You are on page 1of 16

Ang Yaman ng Bayan, Ramdam ba ng Lahat ng Mamamayan?

NINA DONNA DELA CRUZ, REANA SABENANO, ANDRE’ TONDO

Ang mga imprastraktura sa Metro Manila ay kabilang sa ating mga nakikita sa


ating pang-araw-araw na buhay. Subalit, madalas binabalewala lamang nating
mga mamamayan ang kahulugan at kahalagahan ng bawat kalagayan, lokasyon, at
pagtayo nito. Inilalarawan ng mga imprastraktura ng ito ang hindi makatarungang
pagpapalawak ng agwat ng mga mahihirap sa mga mayayaman. Ginamit ng
pananaliksik na ito ang teoryang urban segregation upang suriin ang mga
nakatagong konotasyon ng mga imprastraktura. Ang penomenang ito ay ang
paghahati ng mga tao dahil sa mga socioeconomic na salik. Bibigyang-diin ang
aspetong sosyolohikal na diskriminasyon at aspetong heograpikal na pagkakalayo
at pagbubukod upang iugnay ang imprastraktura sa pagpalaganap ng dystopia.
Ang dystopia, o hindi pagkakapantay-pantay sa lipunan, ay umiiral dahil sa
sistemang kapitalismo. At kaya pinili ng pananaliksik ang mga shopping mall
kung saan makikita ang iba’t ibang pasilidad. Sinuri rito and dalawang
kinakatawan na mall na Newport Mall sa Pasay City at U.P. Town Center sa
Quezon City. Natuklasan na ang mga dayuhang pamilihan na tinatakan bilang
“high-end” at “top-tier” ay tunay na ginagawang eksklusibo ang ang mga mall
para lang sa may kaya. At kaya nananaig ang diskriminasyon sa mahihirap. Sa
labas ng pantasya ng mga ito, ang kakulangan ng mga pampublikong
transportasyon o kaya naman ang katagalan at kamahalan makasakay dito ay
nagdudulot ng pagkakalayo. Higit pa roon, ang pag-iiral ng mga slum areas sa
paligid lang ng mga mall ay simbolo ng pagbubukod. Tunay na hanggang
abot-tanaw na lamang sa mall ang kaya ng mga residente rito. Sa mga dahilang
ito, angkop na tawaging ang imprastrakturang ito bilang dystopic. Ang urban
segregation ay naiuugnay pabalik sa kapitalismong sistema na umiiral sa mga
mall. Marahil na ipahayag na ang mga imprastrakturang ito ay simbolo ng
pag-unlad ng bansa, subalit nararapat lang na idiin ang paglahad na hindi lahat
nakikinabang dito. Nais ng pananaliksik na ito na magamit ng ating lipunan ang
ating impluwensiya upang bigyang kamalayan ang mga kapakanan ng mga
mahihirap.

Susing Salita: Imprastraktura, Newport Mall, UP Town Center, Dystopic, Social


Segregation
Kamakailan lamang, naranasan ng isang miyembro namin na maimbita ng kaniyang

kakilala na pumunta sa sale ng isang eksklusibong fashion brand. Kay saya niyang inisip ang

maaari niyang bilhin ngunit halos mangiyak-iyak siya sa hirap at pagod sa biyahe papunta doon.

Ang mga daanan na dapat para sa mga tao ay tinatayuan ng mga gusali o pinapalawakan ng

kalsada. Ilang oras naglalakad upang hanapin ang maaaring tawirin o kaya’t halos mabanggaan

na lang ng mga sasakyan. Sa istasyon naman, naglalaban ang mga komyuter makapasok sa tren -

mataas pa nga ang pamasahe nito. Kung makapasok man ay nagsisiksikan at dikit-dikitan ang

mga balat. Sa mismong sale na dinaluhan, bagaman nakakatukso bumili dahil ng madami sa

pinababang presyo, hindi maiiwasan isipin na mahal pa rin ang mga produkto. Sa kanyang

pag-uwi, hindi niya na binalak pa sumakay ng kotse pauwi, taxi man o Grab, dahil sa taas ng

presyong inaabot nito. Tunay na nakapanghihina kung gaano kahirap maabot ang magandang

kalidad ng buhay dito sa siyudad na naimpluwensyahan ng transportasyon, pamilihan, at lalo na

ang imprastraktura.

