You are on page 1of 6

Learning Area FILIPINO Grade Level 5

W4 Quarter IKATLONG KWARTER Date

I. LESSON TITLE Paggawa ng Timeline/ Pagsasalaysay ng napakinggang teksto/ Opinyon o


Katotohanan
II. MOST ESSENTIAL LEARNING Nakagagawa ng isang timeline batay sa nabasang kasaysayan. F5PB-Ie-18
COMPETENCIES (MELCs) Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto. F5PS-IIIf-h-6.6
Nasusuri kung ang pahayag ay opinyon o katotohanan. F5PB-IIIf-h-19
III. CONTENT/CORE CONTENT Naipamamalas ang iba’t ibang kasanayan upang maunawaan ang iba’t
ibang teksto at kakayahan at tatas sa pagsasalita sa pagpapahayag ng
sariling ideya, kaisipan, karanasan at damdamin.

● Natutukoy ang mahahalagang impormasyon sa paggawa ng timeline


mula sa binasang/ napakinggang kasaysayan o teksto at nasasabi ang
opinyon o katotohanan base sa isang pahayag.

● Nakakasulat ng isang timeline at naisasalay batay sa


nabasang/napakinggang kasaysayan at nakikilala kung ang isang
pahayag ay opinyo o katotohanan.

● Napapahalagahan ang paggawa ng timeline sa nabasang kasaysayan,


pagsasalaysay sa napakinggan teksto at naipapahayag ang sariling
opinyon o katotohanan base sa isang pahayag.

Suggested
IV. LEARNING PHASES Learning Activities
Timeframe
A. Introduction 30 minuto Inaasahan na pagkatapos ng araling ito, ay maggawa mo ang isang
Panimula timeline batay sa nabasang kasaysayan, maisasalaysay mo nang wasto ang
tekstong napakinggan at matutunan mo ang mapanuring pagsusuri ng opinyon o
katotohanan sa isang pahayag.
Ang timeline ay isang grapikong pantulong na nagpapakita ng
pagkasunud-sunod ng mga pangyayari sa pamamagitan ng linya.
Tumatalakay ito sa salitang oras o panahon. Sa madaling kahulugan, ito ay
talahanayan ng mga importanteng kaganapan sa mga nakaraang taon. Maari
din namang listahan ng mga partikular na kaganapan na lumipas na. Maari din
itong isang plano na nagpapakita kung gaano katagal aabutin ang isang
bagay o kailan mangyayari ang mga bagay.
Maaaring ayusin ang timeline ayon sa oras, petsa o pangyayari na may
maikling paglalarawan o detalye tungkol dito. Makakatulong sa higit na
pang-unawa ng mga mag-aaral kung lalagyan ng larawan kaugnay ng paksa
ang timeline.
Pag-aralan ang halimbawa ng timeline sa ibaba.
Mga Naging Pangulo sa Pilipinas

