You are on page 1of 1

Name: ____________________________________________

Grade & Section:___________________________________

Babasahin 2 (Baitang 3-6)


Date: February 20, 2023

Basahing mabuti.

Ang Pagbabagong Anyo ng Palaka

Ikinuwento ni Jun sa kaniyang ina ang natutuhan niya sa


paaralan.

“Ang palaka po pala ay may tatlong yugto ng kanyang


buhay. Una po, nabubuhay sila bilang isang itlog na nababalutan ng likidong malapot
upang di sila makain ng ibang hayop sa tubig. Pangalawa, sila ay nagiging butete na
may hasang at buntot upang sila ay makahinga at makalangoy sa tubig. Sa paglipas
ng mga araw, nabubuo ang baga nito kasabay ang pagkawala ng buntot at hasang.
Napapalitan ito ng mga mga paa upang sila ay makapamuhay sa lupa bilang isang
ganap ng palaka.”

“Magaling talaga ang anak ko. Natandaan mo ang inyong


leksyon sa araw na ito.” Sabi ng kaniyang natutuwang ina.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


1. Ano ang pamagat ng kuwento? ____________________________

2. Ilan ang pagbabagong anyo ng palaka? ____________________

3. Ano ang ikalawang yugto ng buhay ng palaka? _____________

4. Bakit hindi nakakain ng ibang hayop sa tubig ang itlog ng


palaka? ____________________________________________________

5. Anong magandang katangian mayroon si Jun?______________

You might also like