Ang imprastraktura, ayon sa diksyunaryong Oxford, ay ang mga pangunahing

istrukturang pisikal at pang-organisasyon na kinakailangan sa operasyon ng isang lipunan.1 Mula

sa mga kalsada habang bumabiyahe at mga condominium na tinitirahan, kasama ang mga

pasilidad na pinagkukunan ng pangangailangan (katulad ng tubig at kuryente), malaking bahagi

ang ginagampanan ng imprastraktura sa buhay ng mga mamamayan. Ika nga nila, importante ang

imprastraktura sa pag-andar ng isang lipunan. Pinahahalagahan din ito bilang tanda at simbolo ng

pag-unlad ng bansa.

Madalas binabalewala lamang ng mga mamamayan ang konotasyon ng kalagayan,

lokasyon, at pagtayo ng mga imprastraktura. Halimbawa ay ang kasaganaan ng mga kalsada at

1
Oxford Learner’s Dictionaries, na-access Nobyembre 16, 2022,
https://www.oxfordlearnersdictionaries.com/us/definition/english/infrastructure/
haywey kumpara sa kakulangan ng mga sidewalk, overpass, at epektibong pampublikong

transportasyon. Halos pinapamukha nito na inuuna ang mga pribadong sasakyan sa halip ng mga

pedestrian at komyuter. Maaaring maobserbahan na ang mga pampublikong imprastraktura ay

masikip at hindi mabisa, kumpara sa malilinis at mahusay na dinisenyong lugar para sa mga

“piling tao.” Minsan halos halata naman ang agwat ng mga mahihirap sa mga mayayaman sa

siyudad ng Maynila kung saan makikita ang sabayang pag-iiral ng mga slum areas at mga

enclave ng mga mayayaman. Ngunit, mayroon pa ring nakatagong konotasyon na maaaring

obserbahan sa mga tilang ordinaryong imprastraktura. Nais suriin ng pananaliksik na ito kung

paano humahantong ang hindi pagkapantay-pantay ng mga tao mula sa pagkatayo ng mga

imprastraktura.

Paano nga ba madidiskubre ang konotasyon ng mga imprastraktura? Mahalagang tingnan

kung ang imprastrakturang tinatakan para sa paggamit ng publiko ay tunay nga na lumilingkod

sa publiko. Kung hindi ito tinutupad at nagiging kapani-pakinabang sa kaunting tao lamang -

dahil sa kakulangan ng pagpaplano man o pagkakaunawa sa sitwasyon - ito ay may malaking

papel sa pagdagdag ng urban segregation. Ang urban segregation ay isang natural na penomena

na dati nang namamalagi sa lipunan. Madalas ang paghahati ng mga tao ay dahil sa mga

socioeconomic na salik. Lumalabas dito na may ilang hadlang ang mga iba’t ibang antas ng tao

sa kanilang akses sa serbisyo, aktibidad, at espasyo.2 Pahayag ni Caldeira tungkol sa

penomenang ito ay:

[In today's cities] … the feeling of exclusion is obvious, as they are denied access

to various areas and restricted to others. Affluent people who inhabit exclusive

2
Ana Luisa Maffini and Clarice Maraschin, “Urban Segregation and Socio-Spatial Interactions: A
Configurational Approach,” Urban Science 2, Blng. 3 (Hulyo 12, 2018): https://doi.org/10.3390/urbansci2030055.
enclaves also feel restricted … away from regions and people that their mental

maps of the city identify as dangerous.3

May dalawang aspeto ang urban segregation na may halaga sa pananaliksik na ito:

heograpikal at sosyolohikal. Ang heograpikal na aspeto kung saan ang pokus ay sa hindi-pantay

na distribusyon ng espasyo sa mga grupong ito sa pamamagitan ng pagkakalayo at pagbubukod.

Matagal nang naitala na ang mga lugar na sakop ng mga informal settlers families (ISF) ay

kadalasang kaugnay sa mga bagong world-class na espasyo na ipinatayo sa siyudad ng Maynila.

