You are on page 1of 1

Purok 1 Mahayahay

Cayupo , Lila ,Bohol


Ika-7 ng Marso ,2023

Mahal kong Leizel,

Kumusta kana riyan sa Dubai ? Ilang taon na rin tayong hindi nagkita.Alam mo
miss na miss ko na marinig iyang tawa mo.Kailan kaba babalik rito? Kung alam mo
lang kay raming nagbago simula pag-alis mo.Naalala mo ang sinabi ko sayo noon na
gagawin ko ang lahat matupad lang ang pangarap kong maging guro,unti unti ko ng
tintahak ang landas na iyon.Alam mob a kung bakit? Ito kinikeri ko na ang pagiging
isang working student.Sadyang mahirap pa la talaga noong una,pero sa ngayon
patuloy akong lumalaban.Minsan nakakalungkot ,nangungulila lalo na pag ako lang
naiiwan mag-isa sa bahay.Tahimik na lang akong humihikbi.Di ko na kasi narinig ang
mga corny mong jokes.Nakakapagod din minsan ,pero dahil sa pangarap ko ,para sa
pamilya ko at para sa iyo, lahat titiisin ko.Salamat at is aka sa nag-udyok sa akin
upang marating ko ang kasalukuyan.Salamat sa mga panahong ikaw ang nagiging
sandalan ko sa oras ng kalungkutan at kasiyahan.Salamat sa mga alaalang binuo mo
na kasama ako.Salamat sa iyo,oh kaibigan ko.

You might also like