You are on page 1of 2

SULIRANING KULTURAL

Ang globalisasyon ay nagdulot para mas


lalong maunawaan ng bawat lahi ang
kanya kanyang mga kultura. Ang mga
tradisyonal na pananamit, pagkain at wika
ay madali nang ipapapamahagi sa mga
dayuhan. Ang mga ito ay nakakatulong sa
pagpapalaganap ng national identity ng
isang bansa.

Ngunit sa kabilang banda nito, kung ang


kultura ay natatalo ng mga mga dayuhang
ideya, ito ay maaaring magdulot ng
pagkawala ng pagkakilanlan ng ilang
pangkat ng mga tao. Ang mga minoridad
tulad ng mga kultura ng katutubong mga
tao ang higit na nasa panganib sa
pagpasok ng mga dayuhang kultura at
pananaw sa kanilang mga lugar.
Sa kasalukuyan, dama rin sa Pilipinas ang
impluwensiyang kultural ng mga Koreano
sa anyo ng pop culture dahil sa mga sikat
na pelikula, Korean nobela, K-pop culture,
at mga kauri nito. Ang lakas ng
impluwensiya ng mga nabanggit ay
makikita sa pananamit, pagsasalita at
pakikisalamuha ng maraming kabataang
Pilipino sa kasalukuyan

You might also like