Ramon Diosdado Corazon Joseph Benigno


Magsaysay Macapagal Aquino Estrade Aquino III
1953 1961 1986 1998 2010
1948 1957 1965 1992 2001 2016
Elpidio Carlos Ferdinand Fidel Gloria Rodrigo
Quirino Garcia Marcos Ramos Arroyo Duterte
Para mas lubos mo pang maunawaan ang araling sumangguni sa: Alab
Filipino 5 p. 140 – 141. Agarrado, P.C., Francis, M.L., Guerrero, P.R., Gojo Cruz, G.R.,
(2016). https://www.joserizal.com/talambuhay-ni-dr-jose-rizal/
https://tl.wikipedia.org/wiki/Pandemya_ng_COVID-19_sa_Pilipinas
Sa pagkakataon ito, pag-aralan mo naman ang pagsasalaysay base sa
tekstong napakinggan.
Ang teksto ay babasahin na naglalaman ng mga ideya tungkol sa
iba’t-ibang tao o impormasyon at sa mga napapanahong isyu sa ating paligid.
Ang pagsasalaysay ay nagpapahayag na may layuning mag kuwento ng
mga pangyayari. Ito ay may dalawang uri: ang pasalita o pasulat na paraan ng
pagsasalaysay.
Ang kakayahang makapagsalaysay muli ay isang patunay na may
nakuhang bagong kaalaman ang isang indibidwal mula sa kaniyang pakikinig.
Ang kakayahan ding ito ay makatutulong upang maihatid ang naiisip o
nadarama sa napakinggang teksto.
Mahalagang maunawaan ang pinakikinggan nang sa gayon ay matutunan
mo ang nilalaman ng teksto.
Upang lubos na malingan ang kakayahan mo sa pagsasalaysay ay maari
mong sabahin ang mga sangguniang ito. Hiyas sa Pagbasa 5, Binagong Edisyon,2010,
pp. 80-83, Alab Filipino Batayang Aklat, Quezon City: Vibal Group, Inc., 2016, pp. 8, 214-215,
https://pinoycollection.com/pabula-halimbawa/#Si-Paruparo-at-si-Langgam)
Mas palalimin mo pa ang iyong kaalaman tungkol sa opinyon o
katotohanan base sa isang pahayag. Ano ba ang pagkakaiba ng opinyo sa
katotohanan? Anu ano ang mga palatandaan o pahiwatig para malaman na
ang isang pahayag ay opinyon?
Opinyon ay isang pahayag na nagsasabi kung ano ang iniisip o nadarama ng
isang tao tungkol sa bagay o isyu.
Masasabi natin na ang isang pahayag ay opinyon o kuru-kuro ay isang
saloobin, palagay o paniniwala ng isang tao. Ito ay maaaring walang sapat na
batayan.
Ang isang opinyon ay madali ring matutukoy sapagkat karaniwang
ginagamitan ito ng mga pahiwatig tulad ng:
● Sa aking palagay
Halimbawa: Sa aking palagay matatagalan pa bago mawala ng lubusan
ang COVID-19.
● Naniniwala ako na
Halimbawa: Naniniwala ako na may siyam na buhay ang pusa.
● Marahil
Halimbawa: Kahit ginagawa ng mga guro ang lahat ng paraan marahil
hindi pa rin ito sapag para mapatuto ang mga bata ngayon may
pandemya.
Katotohanan ang isang pahayag kung nagsasabi o nagsasaad ng mga bagay o
pangyayaring naganap.
Masasabing katotohanan kung may sapat na batayan o patunay. Ito ay
mga pangyayaring tunay na naganap o nangyari.
Halimbawa:
1. Sumabog ang Bulkang Taal noong Enero 12, 2020.
2. Halos boung mundo ang naapektuhan ng COVID-19.
Para mas lubos mo pa maunawaan ang aralin tungkol sa opinyon at
katotohan, tignan ang batayang aklat sa Pinagyamang Edisyon BINHI 5 Wika at
Pagbasa sa Elementarya, pahina 249, 263, 275. Alab 5, pahina 145.
B. Development 40 minuto Ngayon ay nalaman mo na kung paano gumawa ng timeline. Subukan
Pagpapaunlad naman natin ang iyong natutnan hinggil dito. Sagutan mo ang unang
pagsasanay.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 1
Basahin ang teksto sa Alab Filipino 5, Aralin 5, pahina 140-141. Gumawa ng
timeline na nagpapakita sa mga pangyayaring naganap. Gamitin ang Rubriks sa
paggawa ng timeline. Gawin ito sa iyong kwaderno.
RUBRIKS MGA PAMANTAYAN SA PAGSULAT NG TIMELINE
Kailangan ng
Napakahusay Mahusay Katamtaman
Pagsasanay
(5 puntos ) (4 puntos ) (3 puntos )
(1 puntos )
Nilalaman Lahat ng Kakaunti ang Iilan ang Halos lahat ng
at impormasyong impormasyon impormasyong impormasyon
kaangkupa kinuha ay tama g kinuha ay kinuha ay tama g kinuha ay
n ng at tama at at mali at hindi
ginamit na makabuluhan, makabuluhan, makabuluhan, angkop ang
grapikong angkop ang medyo hindi malinaw grapikong
pantulong grapikong angkop ang ang grapikong pantulong na
pantulong na grapikong pantulong na ginamit upang
ginamit upang pantulong na ginamit upang sapat na
sapat na ginamit upang sapat na maunawaan
maunawaan sapat na maunawaan ang mensahe
ang mensahe maunawaan ang mensahe
ang mensahe
Mahusay! binabati kita. Sa puntong ito, susubukan mo ang iyong kakayahan
sa pagsasalaysay base sa tekstong iyong napakinggan.
Upang mas malinang ang iyong kaalaman, gawin mo ang kasunod na
pagsasanay.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Sa tunong ng kasama sa bahay, ipabasa ang teksyo na nasa Alab Filipino 5,
Aralin 5, pahina 140-141. Sundin ang mga pamantayan sa pagsasalaysay upang
mas lubos na maunawaan.
RUBRIKS SA PAMANTAYAN SA PAGSASALAYSAY
Nangangailangan
Napakahusay Mahusay Katamtaman
NILALAMAN ng pagpapabuti
5 4 3
1
Kalinawan at Nakapalinaw Hindi Magulo at Hindi
kaayusan ng atmaganda masayadong hindi malinaw nakapagsalaysay
pagkakasala ang pagkaka malinaw at ang
ysay salaysay hindi pagkaka
maganda ang salaysay
pagkaka
salaysay

