You are on page 1of 1

KAREN B.

MATURAN BSED FILIPINO 3

“Ayos Naman”
Kumusta kami? Ito ayos lang naman

Katagang tila ba’y kay daling bitawan

Ama at ina sa kalalimlaliman

Batid ko ang hirap na pinagdaaanan

Sa pagsasaka ama, ika’y hirap na

Maging ina’y pagod na sa pagtitinda

Ilang ulit ko kayong kinakamusta

Ayos naman,tanging sambit na salita

“Hangad naming magandang kinabukasan”

Katagang tumatak sa aking isipan

Kaya sa kalungkutan o pagsubok man

Heto ako patuloy na lumalaban

Aking pangako ako’y magsusumikap

Working student kahit na ito’y mahirap

Sapagkat nais matupad ang pangarap

Para sa maganda ninyong hinaharap

You might also like