Ito ay mas pinapalala dahil sa kasaysayan ng pag-aalis ng karapatan ng mga mahihirap na

magmay-ari, lalong lalo na ang mga (ISF), upang mas mapalawak ang mga makabagong

world-class na distriktong ito.4 Isang halimbawa nito ay ang Barangay Sitio San Roque sa

Quezon City kung saan ipinaglalaban nila ang kanilang karapatan sa pagmamay-ari ng kanilang

komunidad. Sila ay patuloy na nakikibaka nang halos isang dekada laban sa malaking

korporasyon na Ayala Land Inc.5 Ang pokus ng sosyolohikal na aspeto naman ay ang kawalan ng

interaksyon ng mga grupo ng tao dulot ng diskriminasyon. Hindi lamang ang kakulangan ng

espasyong pampubliko ang problema. May kakayahang aregluhin ng class interactions ang

tinatawag na sense of place. Ito ang kaugalian ng mga tao na manatili sa relatibong

pagpoposisyon nila, na ipinakita sa pisikal na paghahati ng tao sa mga espasyong pampubliko.6

May malaking asosasyon ang mga taong madalas pumunta sa isang uri ng lugar sa damdamin ng

tao na iyon. Resulta nito ang madalas na pag-iiwas ng mga tao sa mga lugar na sa tingin nila ay

3
Tessa Caldeira, “Fortified Enclaves: The New Urban Segregation,” Public Culture 8, no. 2 (1996):
303–328, https://doi.org/10.1215/08992363-8-2-303.
4
Arnisson Andre Ortega, “Manila’s Metropolitan Landscape of Gentrification: Global Urban Development,
Accumulation by Dispossession & Neoliberal Warfare against Informality,” Geoforum 70 (Marso 2016): 35–50,
https://doi.org/10.1016/j.geoforum.2016.02.002.
5
Dania Reyes, “Sitio San Roque: In the Peripheries of Development,” New Mandala, Nobyembre 12, 2019,
https://www.newmandala.org/peripheries-of-development/.
6
Marco Garrido, “The Sense of Place behind Segregating Practices: An Ethnographic Approach to the
Symbolic Partitioning of Metro Manila,” Social Forces 91, Blng. 4 (Hunyo 2013): 1343–1362,
https://doi.org/10.1093/sf/sot039.
hindi sila nararapat dahil nahihiya at hindi komportable. Ang paghahati ng mamamayan base sa

kanilang socioeconomic status ay isang katangian ng lipunan na maaaring maiuugnay sa isang

dystopia.

Ang salitang dystopia ay madalas ginagamit upang ilarawan ang isang hypothetical na

lipunan o siyudad na may ilan sa mga sumusunod na katangian: pagkawala ng kalayaan at

hustisya, socioeconomic inequality, at iba pa.7 Ang dystopia ay nagpapahiwatig ng ideya ng

“utopia” na hindi maayos ang pagplano o, sa katotohanan, ay walang pagkakapantay-pantay sa

mga mamamayan nito. Umiiral ang ganitong estado ng lipunan dulot ng kapitalismo na hangarin

ay gawing kapaki-pakinabang ang lahat ng aspeto ng buhay ng tao. Sa lipunan na mayroong

nang nananaig na hindi pagkapantay-pantay, pinapalaki lamang ito ng kapitalismo.8 Ang isa sa

mga imprastrakturang umaasenso dulot ng kapitalismo ay ang mga mall.

Ang mga shopping mall ay nagsisilbing silungan ng mga Pilipino mula sa init, trapiko, at

kahirapan na nakikita at nararanasan sa siyudad. Hindi lamang ito nagsisilbi bilang retail space

kundi naglalaman din ng iba’t ibang pasilidad na may kinalaman sa kultura, relihiyon, kainan,

tirahan, at higit sa lahat, libangan. Kaya naman ang mall ay isang tipo ng imprastraktura na may

malaking papel sa araw-araw na gawain ng mga mamamayan.9 Paano nga ba kinakatawan ng

mga malls ang pagiging dystopic? Upang mabisa ang paglalarawan ng nabanggit na teorya,

bibigyan-diin ang dalawang kinakatawan na malls: ang Newport Mall at UPTC.