Para sa karagdagan gawain maari mong tignan ang mga uniang ito: Manunulat
ng Bulilitin, Pasoj sa Division Schools Press Conference -Alab Filipino Batayang Aklat,
Quezon City: Vibal Group Inc., 2016 p. 8. Jose Blanco-Hiyas sa Pagbasa 5, Bagong
Edisyon, 2010, pp. 80-83
Magaling ! Muli ay binabati kita. Subukan mo naman ang mapanuring
pagsusuri mo sa pagpapahayag ng opinyon o katotohanan base sa isang
pahayag.
Dagdagan mo pa ang iyong kaalaman kung masasagutan mo ang
susunod na gawain.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 3
Base sa binasang teksto. Suriin kung ang sumusunod na pahayag. Isulat ang
OPINIYON, kung ito ay kuru-kuro, saloobin, palagay o paniniwala ng isang tao at
KATOTOHANAN, kung ang pahayag ay nagsasabi o nagsasaad ng mga bagay o
pangyayaring naganap at may sapat na batayan o patunay. Isulat ang sagot
sa iyong kwaderno.
1. Bumalik si Ninoy Aquino noong Agosto 21, 1983 sa Pilipinas.
2. Natalo si Cory marahil siya ay labis na dinaya.
3. Sa kabila ng pagharang ng mga military at sundalo naniniwal ako dahil sa
gutomna dinanas ng mga Pilipino kaya naging malaya ang bansa.
4. Sa loob ng apat na araw, nagkapit-bisig ang mga militar, relihiyoso, politiko at
mga ordinaryong Pilipino.
5. Nakilala ang Pilipinas sa buong mundo bilang isang bansa na mapayapang
nakapagpatalsik ng isang diktador na pangulo.
Para mas lubos mo pa maunawaan ang aralin tungkol sa opinyon at
katotohan, tignan ang batayang aklat sa Pinagyamang Edisyon BINHI 5 Wika at
Pagbasa sa Elementarya, pahina 263.
C. Engagement 40 minuto Palalimin mo pa ang iyong pagkaunawa sa aralin, subukin mo ang iyong
Pakikipagpalihan kaalaman sa pagsagot sa mga gawain.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 4
Basahin ang teksto sa ibaba. Gumawa ng timeline na nagpapakita sa mga
pangyayaring naganap sa talata. Gamitin ang Rubriks sa paggawa ng timeline,
tignan sa gawain 1. Gawin ito sa iyong kwaderno.
Kwebang Saksi sa Kasaysayan ng Himagsika
Malinaw pa ang mga detalye ng digmaan mula sa mga kwento ni Mang
Arseng, mga kwentong paulit-ulit na sinalaysay ng kanyang lolong beterano noon
panahon ng mga Kastila.
Isa itong karangalan para sa kanya dahil sa mahigit 5,000 kataong
naninirahan sa Barangay Pangil, sa bayan ng Amadeo, bukod tanging siya
lamang ang magarang nakakapagkwento ng kasaysayan ng kweba.
Sa isang liblib na bahagi ng barangay, makikita ang mga mumunting
kweba na di umano’y naging kanlungan ng mga katipunerong taga Amadeo at
kumanlong sa kanyang mga kasamahang katipunerong mula sa ibang bayan.
“Ayon sa aking lolo, dahil kawalan ng masisilungan ang mga katipunero
noon, mas komportableng pahingaan nila ang kwebang malapit sa ilog. Mas
sariwa ang hangin at tanging lagaslas lamang ng tubig ang maririnig bukod sa
tago ang lugar mula sa kababayan,” panimula ni Arsenio Romasanta, 89, habang
itinuturo ang kweba.
Noong pumutok ang mga pag-aaklas sa iba’t ibang panig ng
Katagalugan kasabay ng sunod-sunod na pagdakip at pagpatay sa mga Pilipino
noon, ginawa nilang kuta ang kweba. Naging pananggalan ang yungib sa mga
napipintong pagsalakay ng mga Hapon.
Naghanap sila ng mga Pilipinong nais sumapi sa Katipunan at hindi rin
naman sila nabigo,” paliwanag ni Mang Arseng.
Patuloy pa rin ang kwento ng kasaysayan ni Mang Arseng na sa bawat
pangungusap na binibitiwan, humuhulma ito ng isang larawan ng pakikibaka ng
mga Pilipino noon. Maraming kwento na ang narinig tungkol sa kanila ngunit
naiiba sa lahat ang kwento ni Mang Arseng.
Likha ni: ROLANDO C. BAYBAY
