang siya ay sumaya.
c. Papayag ngunit hindi siya susundin.
d. Hindi papansinin ang iyong nanay.

23
2. May bago kang kamag-aral na nagmula sa ibang
lugar. Nakita mo siyang nag-iisa at walang gustong
kumausap sa kanya.
a. Hindi ko siya kakausapin.
b. Aawayin ko ang bago kong kamag-aral.
c. Kakausapin at kakaibiganin ko siya.
d. Tutuksuhin ko siya dahil wala siyang kaibigan.

3. Napansin mong walang lapis ang iyong kaibigan kaya


wala siyang magamit sa pagsagot sa inyong
pagsusulit.
a. Pahihiramin ko siya ng lapis upang makapagsagot
siya.
b. Hahayaan ko siya upang walang maisagot.
c. Isusumbong ko sa aming guro upang mapagalitan
siya.
d. Sasabihin sa aking kamag-aral na huwag siyang
pahihiramin.

4. Nakita mong sinasabayan ng katabi mo ang


nagsasalita sa inyong harapan. Napansin din iyon ng
nagsasalita ngunit hindi niya sinuway ang iyong katabi.
a. Makikinig na lang ako at hindi ko siya papansinin.
b. Pagtatawanan ang nagsasalita sa harapan.
c. Makikipag-usap nalang ako sa aking katabi.
d. Pagsasabihan ko ang aking katabi na makinig sa
nagsasalita.

24
5. Narinig mong pinag-uusapan ng dalawang bata ang
iyong kapitbahay na may kapansanan habang sila ay
tumatawa.
a. Lalapit sa dalawang bata at tatawa kasama sila.
b. Sasabihin sa may kapansanan na
pinagtatawanan siya.
c. Susuwayin ang dalawang bata at ipaaalam ang
kondisyon nito.
d. Gagayahin ang kilos ng batang may kapansanan.

Karagdagang Gawain
Panuto: Basahin ang mga pangungusap sa bawat
bilang. Piliin ang hugis ng angkop na sagot sa bawat
sitwasyon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

Manghihingi ako ng tawad sa kaniya.


Tutulungan ko siya upang mabilis siyang
makatapos.
Makikinig lamang ako sa kaniyang sasabihin.
Sasabihin ko sa kaniya na pagbutihin pa sa
sususnod.
Maghihintay pa rin ako sa pila.

1. Mahaba ang pila sa kantina ngunit gutom na gutom


ka na.
2. May mensaheng sinasabi ang inyong punongguro
pagkatapos ng pagtataas ng bandila.

25
3. Umiiyak ang kaklase mo dahil natalo siya sa laro.
4. Nakita mong naglilinis ang iyong guro sa loob ng silid
aralan.
5. Natapakan mo ang paa ng isang matanda habang
ikaw ay naglalakad.

26
27
Karagdagang gawain Tayahin Isagawa
1. 3 1. d 1.
2. b 2. b
2.
3. d 3. c
3.
4. c 4. d
4.
5. a 5. c
5.
Gawain 4 Gawain 3 Gawain 2
1. Mali 1. Negatibo 1. d
2. Tama 2. c
3. Mali 2. Negatibo 3. e
4. Tama 4. a
5. Tama 3. Positibo 5. b
4. Negatibo
5. Positibo
Gawain 1 Balikan Subukin
1. Nakipag-ayos 1. C 1. /
2. Tulong 2. B 2. x
3. Pagttanggap 3. A 3. /
4. Nagpasalamat 4. D 4. x
5. Lumayo 5. B 5. /
Aralin 1
Susi sa Pagwawasto
28
Tuklasin
Gawain 2
● paggalang sa damdamin ng iba
● upang maunawaan ang pinag- 1. x
aaralan 2. x
● "po" at "opo" 3. /
● sa taong mapagbigay at 4. /
5. /
tumutulong sa atin
● ang Dakilang Lumikha
Gawain 3
-Sasabihin sa guro
Pagyamanin
-Ipaaalam sa magulang
Gawain 1 - Tutulungan na siya ay
maging malinis
1.
2.
3. Gawain 4
4.
5. 1. D
2. A
3. E
4. B
5. C
Isagawa
Tayahin
1. Kakaibiganin
2. Pakakainin 6. C
3. Igagalang 7. B
4. Aalalayan 8. E
5. Tutulungan 9. D
10. A
Isaisip
Karagdagang Gawain
Paggalang
1.
Pagsasaalang-alang
2.
3.
4.
5.
Aralin 2
Sanggunian

Department of Education. 2013. K to 12 Health


Curriculum Guide. Unang Edisyon. Pasig City.
Acessed aate July 10, 2020. https://www.deped.
gov.ph/wp-content/ uploads/2019/01/Health-
CG_with-tagged-math-equipment.pdf

Department of Education. 2020. Most Essential


Learning | Search Results | Department of
Education. deped.gov.ph. Acessed date July 31,
2020. https://www.deped. gov.ph/?s=most
+essential+learning.

DepEd Order No 30, s. 2019. The Department of


Education Manual of Style. Ebook. Pasig City:
Public Affairs Service-Publications Division
Department of Education Central Office.
Accessed July 10, 2020. https://www.deped.gov.
ph/wp-content/uploads/2019/10/DO_s2019_030-
2.pdf.

Oabel, Edna C., et al. 2013. Music, Art, Physical


Education and Health-Ikalawang Baitang,
Kagamitan ng Mag-aaral. Pasig City. DepEd-
IMCS

Oabel, Edna C., et al. 2013. Music, Art, Physical


Education and Health - Ikalawang Baitang,
Patnubay ng Guro. Pasig City. DepEd-IMCS.

29
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like