Ang Newport Resorts World or Newport Mall sa Pasay City ay isang internasyonal na

mall na kilala sa pagiging first integrated casino-resort.10 Dahil tapat lamang ito ng Terminal 3

7
Michael D. Gordin, Helen Tilley, and Gyan Prakash, “Introduction,” sa Utopia/Dystopia: Conditions of
Historical Possibility (Princeton University Press, 2010), 1-18.
8
Marius Florea, “The Cyberpunk Dystopia as a Reflection on Late Capitalism,” Journal for Social Media
Inquiry 2, Blng. 1 (2020): 63-74, https://doi.org/10.18662/jsmi.
9
Jore-Annie Rico and Kim Robert de Leon, “Mall Culture and Consumerism in the Philippines,” State of
Power 2017, TNI Longreads, 2017, https://longreads.tni.org/stateofpower/mall-culture.
10
Neil Jerome Morales, “Philippine Gambling Revenue Might Reach Pre-Pandemic Levels by 2026,”
Reuters, Hulyo 26, 2022,
ng NAIA, parehong mga turista at lokal ang dumadalaw dito. Kabigha-bighani rin ang mga

dayuhang tatak ng mga pamilihan, kainan, aktibidad, at pati na rin ang kabuoang tema ng

disenyo.11 Upang bigyan ng konteksto ang magarbong aktibidad dito, sa unang tatlong buwan ng

2022 lamang, ₱39B ang kinita ng gaming industry ng Pilipinas - kung saan kasama rito ang

Newport Mall.12 Isa pang halimbawa ay ang Wolfgang’s Steakhouse kung saan umaabot sa

~₱5600 ang isang steak.13 Bukod dito, hindi lamang ang mall ang tumatanggap ng papuri sa

ganda at pagka-eksklusibo kundi ang mga pumapaligid din na resort, hotels, condominiums, at

golf course. Tunay na nakaka-akit ang pagka-“high-end” ng kabuoang espasyo na ito.

Isa pang sikat na atraksyon ang U.P. Town Center (UPTC) sa Quezon City. Isang

pagmamay-ari ng Ayala Malls, itinayo ito sa ilalim ng long-term lease agreement ng Ayala

Corporation at ang Unibersidad ng Pilipinas, kung saan ang UPTC ay itinayo sa lupa ng dating

UP Integrated School.14 Dahil sa kasunduang ito, maaaring masasabi na ang UPTC ay para sa

mga estudyante ng UP - o kaya pinauunlakan man lamang ang mga ito. Mas abot-kaya rin ang

UPTC dahil ang kanilang target market ay ang mga iba pang mga estudyante, dormer, at may-ari

ng condominium units sa Katipunan Avenue. Kahit mas kaya ang akses sa UPTC kaysa sa

Newport Mall, iba ang masasabi sa mga produkto at serbisyo na inililingkod nito.

Maoobserbahan na karamihan sa mga produkto at serbisyo na inililingkod ng UPTC ay

galing sa mga tindahang dayuhan. Popular sa UPTC ang mga kainang Hapon katulad ng Ramen

Nagi, Marugame Udon, Dohtonbori, Pepper Lunch, at iilan pa. Marami ring makikitang mga

Amerikanong restaurant chains tulad ng Chili’s, TGIFridays, at Popeye’s. Sa karamihan ng mga

https://www.reuters.com/world/asia-pacific/philippine-gambling-revenue-seen-pre-pandemic-levels-by-2026-2022-0
7-26/.
11
“Top 10 Most High-End Malls in Metro Manila,” MyProperty.ph, Pebrero 13, 2019,
https://www.myproperty.ph/journal/2019/02/13/top-10-most-high-end-malls-in-metro-manila/.
12
Morales, “Philippine Gambling Revenue.”
13
Wolfgang’s Steakhouse, na-access Disyembre 4, 2022, https://main.wolfgangssteakhouse.ph.
14
“History of UPIS,” na-access Disyembre 2, 2022, https://www.upis.upd.edu.ph/history.html.
dayuhang kainan, para na bang pinamumunuan muli ng mga dating mananakop ang ating

kultura. At makikita naman ito sa mainit na pagtanggap ng mga mamamayan sa mga dayuhang

produkto na tila mas “mahalaga” pa ito. Hindi lang iyan, ngayong taon lamang ay mayroong

isang panibagong pang-akit ang UPTC. Ang Landers Superstore, na kilala sa mga “top-tier” at

imported na mga produkto15 ay nangangailangan ng membership fee na umaabot sa ₱700-900

kada taon upang bigyang-akses sa mga pamimili at serbisyo nito.16

Sa pangkalahatan, nangingibabaw ang mga dayuhang produkto at serbisyo sa loob ng

mga mall. Dahil dito, ang mismong mga pamilihan, kainan, at aktibidad na kanilang

ipinagmamalaki at ikina-capitalize ay abot-kaya para lamang sa mga mayayaman. Kaakibat ng

mindset ng mga Filipino na maganda ang kalidad kapag sinabing imported, tunay sa dalawang

mall ang pagiging eksklusibo. Kaya nagkakaroon ng diskriminasyon sa pagitan ng ordinaryong

mamamayan at sa mga kayang makabili ng luho. Kung iuugnay sa konsepto ng sense of place,

madaling makita kung paano iniiwasan ng masa ang mga mall na ito kung may nararamdaman

silang diskriminasyon.