Gawain sa Pagkatuto Bilang 5
Sa tunong ng iyong magulang o kasama sa bahay, ipabasa ang teksto na nasa
Gawain 4. Sundin ang mga pamantayan sa pagsasalaysay, tignan sa gawain 2
upang mas lubos na maunawaan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 6
Base sa binasang teksto sa itaas. Suriin kung ang sumusunod na pahayag. Isulat
ang OPINIYON, kung ito ay kuru-kuro, saloobin, palagay o paniniwala ng isang
tao at KATOTOHANAN, kung ang pahayag ay nagsasabi o nagsasaad ng mga
bagay o pangyayaring naganap at may sapat na batayan o patunay. Isulat
ang sagot sa iyong kwaderno.
1. Sapalagay ko si Mang Arseng ay isa sa mga katipunero na naan sa kweba.
2. Matatagpuan ang kweba sa bayan ng Amadeo.
3. Sapatagal ko nangamatay ang mga katipunero sa gutom dahil sa kweba sila
nakatira.
4. Marahil na naging katipunero ang buong pamilya ni Mang Arseng.
5. Sa isang liblib na bahagi ng barangay, makikita ang mga mumunting kweba.
D. Assimilation 20 minuto Buoin ang talata sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa patlang. Gawin ito sa iyong
Paglalapat kwaderno.
Ang ______ ay isang grapikong pantulong na nagpapakita ng
pagkasunud-sunod ng mga pangyayari sa pamamagitan ng___________. Ang
kakayahang makapagsalaysay muli ay isang patunay na may nakuhang ________
ang isang indibidwal mula sa kaniyang pakikinig. Masasabi natin na ang isang
pahayag ay ________ ay isang saloobin, palagay o paniniwala ng isang tao.
Samantalang ang _________ kung may sapat na batayan o patunay. Ito ay mga
pangyayaring tunay na naganap o nangyari.
V. ASSESSMENT 40 minuto Basahin ang tekstong Ang Pagdakip kay Bonifacio, tignan sa enklosur sa ibaba.
(Learning Activity Sheets for Gawain sa Pagkatuto Bilang 7
Enrichment, Remediation or
Gumawa ng timeline na nagpapakita sa mga pangyayaring naganap sa talatang
Assessment to be given on
Weeks 3 and 6) nasa Enklosure. Gamitin ang Rubriks sa paggawa ng timeline, tignan sa gawain 1.
Gawin ito sa iyong kwaderno.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 8
Sa tunong ng iyong magulang o kasama sa bahay, ipabasa ang teksto na nasa
Enklosure Sundin ang mga pamantayan sa pagsasalaysay, tignan sa gawain 2
upang mas lubos na maunawaan.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 9
Base sa binasang tekstong Ang Pagdakip kay Bonifacio, tignan sa Enklosure. Suriin
kung ang sumusunod na pahayag. Isulat ang OPINIYON, kung ito ay kuru-kuro,
saloobin, palagay o paniniwala ng isang tao at KATOTOHANAN, kung ang
pahayag ay nagsasabi o nagsasaad ng mga bagay o pangyayaring naganap
at may sapat na batayan o patunay. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.
1. Naganap ang pagkahuli at pagpatay kay Andress Bonifacio sa lalawigan ng
Kabite.
2. Marahil maraming namatay sa naganap sagupaan sa pagitan ng dalawang
pangkat.
3. Sa aking palagay malaki ang galit ng pamahalaan laban kay Anders Bonifacio.
4. Nagyari ang madugong sapupaan ay noong April 28, 1897.
5. Naniniwala ako na nagsaya ang pangulong Emilio Aquinaldo sa pagkamatay
ni Andres Bonifacio.
VI. REFLECTION 10 minuto Magsulat sa iyong kwaderno ng iyongnararamdaman o realisasyon gamit ang
mga sumusunod na prompt:
Naunawaan ko na ___________________________________________________________
Nabatid ko na _______________________________________________________________
Naisasagawa ko na __________________________________________________________

Rolando C. Baybay
Prepared by: Karen Baje Checked by: Maribeth C. Rieta- EPS- Filipino
Mary Joy Labay

You might also like