Labas sa kaakit-akit na luho ng Newport Mall at U.P. Town Center, sa katunayan,

ipinatitindi lamang rin ng mga ito ang hindi pagkapare-pareho sa lipunan sa pagitan ng mall at

ang paligid nito. Hindi lang sosyolohikal ang epekto nito. Mula sa ibang katangian ng mga mall

na ito, maaari ring maobserbahan ang mga aspetong heograpikal na pagkakalayo at pagbubukod

sa lipunan.

Dagdag sa mamahalin at eksklusibong bilihan, sa labas ng pantasya na inilalarawan ng

Newport Mall, makikita na mahirap puntahan ito gamit ang tren, jeep, o bus sapagkat walang

direkta o madaling ruta patungo rito. Kung dadayo naman sa UPTC, bagaman marami-raming

15
Jane Kingsu-Cheng, “Landers Superstore Opens at UP Town Center,” Manila Bulletin, Setyembre 11,
2022, https://mb.com.ph/2022/09/11/landers-superstore-opens-at-up-town-center/.
16
Landers, na-access Disyembre 4, 2022, https://www.landers.ph/lofcustomermembership/buy.
pampublikong transportasyon ang dumadaan dito, mahal o matagal ang pagsakay dito. Ang

pinakamababang pamasahe sa LRT 2 kung saan kabilang ang istasyon ng Katipunan ay ₱11.17

Kung trisiklo ang pipiliin, aabot sa ₱50 ang pamasahe o kung kaya naman sa dyip, mag-aantay

pang mapuno ang mga pasahero bago umandar. Dito, ipinapamukha na para bang sadya na

inilalayo ang “high-end” na mga mall sa hindi kaya may mag-ari ng mga pribadong mga

sasakyan.

Higit sa lahat, maaaring sabihin na ang mga mall ay hiwalay sa realidad ng pulitika at

pagkapantay-pantay sa lipunan. Ang mga mall, kasama ang ibang pampublikong espasyo, ay

nagiging hindi kanais-nais na espasyo na hiwalay sa lipunan at katotohanan. Ito ay hindi lamang

dahil sa mga “piling taong” pinapahalagahan nito, pati na rin ang mga sistema ng seguridad at

transportasyon na dinisenyo para rito. Ani nina Saloma:

[A] potentially dangerous isolationism among middle-class Filipinos as they

move from one bubble (gated subdivision) via another bubble (private vehicle) to

yet other bubbles (air-conditioned workplace or mall).18

Ito ay nakikita sa tuluyang pagpapahamak at pagwawalang-bahala ng dalawang malls sa

pag-iiral ng mga slum areas na malapit sa lugar. Siksikang namumuhay malapit sa Newport Mall

at NAIA, umaabot sa 18,000 ang bilang ng mga ISF.19 Ito ay mailalarawan sa pigura 1 na kinuha

mula sa Google Maps. Makikita rito na hindi hihigit sa tatlong kilometro ang layo ng mga slum

areas na Brgy. 165, Brgy. 156, at Brgy. Western Bicutan sa Newport Mall. Pinapakita rin nito

17
LRTA, “Tickets and Fares,” GOVPH, na-access Disyembre 5, 2022,
https://www.lrta.gov.ph/tickets-and-fares/.
18
Czarina Saloma et al., “Locating Leisure and Belonging in Metro Manila: From Hyper-conditioned
Environments to Public Green Spaces,” Environment and Urbanization ASIA 12, Blng. 1 (Marso 15, 2021):
https://doi.org/10.1177/0975425321997776.
19
Ritchie Horario, “Slums Taint Pasay City’s Progress,” The Manila Times, Disyembre 16, 2013,
https://www.pressreader.com/philippines/manila-times/20131215/281715497430649.
ang kaibahan ng dalawang tanawin - maluwag at malinis ang isa habang siksikan at marungis

ang pangalawa.

Pigura 1. Mapa ng Pasay City na pinapakita ang Newport Resorts Mall at mga pumapaligid na

slum areas sa loob ng tatlong kilometro20

Parehas din ang tanawin sa heograpiya ng UPTC. Sa pigura 2, kapansin-pansin na mas

lalong maliit ang distansya ng mall sa mga slum areas. Higit na inilalarawan dito ang kaibahan

ng laki ng mall kumpara sa mga slum areas. Halos kasing laki ng espasyo ng mall ang isang

buong barangay at tila tuldok-tuldok na lang ang bawat bahay na makikita sa mapa.

20
Google Maps, Satellite view of Newport Mall and surrounding slum areas; Barangay 156 - Zone 16,
Tramo Riverside Basketball Court; Padilla, Semi-homeless slum-dwellers in Malibay, Pasay City; Hicap, The fire at
PNR Site in Barangay Western Bicutan; ZipMatch, Experience vibrant Newport City at night; Newport City Living,
Awesome Location!; Gonzales, A Day at the Newport Mall.
Pigura 2. Mapa ng Quezon City na pinapakita ang U.P. Town Center at mga pumapaligid na

slum areas sa loob ng isa’t kalahating kilometro21

Makikita sa mga larawan na ibang-iba ang estado ng mga lugar na ito. Kahit magkakatabi

at magkakadikit lamang, binubukod ng dalawang komunidad ang isa’t isa. Bukod sa inaagaw ng

mga mall ang espasyo ng mga slum areas, inaagawan din nito ang atensyon ng publiko. Pati ang

mga isyu ng mga residente sa mga slum area ay hindi binibigyang pansin. Halimbawa nito ang

Brgy. Western Bicutan kung saan 50 na bahay ang nasunog dahil gawa ito sa mga magaan na

materyales22 at ang Mary Town kung saan maaaring gumuho roon ang condominium na Berkeley

21
Google Maps, Satellite view of UPTC and surrounding slum areas; theAsianParent, U.P. Town Center
opens the first Landers Superstore; Sanchez, H&M; Rchitects, UP Town Center; Pedregosa, Entrance of Mary Town;
Geocities, Daan Tubo; Avelino, “WALK AT BARANGAY PANSOL.”
22
Jonathan Hicap, “50 houses razed, 4 hurt in Taguig fire,” Manila Bulletin, November 1, 2022,
https://mb.com.ph/2022/11/01/50-houses-razed-4-hurt-in-taguig-fire/.
Residences kung sakali magkaroon ng lindol sa Marikina Valley Fault.23 Balintuna na ang mga

mall na halos maykaya lamang ang pumupunta ay malapit sa mga lugar na maraming mahihirap.

Habang lumalaki ang espasyo, atensyon, at pera na nalilikom ng mga mall, ang mga hindi

gaanong pribilehiyo ay tuluyan nagdurusa, lalo na ang mga ISF na pumapaligid lang. Para sa

kanila, malapit man ang mga mall sa kanila, hanggang abot-tanaw lang ang kaya nila.

Matapos suriin ang dalawang mall, marahil na angkop sabihin na ang mga

imprastrukturang ito ay kinakatawan ang pagiging dystopic. Sa puno’t dulo nito, ang pag-asa ng

mga malls sa kapitalismo ay nagdudulot ng matinding urban segregation sa lipunan, na ating

naunawaan gamit ang tatlong aspeto. Mula sa malinaw na pagkakaiba ng espasyo,

transportasyon, at kayang bilhin, tunay na pinagsasamantalahan ng kapitalismo ang mga

mahihirap. Ika nga, posible ang pagtayo ng mga imprastrakturang ito sa tulong ng

neoliberalismo. Subalit, dulot din nito ang socioeconomic inequality, paglago ng mga monopoly,

kakulangan ng job security, at ang patuloy na hindi pagkakapantay-pantay sa mga

pangangailangan at kapakanan ng mga mamamayan.24 Kahit sabihin man na ang mga

pampublikong imprastraktura na ito ay para sa lahat, napaghahalaataan na hindi ganoon ang

kaso. Marahil na ipahayag na ang mga imprastrakturang ito ay simbolo ng pag-unlad ng bansa,

subalit nararapat lang na idiin ang paglahad na hindi lahat nakikinabang dito. Kaya tunay ang

kakulangan ng pagmamasid ng gobyerno, mga tagaplano ng lungsod, at mga kumpanya na

may-ari ng mga mall na ito sa pamumuhay at kalagayan ng mga mahihirap. Ang kanilang mga

neoliberal na polisiya na nagtataguyod ng “pampublikong espasyo” ay, sa katunayan,

ginagawang pribado na pumapabor lamang sa mga “piling tao.”

23
Herald Pedregosa, “UP ABOVE ALONG KATIPUNAN,” PALISTINIAN, September 24, 2015,
https://palistinian.wordpress.com/2015/09/24/up-above-along-katipunan/.
24
Liz Manning, “Neoliberalism: What It Is, With Examples and Pros and Cons,” Investopedia, huling
na-update Hulyo, 29, 2022, https://www.investopedia.com/terms/n/neoliberalism.asp.
Tanggapin man o hindi, nakakaimpluwensiya ang kapitalismo at neoliberalismo sa

publiko. At bagama’t hindi dapat sisihin, may tungkulin rin ang mga mamamayan sa

pagpapagana nito at samakatuwid, sa pag-iimpluwensiya sa lumalawak na urban segregation.

Ang inakalang pangkaraniwang imprastraktura ay sinuri, at natuklasan may nakatago pa lang

kapangyarihan ito sa lipunan. Nais ng pananaliksik na ipakita ang lumalaganap na problema

upang hindi manatiling bulag ang mga mamamayan. Bilang isang lipunan, nararapat na gamitin

ang impluwensiyang ito upang magbigay ng kapangyarihan sa kapwa mamamayan. Dagdag pa

rito, nagsisilbi rin itong kahilingan sa gobyerno na umakto sa kanilang responsibilidad at

pananagutan sa kapakanan ng bawat mamamayan sa lungsod, rural areas, at ang kabuuan ng

bansa patungo sa isang pantay na lipunan.


Ang Talasanggunian

Avelino, Isagani. “WALK AT BARANGAY PANSOL PROPER, QUEZON CITY


PHILIPPINES; IN THE HOTES TIME!” Youtube. Abril 2, 2022. Bidyo, 30:53.
https://www.youtube.com/watch?v=WXZ2_hNEAHo.

Barangay 156 - Zone 16. Tramo Riverside Basketball Court (Half Court). Facebook. Marso
14, 2022.
https://m.facebook.com/TramoRiversideKapEGAT/posts/1416298792142433?locale=n
e_NP&_rdr

Caldeira, Tessa. “Fortified Enclaves: The New Urban Segregation.” Public Culture 8, Blng..
2 (1996): 303–328. https://doi.org/10.1215/08992363-8-2-303.

Florea, Marius. “The Cyberpunk Dystopia as a Reflection on Late Capitalism.” Journal for
Social Media Inquiry 2, Blng. 1 (2020): 63-74. https://doi.org/10.18662/jsmi.

Garrido, Marco. “The Sense of Place behind Segregating Practices: An Ethnographic


Approach to the Symbolic Partitioning of Metro Manila.” Social Forces 91, Blng. 4
(Hunyo 2013): 1343–1362. https://doi.org/10.1093/sf/sot039.

Geocities. Daan Tubo Online Community Profile. Katipunan Avenue. Na-access Disyembre
2, 2022. http://www.geocities.ws/daantubo/.

Gonzales, Ana. Hulyo 1, 2017. A Day at the Newport Mall.


http://www.anagonzales.com/2017/07/a-day-at-newport-mall.html?m=1

Hicap, Jonathan. “50 houses razed, 4 hurt in Taguig fire.” Manila Bulletin. Nobyembre 1,
2022. https://mb.com.ph/2022/11/01/50-houses-razed-4-hurt-in-taguig-fire/.

Horario, Ritchie. “Slums Taint Pasay City’s Progress.” The Manila Times. Disyembre 16,
2013.
https://www.pressreader.com/philippines/manila-times/20131215/281715497430649.
Kingsu-Cheng, Jane. “Landers Superstore Opens at UP Town Center.” Manila Bulletin.
Setyembre 11, 2022.
https://mb.com.ph/2022/09/11/landers-superstore-opens-at-up-town-center/.

Landers. Na-access Disyembre 4, 2022.


https://www.landers.ph/lofcustomermembership/buy.

Maclaran, Pauline, Stephen Brown, and Lorna Stevens. “The Utopian Imagination: Spatial
Play in a Festival Marketplace.” European Advances in Consumer Research 4 (1999):
304–9.

Maffini, Ana Luisa, at Clarice Maraschin. “Urban Segregation and Socio-Spatial


Interactions: A Configurational Approach.” Urban Science 2, Blng. 3 (Hulyo 12, 2018):
55. https://doi.org/10.3390/urbansci2030055.

Manning, Liz. “Neoliberalism: What It Is, With Examples and Pros and Cons.”
Investopedia. Huling na-update Hulyo 29, 2022.
https://www.investopedia.com/terms/n/neoliberalism.asp.

Michael, Gordin, Helen Tilley, at Gyan Prakash. “Introduction.” Sa Utopia/Dystopia :


Conditions of Historical Possibility, 1-18. Princeton University Press: 2010.

Morales, Neil Jerome. “Philippine Gambling Revenue Might Reach Pre-Pandemic Levels by
2026.” Reuters. Hulyo 26, 2022.
https://www.reuters.com/world/asia-pacific/philippine-gambling-revenue-seen-pre-pand
emic-levels-by-2026-2022-07-26/.

Newport City Living. Awesome Location. Enjoy the community! Setyembre 23, 2013.
https://www.newportcityliving.com/tag/resort-world/.

Ortega, Arnisson Andre. “Manila’s Metropolitan Landscape of Gentrification: Global Urban


Development, Accumulation by Dispossession & Neoliberal Warfare against
Informality.” Geoforum 70 (Marso 2016): 35–50.
https://doi.org/10.1016/j.geoforum.2016.02.002.
Padilla, Al. LOOK. Semi-homeless slum-dwellers in Malibay, Pasay City pose a dilemma to
COVID authorities in enforcing stay-at-home regulation. Daily Tribune. Facebook.
Hulyo, 22, 2020.
https://m.facebook.com/tribunephl/photos/look-semi-homeless-slum-dwellers-in-maliba
y-pasay-city-pose-a-dilemma-to-covid-a/2635417870003239/

Pedregosa, Herald. “UP ABOVE ALONG KATIPUNAN.” PALISTINIAN. Setyembre 24,


2015. https://palistinian.wordpress.com/2015/09/24/up-above-along-katipunan/.

Rchitects. UP TOWN CENTER. Quezon City. Na-access Disyembre 3, 2022.


https://www.rchitects.ph/projects/project/up-town-center/

Reyes, Dania. “Sitio San Roque: In the Peripheries of Development.” New Mandala,
Nobyembre 12, 2019. https://www.newmandala.org/peripheries-of-development/.

Rico, Jore-Annie, at Kim Robert de Leon. “Mall Culture and Consumerism in the
Philippines.” State of Power 2017. TNI Longreads. 2017.
https://longreads.tni.org/stateofpower/mall-culture.

Saloma, Czarina, Erik Akpedonu, Cherie Audrey Alfiler, at Marlyne Sahakian. “Locating
Leisure and Belonging in Metro Manila: From Hyper-Conditioned Environments to
Public Green Spaces.” Environment and Urbanization ASIA 12, Blng. 1 (Marso 15,
2021). https://doi.org/10.1177/0975425321997776.

Sanchez, Jamie. “UP Town Center's new wing is totally a must-visit shopping destination.”
Agosto 9, 2016. Spot.ph.
https://www.spot.ph/shopping/the-latest-shopping/67358/up-town-center-new-wing-sho
pping-destination-a00023-20160809.

theAsianparent. “U.P. Town Center opens the first Landers Superstore in Ayala Malls.”
Na-access Disyembre 4, 2022.
https://ph.theasianparent.com/u-p-town-center-opens-the-first-landers-superstore-in-aya
la-malls.
“Top 10 Most High-End Malls in Metro Manila.” MyProperty.ph. Pebrero 13, 2019.
https://www.myproperty.ph/journal/2019/02/13/top-10-most-high-end-malls-in-metro-
manila/.

Wolfgang’s Steakhouse. Na-access Disyembre 4, 2022.


https://main.wolfgangssteakhouse.ph.

ZipMatch. Experience vibrant Newport City at night with its trendy hot spots and
entertainment. Setyembre 16, 2014.
https://www.zipmatch.com/blog/newport-city-things-to-know/.

You might also like